You are on page 1of 16

DISKURSO AT KOMUNIKASYON

Mga batayang kaalaman sa Diskurso at paddidiskurso


Diskurso.
Leksyon 1
KAHULUGAN NG DISKURSO
Diskurso
Ang ibigsabihin nang diskurso ay ang pagsusulat at pagsasalita
na may katagalan o kahabaan. Ito rin ay nangangahulugan na isang
pormal na paraan sa pamamagitan nang pakikipagtalastasan,
pakikipagusap o anumang paraan nang pagpapahayag nang mga
ideya) nang pagtatalakay sa mga iba't ibang paksa.

Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na


nangangahulugang “running to and from” na maiiugnay sa
pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong gawain
tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.
Leksyon
02

PAGSALITA AT PAGSULAT NG DISKURSO


Pagsalita at Pagsulat ng Diskurso

Sa pagtuturo ng wika, ang diskurso ay hinahati sa


dalawang malalaking kategorya pagsalita at pagsulat.
Ang dalawang kategoryang ito ay hinahati parin sa apat.
Mga kasanayan sapagsulat, pagsasalita, pakikinig at
pagbasa ( Cook, 1989;50).
A. Pagkakaiba

• Pasalita
Kadalasan sa natural na paraan, ang pasalitang pagdidiskurso ay hindi
gaanongnapaghahandaan at bukas sa interbensyon ng tagatanggap. Ang
anumang nasabi na ay hindi na maaripang baguhin o ayusin pa ang
paraan ng pagbibitiw ng mga salita. Sa patuluyang diskurso,
angnagsasalita ay walang oras para huminto at mag-isip pa kung paano
pagsusunud-sunurin ang mgasalita o pangungusap.
• Pasulat
Sa pasulat na diskurso,karaniwan na ang teksto ay napaghandaan. May
panahon angmnunulat na mag-isip kung ano ang sasabihin at paano ito
sasabihin. Ang mga pangungusap aymaayos na nabubuo. Ang mga
naisulat na ay maari pang rebyuhin at baguhin. Kabilang sa
diskursongito ang mga tekstong tulad ng mga artikulo sa pahayagan,
memo, liham, adbertisment, sanaysay,tula, maikling kwento.
Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng pasulat at pasalitang
diskurso?
Ang pagkakaiba at pagkakapareho ng pasulat at pasalita ay ang
pasulat maaaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling
kontruksyon ng mga salita, ang pasalita naman ay kailangan
mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw
ang dating sa mambabas..ang pagkapareho nito ay parehas silang
pinag iisipan ng mabuti para maintindihan ng mga makakarinig at
magbabasa ng kanilang sinasabi o sinusulat.
Leksyon
03
Teksto at Konteksto ng Diskurso
Teksto at Konteksto ng Diskurso
Ang teksto ay isang babasahin na puno ng mga ideya
ng iba't ibang tao at impormasyon habang ang
Konteksto ng diskurso ay dinadaan sa pakikipag-usap. O
kadalasan sinasabi o naririnig tulad ng telebisyon,
pelikula, radyo, panel discussion.
Kaibahan ng teksto sa konteksto
Ang teksto ay ang wika o ideyang itinatawid o
pinagpapalitan sa diskurso at ang konteksto naman ay ang
mga kahulugang (berbal o di-berbal) kargado ng mga iyon.
PART
04
Leksyon
07
Gamit ng Wikang Filipino Bilang Koda ng
Komunikasyong Akademiko
Gamit ng Wikang Filipino Bilang
Koda ng Komunikasyong
Akademiko
1. Humuhubog sa kamalayan at instrumento sa pagpapalawak ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa iba't ibang larangang pang-akademiko na
mahalaga sa buhay ng mga Pilipino (Ramos, 1996:245).
2. Tagapagtipon ng mga impormasyon, nagpepreserba at naipapamana ang
mga ito mula sa isang henerasyon tungo sa sunod na henerasyon (Jose,
1996: 56)
3. Tagapaghatid at tagpagtaguyod ng mga ideya, konsepto, teorya, ideyal,
layunin at sentimyentong mapagpalaya (56)
4. Tagapagpahayag ng karanasang pambansa at ng kaalamang bayan
(Salazar, 1996).
5. Nagpapabilis sa pagpapaunawa, pagtanda (memory) at paggunita
(recall) ng mga pangyayari o bagay-bagay (Ramos, 1996: 245).
6. Kasanangkapan sa mas mabisa, mas malikhain, mas analitikal na
pag-iisip at pagpapahayag ( 245)

You might also like