You are on page 1of 2

Name: Baterisna, Ma.Regina D.

Date: April 06,2021

Subject: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino Course & Section: BSA 1-9

"Hindi maitatatwa ninuman na ang pagsasaling-wika ay


isang gawaing may malaking magagawa sa
intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sapagkat sa
pamamagitan ng malikhaing paggamit ng wika sa proseso
ng pagsasalin ay napag-iibayo ang pag-unlad ng wika.
(Alfonso,1994)"

Tunay ngang ang pagsasaling-wika ay likas na makapangyarihan sa lahat bagkus


sinasabi ng karamihan na ang pagsasaling ito ay maituturing na ugat ng
pagkakaunawaan ng bawat mamamayan sa bansang Pilipinas. Gayunpaman, sa
pamamagitan ng pagsasaling-wika nabibigyan ng pagkakataon ang bawat indibidwal
na maipahayag ang kanyang saloobin, damdamin at iba pa. Ito rin ang tulay upang
umunlad ang isang wika na ating ninanais isalin.

Napili ko ang pangungusap na ito sapagkat napukaw nito ang aking atensyon,
sumasang-ayon at naniniwala ako sa nasabing pahayag na ang pagsasaling-wika ay
napakamalaking parte tungo sa kaunlaran. Ito marahil ang kakulangan sa ating
edukasyon na nararapat pagtuunan ng pansin bukod sa pagtatanggal ng asignaturang
Filipino. Tayo sa Pilipinas ay may iba't ibang diyalekto at may hindi pagkakaunawaan
dahil sa iba't ibang paraan ng pakikipagtalastasan.

Ang henerasyon ngayon ay napaka-aktibo na pagdating sa pagbibigay ng mga


opinyon at saloobin ukol sa mga usapin ngunit karamihan ay hindi nakakasali sa
diskurso at mga debate sapagkat hindi nauunawaan ng bawat isa ang mga nais
sabihin. Isa na rito ang pulitika na marahil hindi nauunawaan ng karamihan ang mga
teksto o Wikang Ingles kaya naman nagbabase na lang sila sa kasikatan at matunog na
mga pangalan ng mga kandidato. Lalo na ang mga mahihirap na hindi naman
nakapag-aral o may kakulangan sa impormasyon at pag-aaral ng iba't ibang pagsasalin
ng wika.
Ito marahil ang dahilan kung bakit paulit-ulit na lang tayong nagkakamali sa
pagboto ng tamang kandidato para mamuno sa ating pamayanan at bansa. Isa pang
halimbawa ang kakulangan din sa kaalaman ukol sa karapatan ng bawat isa. Ang
pagsasaling wika ay napakahalaga sapagkat kung ang pangkalahatang gamit na wika
ay Tagalog at Ingles, nararapat lamang na maisalin ito sa napakaraming bersyon dahil
sa iba't ibang diyelekto na mayroon tayo. Kung maisasalin ng maayos ang bawat wika
tiyak na magdudulot ito ng kaayusan sa buong mundo, mas madaling mauunawaan ng
bawat indbidwal ang isang bagay at higit sa lahat mababawasan rin ang mga krimen
dahil maiintindihan na ng bawa't isa ang kinaibahan ng tama sa mali.

You might also like