You are on page 1of 2

Ano ang diskurso?

 Ito ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng iba’t ibang pangungusap- sa ibang salita ay salisalitaan
(conversation), argumento o pananalita (speeches).
 Paraan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita
 Nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan
 Ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan
 Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon
 Tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim na pagtingin sa mga
ideyang inilalahad. Milrood 2002

2 uri ng diskurso
1. Pasalitang Diskurso- Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga
salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng
pagbigkas,tono,diin,kilos,kumpas ng kamay,tinig,tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.
2. Pasulat na diskurso- Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng
nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang nabasa,hindi na maaaring
baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat.
Mga teoryang diskurso
1. Speech act theory(mga kilos o galaw)- isang teorya ng wika kung saan sangkot ang kilos o galaw sa pag- unawa
sa pagpapakahulugan ng isang diskurso. Ito ay teorya na ipinakilala ni J.L. Austin sa kanyang aklat na “How to Do
Things in Words”
Tatlong aspeto ng Speech act theory:
 Locutionary act- ang akto ng pagsasabi tungkol sa isang bagay bilang basikong nilalaman.
 Ilocutionary act- ang akto ng pagnanais na gawin sa pamamagitan ng pasalita. Nagtataglay ito ng motibo,
intension at opinion.
 Perlocutionary act- ang bunga ng iyong ipapahayag
2. Ethnography of Communication (mga paraan at aspeto ng pagsasalita)- mas kilalang Speech codes theory ay
nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito
ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na
komunidad.Gumagamit ng mga kasangkapan ipinakilala ng isang American Anthropolgical linguist na si Dell
Hymes.
 Ito ay nakatuon sa pangunahin sa bilang ng mga komunidad, kalakasan ng tinig, taas ng tinig, ang
distansya ng ma tagapagsalita, ekspresyon, pagtinidig, eye contact, ang termino ng pinagtutungkulan, mga
panuntunan sa mga usapan at iba pa.

PAGLINANG SA IDEYA
1. PAKSA- ito ay ang lalamanin ng isang komposisyon. Ito ang pinakasimula ng lahat. Sa bawat usapan
kinakailangan ng paksa upang may pag-usapan.

2. Awdyens/tagapakinig/mambabasa– isaalang-alang ang demografik na katangian- edad, edukasyon, kasarian,


okupasyon, kultural na kaligiran o bakgrawn, lahi, relihiyon, nasyunalidad, mga hiyografik na pinanggalingan at
kinamimiyembrohan.

3. Layunin- ito ay ang dahilan kung bakit gusting ibahagi ang impormasyon o damdamin ng isang tao.
 Magbigay aliw sa tagapakinig
 Magbigay impormasyon
 Hikayatin ang tagapakinig na baguhin ang dating paniniwala.
Organisayon ng Diskurso
1. Kaisahan– ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatang ideya, may isang paksang
pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap. Tumutukoy ang kaisahan sa
isang tiyak na katangian o aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay “magkakalapit lahat”. Ang
kaisahan sa pagpapahayag ay nangangahulugan na ang lahat ng mga ideya sa talata ay makinis na tumatakbo
mula sa isang pangungusap. Sa pamamagitan ng kaisahan sa pagpapahayag, ang mga mambabasa o tagapakinig
ay magkakaroon ng kadalian sa pag-unawa sa mga ideyang iyong ipinahahayag.
2.  Kaugnayan– dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa buhat sa
simula hanggang dulong pahayag.  Mahalaga ang papel ng mga salita na ginagamit bilang mga tagapag- ugnay sa
talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng pahayag. Ito ay mga palatandaan na tumutulong sa
mga mamababasa at tagapakinig para mabigyang- kahulugan ang mga gustong iparating ng tagapagsalita o ng
manunulat. Tumutulong din ito upang madala ang diwa ng isang pangungusap patungo sa isa pang pangungusap,
talata patungo sa iba pang talata sa iba pang salita o mga parirala. At panghuli, ang pang-ugnay ay tumutulong din
upang mapag-ugnay ang mga pangungusap at mga talata upang mapakinis ang takbo ng pahayag para hindi
magkaroon ng biglaang pagtalon o pagputol ng mga ideya.
Mga personal na Diskurso
1. Talaarawan(Diary)- mula sa salitang Latin na “diarium” na nangangahulugan ng araw o day; talaan ng mga
eksperiensya obserbasyon at pag-uugali sa araw araw.
2. Jornal-personal na karanasan at planong pansarili
—  isang arawang tala ng mga pansariling gawain, mga repleksyon ng mga nadarama (Webster)
—  hindi lamang sa personal na karanasan ng manunulat kundi sumasaklaw rin sa mga sitwasyong may kinalaman
sa ibang tao.
3. Bayografi o Talambuhay -tungkol sa buhay ng taong namatay na at isinulat ito hindi ng tao mismong namatay
noong nabubuhay pa siya kundi ng iba na may interes sa kasaysayan sa buhay niya
4. Awtobiyografi -tungkol sa kasaysayan ng tunay na buhay ng tao na siya mismo ang sumulat
5. Refleksyon-Tinatalakay sa sulating ito ang mga kasaysayan ng pagbabago sa sarili
sa pamamagitan ng teksto o ng mga karanasan.

You might also like