You are on page 1of 29

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang paglalahad ng ekspresyon o freedom of expression sa Ingles ay isang karapatang

naaangkin ng isang tao mula sa kapanganakan sa isang bansang katulad ng Pilipinas.

Katunayan, isa sa mga seksyon sa ikatlong artikulo ng Bill of Rights, partikular sa ikaapat ng

seksyon ng nasabing artikulo ay nagsasaad na walang batas na maaaring maipasa na

naglalayong kunin ng sapilitan o suspendihin sa kahit anong oras ang karapatan ng mga

mamamayang mailabas ang saloobin tungkol sa mga bagay-bagay.

Ang paglalahad ng ekspresyon ay sumasaklaw sa iba't ibang dimensyon at mayroong

iba’t ibang anyo. Ito’y maaaring maging berbal o di-berbal, pasalita o pasulat. Sa

kasalukuyan, dumarami na ang mga iba’t-ibang disenyo at anyo ng paglalahad ng sariling

ekspresyon. Ito’y pinapatibay ng patunay at pagkilala sa Pilipinas bilang isang

demokratikong bansa kung kaya’t ang paglalahad ng sariling ekspreskyon ay

nakapaimportante sa bawat mamamayan. Isa sa mga anyo ng ekspresyon at marahil ay ang

pinakadalasang nagagamit lalong lalo na ng mga kabataan ay ang pagmumura.

Ang pagmumura o cursing sa Ingles ay ang pagsasalita ng mga bastos o vulgar na

mga sabi-sabi na nagmumula sa iba't ibang kadahilanan. Maaaring ito ay dahil sila'y tuwang-

tuwa o galit na galit sa kahit anong emosyong pumapagitna sa dalawang malalawak na

ekspresyon. Ang pagmumura ay hindi nabago sa mga tao sa buong mundo,kung noon ay
2

konserbatibo pa ang mga tao tungkol sa pagmumura ,ngayon ay parang simple na lamang na

bumunot ng mura mula sa bibig at sabihin ito sa mga madla. Sa katunayan, naisambit ni

Goffman noong 1978,na “Cursing that is automatic and reflexive may be produced with little

conscious awareness on the part of the speaker”, na nangangahulugan likas na sa tao ang

magmura dala ng iba't-ibang rason. Ito'y maaaring sa sikolohikalna pagpapalaki ng mga

magulang kaya natutunang magmura na rin ang mga bata, o hindi naman kaya ay mula sa

kaniyang kaibigan sa paaralan at komunidad , o kaya naman ay mula sa pagkakalantad ng tao

sa medya at internet. Ang mnga salik nito ay nagbibigay daan para mas malalim na

matutunan ng tao na magmura.

Ang pagmumura ay hindi isang bagong usapin sa makabagong panahon. Ito

ay kumbaga isang kasabay na aspekto ng pag-usbong at pag-unlad ng mundo sa larangan ng

teknolohiya, usaping nakasentro sa malikhaing pagpapahayag at iba pa. Ang pagmumura ay

isang paksang nangangailangan ng napakaraming pag-aaral dahil na rin sa komplikadong

estado nito, nahahati ang usapin patungkol dito kung ito ba ay makatarungan o hindi.

Marami ang mga sanhi ng pagmumura, ito man ay maging interpersonal o

intrapersonal, nabibilang rin dito ang pagkakalantad o exposure ng mga tao sa iba’t-ibang uri

ng medya. Maaari ring maiugnay ang pagkatuto na magmura sa konsepto ng “nature vs.

nurture”.

Kung marami ang sanhi, ay ganoon rin kadami ang bunga at epekto ng

pagmumura. Maaaring ito’y maging positibo man o negatibo. Sinasabi ng iilang kabataan na

kapag sila ay nagmumura, mas nagiging masayahin sila at mas nagiging komportable

makipaghalubilo at makipag-usap sapagkat wari nila’y nawawala na ang pormal na aspketo


3

at hindi na nila kailangang magpanggap pa kung paano nga ba ang tamang interaksyon sa

ibang tao.

Sa pag-aaral na ito, nilalayon ng mga mag-aaral na alamin ang iba't ibang sanhi kung

bakit ang mga estudyante ng Holy Name University Senior High School ay nagmumura, mga

uri ng pagmumura, epekto ng mga ito sa interpersonal at intrapersonal na dimensyon at kung

mayroon bang mga maaaring alternatibong paraan para mailahad ang sarili sa iba na hindi

gumagamit ng konsepto ng pagmumura.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pagmumura ay isang napalaking sikolohikal na isyu at isa na rin malawakang

suliranin sa mga mag-aaral na kabataan. Kung gayon, ang pag-aaral na ito ay isang

pagtatangka upang malaman ang pananaw at saloobin ng mga piling mag-aaral ng Senior

High School na mga mag-aaral hinggil sa pagmumura.

Nilalayon sa tesis na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga mag-aaral batay sa;

a. Sex at

b. Strand na kinukuha

2. Ano-ano ang mga pinakaginagamit nilang uri ng pagmumura?

3. Ano-ano ang mga naging sanhi para sila ay magmura?

4. Ano-ano ang pinagmulan ng kanilang pagmumura?


4

5. Ano-ano ang mga opinyon nila patungkol sa kung nakakabuti ba o nakakasama ang

magmura?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Nais matukoy ng mga mananaliksik ang tunay na dahilan at epekto ng pagmumura.

Ang pagmumura ay nakaàgbabago sa ating mga kaugalian at personalidad. Ang pagmumura

ay isang masamang salita na dapat malaman nila na kapag sila ay magsasalita ay meron itong

limitasyon dahil kapag ito ay na sobrahan ay nakapagsasakit ito ng damdamin ng

indibidwal.Sa mga magulang naman ay dapat nilang gabayan ang kanilang mga anak dahil

kadalasan sa mga nagmumura ay mga kabataan dahil naiimpluwensya sila sa mga taong

nakapalibot sa kanila lalo na ang kanilang mga barkada, na isa rin sa dahilan bakit sila natuto

magmura.

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makaktulong sa mga sumusunod:

Sa mga kabataan. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang

kanilang mga kaalaman kung ano ang mga epekto ng pagmumura sa kanilang kapwa at ano

ang mga dahilan kung bakit sila palaging nagmumura. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa kanilang tanggapin ang komplikasyon ng pagmumura at makaisip ng iba’t-ibang solusyon

para sila’y makaiwas sa pagmumura.

Sa mga magulang. Ang mga magulang ang siyang unang tao na mag-gagabay sa atin tungo

sa mabuting daan .Sila rin ang mga taong magpapayo sa atin at gagabay tungo sa maayos at

magandang pamamaraan upang maiwasan ng kanilang anak ang lagging pagmumura.


5

Sa mga guro. Ang mga guro ang pangalawang magulang na siyang nag-gagabay sa atin sa

tama at nagdidisiplina sa atin. Bilang isang guro ay responsibilidad din nila ang mga ugali ng

mga estudyante na dapat din nila pagtuunan ng pansin ang laging pagmumura ng mga

estudyante.Nakakatulong ang pananaliksik na ito, upang mapalawak ang kanilang mga

kaalaman ano-ano ang mga pamamaraan upang mapigilan nila ang pagmumura ng mga

estudyante.

Saklaw at Limitasyon

Ang nakapaloob sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha sa mga estudyante ng Holy Name

University bilang mga respondent. Saklaw rin sa pag-aaral na ito ang pagtasa at pagsukat sa

antas ng pagmumura at kung ano, bakit, at paano natututong magmura ang mga estudyante.

Limitado lamang ang pag-aaral sa mga Grade 11 na mga estudyante ng nasabing

unibersidad sa probinsya ng Bohol sapagkat sila ay ang pinakamalapit na maaaring maging

mga respondente ng nasabing pag-aaral. Sa kadagdagan, limitado rin ang pag-aaral sa mga

estudyante sa tatlong strand na binibigay ng Holy Name University at panghuli, limitado ang

pag-aaral sa mga estudyante na nag-aaral sa Senior High School sa ikalawang semester ng

taong panuruan 2018-2019.


6

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Pagmumura- sa pag-aaral na ito, ginamit ang pagmumura bilang isang variable na

pinagtutuunan ng pansin. Kumpara sa karaniwang depinisyon ng salita sa diksyunaryo, ang

pagmumura sa pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga anyo ng masasakit na salita.

Kaugalian- ang salitang ito ay binibigyang kahulugan sa diksyunaryo bilang isang practice o

tradisyon. Sa pag-aaral na ito, ang salitang ito ay ginagamit bilang pagtutukoy sa emosyon,

nararamdaman at sikolohikal na pakikitungo ng tao sa iba.


7

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Darwin (1809), ang pagpapahayag ng damdamin ay magkakasingtulad sa

lahat ng kultura. Sa Pilipinas, ang isang penomeno ng pagpapahayag na kapansin-pansin sa

tuwing nabibigla, mayayamot, mabibigo o magagalit, ang karamihan ay ang pagpapakawala

ng mga makakakasakit at nakakayurak ng dignidad ng mga salitang tinawag na pagmumura.

Ang pagmumura ay kadalasang nagagamit sa ngayon ng mga kabataan o kahit sino

man. Ayon kay Leach(1996) inuri niya ang mga salitang mura sa tatlong kategorya: una ay

ang masasamang salita na karaniwang may kaugnayan sa pagdumi o hibo ng laman, ikalawa

ay ang mga salitang mura na makapaglapastangan at pagka ̵ walang galang, at ikatlo ay ang

mga murang panghamakhayop na kung saan ang isang tao ay inihahalintulad sa isang hayop.

Habang si Gomez (1978) ay inuri ito sa apat: una ang mga murang tungkol sa katinuan ng

isang tao, ikalawa ay ang mga salitang pagbabanta, ikatlo ay ang kakulangan at depekto sa

katawan ng isang tao, at ikaapat ay ang mga salitang banyaga. Sinasabi rin ni Aveceda

(1997) na ang pagmumura ay maaaring dulot ng pagsunod sa nakagisnang kultura at marahil

sa nakagisnan na rin sa mga taong nakakasama nito sa loob at labas ng bahay.

May iba’t-ibang pakahulugan sa mga salitang mura ang mga taong nagmumura at

mga taong minumura (Relova 2002): (1)ang mga pakahulugang ito ang magpaliwanag kung

bakit iba iba ang mga murang ginagamit ng isang taong nagagalit at (2) ang mga

pakahulugang ito ang magpapaliwanag kung bakit iba iba ang reaksyon ng mga minumura.

At (3) ang pagmumura bilang dekorasyon sa berbal na pakikipag-ugnayan sa ordinaryong


8

usapan lamang ay kariringgan ang mga taong nagmumura. Nagiging verbal filler ang mga

mura.

Mas masidhi ang mura ng hindi gaano nakapag-aral kasi hindi sila natuturuan ng

mabuting asal; nangingiming magmura ang mga nakapag-aral dahil ito raw ay labag sa asal

(Aguilar, 1974). May mga nagmumura dahil bahagi na ang mga salitang ito ng kabuuang

layunin na makapanakit at makaganti sa kaaway.

Ayon sa ilang pag-aaral sa Sikolohiya, ang pagmumura ay isa sa mga

pinakamabisang anger management techniques sapagkat mayroon itong tinatawag na

cathartic effect. Ibig sabihin, maiibsan daw ang iyong stress, galit, at pagka-badtrip kung

ikaw ay magmumura. Ayon naman kay Timothy Jay, isang propesor sa larangan ng

Sikolohiya, ang pagmumura ay maaaring ituring na isang pamlit sa pisikal na pananakit.

Kaya kapag binato ka ng bato, sigawan mo na lang ng “G*go!” (Lopez, 2019).

Dagdag pa ni Jay, ang pagmumura ay matatawag na hate speech. Ito ay dahil napaka-

epektibo ng mga mura bilang pang-insulto; o para magpahiya ng isang tao. May mga pag-

aaral din na nagsasabing ang mga taong kadalasang nagmumura ay yung may Type A

personality- dominante, agresibo at kompetetibo.

Masasabing isa sa mga dahilang kung bakit natin minumura ang isang tao ay upag

maipakita na tayo ay mas dominante, mas malakas at amy mas mataas na posisyon kaysa sa

kanya. Ang mga tao kasi na tumatanggap ng mura ay kadalasang lumiliit ang pagtingin sa

sarili. Sa madaling salita, ang pagmumura ay maaaring ituring na sandata- hind man ito

makakasakit ng pisikal, makasakit naman ito pagdating sa aspektong emosyonal.


9

Mahalaga ang ginagampanang papel ng mura pagdating sa pagpapahayag natin ng

ating iniisip at saloobin. Maaaring gamitin ang mura upang magbigay ng kulay sa iyong

kwento, o sa iyong joke o upang mailabas ang kasalukuyang nararamdaman tulad ng galit,

inis, o pagkagulat. Samakatuwid, ang mga mura ay magkakaroon ng negatibo o positibong

pakahulugan depende sa kontekstong paggamitan nito.

Pinakapopular na manipestasyon ng pagiging agresibo ay pakikipagtsismisan na

ginagamit upang makapaghiganti. Maituturing na mura ang mga salita na ginagamit doon

(Paredes, 1982)

Sa Barasenos, ang taong hindi nakikisama at hindi tumatanaw ng utang na loob ay

“Walanghiya”. Sa Leyte, ang nararamdamang galit ay berbal na inilalabas (panunukso,

panunuya, pananaot, panghihiya, o pagmumura) Hal. Buwisit, ulol, tarantado, loko, walang-

hiya, bastos, gago, hangal, lintik, peste.

Ang mga Pilipino ay nahahati sa dalawa; ang nagmumura at ang hindi nagmumura

(Aceveda, 1977, Aguilar 1974, Patricio 1972, Tiano 1978, Villarin 1979)

Ayon sa librong Not in Front of the Children-"Indecency", Censorship, and the

Innocence of the youth in Majorie Heins, "The notion that young people need special

protection from improper ideas was not a moral tenet of the ancient world […] The ancient

Greeks associated children with grossness and lewdness, and not innocence. Youngsters had

to be tamed and educated, but not kept ignorant of realities […] It was Christianity that

radically changed attitudes about sexual desire is sinful, children's virginity now assumed

interior, spiritual value. Simultaneously and paradoxically, Christianity viewed children as

untamed vessels of depravity and original sin."Nakakasama pa ang pagtatago ng mga


10

"bastos" na katotohanan sa bata, dahil binubukasan nito ang posibilidad ng salungatan, hindi

pagkakaunawaan, at kamangmangan. Ang mga Pilipino ay nahahati sa dalawa: ang

nagmumura at ang hindi nagmumura ( Aceveda 1977, Aguilar 1974, Patricio 1972,Tiano

1978,Villarin1979) .

Naging bahagi na ito ng makulay na ekspresyon ng mga taong tinataguriang “marumi

ang bibig” (Villarin, 1979).

Mas madalas magmura ang kabataan pagkasama nila ang mga barkada, ang barkada

ang ay ka-edad at mas komportable ang isang nilalang sa piling nito; nababawasan ang

inhibisyon magmura (Aldaba;1972).May mga taong nagmumura dahil sila'y walang lakas ng

loob makapanakit kaya dinadaan na lamang sa mura (Buss,1961).Mas malakas magmura ang

kalalakihan sa kababaihan (Almario,1972;Gosiengfiao,1972;Aldaba et al., 1972).

Talaga namang pangkaraniwan na sa mga tao ang pagmumura. Sa katunayan, may

mga kabataang nagsasabi na kung pagmumultahin nila ang kanilang mga kaeskuwela tuwing

magmumura ang mga ito,kikita sila ng malaki anupat hindi na nila kakailanganing

magtrabaho at makapagreretiro na ang kanilang mga magulang. "Kapag nagkukuwentuhan

kami ng mga kaeskwelako," ang sabi ng 15-anyos na si Eve,"parang bawat salita nila ay may

kasamang mura. Kung puro ganito ang naririnig mo sa maghapon, mapapagaya ka na rin.

Ayon kay President Gloria Macapagal- Arroyo na isang kritiko sa huling State Of the

Nation Address at inaralan ang hindi niya sabihin na “masamang salita sa publiko”. Sinabi ni

dating Sen. Mar Roxas na sumigaw ng “P” word sa panahon ng rally kontra sa Charter

baguhin sa Makati ng ilang lingo nakaraang. Ang “P” word ay isang bagay na naririnig ng

bawa’t-aaw.
11

Ang pagmumura ay kawalang-galang sa Maylalang na nagkaloob sa iyo ng

kakayahang magsalita. Sabihin nating nagregalo ka sa isang kaibigan ng polo o blusa. Tiyak

na masasaktan ka kapag nakita mong ginawang pamunasan ng paa o tinapak-tapakan ng

iyong kaibigan ang damit iyon, hindi ba? Ganiyan din ang nadarama n gating Maylalang

kapag ginagamit natin sa di-wastong paraan ang kakayahang magsalita na ipinagkaloob niya.

Hindi nga kataka-takang sinasabi sa Salita ng Diyos. “Ang lahat ng mapait na saloobin at

galit at poot at hiyawan at mapang-abusong pananalita ay alisin mula sa inyo pati na ang

lahat ng kasamaan.” (Efeso 4:31)

Gaya ni Eve, napaliligiran ka rin ba ng mga taong palamura, nahawa ka na rin ba,

kung oo, pag-isipan kung bakit ka nakapagmura ,kapag nalaman mo kung bakit, magiging

mas madali sa iyo na iwasan ang kinagawiang ito.

Ang pagmumura ay maituturing na isang rebolusyunaryong sandata n gating wika, na

siyang makapagpapalaya hindi laman sa paraan ng komunikasyon, kung hindi pati rin sa

sosyalisayon sa lipunan.

Sa kasalukuyan, ang patuloy na paggamit ng lipunan sa mga murang may kaakibat na

isyu tungkol sa sexism at racism ay maaaring gawing palantandaan nang hindi pa rin

maburang epekto ng mga uri ng diskrimasyon sa lipunan. Ihalo pa sa fomula ang negatibong

pagtugon ng balana sa tuwing maririnig ang mga murang ito. Maging and rate ng

pagmumura ng isang tao ay may halo na ring diskriminasyon. Ayon sa ilang eksperto, mas

Malaki ang porsyento ng mga lalaking nagmumura sa publiko kaysa sa mga babae sapagkat

palatandaan daw ng kawalan ng modo ang pagmumura para sa huli.


12

Sa kabilang-banda ay makikita naman ang malawak na paggamit ng mga murang ang

tema ay umiikot sa sekswal na kamalayan at relihiyon ng mga tao. Ngunit kakaiba ang mga

murang ito sapakat hindi sila kadalasang binibigyan ng negatibo o masamang pagtugon mula

sa mga mamamayan. Ayon kay Thomas James Harran, isang kilalang psychologist, ganito na

sa kasalukuyan ang reaksyon sa pagmumurang may halong sekswalidad at relihiyon dahil

resulta ito ng iba’t-ibang rebolusyong umusbong sa kasaysayan. Ang mga ito daw ay nagging

daan upang unti-unting mabuksan ang isipan ng lipunan sa mga dati ay taboo na paksa.

(Lopez, 2019 )

Nasa atin ang desisyon kung paano natin gagamitin ang mga mura- bilang

instrumentong mapagpalaya; o isang instrumenting magpapasidhi ng tunggalian ng mga uri.

Kung hindi natin kayang harapin ang masasakit na salita, hindi natin mahaharap ang mas

masakit na estado ng lipunan- kung saan maging ang mga aksyon at intension ay

nakakagago.
13

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, ginagamit ng mga mananaliksik ang dalawang disensyo; kawsal

na disensyo ng pananaliksik kung saan inaaral sa disenyo na ito ang iba’t-ibang sanhi at mga

kaakibat na bunga tungkol sa isang penomena. Gumamit rin ang mga mananaliksik ng

deskriptiv-interbyew para makakuha ng sapat na datos.

Respondente ng Pananaliksik

Ang mga napiling kalahok sa pag-aaral na ito ay ang estudyante ng Grade 11 sa Holy

Name University. Ito’y binubuo ng 5 STEM A,C,E.G at H, 3 ABM A,B at D at 2 HUMSS

mula HUMSS A at B

Instrumento ng Pananaliksik
14

Bagama’t marami ang mga maaaring gamiting instrumento sa pananaliksik na ito,

napili ng mga mananaliksik na bigyang halaga ang paggamit ng pakikipanayam o interview

sa Ingles para makakuha ng eksakto at tunay na mga datos. Ang pakikipanayam ay isang

personal na interaksyon upang mas mailahad ng mga respondente ang kanilang mga saloobin

na makatotohanan at maipaliwanag kung ninanais nila.

KABANATA IV

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang sumusunod na mga teksto ay tumatalakay at nagpapakita ng mga datos na

nakuha ng mga mananaliksik sa pakikipanayam sa mga piniling respondente ng nasabing

tesis. Ang mga respondent ay binigyan ng limang tanong na kinakailangan nilang sagutin at

ang kanilang mga sagot ay naitala at dito ipinapakita.

Tanong 1: Ano- ano ang demograpikong pagkakailanlan ng mga respondent batay sa:

a. Seks

Respondente A: Lalake Respondente C: Babae

Respondente B: Babae Respondente D: Babae


15

Respondente E: Lalake Respondente H: Lalake

Respondente F: Babae Respondente I: Babae

Respondente G: Lalake Respondente J: Lalake

Interpretasyon: Batay sa mga nalikom na mga datos, pantay ang bilang ng mga respondent

batay sa seks, lima sa kanila ay mga lalake at lima naman ang mga babae.

Analisis: Masasabing binigyan ng pantay na pagkakataon ang dalawang seks na maging mga

respondente ng nasabing pag-aaral upang mas makakuha ng sapat na datos at para maiwasan

din ang konsepto ng pagiging bayas. Ito rin ay magsisilbing pantay na bantay upang

malaman kung sino ang mas madalas magmura, ang mga kababaihang estudyante ba o ang

mga kalalakihan?

b. Strand na kinukuha

Respondente A: STEM Respondente F: ABM

Respondente B: STEM Respondente G: STEM

Respondente C: ABM Respondente H: HUMSS

Respondente D: STEM Respondente I: STEM

Respondente E: HUMSS Respondente J: STEM

Interpretasyon: Ayon sa mga datos na binigay ng mga respondente, makikitang mas

nakakalamang ang bilang ng mga mag-aaral na nabibilang sa strand ng STEM na mayroong

limang respondente habang ang ABM naman ay mayroong tatlo lamang at ang HUMSS ay

mayroong dalawang bilang ng mga respondente.


16

Analisis: Ang datos na nabanggit sa itaas ay nagpapakita ng pantay na pagkahati-hati ng mga

bilang ng mga respondente sa bawat strand. Bilang ang STEM ay mayroong walong seksyon,

nararapat lamang na sila ang mag-angkin sa mas malaking bahagdan sa bilang ng mag

respondente upang makuha ang pantay na datos at bilang ang ABM ay mas maliit sa bilang

ng mga taga STEM, sila ay binigyan ng mga mananaliksik ng tatlong respondente bilang ang

ABM ay mayroong apat na seksyon at ang HUMSS, bilang mayroon lamang dalawang

seksyon ay binigyan ng isang respondente upang kumatawan sa populasyon ng strand.

Tanong 2: Ano ang iyong pinaka-ginagamit na pagmumura?

Respondente A: YAWA Respondente C: SHIT

Respondente B: SHIT Respondente D: PISTE

Respondente E: LITSE Respondente H: ATAY

Respondente F: SHIT Respondente I: FUCK

Respondente G: FUCK Respondente J: STE

Intepretasyon: Makikitang ang pinaka-ginagamit na salitang pagmumura ay “SHIT” na

nakuha mula sa tatlong respondente, habang sumusunod dito ay ang “FUCK” na nakuha

mula sa dalawang respondente, at ang ibang respondente ay may kanya-kaniyang sagot sa

binanggit na katangungan.

Analisis: SHIT ang pinakamadalas na gamiting pagmumura ng mga estudyante sapagkat

ito’y kadalasan ng ginagamit sa kasalukuyan. Ito’y resulta rin ng pagkakalantad ng mga

estudyante sa iba’t-ibang uri ng paraan sa telebisyon, pelikula at mga babasahin na maaring

naging sanhi kung bakit nakuha nila at ginawang habit ang pagsasalita ng mga mura.
17

Tanong 3: Ano-ano ang mga pinagmulan ng iyong pagmumura?

Respondente A: Dahil ito’y ginagamit ng aking mga kaibigan rin

Respondente B: Ang social media, lalong-lalo na ang Facebook

Respondente C: Hindi ko alam

Respondente D: Kasi ito’y sikat

Respondente E: Nakagawian ko nang magmura

Respondente F: Twitter

Respondente G: Ito’y ginagamit naming sa bahay

Respondente H: Facebook

Respondente I: Sa mga palabas sa telebisyon tulad ng mga indie films

Respondente J: Internet

Interpretasyon: Sa nakalap na mga kasagutan, mahihinuhang mas nakakalamang ang bilang

ng mga respondenteng nagsasabing sa Internet nila nakuha ang pagmumura (kasama na dito

ang Facebook at Twitter) habang ang iba ay nakagawian na lamang o hindi kaya ay mula sa

pagkakalantad sa mga telebisyon at mga pelikula.

Analisis: Batay sa datos, mas maraming kabataan ang natututong magmura dahil sa social

media, ito’y marahil na resulta ng pagiging sobrang malaki ng sakop ng internet. Masasabing

ito ay totoo sapagkat marami ang mga paraan sa internet upang makakuha ng access ang mga

kabataan upang magmura.


18

Tanong 4: Bakit ka nagmumura?

Respondente A: Dahil ito’y sobrang sikat

Respondente B: Dahil mas komportable ito

Respondente C: Normal na ito sa paaralan at kasalukuyan

Respondente D: Dahil ako’y nagagalit

Respondente E: Dahil ito’y ginagamit ng ibang estudyante narin.

Respondente F: Parang nakakatawa ka kapag ikaw ay nagmumura kasi

Respondente G: Kasi normal na ito para sa akin


19

Respondente H: Dahil mas nakakadagdag ito sa aking confidence sa sarili.

Respondente I: Dahil nakakatawa ang mga taong palamura

Respondente J: Dahil mas napapahayag ko ang aking sarili

Interpretasyon: Makikitang wala masyadong eksaktong pagkakapareho ng pananalita ang

mga kasagutan ng mga respondente ngunit mas marami pa rin ang mga respondenteng

nagsasabing naiimpluwensiyahan sila dahil na rin sa lawak ng sakop ng pagmumura.

Analisis: Sinasabi sa datos na maraming estudyante ang nagmumura dahil ito’y normal na

para sa kanila, nagpapakita ito ng senyales na mas tinuturing ng mga mag-aaral na ayos lang

magsalita ng mga mura para mailahad ang sarili ng mas malaliman.

Tanong 5: Sa tingin mo, nakakabuti pa sa estudyanteng magmura?

Respondente A: Oo

Respondente B: Hindi, dahil ito’y hindi masarap pakinggan

Respondente C:Hindi, sapagkat nakakainsulto ito sa iba

Respondente D: Hindi, dahil hindi ito tama

Respondente E: Oo, dahil normal na ito sa ating henerasyon

Respondente F: Hindi

Respondente G: Oo, dahil ito’y mas nakakapagpahayag ng damdamin

Respondente H: Oo, para mailabas namin ang aming mga nararamdaman


20

Respondente I: Hindi

Respondente J: Hindi, ngunit mahirap itong maiwasan

Interpretasyon: Anim sa sampung respondente ang nagsasabing hindi nakakabuti ang

pagmumura para kanila, at mayroon silang iba’t-ibang kadahilanan ukol rito.

Analisis: Sinasabi ng mga respondenteng hindi nakakabuti ang pagmumura ngunit hindi ito

maiiwasan ng madali sapagkat sa nasabi nga nila ay kanila na itong nakasanayan at ito rin ay

malawakang ginagamit na rin sa lahat ng paraan sa medya at pagpapahayag.

Ang mga estudyante, batay sa mga nakuhang datos mula sa pakikipanayam sa kanila,

ay nagmumura sa iba’t-ibang paraan, dahilan at sinasabi rin nilang mahirap itong maiwasan.
21

KABANATA V

LAGOM, MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay sumesentro sa pagtuklas sa komplikadong mundo ng

pagmumura ng mga estudyante. Ito’y nakapokus sa pagtuklas sa mga pinaka-dominanteng

dahilan at mga sanhi kung bakit ang mga estudyante ay nagmumura at ninanais rin ng pag-

aaral na ito na malaman kung paano naapektuhan ang estudyante kapag siya ay nagmumura.

Ito’y ginamitan ng pakikipanayam sa respondente bilang paraan ng pagkuha ng datos.

Mga Natuklasan

Sa pag-aaral na ito, maraming bagong kaalaman na natuklasan ng mga mananaliksik

tungkol sa konsepto ng pagmumura, ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: (1) Mayroong

iba’t-ibang interpersonal at intrapersonal na mga aspektong nakakaapekto sa kung bakit ang

isang tao ay natututunang magmura. At (2), alam ng mga estudyanteng hindi kanais-nais ang

pagmumura ngunit hindi nila ito maiiwasan dahil narin sa kadahilanang ito’y kanilang naging

gawi at nakasanayan na.


22

Kongkolusyon

Sa pag-aaral na ito, nakikita ang mga iba’t-ibang kasagutan ng mga kabataang

estudyante ng Holy Name University Senior High School patungkol sa pagmumura.

Nahihinuha ng mga mananaliksik na kadalasang medium na ginagamit ng mga estudyante sa

pagmumura ay ang wikang Ingles dahil mas nakasanayan na nilang magmura sa Ingles.

Kadagdagan pa, ang pinakamalakas na pinagmulan kung bakit ang isang tao ay marunong at

natututunang magmura ay dahil sa pagkakalantad niya sa Internet lalong lalo na sa social

media, ito’y resulta na ang social media ay napakalawak at hindi lahat ng anggulo nito ay

nakikita ng internet upang mapanitili ang mabuting pagtuturo ng pananalita sa mga tao. Ang

kadalasang epekto ng pagmumura ay nadadagdagan ang mga estudyante ng tiwala sa sarili at

mas naipapahayag rin nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagmumura.

Batay sa mga nakolektang datos, ang maibibigay na mga alternatibong solusyon ng

mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:

 Iwasan ang masyadong pagkakababad sa social media sapagkat ito ang sinasabi ng

mga respondente na pinakanangunungang dahilan kung bakit sila’y nagmumura o

natututong magmura.

 Aralin ang konsepto ng malikhaing pagpapahayag ng pansariling ekspresyon, tulad

ng kung sila’y galit, maaari silang magsulat ng journal kaysa magmura o kaya naman

ay kung galit, maaari nilang gamitin ang ideya ng “10” o pagbibilang hanggang

sampu upang maiwasang magmura.


23

Rekomendasyon

Bagama’t ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagbibigay linaw sa sikolohikal na

aspekto at kung bakit ang mga mag-aaral ay nagmumura, iminumungkahi ng mga

mananaliksik ang sumusunod na mga rekomendasyon:

 Isali sa mga susunod na mga pag-aaral tungkol sa parehong paksa ang mga

estudyante mula sa iba’t-ibang pribado at pampublikong paaralan

 Mas maraming katanungan upang matuklasan ang mga espisipikong mga detalye

tungkol sa paksa

 Mas maraming sanggunian at tesis na maaring gawing batayan ng mga mananaliksik

sa hinaharap kung gustuhin man nilang gumawa ng kaparehong tesis

 Magbigay ng iba pang mga sanhi at bunga ukol sa nasabing mga paksa.
24
25

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

 ANG KONSEPTO NG PAGMUMURA SA MATA NG MGA BATA:

IMPIKASYON SA BT, GENEROSO ET AL., October 2013 (https:

//www.bartley.com)

 EPEKTO NG KAUGALIAN SA PAGMUMURA NG MGA KABATAAN NG

INSTITUSYONG PANTEKNOLOHIYA NG PILIPINAS, LUNGSOD NG

QUEZON SA UNANG ANTAS SA KURSONG I.TT. TAONG PANURUAN

2010-2011 Malanum et.al (https://kupdf.net/download/epekto-ng-pagmumura-

thesis-tagalog_58adb20c6454a7c844b1e8e6_pdf#)

 EPEKTO NG PAGMUMURA, Briggitte Lopez, 2019 (https://www.jw.org/tl/turo-

ng-bibliya/tin-edyer/tanong/masama-ang-pagmumura/)

 EPEKTO NG PAGMUMURA, Ryan Cat 2017

(https://kupdf.net/download/epekto-ng-pagmumura-

thesistagalog_58adb20c6454a7c8)

 PAGMUMURA AT PAMIMINTAS, Anonymous 2019

(https://prezi.com.pagmumuraatpamimintas)

 PAGMUMURA AT PAMIMINATAS, DAPHOY ARENAS, August 2013

(https://thewoksofmatt.wordpress.com)

 WHY WE CURSE OF SPEECH TIMOTHY JAY. Massachusetts College of

liberal Arts North Adams, Massachusetts, 2016 (https://docplayer.net/6012270-

Why-we-curse-of-speech-timothy-jay-massachusetts-college-ofliberal-arts-north-

adams-massachusetts.html)
26

CURRICULUM VITAE

Pangalan: Princess Ann T. Balonga

Kaarawan: May 31, 2001

Address: Penaflor Street, Booy District Tagbilaran City

Email Address: balongaprincess@gmail.com

Magulang: Anastacia R. Tasic

Gerzon Q. Balonga

“She is clothed with strength and dignity;

she is facing the future with a smile”

Proverbs 31:25

Pangalan: Haren May C. Blasco

Kaarawan: May 24, 2001

Adress: Tangcasan Norte Loay, Bohol

Email Adress: harenmayblasco@gmail.com

Magulang: Marivic A. Curan

Orencio M. Blasco

“The roots of education are bitter but the fruit is sweet.”


27

Pangalan: Yvonne Lucille B. Cantoneros

Kaarawan: October 15, 2002

Adress: Baang, Catigbian, Bohol

Email Adress: von16lucil@gmail.com

Magulang: Julieta F. Balmera

Alberto T. Cantoneros Jr.

“We are what we repeatedly do”

Aristotle

Pangalan: Erwin Frederik L. Galgo

Kaarawan: November 1, 1999

Adress: Sagnap, Loay, Bohol

Email Adress: Galgo_Erwin@yahoo.com

Magulang: Belinda S. Luminarias

Godofredo A. Galgo

“I can do all things through Christ

which strengthens me.”

Philippians 4:13
28

Pangalan: Krysha Mhae B. Jumawid

Kaarawan: October 3, 2001

Adress: Alegria Loboc, Bohol

Email Adress: jkrysha@gmail.com

Magulang: Myra B. Jumawid

“Educating the mind without educating

the heart is no education at all.”

Pangalan: John Paul L. Libres

Kaarawan: October 20, 2001

Adress: Suba, Anda Bohol

Email Adress: johnpaullibres@gmail.com

Magulang: Beatriz D. Licos

Jose Loreto V. Libres

“Darkness cannot drive out darkness: only

light can do that,

Hate cannot drive out hide: only love can do that.”

Martin Luther King Jr.


29

Pangalan: Kobe Allen G. Losenada

Kaarawan: January 11, 2002

Adress: 0218-D4 JA Graham Avenue,

Booy District, Tagbilaran City

Email Adress: kobeallenlsnd@gmail.com

Magulang: Caroline E. Guimbalena

Allan B. Losenada

“You’ll never find self-love from other people.”

Pangalan: Cherry Lyn M. Tejano

Kaarawan: October 28, 2002

Adress: Baang, Catigbian, Bohol

Email Adress: chechemortejo@gmail.com

Magulang: Roselyn N. Tejano

Laurencio A. Tejano

“We are what we repeatedly do.

Excellent, then,

is not an act, but a habit”

Aristotle

You might also like