Ito ay isang papapahayag na nagbibigay ng sapat na
katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. Pangangatuwiran Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason. (- Arogante) Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pakinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran. Pangangatuwiran
Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham
sapagkat ito ay may prosesong dapat isaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate. Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo ninuman subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang. Dahilan ng Pangangatwiran
1. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o
isyu. 2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kaniya. 3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao; 4. Makapagpahayag ng kaniyang saloobin 5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa Kasanayang Nalilinang sa Pangangatuwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan 3. Maayos at mabisang pagsasalita 4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran 5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil Uri ng Pangangatwiran
1. Pangangatwirang Pabuod o Induktibo - halimbawa o
partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan. 2. Pangangatuwirang Pasaklaw o Dedaktibo - sinisimulan ang pangangatuwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.