– may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan
ng makatwirang mga pananalita . Pagpapahayag na may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita
Diskursong Argyumentativ (Pangangatwiran)
a. isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o
pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason kalakip ang mga ebidensya b. kasingkahulugan ng pagbibigay-palagay, paghuhula, pag-aakala, pagsasapantaha at paghihinuha. c. layunin nitong makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay sa isang maayos, epektibo, at lohikal na pamamaraan d. ang paksa ng pangangatwiran ay tinatawag na proposisyon
Dalawang Uri ng Pangangatwiran
1.Pabuod o Inductive Method- sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan o
kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraanan muna sa iba’t- ibang obserbasyon at paulit-ulit na eksperimentasyon at pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang katotohanan o prinsipyo
2.Silohismo o Deductive Method -pangangatwiran na lohikal na lohikal kung maghayag ng
katotohanan panghahawakan muna ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon