You are on page 1of 31

KAKAYAHANG

DISKORSAL
Ang pasalitang diskurso ay tumutukoy
sa pag-uusap tulad ng talakayan,
debate, kuwentuhan, kumustahan, at
iba pang kagaya nito. Samantala, ang
pasulat na diskurso ay may kinalaman
sa pagsulat, tulad ng online chat, e-
mail, liham o korespondensiya, at iba
pang kagaya nito na nangangailangan ng
tugon.
Ayon kay Jose Arrogante, et al.,
tumutukoy ang diskurso sa komunikatibong
kakayahan sa
paggamit ng wika, sa paraan ng
pagpapahayag, at sa pag-unawa kung
paano ginagamit ang wika (McCarthy,
1996).
Ang kakayahang ito ng isang
indibiduwal ay ang kakayahang
pandiskurso o discourse competence.
Batay sa halimbawa, nagkaintindihan sina Almira at
Brando dahil sa tagpuan (elevator), sa kahulugan ng
salitang “bababa” (going down), at sa nagiging
kahulugan ng katagang “ba” (ikinakabit na kataga kapag
nagtatanong) sa tuwing ito ay ikinakabit sa
pahayag. Bakit sila nagkaintindihan at hindi sila
naunawaan ni Charles?
 Ang dahilan—pareho silang gumagamit ng wikang
Filipino, kung kaya ang kakayahang diskorsal sa wikang
Filipino ay taglay nila ngunit hindi taglay ng Amerikano,
sapagkat maaaring hindi siya marunong o nakauunawa ng
wikang Filipino.
Tandaan, nagiging makabuluhan lamang ang pakikipagtalastasan kung
nagkakaintindihan ang dalawang panig. Ang kakayahang umunawa ay susi sa
matagumpay na komunikasyon, kaya kailangang taglay ng bawat isa ang
kakayahang diskorsal.
Ang ugnayan o relasyon sa pagitan ng estruktura
ng lipunan at ng gamit na wika ang tuon o pokus
ng sociolinguistic analysis.
Kasama sa pag-aaral o pagsusuri ang sumusunod na salik:
Ang pagkakaiba sa
sosyolingguwistiko ay batay sa
lokasyon (urban at rural),
katayuan sa lipunan (elitista at
masa),
edukasyon (edukado at hindi), at
wikang kinasanayan (English,
Taglish, o Filipino).

You might also like