You are on page 1of 6

COURSE CODE: FILIPINO 103

RETORIKA

Second Semester, S.Y. 2022-2023

Deskrispyon ng Kurso
COURSE MODULE

Sumasaklaw ang kursong ito sa pag - aaral ng mga batayan para sa


malikhain at mabisang pagpapahayag na pasulat at pasalita. Magkakaroon
ng mga gawaing pasalita at pasulit na nagsasaalang - alang sa mga
pangunahing teorya o proseso ng pagsulat at pagsalita. Pag - aaralan din
ang simulain.pamamaraan at proseso ng retorika at diskurso sa wikang
Filipino at amg aplikasyon ng mga ito sa pagbubuo ng mga akademiko at
malikhaing anyo ng komposisyon.

Intended Learning Outcomes

1. Nakasusulat ng tekstong naratibo ayon sa mga kahingian ng


epektibong deskripsyon .
Diskurso

PANGANGATWIRAN/ARGUMENTATIV
a. Kahulugan
b. Dahilan
c. Mga kasanayan
d. Uri
e. Elemento
f. Mga Halimbawa
REFERENCES:

 Bernales ,Rolando , et al. 2018. RETORIKA AT DISKURSO sa


Wikang Filipino Lungsod Malabon: Mutya Publishing House,
Incorporated

 https://www.slideshare.n
et/MNOlaguer24/mgadiskursongekspositoriatar gyumentatibo
 http://delfinomenchie.blogspot.com/
 https://www.coursehero.com/file/p42lued3/MGA-URI-NG-MALING-
PANGANGATWIRAN-1-Argumentum-ad-hominem-Isang-
nakahihiyang-pag/

TEKSTONG ARGUMENTATIB
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang
isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang
mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan
ng mga katwiran o rason.
(- Arogante)

- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at


magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at
paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong


dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa
COURSE MODULE
formal na pangangatwiran gaya ng debate.

- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo
man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa

KASANAYANG NALILINANG SA PANGANGATWIRAN


1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
URI NG
PANGANGATWIRAN
1. PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING)
Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat
ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.
a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na
katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong
paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring
mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang
katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.
b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang
pangyayari.
c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban
ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o magpapatutuo sa
tinutukoy na paksa o kalagayan.
Halimbawa ng Pabuod na
pangangatwiran
1. Pabuod (inductive reasoning) - Ang pangangatwirang ito ay nagsisimula sa maliit na
halimbawa o katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na suliranin. May tatlong
paraan ang ganitong uri ng pangangatwiran:

2. Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi. Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang


pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang patumbalik
nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangayayri'y bunga ng isa
pang pangyayari.

Halimbawa:
COURSE MODULE
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat
hindi siya nagbalik-aral.

1. Gumagamit ng Pagtutulad. Inilalahad ang magkatulad na katangian, sinusuri ang mga


ito at dito humahango ng konklusyon. Ang konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay
masasabing pansamantala lamang.

Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan,
sila ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang.
Ang pagmamatuwid na si si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama't ina
niya ay mahusay ring mga guro.

1. Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan


sa mga ebidensya, katibayan at patunay.

1. Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang
tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa
namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng
napatay.

2. PANGANGATWIRANG PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING)

Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang


panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong
pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangungunang batayan, isang pangalawang
batayan at isang konklusyon. Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang
silohismo.
Mga halimbawa ng pangangatwirang pasaklaw

Pangangatwirang pasaklaw - nagsisimula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o


katotohanan!!!!!!!!
halimbawa:ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos .Ang manok ay isang uri ng hayop kung
gayon ang manok ay nilkha ng diyos!!!!!!!!!!!

MGA ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN


1. Proposisyon- panukala (Maaaring sang-ayon o di sang-ayon

2. Paksa

Halimbawa ng nangangatwiran
Isang Paksa:
* Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangan ng magtatag ng Batas na Kailangan sa
isang Pamilya kailangang 2 anak lang.

3 URI NG PROPOSISYON
Pangyayari = Ito ay pagpapatunay o pagsasalawang-katotohanan ng isang
bagay.
COURSE MODULE
Kahalagahan = Ito ay pagtatanggol sa kahalagahan ng isang bagay o kaisipan.
Patakaran = Ito ay paghaharap ng isang pagkilos sa isang suliranin.
PAGTATALO
Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng
pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.

Ang kahalagahan ng debate


-Para mapag-usapan o pagtaluhan ang isang sitwasyon.

ANO ANG MGA URI NG


PAGTATALO
O DEBATE

DEBATENG OXFORD ( Rufino Alejandro )

Unang TagapagsalitaSang-ayon - maikling panimulaPaglalahad, patotoo sa unang isyuPagtatapos -


lagom ng kanyang napatunayanBabanggitin ang gagawin ng susunod nakasama
Unang Salungat - maikling panimulaPatotoo sa unang isyuLalagumin ang mga matwid ng panig
ngSalungat
Pangalawang Sang-ayon - maglalahad ng patotooNilalagom ang pangunahing matwid ng panig ng
sang-ayon

Pangalawang Salungat - maghaharap ng isang tuligsa sa balak ng panig ng sang-ayon o naghaharap


ng pamalitng pangunahing matwid ng panig ngsalungat
Pangatlong Salungat - talumpati ng ganting matwid-sinusuri niyaang mga hindi pinagkakaisahan ng
panig ng sang-ayon at panig ng salungat at pinabubulaanan ang pangunahing matwid ng sang-ayon-sa
pagwawakas , maaaring gumawa siya ng isangnakahihikayat na panawagan

Pangatlong Sang-ayon - pagsusuri ng mga pangunahing puntos ngipinagkakaibang kuro ng dalawang


panig-maghaharap ng isang pagpapabulaan-magwawakas sa isang mapanghikayat na panawagan

DEBATENG OREGON
Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng kani-kanilang panig
Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala angkarupukan ng mg matwid na panig
ng katalo
Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bagolalagumin ang mga matwid ng kani-
kanilang panig

Mga Paalala :

1.Ang ibibigay na tanong ay masasagot sa ilang pananalitalamang.


2. Isipin na agad ang maaaring isagot sa mga itatanong upangmapaghandaan
3.Sa pagtatanong , sikaping maipakilala ang kawalan ngawtoridad at ang karupukan ng matwid o
ang pagkakasalungatan ng mga matwid ng kalaban
4.Magsimula sa tiyak patungong masaklaw
5.Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid, walangkaugnayan o walang gaanong halaga
6.Huwag gelatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit nasiya'y sumagot ng "oo" o "hindi"

DEBATENG OREGON - OXFORD

A.Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mgatuntunin )


B.Paglalahad ng proposisyon
C.Pagbibigay ng katuturan
COURSE MODULE
D.Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E.Pagtatalo
Unang Tagapagsalita ( Sang-ayon ) -maglalahad ng buod magtatanong sa buod ngtalumpati
Unang tagapagsalita ( sang-ayon)Maglalahad ng buod ngtalumpati
Ikalawang Tagapagsalita ( Sang-ayon )- magtatanong sa buod ngtalumpatiMaglalahad ng buod
ngtalumpati……………….( Lima - sampung minutong pagitan )
Unang Tagapagsalita ( salungat ) -tutuligsain ang buod ngunang tagapagsalita ( sang-ayon )
Unang Tagapagsalita ( sang-ayon ) - tutuligsain ang buod ngikalawang tagapagsalita (salungat)
……………….
Lider ng panig ng sang-ayon -magbubuklod ng katwiranng pangkat
Lider ng panig ng salungat - magbubuklod ng katwiranng pangkat
F.Paghahatol ng Lupon

MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

1.) Argumentum ad hominem-


Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na katangian/katayuan ngkatalo at hindi sa
isyung tinatalakay o pinagtatalunan.
Halimbawa:Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni hindisiya
naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya?Balita ko’y under de saya
pa yata!
2.) Argumentum ad baculum-
Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo ang
argumento.
Halimbawa:Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatangmagsalita
sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang Makita moang hinahanap mo!

3.) Argumentum ad misericordiam


Upang makamit ang awa at pagkampi ng mganakikinig/bumabasa,ginagamit ito sa
paraang pumipili ngmga salitang umaatake sadamdamin at hindi sa kaisipan.
Halimbawa:Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi
banatin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan atnanlalalim na
mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilangsentimos ilang pantawid-gutom

4.) Non sequitur


Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay “It doesn’t follow”.Pagbibigay ito ng konklusyon sa
kabila ng mga walang kaugnayang batayan.

Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya angpinagmulan niya.
Magulong paligid ang kaniyang nilakhan. Ano pa anginaasahan mo sa ganyang uri ng
tao kundi kawalang-hiyaan!

5.) Ignoratio elenchi


Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wikanga. Ito ang kilala
sa Ingles na circular reasoning o paliguy ligoy.

Halimbawa:
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliliwanag ng aking
butihing maybahay. Tiyak ko naming paniniwalaan ninyo siya pagkat naging Mabuti
siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.

6.Maling Paglalahat
Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isangkonklusyong na
COURSE MODULE
siyang sumasaklaw sa pangkalahatan.

Halimbawa: Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Angartista


namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo namanang isang ito na
tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!

7. Maling Paghahambing
Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang ganito ng uri pagkat mayroon ngang

hambingin ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.


Halimbawa: (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad?
Kung kayo nga ay gising pa!
8. Maling Saligan
Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan.Ipinapatuloy ang
gayon hanggang magkaroon ng konklusyong na wala sa katwiran.
Halimbawa: Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag- aasawa,kailangan
ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging
tapat atmasipag ang mga kabataan.

9. Maling awtoridad

Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa iyung kasangkot.


Halimbawa: Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina.Iyan ang
ipinahayag ni Karl Marx.

10. Dilemma

Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at


wala nang iba pang alternatibo.
Halimbawa: Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo:
huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong
pag-urong.

You might also like