You are on page 1of 10

Baterisna, Ma. Regina D.

BSA 1-9

Linawin po natin: Paano ba tayo mag-aaral ng Business Logic? Ano ang


papel ko bilang guro at kayo naman bilang mag-aaral?

Upang maunawaan natin ang salitang 'business logic' kinakailangan


munang alam natin ang kahulugan ng mga salitang 'business' o megosyo at
'logic' o lohika. Ang salitang business o negosyo ay nagmula sa salitang
'abala' na nangangahulugang paggawa ng mga bagay. Ito ay kilala bilang
isang samahan kung saan nagtutulungan ang mga tao. Sa isang negosyo,
nagtatrabaho ang mga tao upang gumawa at magbenta ng mga produkto o
serbisyo upang magkaroon sila ng pagkakakitaan. Samantala amg kahulugan
naman ng logic o lohika ay ukol sa isang agham na nag-aaral ng mga
prinsipyo ng tamang pangangatuwiran. Samakatuwid, ang business logic ay
isang sistema ng mga patakaran na gumagabay kung papaano nito
mapapagana ang mga bagay bagay na may kaugnayan sa usapin ng
negosyo. Sa pamamagitan nito, mas napapadali para sa mga tao na
maintindihan ang pag aaplika't paggamit sa mga bagay bagay na may
kinalaman sa usaping negosyo. Nagbibigay rin ito ng isang dahilan kung bakit
gumagana ang mga bagay sa paraang ginagawa ng karamigan.
Gayunpaman, tinutulungan rin tayo ng business logic upang makapagbigay
ng mas mahusay na pakikipagkomunikasyon sa iba't ibang mga tao sa
larangan ng pagnenegosyo.

Bilang isang guro, ang inaasahan kong magiging gampanin niyo sa


aming mga studyante niyo ay mas mapapalawak ninyo ang mga kaalaman
namin hinggil sa larangan ng business at kung papaano namin mai-aaplika sa
tunay na buhay ang mga stratehiya at tamang pag dedesisyon sa buhay at
bilang isang mag-aaral naman, ang gampanin namin ay buksan ang aming
isipan at diwa upang lubos na maunawaan ang mga posibleng maging
talakayan ukol sa business logic, tungkulin rin namin bilang isang mag-aaral
na maintindihan kung papaano namin mai-aaplika sa tunay na buhay ang
mga posibleng talakayan na maituturo niyo sa amin.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang nakitang kaugnayan ni Paulo Freire sa uri ng edukasyon sa


kanyang bansa sa mga katangiang nahuhubog sa kanilang mga
mamamayan?

Ayon kay Paulo Freire, ang aping kalagayang uri ng edukasyon sa


kanyang bansa ay may kaugnayan sa mga katangiang nahuhubog sa
kanilang mga mamamayan bagkus ayon sa kanyang pagsisiyasat ang
ganitong uri ng edukasyon ang sanhi ng pagpapanatili sa kanilang kaugaliang
kahirapan. Ito rin ang pinagmumulan ng pagsasamantala ng ibang tao upang
pagmalupitan ang ibang tao at magmataas sa kanilang lipunang
kinapapalooban na kung tutuusin ay hindi naman nararapat. Hindi
maikakailang laganap na ang hindi pantay na pagtingin sa mga mamamayang
Pilipino simula pa man noong sinaunang panahon kung kaya naman ang mga
taong nasa mababang antas o mga taong walang kakayahang mag-aral ay
nananatiling mangmang at patuloy na inaalipusta ng mga taong mas may
kakayahan sa buhay. Gayunpaman, ang ganitong uri ng sistema ay dapat
nang bigyan ng wakas upang ang mga mamamayan ay hindi manatili sa
pagiging maralita’t pagiging mangmang.

2. Ano ang nakita niyang mahalagang papel ng edukasyon sa lipunan?

Ang edukasyon o kilala rin sa tawag na “pagtuturo” ay isang uri ng


proseso ng pagpapadali ng pagkatuto, o pagkamit ng kaalaman, prinsipyo,
kasanayan, kaugalian, moralidad, paniniwala, at paggawi sa isang lipunan.
Alinsunod kay Paulo Freire, ang edukasyon ay may tinataglay na
impluwensiya kung saan maituturing ito bilang isang mabisang kasangkapan
sa pagkamit ng kalayaan laban sa mga taong mapagsamantala’t mapang-
alipusta hinggil sa kababaan ng kalagayan ng bansa na mayroon sila sa
kanilang lipunan. Ang edukasyon nga marahil ang susi upang mabago’t
maging maayos ang takbo ng kanilang buhay. Bukod pa rito, sa pamamagitan
ng edukasyon maaari nitong matulungan ang kanyang mga kababayan na
malaman ang mga posibleng dahilan ng kanilang aping kalagayan at nang sa
gayo’y mapalaya nila ang kanilang mga sarili mula sa pagkakaaping ito.

3. Pagbasa at pagsulat lamang ba ang hangad ni Freire na ituro sa kanyang


mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang mga literacy programs?

Ayon sa teksto, hindi lamang pagbasa at pagsulat ang hangad ni Paulo


Freire na maituro sa kanyang mga kababayan bagkus isa rin sa kanyang
layunin ang pagpukaw ng damdamin at ng isipan ng kanyang mga
kababayang magsasaka. Ninanais ni Freire na maipabatid sa kanyang libo-
libong mga kababayang magsasaka ang pag-asa na maaari nilang makamit
kung gagamitin lamang nila ang kanilang nasabing galing at kaalaman hinggil
sa iba’t ibang mga usapin. Sa pamamagitan nito, maaari silang magkaroon ng
mas kapakipakinabang at mas maayos na pakikisalamuha sa pang-araw-
araw na pagpapasya na may kinalaman sa paghubog ng kanilang
kinabukasan at sa kanilang buhay.

4. Ano ang kabuluhan ng pilosopiya at programang pang-edukasyon ni Freire


sa atin?
Ayon sa teksto, ang pilosopiya at programang pang edukasyon ni Freire
ay maituturing na isa sa mga pinakamakabuluhang programa para sa ating
mga Pilipino ito marahil ay karamihan sa ating mga mamamayan ay
nabibilang sa mga antas ng may mabababang uri sa lipunan at kawalang
kabuluhan sa pakikisalamuha sa pang-araw-araw na pagpapasya sa ating
bansa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng mga programang ito na inilunsad ni
Freire nabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino na malaman
at matuklasan na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagpapalaya ng kanilang
sarili mula sa mga taong mapang-abuso’t mapagmataas. Dagdag pa rito, sa
pamamagitan rin nito nagkaroon sila ng pagkakataon upang palayain ang
kanilang mga sarili sa pamamagitan ng sama-samang pag-usad sa aping
kalagayan.

5. Ano ang bokasyon ng tao para kay Paulo Freire?

Ang bokasyon ng tao para kay Paulo Freire ay ang pagpapahalaga sa


bawat tao dahil naniniwala siya na ang pundasyon ng kaalaman sa pagkatuto
ay nagmumula sa bawat indibibwal upang maging ganap ang pagkatao nito.
Sa pamamagitan ng mga programa na kanyang inilunsad ay naglalayong
mapa-unlad ang pagkatao ng bawat indibidwal nang sa gayo’y mabawasan
na ang pagkakaroon ng mga taong inaapi dulot ng kahirapan na siyang
dahilan ng kanilang kamangmangan.

6. Ano ang tunay na kalagayan ng tao sa lipunan ayon sa kanya?

Ayon kay Paulo Freire, ang tunay na kalagayan ng tao sa lipunan ay


nakapanlulumo’t nakakagalit dahil ipinagkakait sa mga taong may
mabababang antas sa lipunan na makamit ang pinakamaayos na bersyon ng
kanilang pagkatao sa halip ay binabahidan ito ng dungis. Ipinagkakait rin sa
kanila ang mga karapatan na makisalamuha sa pang-araw-araw na
pagpapasya, ang pagpapanatili sa kalagayan na maging mahirap at maging
mangmang. Bukod pa rito, nabanggit rin sa teksto ang pagkakaroon ng
kalagayang dominasyon sa silid-aralan at maging sa lipunan kung saan ang
mga mag-aaral at mga mamamayan ay nananatiling limitado lamang ang
kaalaman na mayroon sila dahil sa pagmamataas ng iilan sa mga nasa may
maayos na katayuan sa buhay, napagkakaitan ang mga mabababang uri na
maturuan kung papaano maging mapanuri’t mapanghusga kung kaya’t sila ay
madaling mabiktima ng panloloko’t pang-uuto ng ilan.

7. Ang edukasyong pagbabangko; pagdadayalogo

A. Ano ang gawain ng guro sa edukasyong pagbabangko?


Pagdadayalogo?
Sa usapin ng edukasyong pagbabangko, ang gawain ng guro dito ay
ang magdeposito samantala sa usapin naman ng edukasyong
pagdadayalogo, ang gawin ng guro dito ay ang makipagdayalogo hindi
lamang magdeposito ng mga kaalaman.

B. Sa paanong mga pamamaraan isinasagawa ang edukasyong


pagbabangko? Pagdadayalogo?

Sa usapin ng edukasyong pagbabangko, ang mga mag-aaral rito ay


mga pawang posibong tagatanggap lamang kung saan pinupunan ng guro ng
mga kaalaman ang isip ng mga mag-aaral, inililipat at isinusubo na lang ang
mga kaalaman sa mga mag-aaral, walang pagpapalitan ng impormasyon at
kaalaman na nagaganap sa uri ng pamamaraang ito kung kaya’t ang guro
lang ang may alam at ang mga mag-aaral ay walang alam. Sa kabilang
banda, sa usapin naman ng edukasyong pagdadayalogo, hindi lamang basta
inililipat at isinusubo ng guro ang mga kaalaman sa mga mag-aaral sa halip
ay inaanyayahan rin nito ang bawat mag-aaral na makiisa’t makisama sa
pagtuklas ng katotohanan at pakikilahok sa talakayan. Sa pamamaraang ito
ay hinahamon ng guro ang mga mag-aaral na tumayo sa kanilang mga
sariling paa’t desisyon, may pagpapalitan ng impormasyon at kaalaman na
nagaganap sa uri ng pamamaraan na ito.

C. Ano ang papel ng mga mag-aaral sa edukasyong pagbabangko?


Pagdadayalogo?

Sa usapin ng edukasyong pagbabangko, ang papel ng mga mag-aaral


rito ay mga pawang posibong tagatanggap lamang, mga tagapakinig at mga
tagakopya lamang; at mga tagasaulo lamang ng mga impormasyon at
kaalaman na ibinigay sa kanila samantala sa usapin naman ng edukasyong
pagdadayalogo, ang papel ng mga mag-aaral rito ay hindi lang basta sumalo
ng mga yaring kaalaman sa halip ay maging mag-aaral na guro, sila ay
itinuturing na mga aktibong kalahok sa pakikipagdayalogo sa guro upang
makilahok sa pagsisiyasat at pagtuklas ng katotohanan.

D. Ano ang ipinahiwatig ng ganitong pamamaraan (pagbabangko;


pagdadayalogo) kung ano ang guro? Mag-aaral?

Sa usapin ng edukasyong pagbabangko, ipinahiwatig ng ganitong


pamamaraan na ang guro ay may alam at ang mga mag-aaral naman ay
walang-alam na tila naghihintay lamang sa mga yaring kaalaman na ibinibigay
ng guro samantala sa usapin naman ng edukasyong pagdadayalogo,
ipinahiwatig ng ganitong pamamaraan na ang guro ay may malalim na
pagtitiwala sa kakayahan ng kanyang mga mag-aaral na mag-isip, magpasya
at kumilos para sa sarili at ang mga mag-aaral ay malinaw na nauudyukan na
mag-isip, magpasya’t kumilos ng naaayon sa kanyang sariling kakayahan at
kagustuhan.

E. Paano hinuhubog ang mga mag-aaral sa ganitong pamamaraan ng


pagtuturo (pagbabangko; pagdadayalogo?)

Sa usapin ng edukasyong pagbabangko, ang mga mag aaral rito ay


parang mga makinang tagasunod lamang sa mga yaring kaalaman na
ibinibigay, walang kakayahang mag-isip, magpasya’t kumilos para sa sarili
samantala sa usapin naman ng edukasyong pagdadayalogo, ang mga mag-
aaral rito ay nauudyukan na mag-isip, magpasya’t kumilos ng naaayon sa
kanyang sariling kakayahan at kagustuhan.

F. Ano ang papel ng edukasyon sa lipunan sa ganitong pamamaraan?

Sa usapin ng edukasyong pagbabangko, ang edukasyon sa


pamamaraang ito ay maituturing na isang kasangkapan ng pang-aapi’t
pagmamataas ng mga taong may magandang katayuan sa buhay samantala
sa usapin naman ng edukasyong pagdadayalogo, ang edukasyon ay
maituturing na susi sa pagkakabuo ng pagkatao ng bawat indibidwal, kung
saan may kalayaan ang mga tao na tumutol at sumalungat sa mga
pagpapasya na ‘di kanais-nais, may kalayaang mag-isip at kumilos para sa
sarili.

8. Anong edukasyon ang itinataguyod ng paggamit ng Ingles: pagbabangko o


pagdadayalogo? Bakit?

Ang edukasyong pagbabangko ang itinataguyod ng paggamit ng Ingles


dahil hinahati nito ang lipunan sa mga nakakaunawa at sa mga hindi
nakakaunawa. Sa paggamit ng wikang banyaga bilang wikang panturo,
karamihan ay mangmang sa diyalektong ito at iilan lamang ang nakakaunawa
kung kaya’t ang karamihan ay bulag na tinatanggap na lamang ang mga
impormasyon at kaalaman na ibinibigay sakanila sa halip na suriin at tuklasin
ito sa pamamagitan ng sariling kakayahan, kilos at pagpapasya.
Gayunpaman, dahil hindi sila sanay na gumamit ng wikang banyaga, kahit na
marami silang mga ideya o kaalaman na nais ibahagi mas pinipili na lamang
nilang itikom ang bibig sa takot na baka sila’y magkamali sa kanilang
pagsasalita’t kakayahang makipagtalastasan sa ibang tao.
Baterisna, Ma. Regina D. 10/30/21
BSA 1-9

1. Ano ang halaga ng lohika sa accountancy?

Ang Accountancy ay isang programa na nangangailangan ng mga mag-


aaral na mag-isip nang kritikal, at magkaroon ng mahusay na mga kasanayan
sa pagsusuri. Ang pag-uugnay nito sa lohika, marami itong pagkakatulad,
kung saan sa lohika, kailangan ding mag-isip ng mapanuri at makapagsuri ng
mga argumento upang malaman kung ito ay mabuti o masamang argumento.
Samakatuwid, sa pamamagitan ng pag-aaral ng lohika, pinahuhusay natin
ang mga kritikal na pag-iisip at mga kasanayan sa pagsusuri, nagtuturo ito sa
atin kung paano natin matutukoy kung tama o mali ang isang bagay. Sa
pamamagitan nito, ito ay nakakatulong sa amin na maging mas mahusay sa
pag-aaral ng accounting, dahil dito, kailangan nating palaging pag-aralan ang
problema bago natin sagutin ito, pag-iisip nang kritikal at pangangatwiran
kung paano nakakaapekto ang mga transaksyon sa negosyo. Panghuli, tulad
ng sa lohika na hindi lahat ng mga argumento ay magkakaroon ng isang
tunay na konklusyon, sa accounting, hindi lahat ng mga balanse ay
magagarantiya na ang isa ay nasuri nang tama ang lahat ng transaksyon.

Mahalaga ang lohika sa pagiging isang accountancy student. Bilang mga


accountant sa hinaharap, malapit na tayong makibahagi sa paggawa ng
malalaking desisyon ng kumpanya. Ang tunay na laban sa propesyon ng
accountancy ay ang pagpapanatili ng iyong kaugnayan sa propesyon. Ang
aming malapit nang maging mga lisensya ay hindi isang garantiya na kami ay
may sapat na kakayahan upang maging isa -ito ay ang mga kakayahan na
mayroon kami. Isang kasanayan tulad ng lohika. Ang pagiging isang lohikal
na palaisip ay magiging mas epektibo at mahusay sa ating napiling larangan.

SUMMARY OF BUSINESS LOGIC (pp.1-22)

■ Kailan wasto ang pangangatwiran? (Suliranin sa LOHIKA)


- Batay sa teksto, wasto ang katuwiran kung ang nabanggit na katibayan o
premise ay totoo, at kung ipagpapalagay po natin na wasto ang katibayan,
tiyak na totoo rin ang pinatutunayan.

■ Ang batayan ay kabulaan o hindi totoo.


■ Ang kawastuhan ng pangangatwiran ay hindi nakabatay sa pagiging
totoo ng katibayan. Basta ang katibayan (totoo man o hindi) ay ipinahihiwatig
o ipinakahuhuluganan ang pinatutunayan, wasto ang pangangatwiran.
■ Ang limitasyon ng lohika - Lohika bilang isang agham ay may kinalaman
lamang sa kawastuhan ng pangangatwiran.
- Ang tanging tinatanong nito ay kung ipagpapalagay na totoo ang
katibayan, nangangahulugan ba na totoo rin ang pinatutunayan. Isasantabi
nito ang katanungan kung ang katibayan ba ay totoo o hindi. Ang tangi nitong
bibigyan ng pansin ay kung wasto ba ang pangangatwiran.
■ Bakit mahalaga ang “LOHIKA”? dahil mahalaga ang wastong
pangangatwiran sa paghahanap ng katotohanan, ngunit hindi pa ito sapat. Isa
lamang ito sa mga kasangkapan upang mahanap ang katotohanan.
Kinakailangan rin ng karanasan upang magsilbing batayan ng ating mga
pangangatuwiran. Kinakailangan rin natin na makisangkot sa mundo/lipunan
na ating ginagalawan dahil sa ganoong paraan matutuklasan natin ang mga
bagay na totoo. Bukod dito, kinakailangan rin nating kumilos, dahil ang
pagkilos ay isa ring paraan upang mapagyaman natin ang ating mga
nalalaman hinggil sa iba’t ibang mga bagay/usapin.
- Ang kagalingan ay mahahasa lamang sa pamamagitan ng patuloy na
pagsasanay. Gayunpaman, sa tulong ng LOHIKA ay magkakaroon tayo ng
galing at mass magiging madali na ito para sa atin.
■ Ano ang “PANGANGATUWIRAN”? Ang pagtamo ng bagong kaalaman
batay sa ipinahihiwatig ng dati nating alam.
- Kapag tayo ay nangangatuwiran, tayo’y may pinatutunayan, kaya tayo ay
nagbibigay ng katibayan.
(November 07, 2021)
■ Suliranin: May mga pagkakataon ba na ang inaakala natin na alam natin ay
isa palang kamalian (error)?
■ EPISTEMOLOHIYA - “kailan ba natin alam ang isang bagay?”
■ May dalawang sangkap ang kaalaman: ang pagiging tiyak at ang
katiyakan ay kung ano nga ba ang totoo.
■ Ang pag-iisip ay anumang gawain na ang layon ay matamo ang
katotohanan.
- Ako ay nasa katotohanan kung ang aking iniisip o ang hatol ng aking isipan
ay tugma at umaayon sa katunayan o realidad. Kailangan natin ang
katotohanan bilang batayan sa pagpapasya at gabay sa ating mga pagkilos.
■ Ang pagpapahayag at pagsasabuhay ng katotohanan ay maaaring
humantong sa kapahamakan at kamatayan.
■ natatamo natin ang katotohanan o tayo ay nakakaalam, sa sandaling ating
nakita o nasaksihan ang paglalantad o pagbubunyag ng katunayan sa atin.
Ang pagbubunyag, paglantad na ito ng katunayan na ating nasasaksihan ay
tinatawag na katibayan o ebidensya. Ito ang sukatan o pamantayan ng
katotohanan.
■ Pag-alam: ang pagsaksi sa pagbubunyag ng katunayan.
■ Paghatol: ang gawaing pangkaisipan kung saan tayo ay umaayon o
tumatanggi tungkol sa isang bagay.
■ Ang tuwirang pag-alam sa katunayan kung saan ito ay sariling hayag sa
atin at tinatawag na intwisyon.
■ Payak na pag-unawa pa lang kung ang tangi nating ginagawa ay ang
makuha ang kahulugan o esenysa ng isang bagay na walang ginagawang
pagsang-ayon o pagtanggi tungkol dito. Sa sandaling tayo ay sumang-ayon
o tumutol, yaon ay paghatol na.
■ Kaiba ng intwisyon kung saan tuwiran nating nalalamang ang katunayan
dahil ito ay sariling hayag sa atin, sa pangangatwiran, di-tuwiran nating
nalalaman ang katotohanan, dahil ito ay naihahayag sa atin batay sa
ipinahihiwatig ng iba nating alam
■ Tatlong gawaing pangkaisipan: 1) payak na pag-unawa kung saan ating
nakukuha ang kahulugan o esensya ng isang bagay; 2) paghatol: kung saan
tayo ay sumasang-ayon o tumututol kung ano ang tunay tungkol sa isang
bagay at 3) pangangatwiran kung saan nakakatamo tayo ng bagong
kaalaman batay sa ipinahihiwatig ng dati nating alam

(November 13, 2021)


“ILANG MGA KAMALIAN FALLACIES”
■ Ang mga mapanlinlang na pangangatwiran na ginagamit nang sadya ay
tinatawag na sopismo, hango sa mga Sopista ng Sinaunang Gresya.
■ Sopista ay mga guro ng sining ng pakikipagtalo. Ngunit di tulad ng mga
Pilosopo na ang layunin ay ang matamo ang katotohanan, ang kanilang
layunin ay tagumpay sa pagtatalo.
- Kaya, kahit ang kanilang paninindigan sa isang usapin ay kabulaanan,
ipagpipilitan pa rin nila itong pangatwiranan.
■ Kung nais nating maiwasang malinlang, kailangang alam natin ang
kanilang mga kaparaanan.
- Hangad naman natin ang katotohanan, kaya dapat patuloy nating pag-
aralan ang mga pangangatwirang mapanlinlang.
■ Isang halimbawa ng pangangatwirang gumagamit ng mga katibayang
walang kaugnayan sa pinag-uusapan.
- Bilang pagtatanggol sa nasasakdal, ang isang abogado ay nangatwiran ng
ganito: paano magiging mamamatay-tao si Juana, gayong alam naman ng
nakararami na siya ay siang babaeng napakamadasalin at maawain sa
kpwa? Kung siya ay mabilanggo, sino ang magpapakain sa kaawa-awa
niyang mga anak?
- Sa halip na patunayan ang dapat patunayan, na sa ating halimbawa ay ang
kawalan ng kasalanan ni Juana, ang pinatunayan dito ay mga bagay na
malayo sa pinag-uusapan. Hindi naman pinag-uusapan dito kung si Juan ay
madasalin o hindi, kundi kung siya ay pumatay o hindi.
- Ang taong walang maikatwiran o dahop sa katibayan, iniiba ang usapan
o lumilihis sa paksang pinagtatalunan.
- Tulad sila ng mga tagapagtanggol ng pamahalaan na sadyang iniiba ang
usapan upang ilayo ang atensyon ng ating mga mamamayan sa mga
kapalpakan, kapabayaan at pagmamalabis ng mga nasa katungkulan at sa
kanilang malinaw na pananagutan sa lumalalang mga suliranin n gating
bayan tulad na lamang ng kriminalidad sa ating mga lansangan, katiwalian sa
pamahalaan, pagnanakaw sa kaban ng bayan at tumitinding kahirapan ng
ating mga mamamayan.
■ Argumentum ad hominem - Ang pag-atake laban sa isang tao sa halip
na atakihin ang kanyang sinabi upang ipakita na kabulaanan ang kanyang
sinabi. Layon ng ganitong pangangatwiran na siraan ang kredibilidad ng
katunggali, upang bigyang alinlangan ang katotohahan ng kanyang sinabi.
- Sa isang pagtatalo, ang dapat atakihin ay ang ipinahayag ng kausap at
hindi kung sino o ano siya.
■ Argumentum ad baculum - Sa halip na mangatwiran, iniba ang usapan
sa pamamamagitan ng pananakot.
■ Argumentum ad misericordiam - ang pagmamakaawa sa halip na
pagbibigay ng katwiran, upang mapasang-ayon ang isang kausap.
■ Argumentum ad populum - Sa ganitong pangangatwiran, sa halip na
magharap ng katibayan, upang mapasang-ayon ang kausap, pinupukaw na
lamang ang kanyang damdaming popular o mga paunang hatol.
■ Argumentum ad verecundiam - ang pagbanggit sa pahayag ng isang
diumanong dalubhasa tungkol sa isang usaping labas naman sa kanyang
kadalubhasaan bilang patunay na totoo ang isang paninindigan.
■ Argumentum ad ignorantian - Ito ay ang paghatol na ang isang pahayag
ay totoo dahil hindi ito napatunayang kabulaanan o na ang pahayag ay
kabulaanan dahil hindi ito napatunayang totoo.

IBA PANG KAMALIAN


■ Begging of the question - ang pagpapalagay na totoo sa simula pa, ang
pahayag na dapat pa ngang patunayang totoo. Sa halip na magbigay talaga
ng katibayan upang patunayan ang dapat patunayan, ipinagpapalagay na
totoo na ang pinatutunayan, sa pamamagitan ng paggamit bilang katibayan
diumano, ng isang pahayag na kasingkahulugan nito.
■ Kamalian ng maling sanhi - ang pagkamalan ang isang naunang
pangyayari na siyang sanhi ng sumunod dito. Dahil ang dalawang pangyayari
ay magkasunod na nangyari, hindi sapat na batayan na sila ay may ugnayan
bilang sanhi at bunga. Maaring nagkataon lamang.













You might also like