You are on page 1of 3

ANG DISKURSO

Ang salitang Diskurso ay mula sa wikang latin na discursus na


nangangahulugang “running to at from” na maiuugnay sa pasalita at pasulat na
komunikasyon. Ang Diskurso ay ang gamit ng wika ng komunikasyon na nagreresulta
sa pagbuo ng mga talata.

Ayon sa Diksyunaryong Ingles-Filipino ang diskurso ay nangangahulugang


magsalita o magsulat nang may katagalan o kahabaan.
Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang
pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita

ANG DISKURSO AYON SA MGA DALUBWIKA

Para kay Hatch (1992) ang diskurso ay pag-aaral kung paano ang
komunikasyon ay nagiging apropriyet sa lipunan dahil tama ang gramatikal,
istraktyur, at pagiging makabuluhan nito.

Sabi naman ni Witter Merithew (1987), ito ay sistematikong proseso na ating


tinitingnan upang sa ating sinasabi ay madiskubre ang mga bagay-bagay na
nakakaimpluwensya sa ating paniniwala at perspektiba sa pagbibigay natin ng
kahulugan sa ating sinasabi.

Ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng


kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng
isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid,
masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang
paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
(Noah Webster, 1974)

Dalawang Anyo ng Diskurso

Diskursong Pasulat

Ayon sa mga mag-aaral napatunayan na mas mataas ang pagtinging inilalaan


sa gawaing pasulat. Sa paraang pasulat lamang nabibigyan ang lenggwahe ng
pagkakataong mamalagina may hibing kapangyarihan
Kung walang pasulat, wala ring magaganap na pag-aaral ng ating kasaysayan.
Nagbabasa tayo upang paglibang at makakuha ng impormasyon, gayundin sumusulat
tayo upang magbigay o magpaabot ng impormasyon.

Halimbawa ng Diskursong Pasulat


• Pagsulat ng tekstong naratibo/salaysay
• Pagsulat ng tekstong deskritibo/paglalarawan
• Pagsulat ng tekstong argyumentatibo
• Pagpapadala ng email sa kaibigan
• Akademikong pagsulat

Diskursong Pasalita

Sa pagsasalita, namumutawi ang mga kataga nang walang gaanong hirap at


pag-iisip. Hindi natin namamalayan ang tamang pagpili ng mga salita at ang mga
kahingian ng gramatika, sapat na sa atin ang makapagpahayag at maunawaan. Ang
paggamit ng galaw ng katawan at iba’t ibang ekspresyon ng mukha upang bigyang-
diin ang mahahalagang bahagi ng pahayag. Maaari ring baguhin ng nagsasalita ang
tono ng kanyang tinig.

Halimbawa ng Diskursong Pasalita


• Pampublikong talumpati ng pangulo
• Interview
• Pakikipag-usap sa guro
• Pakikipagkuwentuhan sa kamag-anak
• Pakikipagdebate sa kaklase
• Programa sa radyo kung saan ibinibigay ang pananaw ukol sa mga napapanahong isyu
sa lipunan.
• Pagbibigay ng lecture sa klase

PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO

PASALITA
• Panlipunan ang konteksto sa pagtanaw sa presensya ng tagapakinig.
• Hindi malay (unconcious) sa paggamit ng wika ang nagsasalita.
• Isinasaalang-alang ang social settings.
• Likas o natutuhan sa prosesong natural.
• Gumagamit ng tunog o ponema.

SIKOLOHIKAL
• Gawaing Sosyal may awdyens at may interaksyong nagaganap.
• May kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal.
• Gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic.

LINGGWISTIKA
• Maaaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyong nagaganap.
• Maaaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitawang salita ayon sa reaksyon ng
tagapakinig.
• Napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag.
• Nauulit ang anumang sinabi.

PASULAT
• Indibidwal ang konteksto sa pagtanaw (nag-iisa ang manunulat upang gumana ang
imahinasyo) sa mambabasa.
• May malay (concious) sa paggamit ng wika ang manunulat.
• Isinasaalang-alang ang awdyens.
• Natutuhan sa isang pormal na pag-aaral.
• Gumagamit ng grapema o mga simbolo.

SIKOLOHIKAL
• Gawaing Mag-isa
• Walang kagyat na pidbak kaya agad na mababago kung ano ang isinulat.
• Maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang ang ‘di
nakikitang awdyens/mambabasa.

LINGGWISTIKA
• Kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang
dating sa mambabasa.
• Mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang
dapat na sundin.

Sanggunian
 https://www.scribd.com/doc/166197258/Pagbasa-vs-Pagsulat
 https://www.slideshare.net/zelgandugh/retorika-at-diskurso
 https://prezi.com/hk4nva2vowhe/pasalita-at-pasulat-na-diskurso/?
frame=244462084bb7d8bdbc2263e526b485dedca2b20f

You might also like