You are on page 1of 3

Colegio de la Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas city

College of Business Management & Accountancy


Summer 2021-22

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

FILIPINO 1 –AKADEMIKONG FILIPINO

FINALS

WEEK 13 & 14
Name of the Unit Topic- Katuturan ng Diskurso at ang Apat na Uri ng Diskurso

1. Intended Learning Outcomes:


Pagkatapos ng isang linggong aralin, ikaw ay inaasahang:
a. nasasabi at maipaliwanag ang katuturan ng diskurso.
b. naibibigay ang apat na uri ng diskurso.
c. nakakabibigay ng mga halimbawa ng bawat uri ng diskurso.

2. Introduction:

Gumawa ng isang paglalarawan o kuwento tungkol sa larawan sa itaas.


Paano ninyo nagawan ng paglalarawan o kuwento ang larawan sa itaas?
Ano ang ginawa mo upang makagawa ng isang paglalarawan? (Hindi kailangang isumiti)

3. Inputs:

Ano ang diskurso?

Ito ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng iba’t ibang pangungusap- sa


ibang salita ay salisalitaan (conversation), argumento o pananalita (speeches). Paraan
ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita. Nangangahulugan din ng
pakikipagtalastasan. Ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na
usapan Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon
Tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim
na pagtingin sa mga ideyang inilalahad.

Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na


nangangahulugang “running to and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na
komunikasyon. Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga
impormasyon.

Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa
kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa,
pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang
diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin,
kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.

Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang


kalikasan at pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat
na ito ay higit na mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo ng
diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang
linggwistik kompitens.

Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang magsulat at


agsalita nang may katagalan o kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995),
ito ay isangpormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay
pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya
tungkol sa isang paksa.

Apat na uri ng diskurso:

1. Pagsasalaysay
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng
pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na
pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat;
epiko at mga kwentong bayan.
2. Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-


palagay.Maaring tungkol sa tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ginagamitan ito ng
makulay, mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang (naamoy, nalalasahan,
naririnig) pananalita.
3. Paglalahad
Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-
linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan
ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang
ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang
pinag-uusapan. Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao
ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing
pangkomunikasyon.

4. Pangangatwiran
Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang
isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin
ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
Sa pangangatwiran, ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan
ng mga katwiran o rason.
Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at
magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at
paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong
dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal
na pangangatwiran gaya ng debate.
Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n
imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

4.Pagsasanib (Involvement)

Nakagawa na ba kayo ng pagsasalaysay ? paglalarawan? Paglalahad? Pangangatwiran?

5.Individual Worksheet

Panuto: Punan ng wastong sagot and bawat kahon.

Mga Katanungan Mga Sagot


1. Ano ang diskurso? Ipaliwanag ito.
2. Ano ang apat na uri ng diskurso?
Ipaliwanag ang bawat isa.

6. Interventions (Enhancement Activities):


Magbasa ng mga paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.

Individual Worksheet

FINALS WEEK 13 & 14

PANGALAN ______________

Panuto: Punan ng wastong sagot and bawat kahon.

Mga Katanungan Mga Sagot


1. Ano ang diskurso? Ipaliwanag ito.
2. Ano ang apat na uri ng diskurso?
Ipaliwanag ang bawat isa.

You might also like