You are on page 1of 16

IMPORMATIB

Nagbibigay at nagtataglay ang ganitong uri ng


teksto ng tiyak na impormasyon patungkol sa
bagay, tao, lugar, o pangyayari.
Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong
na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
Hindi nagbibigay ng opinyong pabor o
sumasalungat sa posisyon o paksang pinag-
uusapan.
Ang tono ng tektong impormatibo ay obhetibo
(objective).
IMPORMATIB
Gumagamit ng mga respetado o
mapagkakatiwalaang mga sanggunian
ang tekstong impormatibo
Kaugnay ng batas hinggil sa Intellectual
Property Rights, banggitin ang sumulat o
ang sangguniang pinagmulan ng
tekstong impormatibong gagamitin
DESKRIPTIB
Ito ay naglalaman ng mga
impormasyong may
kaugnayan sa mga katangian
ng tao, bagay, lugar, at
pangyayaring madalas
nasasaksihan ng tao sa paligid.
Obhetibo ang paraan ng
paglalarawan dahil wala itong
sangkot na damdamin.
Subhetibo ang paglalarawan
dahil naglalaman ng
damdamin at pananaw.
DALAWANG URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Deskripsiyong Teknikal
-Naglalayon itong maglarawan sa
detalyadong pamamaraan

Deskripsiyong Impresyonistiko
-Naglalayon itong maglarawan ayon sa
pansariling pananaw o personal na
saloobin.
DESKRIPTIB
Karaniwan
-Ito ay isang paglalarawang hindi
sangkot ang damdamin. Sa
ganitong anyo, ang
paglalarawan ay ayon sa nakikita
ng mata.
Masining
-Ito ay isang paglalarawang
naglalaman ng damdamin at
pananaw ng taong
naglalarawan. Naglalayon itong
pukawin ang guniguni ng
mambabasa.
PERSWEYSIB
Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa
o tagapakinig.
Ito rin ay isang mahalagang kasanayang dapat
matutunan ng tao.
Nararapat na maging maganda ang nilalaman nito
upang makuha ang interes ng mga mambabasa,
manonood, at tagapakinig.
Ito ay dapat ginagamitan ng mga salitang
nakagaganyak, tulad na lamang ng mga dahilan
kung bakit dapat iboto ang isang kandidato o kung
bakit dapat bilhin ang isang produkto.
PERSWEYSIB
Tatlong Paraan ng Panghihikayat Ayon kay Aristotle
1. Ethos - naiimpluwensyahan ng karakter at kredibilidad ng
tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig. Sa
ganitong paraan, kailangang nagtataglay ng sapat na
kasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o
tagapagsalita.
2. Pathos - pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito
marahil ang pinakamahalagang paraan upang makahikayat.
Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang kanyang
damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.
3. Logos - paraan ng paghikayat na umaapila sa isip. Ang
paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay labis
na nakakaapekto sa panghihikayat.
PERSWEYSIB
Ang tekstong Persuweysib ay iba sa
tekstong Argumentatibo.
Sa persuweysib, hinihikayat ng manunulat o
tagapagsalita ang mga mambabasa at
tagapakinig na maniwala sa kanilang mga
inihahayag na prinsipyo.
Sa argumentatibo ay naghahain ng isang
proposisyon na maaaring tutulan o sang-
ayunan ng manunulat o tagapagsalita.
NARATIB
Tawag sa isang teksto kung ito ay nasa anyong
nagsasalaysay. Ang tekstong ito ay tila nagkukuwento
patungkol sa tiyak at pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
Nilalayon din ng tekstong naratibo na magbigay-
kabatiran, o magbigay ng kawilihan sa mambabasa.
Ang tekstong naratibo ay nagpapakita at nagbibigay
ng mga impormasyon tungkol sa isang tiyak na tagpo,
panahon, sitwasyon at mga tauhan.
Ito ay maaaring pasulat o pasalita at nag-iiwan ng
isang matibay na kongklusyon.
NARATIB
Tekstong Naratibong Di-Piksiyon at Piksiyon
Di-Piksiyon
Ang mga naratibong di-piksiyon ay nakabatay sa
personal na karanasan ng manunulat o maaaring isang
kuwento ng isang tao.
Halimbawa: anekdota, talambuhay
Di-Piksiyon
Ang mga naratibong piksyon ay likha ng mayaman at
malikhaing pag-iisip ng may-akda.
Halimbawa: nobela, maikling kuwento at iba pang
akdang pampanitikan
NARATIB
Ilang mga Elemento ng Tekstong Naratibo
ARGUMENTATIB
Naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o
pagbibigay ng pananaw tungkol sa isang mahalaga
o maselang isyu.
Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang
tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa
pamamagitan ng mga pangangatuwiran.
Ang ganitong uri ng teksto ay kadalasang
sumasagot sa tanong na bakit.
Layunin din ng ganitong uri ng teksto na
mapatunayan ang katotohanang ipinahahayag nito.
ARGUMENTATIB
Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo
1. Panimula dito inilalahad ang pangkalahatang paksang
tatalakayin at ang proposisyon. Ang proposisyon ay isang
pahayag na naglalaman ng isang opinyon na maaaring
pagtalunan.
2. Katawan - Lahat ng argumento ukol sa inihaing
proposisyon ay kailangang organisadong maihanay.
Pagmumulan namn ito ng premis o mga batayan
3. Konklusyon - inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang
pananaw ukol sa kaniyang proposisyon. Kinakailangang
matibay ang konklusyong binuo batay sa mga patunay na
nabanggit sa katawan ng teksto.
ARGUMENTATIB
Mga Paraan ng Pangangatwiran
1. Pagsusuri - ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng
paksa upang ang mga ito ay masuri nang husto
2. Pagtukoy sa mga Sanhi - inuugat ang mga naging sanhi ng
mga pangyayari
3. Pabuod sinisimulan sa maliliit na patunay tungo sa
paglalahat. Maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad,
pagtukoy sa mga sanhi ng pangyayari, at mga patunay
4. Pasaklaw sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o
kaalaman at iisa-isahin ang mga mahahalagang punto
PROSIDYURAL
Tekstong Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod
Ito ay may layunin na sumagot sa tanong na
paanopaano binuo, paano iluto, paano buuin,
paano gawin, paano nangyari, at iba pang mga
gawain at pangyayaring lagi nating ikinakabit ang
tanong na paano.
Ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan o hakbang ng
pagsasagawa ng isang gawain at pag-iisa-isa ng mga
pangyayari.
Nagiging mas maayos, malinaw, at naiiwasan ang
anumang kalituhan sa tulong ng mga tekstong
prosidyural.
PROSIDYURAL
Iba't Ibang Tekstong Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod
1. Sekwensyal - tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay
o gawaing magkakaugnay sa isat isa.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa,
pangatlo, pang-apat, kasunod, at iba pang kagaya.

2. Kronolohikal - tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pahayag. Ang


paksa ng tekstong ito ay mga tao o bagay na inilalahad sa isang
paraan batay sa isang tiyak na baryabol na tumutukoy sa edad,
distansya, halaga, lokasyon, bilang, dami at iba pa.

3. Prosidyural - nagtuturo kung paano isasakatuparan ang isang serye ng


gawain upang matamo ang inaasahang resulta. Ang
kaayusang ito ang mas madalas na kinakabitan ng tanong na
paano, sapagkat ito ang kaayusang nag-iisa-isa ng mga
hakbang o pamamaraan kung paano gawin ang isang bagay.

You might also like