You are on page 1of 2

Perla Carpio (Allen)

 ang diskurso ay “wika ginagamit sa mga salita , pangungusap o pahayag


kaugnay ng lipunang ginagalawan ng tao na ang tuon ay ang kanyang pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan.”
 Binibigyang-diin sa kahulugang ito na ang diskurso ay hindi ang mga salitang
ginagamit sa pagpapahayag, bagkus ito ang kahulugang ipinaaaabot ng tao sa
kanyang kapuwa layon ang makapamuhay nang matiwasay at payapa.
 ang salitang diskurso ay naging gamitin sa loob ng mahabang panahon. Sa mga
debate at mga siyentipikong pag-aaral, ang salitang ito ay madalas gamitin nang
hindi ipinaliliwanag ang kahulugan.
 Ano’t anoman, ang diskurso ay ipinagpapakahulugang wikang nakaayon sa iba’t
ibang paderno na inaangkupan ng pagpapahayag ng tao batay sa kinabibilangan
nilang lipunan. N
 Nangangahulugan lamang na ang diskurso ay ang pag-aangkop ng tao sa
lipunang kanyang kinabibilangan gamit ang kanyang kahusayan sa
pagpapahayag.

Noah Webster (Jedzr)

 ang Diskurso ay katulad ng Komunikasyon na ginagamitan ng berbal na


komunikasyon. Bahagi ng komunikasyon ang Diskurso.

Nuncio Rhoderick (Mark Bquir)

 Ang Diskurso ay may dalawang klase:


o Pag-uusap tulad ng pagkukuwentuhan, debate, at kumustahan
o Pagsulat na natutunghayan sa palitan ng liham at korespondensiyang
nangangailangan ng tugon.
 Kabilang sa komunikatibong kakayahan ng isang indibidwal ay taglay nitong
kakayahan na bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang
pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang pakahulugan
Leo James English (Janella)

 Ang diskurso ay pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat man o pasalita.


 Dahil sa diskurso, maraming nalaman ang tao mula sa mga taong nagsipagsulat
ng kani-kanilang mga akda at gayundin sa mga taong nakipagpalitan-tugon sa
pamamagitan ng pagsasalita sa kanilang mga kausap.

English-Filipino Dictionary (Gherome)

 ito ay nangangahulugang magsulat at magsalita nang may katagalan o


kahabaan.

Webster’s New World Dictionary (Cian Lester)

 ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.


 Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

Mario Maranan (John Gil Arnado)

 Ang diskurso ay isang paraan na kung saan ang wika ay ginagamit sa lipunan
upang maipamalas ang malawak na pinag-ugatan ng kabuluhan nito.
 Tinutukoy ng Diskurso ang kondisyong panlipunan ng gamit nito, sino ang
gumagamit nito at sa ilalim ng anong kondisyon.
 Diskurso ang naguugnay sa ating personal at sa mundo o lipunang ating
ginagalawan

You might also like