You are on page 1of 12

Aralin 2:

ANG DISKURSO
Kahulugan ng Diskurso
Etimolohiya
 nagmula ito sa Middle English na “discours” na
mula Medieval at Late Latin na “discursus”. Ito
ay nangangahulugang “argumento” at
“kumbersasyon”.
Makalumang kahulugan
 tumutukoy ito sa kakayahan ng pagsasaayos
ng kaisipan, pamamaraan o pagiging
makatwiran ng isang tao.
Diksyonaryo ni Leo James English (2007)

 may kinalaman sa pagsasalita at


pagtatalumpati.
Marapat lamang na sabihin na ang diskurso
ay isang pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t ibang
paksa, pasulat man o pasalita.
Pasalita at Pasulat na Diskurso
Pasalitang diskurso
• Wika ang pangunahing instrumento sa
pasalitang diskurso.
• Binubuo ito ng mga makahulugang tunog na
isinasaayos sa tamang organisasyon upang
makabuo ng mga makahulugang salita.
• Isinasaayos din ang mga ito upang makabuo
ng mga pahayag na tulay ng mensahe patungo
sa sinumang tatanggap nito.
• Awtomatiko ang pasalitang diskurso kaysa sa
pasulat na diskurso.
• Awtomatiko, sapagkat depende sa hinihingi ng
pagkakataon kung ano ang nais mong sabihin
sa tao kung kaya may pagkakataon na sa halip
na iklian ang pag-uusap, ito ay lalo pang
lumalawak.
• Sa pagsasalita, batid na masalimuot ang
prosesong nagaganap.
• Kasama rito ang impluwensya ng ibang tao,
ang kinakalakihang kapaligiran, ang
nakagisnang kultura at maging ang
pisyolohikal at sikolohikal na kalagayan ng
nakikipagtalastasan.
Pasulat na diskurso
• Sa mga pagkakataong hindi posibleng
maganap ang pasasalitang diskurso, nagiging
mahalaga ang pasulat na diskurso.
• Nangyayari ito sa pamamagitan ng mga
simbolo gaya ng mga letra, bilang at mga
larawang nagdadala ng mensahe sa tatanggap
nito.
• Dahil sa pag-unlad ng teknolihiya

You might also like