You are on page 1of 27

FIL 112

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t


ibang teksto tungo sa
Pananaliksik
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Nanghihikayat
Tekstong Naratibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Prosidyural
TEKSTONG IMPORMATIBO
ito ay nagagamit bilang
pangunahing pananaliksik at
naglalahad ng mga bagong puntos
o kaalaman tungkol sa isang paksa.
Puno ito ng mga impormasyong
bago sa kaalaman ng bumabasa.
Ito ay tekstong di-piksiyon o hindi
kathang-isip lamang.
MGA BAHAGI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. Panimula
2. Pamungad na Pagtalakay sa Paksa
3. Graphical Representation
4. Aktuwal na Pagtalakay sa Paksa
5. Mahahalagang Datos
6. Pagbanggit sa mga sangguniang
ginamit
7. Paglalagom
PANIMULA –
Hindi maaaring mawala sa isang tekstong
impormatibo angpanimula obackground. Ito ang
magsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang
mayroon ang isang tekstong impormatibo.
Nakapaloob dito ang kagyat na datos na mayroon sa
isang paksa maging ang historical na aspektong
nakapalibot dito. Maaaring may mga datos na
ipinipresenta sa particular na paksang tinatalakay at
iyon marahil ang hudyat ng panimulang pagtalakay
sa paksa.

1
PAMUNGAD NA PAGTALAKAY SA PAKSA

Dito nakasaad ang buwelo ng pagtalakay


sa paksa. Maaaring karugtong ito ng
panimula hanggang sa unti-unti nang
nasisimulan ang paghahain ng
mahahalagang datos na mayroon sa
isang tekstong impormatibo.

2
GRAPHICAL REPRESENTATION –
mas mainam na maintindihan ang isang pagtalakay ng
kahit na anong paksa kung lalagyan ng graphical
representation ang pagtalakay. Maaaring gumamit ng kahit
na alin sa mga sumusunod:matrix, mapa, kolum, graph, at
mga katulad nito. Sa ganitong paraan, mas nagiging
malinaw ang isang pagtalakay dahil nabibigyan ng
direksiyon ang mga puntong nais idiin sa mas biswal na
paraan. Huwag lamang kalimutan na lagyan label
ng ang
binubuong graph dahil ito ang magtuturo kung ano ang
identidada ng graph na inilalagay.

3
AKTUWAL NA PAGTALAKAY SA PAKSA

Dito nabubuo ang komprehensibong pagtalakay sa


paksa. Karaniwan sa mga paksa, nangangailangan ng
sanggunian upang masabing may sapat itong bias
upang maging batayan sa pagbuo ng isang pananaliksik.

4
 MAHAHALAGANG DATOS –

Hindi masasabing kompleto ang isang pagtalakay ng


isang tekstong impormatibo kung walang sapat na
datos na magpapatunay kung ano ang kahalagahan ng
tinatalakay ng paksa. Ang mga ito rin ang magpapatunay
hinggil sa kaayusan at kabuluhan ng teksto bilang isa sa
mga pangunahing batayan ng isinasagawang
pananaliksik.

5
PAGBANGGIT SA MGA SANGGUNIANG GINAMIT

– Bahagi ng etika ng pagsusulat, lalo’t higit sa


larangan ng pananaliksik, ang pagbanggit sa mga
sanggunian ng isinusulat. May mga format o
anyong dapat sundin bilang pagsasaalang alang
sa mga taong sumulat na nakapag-isip ng mga
ideyang ginamit sa particular na teksto.

6
PAGLALAGOM

– upang magkaroon ng sapat na pagkapit o


pagkaayon consistency
( ) sa isinasagawang
pagtalakay, marapat na magkaroon ng
paglalagom sa isang tekstong impormatibo.
Paraan ito upang lubos na maintindihan ang
pagtalakay.

7
PAGSULAT NG SANGGUNIAN

sa bahaging ito inililista o isinusulat ang lahat


ng pinagsanggunian nang kompleto at buo ayon
sa pagkakagamit nito sa loob ng teksto.

8
TEKSTONG DESKRIPTIBO
May natatanging halaga ang
tekstong deskriptibo bilang isang
sanggunian sa pagsusulat ng
isang pananaliksik, ito ay
nakatutulong sa pagpapagalaw
ng isip sa pagbuo ng isang
imahen.
2 URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

1. Karaniwang Paglalarawan
sa uring ito, kadalasang gumagamit ng mga
payak na anyo ng pananalita sa
paglalarawan.
2. Masining na Paglalarawan
sa ganitong uri, maaaring hindi payak ang
pamamaraan ng pagbuo ng mga malikhaing
paglalarawan subalit gumagamit pa rin ito
ng mga salitang panuring na ang kaibahan
lamang ay nasa mataas at mas mabulaklak
na pamamaraan.
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT

Layunin ng tekstong ito na himukin ang


mambabasa na kumilos at gumawang
isang bagay na naayon sa kagustuhan
ng manunulat.

Ilan sa mga halimbawa ng tekstong


nanghihikayat, Ang mga materyal sa
pangangampanya tuwing halalan at
mga patalastas.
MGA PAMAMARAAN NG
PAGHIHIKaYAt
1. Nagsasaad ng prinsipyo o
paniniwala
2. Nagbibigay-edukasyon o
nangangaral
3. Nang-iimpluwensiya
4. Namimilit
5. Nanliligaw
1. Nagsasaad ng prinsipyo o
paniniwala
• Ito ay pag papahayag na itinatampok
ang paniniwala o adhikain ng isang
tao, grupo ng mga tao, o institusyon.
Maaring hinggil ito sa lipunan, bayan,
o personal na paniniwala o
pananampalataya.
2. Nagbibigay-edukasyon o
nangangaral

• Ito ay pagpapahayag na ginagamit


ang panghihikayat na may saligan o
batayan na ang layon ay makapag
bigay ng kaalaman.
3. Nang-iimpluwensiya

• Ito ay pagpapahayag na ang layon ay


mabago ang paniniwala ng isang
indibidwal, grupo ng mga tao, o ng
isang institusyon.
4. Namimilit
• Ito ang pagpapahayag na hindi pa
lubos ang katatagan kung kaya’t may
kasamang puwersa ng paniniwala sa
tao, grupo ng mga tao, o isang
institusyong nais nitong hikayatin. Ibig
sabihin nito ay gagawin, halimbawa ng
isang tao ang lahat, mapaniwala
lamang ang kaniyang hinihikyat.
Karaniwang halimbawa nito ang mga
pangangampanya ng mga politiko.
5. Nanliligaw
• Ito ang pagpapahayag na
kabaligtaran ng pamimilit. Sa
puntong ito, gagamit ng ibat ibang
pamamraan ang isang
nangungumbinsiupang makuha
lamang ang panig ng isang tao,
grupo ng mga tao, o ng isang
institusyon. Isa sa mga halimbawa
nito ang pagbebenta ng isang
produkto upang matangkilik ito.
TEKSTONG NARATIBO
• Isang uri ng teksto na naglalahad o
nagsasalaysay ng mga pangyayari
o kaganapan ang Tekstong naratibo.
Kaya naman, maituturing na
tekstong naratibo ang maikling
kuwento, kasaysayan, talambuhay,
at iba pang mga tekstong
naglalahad ng mga kuwento.
2 KATANGIAN NG TEKSTONG
NARATIBO

a. DEDUCTIVE- maaring mag kuwento


gamit angflashback o magsisimula sa
isang nakalipas na pangyayari.

b. INDUCTIVE- Ito ang maaring pinaka


simpleng paraan ng pagkukuwento
sapagkat nagsisimula sa kung saan
talaga ang katapusan.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
ay uri ng tekstong naghahayag ng mga
punto,kuro,saloobin at opinion nang
tahas at sa matalas na pamamaraan
upang maiparating sa mambabasa ang
paninindigan ng manunulat.
Argumentatibo ang tawag sa mga
pangangatuwirang ipinahahayag upang
maipakita ang kamalian o kawastuhan
ng isang ideya o kilos.
3 Estratehiya ng Pagsulat ng Isang
Mabisa at Retorikal na Argumento

• Ilatag ang lahat ng ideyang naiisip

• Sa paglalatag ng mga ideya,huwag


kalimutan ang mga ebidensya o
dokumentong magpapatunay ng
argumento

• Pabuod at Pasaklaw
TEKSTONG PROSIDYURAL

• ang makapaghatid ng sunod-


sunod at metodolohikal na mga
hakbang na may basehan o
siyentipikong sistema o
panuntunan impormasyon.
3 KATANGIAN NG TEKSTONG
PROSIDYURAL

• Sistematiko at Metodikal Prosidyural


• May malinaw na instruksiyon o
panuto
• May malinaw na target na awtput.

You might also like