You are on page 1of 19

Balikan sa iyong alaala ang mga nabasa mong teksto

na maaring nasusulat sa iba’t ibang anyo. Itala ito batay


sa hinihiling sa talahanayan.
NAGSASALAYSAY NAGLALAHAD NANGANGATUWIRAN NAGLALARAWAN

PAMAGAT

KATANGIAN

KALIKASAN
• Bahaginan sa nagawang awtput
• Pumili ng maglalahad ng nagawang
Gawain.
AKADEMIKONG SULATIN NA
NAGLALAHAD AT NANGANGATUWIRAN
• Ang PAGLALAHAD ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong
mabigyang-linaw ang isang konsepto
o kaisipan, bagay o paninindigan
upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa.
• Sa pamamagitan ng paglalahad ay
nagiging ganap ang pagkatuto ng
isang tao dahil nabibigyan siya ng
pagkakataong makatuklas ng isang
ideya o kaisipan na makapaghahatid
sa kanya ng kasiyahan at kalinawan
sa paksang pinag-uusapan.
Ang PAGLALAHAD ay ginagamit sa lahat ng
pagkakataon at larangan. Ito'y ginagamit sa:
1. pagsagot ng mga tanong na nangangailangan ng
pasanaysay na kasagutan
2. pagsulat ng mga ulat tungkol sa Agham at
Kasaysayan
3. pagsusuri sa maikling kwento at mga nobela
4. pagpapaliwanag sa iba't ibang aralin sa paaralan.
5. Tumutugon sa walang katapusang pagkama-
usisa ng tao.
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalahad

1. KALINAWAN
Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa
ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang
paliwanag.
• Dapat isaisip na ang kakulangan ng
kalinawan ay maaring magbunga ng di
pagkakaunawaan.
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalahad
2. KATIYAKAN
• Ang katiyakan ay matatamo kung
malalaman ng nagpapaliwanag ang kanyang
layunin sa pagpapaliwanag.
3. DIIN
• May diin ang isang akda o talumpati kung
naaakit ang nakikinig o bumabasa na
ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa.
• Ito'y kinakikitaan ng diwang mahahalaga.
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalahad

4. KAUGNAYAN

• Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat


ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob
ng isang akda upang maging mabisa ang
pagpapahayag.
AKADEMIKONG SULATIN NA
NAGLALAHAD AT NANGANGATUWIRAN
• Ang PANGANGATWIRAN • ay isang
pagpapahayag na nagbibigay ng
sapat na katibayan o patunay upang
ang isang panukala ay maging
katanggap - tanggap o kapani-
paniwala.
• Layunin nito na hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ng kanilang
pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag.
• Sa pangangatwiran, ang
katotohaanan ay pinagtitibay o
pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran
o rason.
• Ang PANGANGATWIRAN ay isang
sining sapagkat ang paggamit nang
wasto, angkop at magandang
pananalita ay makatutulong upang
mahikayat na pakinggan, tanggapin at
paniwalaan ng nakikinig ang
nangangatwiran.
• Ang PANGANGATWIRAN ay
maituturing ding agham sapagkat
ito ay may prosesong dapat
isaalang-alang o sundin upang ito
ay maging mahusay at
matagumpay, lalo na sa formal na
pangangatwiran gaya ng debate.
• Ang PANGANGATWIRAN ay isa
ring kasanayan dahil ang
kahusayan ay maaaring matamo
nino man subalit hindi sa paraang
madali at sa maikling panahon
lamang.
MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING MANGATWIRAN

1. May lubos na kaalaman sa paksa.


2. May malawak na talasalitaan o bokabularyo
3. May malinaw na pananalita
4. Maayos maghanay ng kaisipan
5. May tiwala sa sarili
6. Mahinahon
7. Mabilis mag-isip
8. Nakauunawa sa katwiran ng iba
9. Marunong kumilala ng katotohanan
10. Tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito.
• ILANG AKADEMIKONG SULATIN NA
NAGLALAHAD AT NANGANGATUWIRAN:
• Agenda
• Sanaysay
• Bionote
• Abstrak
• Talumpati at iba pa
Isasagawa ng pangkatan:
1. Mula sa mga naging talakayan, nabanggit ang
patungkol sa akademikong sulatin na abstrak.
2. Sa inyong pangkat, pag – usapan at isaliksik ang
kahulugan, kalikasan at katangian ng akademikong
sulatin na abstrak.
3. Ipakita ito gamit ang anumang malikhaing grapikong
pantulong.
4. Siguraduhing ginawa ang pagbabagyong – isip sa
loob ng pangkat.
Pamanatayan sa ginawang gawain

1. Kasiningan ng Grapikong pantulong - 30


2. Nilalaman (Kaangkupan) – 25
3. Gramatika - 25
4. Kabuuang Awtput - 20
KABUUAN 100
Ang komprehensibo at epektibong
akademikong sulatin ay nakasalalay sa
pagsunod sa iba’t ibang hakbang maging
sa paglalagay ng angkop na sangkap.
Kaya ang lahat ng ito ay naipunla sa
pagsisimula ng pagsulat, tiyak ng
aanihing masagana ang binuong
akademikong sulatin

You might also like