You are on page 1of 7

AKADEMIKONG SULATIN NA NAGLALAHAD AT NANGANGATUWIRAN

Ang PAGLALAHAD ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong


mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos
na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
❖ Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang
tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o
kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa
paksang pinag-uusapan.
❖ Ang PAGLALAHAD ay ginagamit sa lahat ng pagkakataon at larangan.
Ito'y ginagamit sa:
1. pagsagot ng mga tanong na nangangailangan ng pasanaysay na
kasagutan
2. pagsulat ng mga ulat tungkol sa Agham at Kasaysayan
3. pagsusuri sa maikling kwento at mga nobela
4. pagpapaliwanag sa iba't ibang aralin sa paaralan.
5. Tumutugon sa walang katapusang pagkama-usisa ng tao
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalahad
1. KALINAWAN
Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag
kung hindi malinaw ang paliwanag.
• Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaring magbunga ng
di pagkakaunawaan.
2. KATIYAKAN
• Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang
kanyang layunin sa pagpapaliwanag.
3. DIIN
• May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o
bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa.
• Ito'y kinakikitaan ng diwang mahahalaga
4. KAUGNAYAN
• Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap
Ang PANGANGATWIRAN • ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat
na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap -
tanggap o kapani- paniwala.
❖ Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan
ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag.
❖ Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason.
❖ Ang PANGANGATWIRAN ay isang sining sapagkat ang paggamit nang
wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na
pakinggan, tanggapin at paniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
❖ Ang PANGANGATWIRAN ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may
prosesong dapat isaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at
matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
❖ Ang PANGANGATWIRAN ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay
maaaring matamo nino man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling
panahon lamang.
MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING MANGATWIRAN
1. May lubos na kaalaman sa paksa.
2. May malawak na talasalitaan o bukabularyo
3. May malinaw na pananalita
4. Maayos maghanay ng kaisipan
5. May tiwala sa sarili
6. Mahinahon
7. Mabilis mag-isip
8. Nakauunawa sa katwiran ng iba
9. Marunong kumilala ng katotohanan
10.Tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito.

You might also like