You are on page 1of 41

Free Powerpoint Templates

Page 1

LIMANG DIMENSYON O
PANUKATAN NG
PAGBASA

Free Powerpoint Templates

Page 2

A. Pag-unawang Literal
pagpokus ng atensyon sa mga ideya at
info na maliwanag na sinasabi ng
babasahin.
pagkuha ng pangunahin, literal, at
tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha
ng kahulugan ayon sa paggamit sa
pangungusap.
pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa
sariling pagkakaunawa ng bumabasa.

Free Powerpoint Templates

Page 3

Halimbawa na mga Tanong sa


Pag-unawang Literal
Kailan at saan naganap ang kwento?

Anong uri ng paglalakbay ang kanilang


isasagawa?

Free Powerpoint Templates

Page 4

B. Pagbibigay ng
Interpretasyon
pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap
kung kwento at taludtod kung tula
pagkuha ng malalim na kahulugan bukod sa
mga nakuha na literal na kahulugan
pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga
salita na hindi tuwirang sinabi ng may-akda.
paglalahad ng tunay na kaisipan ng may-akda
kasama ang mga implikasyon at karagdagang
kahulugan nito
pagkilala ng tunay na hangarin at layunin ng
may-akda
mabigyang kahulugan ang kaisipan ng mayakda
Free Powerpoint Templates

Page 5

Halimbawa na mga
Tanong sa Interpretasyon
1. Sa iyong palagay, anong oras sila
nagdesisyon na ihinto na ang
paglalakbay?
2. Mag ilang tao ang kasangkot pagsisimula
ng paglalakbay?
3. Humigit-kumulang anong oras narating
ang tuktok ng bundok?
Free Powerpoint Templates

Page 6

C. Mapanuri o Kritikal na
Pagbasa
pagbibigay-halaga ng katumpakan ng
pagbabasa
tiyakin ang kaugnayan nito sa isang
partikular na suliranin
pagbibigay ng sariling reaksyon ukol sa
mga kaisipang natutuhan o tungkol sa
akdang nabasa
Free Powerpoint Templates

Page 7

Halimbawa na mga Tanong sa


Mapanuring Pagbasa
1. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng
pangunahing tauhan nang marating nila
ang tuktok ng bundok?
2. Masasabi mo bang makatarungan ang
desisyon na ginagawa ng ibang tauhan?
Ipaliwanag.

Free Powerpoint Templates

Page 8

D. Paglalapat o Aplikasyon
malaman ang kahulugan ng nilalaman
ng binasa sa karanasan ng bumabasa
madagdagan ang pansariling pangunawa sa sarili
pagpapahalaga sa lipunan o paligid

Free Powerpoint Templates

Page 9

Free Powerpoint Templates

Page 10

E. Pagpapahalaga
pagdama sa kagandahan na
ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento
pagbasa upang matugunan ang bisa ng
sikolohiya ng pamamaraan ng may-akda
o masining na elemento nito
madama ang mga damdamin o kaisipang
likha ng guniguni o mga damdamin

Free Powerpoint Templates

Page 11

Free Powerpoint Templates

Page 12

ANG PAGBASA BILANG AKTIBONG


GAWAIN
Nagbigay si Clouse (1998) ng ilang
katotohanan (facts) hinggil sa pagbasa na
malimit mabigyang-pansin:
Ang teksto ay hindi lamang ang teksbuk.
Ang mambabasa ay hindi lamang
tumutuklas ng kahulugan. Siya ay
kasama sa pagbubuo nito.
Walang payak o tiyak na kahulugan ang
teksto.
Free Powerpoint Templates

Page 13

Magtiwala sa sariling reaksyon.


Di lahat ng nakalimbag ay may
mataas na kalidad.
Normal lang ang kawalan ng
kasiguraduhan.

Free Powerpoint Templates

Page 14

MGA HAKBANG SA AKTIBONG


PAGBASA

Paunang Pagbasa (I-preview ang


teksto)
Pumili ng lugar kung saan ka maaaring
maging kumportable sa pagbabasa.
Pag-isipang mabuti ang pamagat.
Alamin ang awtor.

Free Powerpoint Templates

Page 15

Alamin ang publikasyon.


Basahin ang headnote. (preface o
introduksyon)
Basahin ang mga captions, mga salitang
naka-bold face o nakapahilig, mga tsart,
mga larawan at iba pa.
Basahin ang una at ikalawang talata.
Basahin ang pangungusap ng bawat
talata.
Gumawa ng isang dyornal entri kung saan
itatala ang iyong inaasahan mula sa
teksto.

Free Powerpoint Templates

Page 16

Basahin ang teksto sa isang upuan o


pagkakataon.
- Muli, maging komportable.
- Basahin ang teksto, kung may di maunawaan,
balikan ito, matapos na mabasa ang kabuuan ng
teksto.
- Bilugan ang mga salitang di-maunawaan o kayay
lagyan ng simbolong ? (tandang pananong).
- Gumawa ng dyornal entri ng inyong reaksyon sa
binasang teksto at sa pangunahing ideya nito.

Free Powerpoint Templates

Page 17

Basahin at pag-aralan ang


teksto.
Kumuha ng bolpen at maghandang
maglagay ng mga pananda.
Balikan ang mga salitang binilugan at
isulat sa tabi nito ang mga kahulugan.

Free Powerpoint Templates

Page 18

Salungguhitan ang tesis o pangunahing


paksa.
Guhitan ang mga mahahalagang puntos.
Makipag-usap sa awtor sa pamamagitan
ng pagsusulat ng iyong reaksyon sa
teksto.
Gumawa ng isang dyornal entri na
sumasagot sa mga sumusunod na
tanong:

Free Powerpoint Templates

Page 19

Ang awtor ba ay nagpapahayag ng


katotohanan o opinyon?
Mayroon bang sapat at makatwirang
mga detalye?
Ano ang tono o himig ng awtor?
(Seryoso, sarkastiko, nakatutuwa, galit,
nanlilibak?)
Ano ang layunin ng awtor?
Sino ang inaasahang awdyens ng
awtor?
Nakabatay ba ang mga tinuran ng awtor
sa emosyon, lohika/katwiran o pareho?
Free Powerpoint Templates

Page 20

Sumulat batay sa pagkaunawa sa teksto.


Hinihikayat ang pagsusulat matapos mabasa ang
kabuuan ng teksto. Sa antas kolehiyo, mahalaga
na matandaan at maunawaang lubos ang mga
detalye ng binabasa. Dito ay mapapakinabangan
ang pagsusulat mula sa binasa. Dito masusukat
ang lalim o babaw ng pagkaunawa ng
mambabasa sa tekstong kanyang binasa.
Maaaring pumili ng alinman sa mga sumusunod
na pamamaraan sa pagsulat ng dyornal.

Free Powerpoint Templates

Page 21

Sumulat ng iyong personal na reaksyon sa


binasang teksto. Nagustuhan mo ba ito? Bakit?
Ano ang bagong natutuhan mula rito? Ano ang
naramdaman mo sa pagbasa mo ng tekstong ito?
Hihikayatin mo ba ang iyong kaibigan na basahin
rin ang tekstong ito? Mahahalaga ba ang mga
ideya ipiniresenta? Ano ang kalakasan at
kahinaan ng teksto?
Sumulat ng buod ng teksto.
Sumulat ng balangkas ng teksto.
Sumulat ng isang maikling sanaysay na
nagpapaliwanag ng kaugnayan ng iyong mga dati
nang nalalaman sa mga ideyang inilahad ng
awtor.
Gumawa ng pagsusulit hinggil sa tekstong binasa
at subuking sagutin ito.
Hamunin ang awtor sa pamamagitan ng pagsulat
ng mga argumento laban sa kanyang mga
inilahad na pananaw.
Free Powerpoint Templates

Page 22

Sa mga kabataang nanghihingi ng words of wisdom


at laging nag-aakalang meron ako sa bulsa, meron
nga. Ito, hindi ko ginagamit, inyo na lang:
Kumain ka ng siopao na may palamang pusa o
maglakad sa bubog na nakayapak, pero wag na wag
kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang
umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo
dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at
hindi ka nila iisahan.
Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral,
manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo
naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw
na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang
teacher. (Haay, sarap!)
Wag mawawalan ng gana sa buhay, kung ano yung
galing mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga
laban sa UAAP, NCAA, mga sportsfest, o concert ng
paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa

` Wag magmamadali sa pag-aasawa.


Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at
maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si
Debbie Gibson o magaling magbreak
dance. Totoong mas importante ang
kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas
ng panahon, maging ang mga crush ng
bayan sa eskwelahan, e magmumukha
ring pandesal. Maniwala ka.

Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon


mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang
kumain ng balde-baldeng lupa para malagay
ka sa Guiness Book of World Records at
maipagmamalaki ng bansa natin, sige lang.
Nosi balasi. Wag mong pansinin ang mga
sasabihin ng mga taong susubok humarang
sa iyo. Kung hindi nagsumikap ang mga
scientist noon, hindi pa rin tayo dapat
nakatira sa Jupiter ngayon. Pero hindi pa rin
naman talaga tayo nakatira sa ngayon sa
Jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga
scientist noon. Kita mo yung moral lesson?

Kung gusto mo maging musikero, sige lang!


Pintor, ayos! Inihinyero, the best! Kung gusto
mong maging teacher, pilitin mong maging
teacher na hindi makakalimutan ng mga
estudyante mo.
Kung gusto mong maging sapatero, maging
pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong
maging karpintero, maging pinakamagaling kang
karpinetro. Kung gusto mong maging tindero ka
ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay
namin para mambulahaw sa gabi kung ayaw
mong masaktan!

Mangarap ka at abutin mo to. Wag mong


sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota,
pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa yo mga magulang mo, pwede
kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pagaaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay
ka ng buhok sa kilikili. Sa bandang huli, ikaw din
ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at
bait sa sarili.
Hindi ako naniniwalang kailangan ng taong
mangarap dahil gusto niya ng pera, o gusto niyang
sumikat, o gusto niya ng impluwensiya. Side effects
na lang ang mga to, tingin ko. Nangarap ang tao
dahil binigyan siya ng Diyos na kakayanang
mangarap at tumupad nito. At wala na siyang iba
pang magagawang mas malaking kasalanan sa
sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon at
hindi bumili ng libro ko.

MGA TEORYA AT PAG-AARAL HINGGIL SA PAGBASA


IBAT IBANG PANANAW O TEORYA SA PROSESO NG
PAGBASA (Badayos, 2000)

TEORYANG BOTTOM-UP
May impluwensya ito ng teoryang
behaviorist
na
nagsasabing
malaki
ang
gampanin
ng
kapaligiran sa pag-unawa sa
pagbasa.
Free Powerpoint Templates

Page 29

Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa


ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo upang maibigay ang
katumbas nitong tunog.
Nagsisimula ang pagbasa sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sasalita, parirala,
pangungusap ng buong teksto bago pa man
ang pagpapakahulugan sa teksto.
Tinatawag rin itong outside-in o data-driven.

Free Powerpoint Templates

Page 30

TEORYANG TOP-DOWN
Sina Smith at Goodman ang masusugid na
tagapagtaguyod ng teoryang ito. Naniniwala sila
na ang paggamit ng kakaunting oras at panahon
sa pagbabasa gamit ang pagpili ng mga
makabuluhang hudyat (cues) at mga
impormasyong makatutulong sa pagbuo ng
kahulugan ng teksto ang siyang tunay na
mahusay na mambabasa.

Free Powerpoint Templates

Page 31

Sa teoryang ito, ang pagbasa ay


nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil
ang dating kaalaman niya ang
magpapasimula ng pagkilala niya sa
teksto. Kung wala ito, hindi niya
mabibigyang-kahulugan ang anumang
babasahin.
Tinatawag rin itong inside-out o
conceptually driven.
Free Powerpoint Templates

Page 32

TEORYANG INTERAKTIBO
Lumitaw ang teoryang ito bunga ng pagbatikos sa
dalawang naunang teorya.
Ayon dito, mas mainam na pagsamahin ang dalawang
teorya sa gawaing pagbasa dahil naniniwala sila na ang
komprehensyon sa pagbasa ay may dalawang direksyon:
ibaba-pataas at itaas-pababa.
Naniniwala ang teoryang ito na ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pagunawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang
kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan.
Gayundin naman, binibigyang-diin sa teoryang ito ang
paniniwalang ang pag-unawa ay isang proseso at hindi
isang produkto.

Free Powerpoint Templates

Page 33

TEORYANG ISKEMA
Iskema ang tawag sa dating kaalaman ng mambabasa.
Naniniwala ang teoryang ito na ang teksto, pasalita man
o pasulat ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili.
Ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa
nakikinig o mambabasa sa kanilang paraan ng paggamit
o pagbubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang
dating kaalaman.

Ang lahat ng natututuhan at nararanasan ng tao


ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad
ayon sa teorya.
Free Powerpoint Templates

Page 34

METAKOGNITIBONG PARAAN NG
PAGBASA
ANO ANG METAKOGNISYON
Binigyang-kahulugan sa Ingles ang
meteakognisyon bilang cognition about
cognition o pag-alam hinggil sa pagalam
Sinasabi ng mga eksperto na ang
metakognisyon ay isang survival tool.

Free Powerpoint Templates

Page 35

Si J.H. Flavell ang unang gumamit ng


salitang metakognisyon. Ayon sa kanya, ang
metakognisyon ay tumutukoy sa kaalaman
ng isang indibidwal hinggil sa kognitibong
pagpoproseso o anumang kaugnay nito.
Marami itong anyo. Sinasaklaw nito ang
kaalaman hinggil sa kung kalian at paano
maaaring gamitin ang isang partikular na
estratehiya sa pagkatuto.

Free Powerpoint Templates

Page 36

Sa metakognisyon, nakikita ng isang indibidwal ang


kanyang sariling pagkakamali sa pag-unawa at
nagsasagawa siya ng paraan upang ito ay maitama.
Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang paraan ng
pagbibigay-kahulugan sa metakognisyon. Ngunit sa
kalahatan, tinutukoy nito ang pag-aaral ng pagmomonitor
ng memorya at pagkakaroon ng sariling kamalayan. Ang
kapasidad na ito ay mahalaga upang magamit nang
wasto ang sariling kaalaman at mapalawig ang potensyal
ng indibidwal na mag-isip, matuto at mag-ebalweyt ng
mga katanggap-tanggap na tuntuning etikal at moral.

Free Powerpoint Templates

Page 37

Sa eksperimento sa larangan ng sikolohiya, natuklasan


ang kaibahan ng metakognisyon sa pagitan ng
pagmomonitor at pagkontrol. Sa una, tumutukoy ito sa
pagbubuo ng pagpapasya hinggil sa kalakasan ng isang
memorya. Samantalang sa ikalawa, gumagamit naman
ng pagpapasya upang mapatnubayan ang kilos/gawi.
Binigyang-kahulugan rin ang metakognisyon bilang lebel
ng pag-iisip na kinasasangkutan ng aktibong pagkontrol
sa proseso ng pag-iisip na kadalasang nagagamit sa
mga sitwasyong pagkatuto.

Free Powerpoint Templates

Page 38

Ang metakognisyon ay kinapapalooban


ng mga kasanayan sa:
pagpaplano ng mga pamamaraan upang
simulan ang isang gawaing pagkatuto
pagmonitor ng komprehensyon
pagtaya ng progreso sa pagkumpleto ng mga
gawain
pagpapanatili ng motibasyon na tapusin ang
naumpisahang gawain
pagkakaroon ng kamalayan sa mga sagabal
sa pag-unawa ---- ito man ay internal o
eksternal.

Free Powerpoint Templates

Page 39

Yamang ang metakognisyon ay may


kritikal na gampanin sa pagkatuto ng
indibidwal, mahalaga na ito ay maisagawa
kapwa ng guro at mag-aaral. Ang mga
mag-aaral na nakapagsasagawa ng
metakognitibong pamamaraan sa pagaaral ay higit na may mahusay na
pagganap/performans sa mga pagsusulit
at gawaing pangklasrum.
Free Powerpoint Templates

Page 40

Free Powerpoint Templates

Page 41

You might also like