You are on page 1of 4

Pangangatwiran

Home

Essay Criteria

Mangrove Planting Important Documents

Debate Criteria

Powerpoint Criteria

Kapayapaan

KABATAAN

Tayutay

Tanging Pamana

Halimbawa ng Silabus (Syllabus)

Pang - Uri (Kayarian at Kaantasan)

Pagpapalwawak ng pangungusap

Iba't Ibang Pagpapahayag

Paglalarawan

Paglalahad

Pangangatwiran

Talumpati

Noli Me Tangere

Pangungusap at kayarian

Pang-abay

Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko

Tungkol kay mamsha

Favorite Links

Tawagan ako

Pamilya ko

Vacation Photo Album

Pangatnig

Pang - uri

Wastong Gamit ng Salita

Pangangatwiran

- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay
maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag. (- Badayos)

- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga


katwiran o rason.

(- Arogante)

- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita
ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang
nangangatwiran.

- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o
sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng
debate.
- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo man subalit
hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:

1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o

isyu.

2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda

laban sa kanya.

3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;

4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa

Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran

1. Wasto at mabilis na pag-iisip

2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan

3. Maayos at mabisang pagsasalita

4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling

katwiran

5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o

pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang

inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

URI NG PANGANGATWIRAN
1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga

halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at

nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang

pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng

pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at

mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga

tiyak na pangyayari o katotohanan.

You might also like