You are on page 1of 101

YUNIT 1

ANG MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pangkahalatang Layunin:

1. Matulungan ang mga mag-aaral na mabigyan ng sapat na kaalaman at pag-


unawa sa mga sumusunod na aralin gaya ng katuturan, katangian, kahalagahan,
anyo at layunin ng masining na pagpapahayag.

Aralin 1. Katuturan ng Masining na Pagpapahayag

Mga tiyak na layunin:

1. Naibibigay ang katuturan ng masining na pagpapahayag.


2. Nalalaman ang mga Kategorya ng masining na pagpapahayag.

Alam na alam natin na ang tao ay may marami nang alam lalung-lalo na kapag
siya ay nasa wastong gulang na. Ang mga kaalamang ito ay mula sa kanyang mga
karanasan mula nang siya’y magkaisip hanggang sa siya’y tumanda. Sa mga kaalamang
ito ay sangkot ang wika na siyang pangunahing kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At,
sa pakikipagtalastasan ay sinasaklaw ang dalawang mahahalagang sangkap; ang mga ito
ay ang balarila at retorika/masining na pagpapahayag.

Magiging epektibo ang pagpapahayag ng isang tao kapag maliwanag ang


paghahatid ng impormasiyon, makabuluhan ang ideyang ipinahahayag at naikikintal ang
mga kaalaman sa isipan ng mga tagapakinig o mambabasa. Kapag ang pagpapahayag ay
ginagamitan din ng mga matatalinhagang salita ay masasabi rin na epektibo ang
pagpapahayag. Ano ba ang pagpapahayag? Ang pagpapahayag ay ang pagsisiwalat ng
tao ng kanyang niloloob, paniniwala at lahat ng kanyang nalalaman. Kung kaya’t
upang maging mabisa ang isang pahayag ay kinakailangan nitong taglayin ang
kawastuhang balarila at angkop na paggamit ng materyales retorikal.

Masining na Pagpapahayag 1
Katuturan ng Masining na Pagpapahayag

Ang retorika/masining na pagpapahayag ay proseso ng maayos na pagpili ng


wasto, malinaw, mabisa at kaaya-ayang pagpapahayag ng mensahe upang higit na
maunawaan at makalugdan ng tagapakinig o mambabasa.
Ayon kina Bisa, et. Al (2008), ang masining na pagpapahayag ay ang mga
pagpapahayag na gumagamit ng maganda, masining at epektibong mga salitang
maaaring naipakikita ng mga tayutay o talinghaga, idyomatikong pagpapahayag, mga
kawikaan at mga konotasyon.

Pahapyaw na Kasaysayan

Klasikal na Masining na Pagpapahayag

Ang elokwens na ipinamalas nina Nestor at Odysseus sa Iliad ay naging dahilan


upang kilalanin si Homer ng maraming Griyego bilang ama ng oratoryo. Ang pagkatatag
ng mga demokratikong institusyon sa Athens noong 510 BC ay nagtakda sa lahat ng mga
mamamayan ng pangangailangan ng serbisyong publiko. Mula noon, naging esensyal na
pangangailangan na rin ang oratoryo, kaya isang pangkat ng mga guro ang nakilala.
Tinawag silang mga Sophist. Sila’y nagsikap upang gawing higit na mububuting
tagapagsalita ang mga tao sa pamamagitan ng tuntuning pansining.
 Protagoras, ang kauna-unahang Sophist na nagsagawa ng isang pag-aaral sa
wika at nagturo sa kanyang mga mag-aaral kung paanong ang mga
mahihinang argumento ay nagagawang malakas sa isang pahayag o
talakayan.
 Corax ng Syracuse, aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham.
Siya rin ang nagsabi noong ikalimang siglo na ang retorika ay artificer o
persuasion at umakda ng unang handbuk hinggil sa sining ng retorika.
 Iba pang maestro ng retorika:
 Tisias – mag-aaral ni Corax.
 Gorgiasng Leontini na nagpunta sa Athens noong 427 BC.
 Thrasymachus ng Chalcedon na nagturo rin sa Athens.
 Antiphon – itinuturing na Ten Attic Orators, kauna-unahang
nagsanib ng teorya at praktika ng retorika.
 Isocrates – dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC,
ang nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-
aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal.

Tinutulan naman ni Plato, isang pilosopong Griyego, ang teknikal na pagdulog sa


retorika. Binigyang-diin niya ang panghihikayat kaysa sa katotohanan sa akda niyang
Gorgias at tinalakay niya ang mga simulaing bumubuo sa asensya ng retorikal na sining
Masining na Pagpapahayag 2
sa Phaedrus. Samantala, sa akdang Rhetoric, inilarawan ni Aristotle, isa pang pilosopong
Griyego, ang tungkulin ng retorika hindi bilang isang panghikayat. Samakatwid,
binibigyang-diin niya ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng
katotohanan at hindi ng panghihikayat sa pamamagitan ng apil sa emosyon. Itinuring
niya ang masining na pagpapahayag bilang counterpart o sister art ng lohika.

Mga Pangunahing Kategorya ng Masining na Pagpapahayag

Ang masining na pagpapahayag bilang isang sining ay nahahati sa limang


pangunahing kategorya o kanon:

a. Imbensyon
b. Pagsasaayos
c. stayl
d. Memori
e. Deliberi

Ang mga kanon na ito ay may silbing analitik at generative. Nagbibigay ang mga
ito ng templeyt para sa kritisismo ng diskurso at nagbibigay ng pattern para sa
edukasyong retorikal. Mayaman ang literatura ng masining na pagpapahayag sa mga
pagtalakay hinggil sa mga ugat o hanguan ng retorikal na abilidad at ang mga ispesipik na
uri ng mga retorikal na pagsasanay para sa paglinang ng linggwistik pasiliti.
Ang imbensyon ay mula sa salitang Latin na invenire na ang kahulugan ay to find.
Samakatwid, ang kanon na ito ay nakatuon sa karaniwang kategorya ng pag-iisip na
naging kumbensyonal na hanguan ng mga retorikal na materyales. Tinatawag itong
topics of invention o topoi sa Griyego. Mga halimbawa nito ay sanhi at epekto,
komparison at iba pang ugnayan.

Ang imbensyon ay nakatuon sa kung ano ang sasabihin ng isang awtor at hindi sa
kung paano iyon sasabihin. Inilalarawan din ito nilang ubod ng panghihikayat. Sa
katunayan, inilarawan ni Aristotle ang retorika bilang pagtuklas sa pinakamabuting
abeylabol na paraan ng panghihikayat at ang importanteng hakbang ng proseso ng
pagtuklas na ito ay tinatawag na stasis.

Ang pagsasaayos ay nakatuon sa kung paano pagsunud-sunurin ang isang


pahayag o akda. Sa matandang retorika (ancient rhetoric), ang pagsasaayos ay
tumutukoy sa pagkakasunud-sunod na dapat iobserb sa isang oratoryo, ngunit ang
kanon na ito ay nag-iinklud na rin na lahat ng konsiderasyon sa pagsasaayos ng anumang
uri ng diskurso.

Masining na Pagpapahayag 3
Ang istayl ay nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung ang
imbensiyon ay nauukol sa ano ang sasabihin, ang istayl ay nauukol sa paano iyon
sasabihin. Ang istayl ay hindi rin opsyunal na aspeto ng diskurso. Ang istayl ay esenstyal
sa retorika sapagkat ang kaanyuan o ang linggwistik na kaparaanan ng paglalahad ng
isang bagay ay bahagi ng mensahe, katulad ng kontent.

Sa una, maaaring isipin na ang memori ay may kaugnayan sa mnemonics o


memory aids na tumutulong sa isang orador na sauluhin ang isang talumpati. Ngunit ang
kanon na ito ay higit pa sa pagmemorays ng isang inihandang talumpati para sa
presentasyon. Nakapaloob din sa kanong ito ang pag-iimbak ng iba pang materyales sa
isipan ng mga paksa ng imbensiyon upang magamit sa isang partikular na okasyon.

Samakatwid, ang memori ay nauugnay sa deliberi, maging sa mga


pangangailangang improbisasyunal ng isang ispiker. Kaugnay nito ang sensitibiti sa
konteksto ng isang sitwasyong pangkomunikasyon.

Ang deliberi ay napakahalaga sa retorikal pedagodyi. Ang kahalagahan nito ay


binibigyang-diin sa mga pagtalakay ng exercitatio (mga practice exercises) at naipapakita
sa deklamasyon ng mga retorikal na edukasyon.

Ang deliberi ay unang tinatawag na pasalitang retorika na ginagamit sa mga


pampublikong konteksto, ngunit ito ay maaari ring ituring bilang isang aspeto ng
retorika na nakatuon sa pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o
pasulat.

Gawaing Interaktib

1. Magsaliksik hinggil sa isang kilalang tao sa ating lipunan at pag-usapan kung


papaanong ang masining na pagpapahayag ay nakatulong sa kanilang tagumpay.

Masining na Pagpapahayag 4
Pagsasanay Blg. 1

Pangalan: _____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

Panuto: Ibigay ang tamang sagot ng bawat pahayag. Sagot sa bawat patlang.

___________________1. Ang naging tawag sa pasalitang retorika.

___________________2. Naging ama ng oratoryo ayon sa maraming Griyego.

___________________3. Pangkat ng mga gurong nakilala dahil sa pagsikap na maging

mabubuting tagapagsalita ang mga tao.

___________________4. Ang tunay na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham.

___________________5. Lating salita ng imbensyon.

___________________6. Naging dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC.

___________________7. Isa sa mga kategorya ng retorika na nauukol sa pagkakasunud-

sunod ng pahayag.

___________________8. Si Protagoras ang ______ sophist na nagsagawa ng isang pag-

aaral tungkol sa wika at itinuro rin niya sa kanyang mag-aaral

kung paano mapalakas ang mahihinang argumento.

___________________9. Isang kanon o kategorya ng retorika na nauukol sa kung paano

sinasabi sa pahayag.

___________________10. Pilosopong Griyego na mas binibigyan niya ng diin ang

katotohanan kaysa panghihikayat.

Masining na Pagpapahayag 5
Aralin 2. Kahalagahan ng Masining na Pagpapahayag

Mga tiyak na layunin

1. Nalalaman ang iba’t ibang kahalagahan ng masining na pagpapahayag.


2. Nabibigyan ng mga halimbawa ang bawat kahalagahan.

Iba’t ibang kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag

Kahalagahang Panrelihiyon

Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang sekta ng relihiyon sa


kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya. Nakasalalay sa kanilang
makarismatikong tinig, malinaw at madaling maintindihang pananalita at
maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang misyon at sila mismo bilang isang
relihiyosong lider. Pinakapopular na halimbawa nito ang pundador ng El Shaddai, si Mike
Velarde. Madali niyang mapasanib sa kanyang grupo ang mga tao kaya dumadagsa ang
kanyang mga miyembro gawa ng natural niyang punto at mababaw-ligayang biru-biro sa
pagsasalita na kinaiidentipikahan ng sinumang nagkakainteres dahil hindi siya naiiba sa
kanilang pandinig na tulad nila na galling sa iba-ibang probinsiya kaya madali nilang
madama at maiintindihan ang pagsasalita at sinasalita. Kaya naman hindi maitatatwa
ang tagumpay ni Mike Velarde sa larangan ng kanyang piniling kinasangkutan.

Kahalagahang Pampanitikan

Si Jun Cruz Reyes, isang premyadong kwentista at nobelista, sa kanyang mga


akda ay matapat na nagsisiwalat ng mga karaniwang kwento tungkol sa buhay masa at
isinasalarawan niya ang mga pangyayaring sadyang nagaganap sa tunay na kalakaran
ng lipunang ito. Ang gamit niyang wika at istilo sa kanyang pagpapahayag sa kanyang
mga akda ay parang buhay na tubig na natural na sumisibol at dumadaloy sa
personalidad ng kanyang mga tauhan at sa kapaligirang kanyang ginagalawan. Sa
kabisaan ng pamamaraan niya sa pagsulat, nakuha ng kanyang mambabasang
simpatyahin ang kanyang mga obra. Kaya naman ang tagumpay niya sa ganitong
larangan ay hindi matatawaran.

Masining na Pagpapahayag 6
Kahalagahang Pang-ekonomiya

Mangyari pa, katulad ni Mike Velarde at Jun Cruz Reyes ay hindi lamang naging
maunlad sa pinili nilang propesyon., lalo’t higit sa lahat sa kanilang pangkabuhayan at
pananalapi. Sa pagdami ng mananampalataya ni Velarde, hindi maililihim dahil
nadidyaryo na masagana rin ang biyayang kanyang tinatanggap. Nakamtan ito sa
pamamagitan ng mabisa at kapani-paniwalang pagpapahayag sa madla.
Sa pagkakakilala naman kay Jun Cruz Reyes bilang batikang manunulat,
nagkabolyum ang benta ng kanyang mga aklat, nagkapuwang siya sa akademikong
lipunan sa pamamagitang ng pagtuturo at siyempre pa sa mga opisyal na pagsasalita sa
mga kapulungan tulad ng seminar dito at sa labas ng bansa. Pinalaki nito ang kanyang
ginhawa at kita.

Kahalagahang Pang-media

Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula gayundin ang mga personalidad
sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan ng
mga katangi-tangi nilang pagsasalita at sa mga kaakit-akit nilang boses na humhubog sa
kanilang personalidad para makilala sa madla. Ito ay nagsisilbing puhunan nila sa pag-
unlad. Walang humpay silang sinusubaybayan sampu ng kanilang mga proyekto at
programa ng kani-kanilang kampo ng mga tagahanga. Si Noli de Castro at Rey Langit sa
kakaiba nilang prodyeksyon ng pananalita. Sina Rosa Rosal, Nora Aunor, Chanda
Romero, Chin-chin Gutierez at marami pang ibang kilalang artista na hindi lamang
tumanyag dala ng kanilang magaling na pag-arte bagkus ay sa malinaw at mabisang
pagdidiyalogo.

Kahalagahang Pampulitika

Kapansin-pansin na marami sa matatagumpay ngayon sa larangan ng pulitika ay


likha ng personalidad at popularidad.. Isa na rito ang pangulo n gating bansa sa
kasalukuyan. Maraming batikang pulitiko ang namuhunan sa maretorikang
pagpapahayag. Sa sandal ng kanyang pangangampanya , kapana-panabik na pagbitiw
nila ng mga pananalita lalo’t naglalaman ng mga platapormang mapangako sa mga
kalagayang naghihintay ng pagbabago.

Masining na Pagpapahayag 7
Pagsasanay Blg. 2

Pangalan: _____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag na nasa ibaba. Isulat sa bawat patlang
kung ano ang kahalagahan ng bawat isa.

____________1. Binasa ng ilang mga mag-aaral ang aklat na akda ng isang retiradong
propesor sa USM.

____________2. Ginawaran ng parangal si Nora Aunor sa pelikulang “ Ang Kuwento ni


Mabuti”

____________3. Laging nababanggit ang pangalan ng ilang mga mamamahayag sa ABS-


CBN.

____________4. Marami nang mananampalatayang napasunod ni Quiboloy sa kanilang


relihiyon.

____________5. Malugod niyang binasa ang akda ni Pat Villafuente dahil sa kagandahan
nito.

____________6. Sino ba ang hindi mapapaibig sa napakagandang si Marian Rivera?

____________7. Lalong nagkaroon ng tiwala ang mga tao sa kahusayan ni Korina


Sanchez sa programa niyang Rated K.

____________8. Matamang binibigyan ng halaga ni Ruth Mabanglo sa kanyang mga


sulatin ang pagdulog na Feminista.

____________9. Higit na pinahalagahan ng bagong halal na Barangay Captain ang


kanyang mga plataporma.

____________10. Kumita ng napakalaking halaga si G. Tabaosares sa kanyang mga


inakdang aklat.

____________11. Si Vice Ganda ay isa sa mga tinaguriang mahusay na Komedyante.

Masining na Pagpapahayag 8
____________12. Nabanggit ni Padre Garcia sa kanyang homeliya ang tungkol sa
kababaang-loob.

____________13. Sa taong 2013, si Joel Torre ang nagkamit ng parangal bilang


pinakamahusay at pinakamagaling na actor.

____________14. Marami pang naiwan na aklat si Efren Abueg sa iba’t ibang bookstore.

____________15. Gumawa ng isnag napakagandang tula si G. Ramos para sa kaarawan


ng kanyang mapagmahal na kabiyak.

Masining na Pagpapahayag 9
Aralin 3. Mga Katangian ng Masining na Pagpapahayag

Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy at naipaliliwanag ang mga katangian ng masining na
pagpapahayag.
2. Naiisa-isa ang mga katangian ng masining na pagpapahayag.

Katangian ng Masining na Pagpapahayag

Ayon kay Roderick P. Hart (1997), ang retorika ay may mga katangiang
sumusunod:

1. Ang masining na pagpapahayag ay nagbibigay ng ngalan/katawagan

Ang mga nilikha (tao) at mga nalikhang (bagay, institusyon) ay


ipinanganak at lumitaw sa mundo nang walang ngalan . Ang retorika’y
katuwang sa pagbibigay ngalan sa kanila. Pinayabong pa ang kanilang ngalan
para sa higit na pagkakailanlan/pagkilala.

Halimbawa:
“Superstar” Nora Aunor
Manny “Pacman” Pacquio
“MOA” Mall of Asia

2. Ang masining na pagpapahayag ay nagbibigay ng lakas/ kapangyarihan

Ang kapangyarihang panlipunan ay karaniwang nakukuha sa galing ng


pagsasalita sa harap ng publiko. Ang mga politico, pastor, negosyante, titser
at iba pang makapangyarihan o awtoridad ay nakaiimpluwensiya/
nakapanghihikayat ng tao. Sa totoo lang, hindi lahat ng tao ay kayang gawin
ito. Sa pamamagitan ng kanilang mga talumpati, sermon, sales talk, lektyur
ay napasusunod, napahahanga at napakikilos nila ang kanilang mga awdyens.

3. Ang masining na pagpapahayag ay nakapagpapalawak ng ating mundo

Hindi lang natin tinitingnan ang mundo sa ating perspektiba. Tinatanaw


natin ang mundo nang mas malaki- hindi lang munti at maliit (micro) na ideya
mula sa ating sarili ang ating iniisip. Hindi lang sarili natin ang ating
pinakikinggan, nagsusuri tayo at nagiging kritikal sa mga bagay-bagay at
pangyayari sa mundo. Nangangatwiran na tayo. May talim na rin ang ating mga
sinasabi. May sabstans na ang ating mga pahayag. Mula sa simple, naging
kompleks na ang ating mga pangungusap. May ngipin na ang ating mga

Masining na Pagpapahayag 10
binibitawang mga salita. Nagbago na nga tayo. Hindi lang basta tumatango.
Nagtatanong at nag-aanalisa na.

4. Ang masining na pagpapahayag ay nagdidistrak/ kumukuha ng atensyon


ng tagapakinig

Upang makuha nang buung-buo ang atensyon ng mga tagapakinig,


pinupuno ng tagapagsalita ang ating mga utak ng impormasyon hanggang sa
pansamantala nating malimutan ang ating mga gawain, ang ibang tao at mga
bagay na importante sa atin. Nakokontrol ang diskusyon, napipili ang gustong
pag-usapan hangga’t maaari. Sumasakay lang ang tagapakinig sa sinasabi ng
tagapagsalita. Pinag-iisip tayo sa paksa (hindi iyon….huwag iyon ang ating pag-
usapan….dapat ay ito…) o di kaya’y (dito…huwag doon…ngayon, di kahapon…)

5. Ang masining na pagpapahayag ay nagpapaluwag ng daan para sa


komunikasyon

May mga bagay na di natin masabi nang diretsahan kaya gumagamit tayo
ng retorika. Ayaw nating makapanakit kaya umiiwas tayong magpahayag nang
walang pagsasaalang-alang sa akmang pagpili ng salita.

Sa retorika’y nadaragdagan ang ating bokabularyo. Naoorganisa natin


ang ating pangungusap, napagaganda nito ang pahayag- makinis, mabisa at
masining. Ang mambibigkas, rhetor, mananalumpati,
tagapagpahayag/tagapagsalita at manunulat ay lagi nang may awdyens, dahil
ditto ang komunikasyon ay laging bukas.

Pangkatang Gawain

Magsagawa ng pangkatang talakayan hinggil sa katangian ng masining na


pagpapahayag at magbigay ng mga sitwasyong naaangkop sa bawat katangian o di
kaya’y isadula ang mga ito.

Masining na Pagpapahayag 11
Pagsasanay blg. 3

Pangalan: _________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag na nasa ibaba. Isulat sa patlang kung
ano ang katangian ng masining na pagpapahayag ang tinutukoy sa bawat isa.

______________________ 1. Ang unang labas na brand ng selpon noon ay ang nokia


ngunit ngayon marami nang kilalang brand ng selpon ang tinatangkilik ng mga tao, may
O+, Lenovo, HTC, Cherry Mobile at marami pang iba.

______________________ 2. Nalungkot at nababahala si Maricar sa nabalitaan niyang


nalubog na barkong Roro sa Surigao papuntang Sorsogon sapagkat ayon sa balita
marami raw pasaherong nalunod at hindi pa matagpuan.

______________________ 3. Lalong naging tanyag ang isang guro sa Mindanao sa


kanyang mahusay at mabisang talumpati nang siya ay ginawaran bilang dakilang guro ng
taon.

______________________ 4. Ang magkagalit na magpinsan ay tuluyan nang nagkabati


nang dahil na rin sa isa pa nilang pinsan na siyang namagitan sa maayos at matapat na
usapan at bahaginan ng damdamin ng dalawang magkagalit na mga pinsan.

_____________________ 5. Naging malawak at maunlad ang naging diskusyon ng


grupong Gabriela tungkol sa isang isyung nasasangkot sa kababaihan at kabataan. Bawat
miyembro ay pinagtutuunan ng pansin at nagpapaliwanag nang mabuti sa mga bagay-
bagay hinggil sa isyung kanilang tinatalakay.

_____________________ 6. Dahil sa kakaibang istilo ng pag-arte ni Rubin Padilla sa mga


pelikula, sa natatangi nitong pagkilos at pagsasalita na nagpapakita ng pagkalalaki ay
tinagurian siyang “The Boy” ng Showbiz.

_____________________ 7. Hindi matatawaran ang nagawa ng isang manager ng


kompanyang “The ELF” sapagkat sa kanyang angking kagalingan at husay sa pagdala ng
kanyang mga tauhan kaya nagging maunlad ang kanilang kompanya at nagging kilala.

Masining na Pagpapahayag 12
_____________________ 8. Dahil sa pagbabasa ni Rhea ng mga akda ni Bob Ong ay
nakakalimutan niya ang mga mapapait na bahagi ng kanyang buhay kaya nananatiling
matatang at puno ng inspirasyon si Rhea sa araw-araw.

_____________________ 9. Lalong dumami ang mananampalataya sa simbahan nila


Maria dahil sa kahusayang magsermon ng kanilang pastor sa tuwing nagmimisa ito at
kung may nangungumpisal man o di kaya ay nagpapabasbas.

_____________________ 10. Talagang ‘di matatawaran ang galing ni Joel Torre sa


kanyang mabisang pagganap sa Indi Film na “On the Job” kaya siya ginawaran bilang
Best Actor.

Masining na Pagpapahayag 13
Aralin 4. Dalawang Anyo ng Pagpapahayag at Layunin ng
Masining na pagpapahayag.

Mga tiyak na layunin

1. Naibibigay ang pagkakaiba ng pasalita sa pasulat ng pagpapahayag.


2. Naisa-isa ang mga pangunahing layunin sa masining na pagpapahayag.

Mga Anyo ng Pagpapahayag

1. Pasalita- pagpapahayag ng tao nang harapan, lantaran at malapitan


2. Pasulat- pagpapahayag ng tao sa pamamagitan ng pagsasaakda, mapalimbag ito
o hindi.

Sa pasalitang pagpapahayag, karaniwang magkaharap ang mga participant kung


kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat
kasapi ang ibang sangkap ng kumunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin,
kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na
maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang mensahe.

Sa kabilang banda, sa pasulat na diskurso, higit na pag-iingat ang isinasagawa ng


manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang isinulat na diskurso ay
nakarating sa tagatanggap at ito’y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang mga naisulat. Maaaring ulit-ulitin ng mambabasa ang anumang
nakasulat na mensahe. Sakaling mayroong mga pagkakamali, sa gramatika man o sa
mismong nilalaman maging simula ito ng miskomunikasyon.

Sa paghahanda para sa isang pasalitang diskurso, higit na maluwag ang daloy ng


talastasan kung ihahambing sa pasulat na diskurso. Agad-agad na nakatatanggap ng
pidbak kung kaya’t agad na nakakapagpasya ang bawat participant ng diskurso kung
epektib ba o hindi ang kanilang isinasagawang palitan.

Sa kabilang dako, higit na mas mahabang panahon ang inilalaan sa paghahasa


para sa pasulat na diskurso. Maingat na pinipili ang bawat salitang inilalapat sa papel.
May mga pagkakataon na makailang beses itong nirerebisa upang matiyak na malinaw
ang mensahe at ito ay mababatib ng tagatanggap.

Masining na Pagpapahayag 14
Mga Pangunahing Layunin sa Masining na Pagpapahayag

Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud-lugod na pananalita, kinakailangan na


magkatugon ang balarila at retorika.

Isang makatang Ingles, si Emily Dickinson ang nagsalin ng kanyang tula na may
pamagat na “ Patay na ang Salita” na nagsasaad ng ganito:

Patay na ang salita


Pag ito’t tinuran
Sabi ng ilan

Wika ko ito’y
Nagsisimula pa lamang mabuhay
Sa araw na iyon.

Kung iintindihin natin ang sinabi ng makata sa kanyang tula ay iisa lamang ang nais
niyang bigyang halaga at ito ay walang iba kundi ang pagbuhay sa mga salitang sinasabi.

Masasabi nating kaakit-akit ang pagsasalita ng isang tao kung nabibigyang


halaga ang balarila at retorika kaya lagi nating isaisip na kapag magsalita o magpahayag
tayo ay laging nandiyan ang dalawang nabanggit sa unahan, ang balarila at retorika.

Sa retorika makikita natin ang tamang pagpili ng mga salita upang maging kaakit-
akit ang pagpapahayag subalit gaanuman kaganda ang mga mapili nating mga salita
kung hindi naman maayos at tama ang balarila o gramatika, wala pa ring mangyayaring
pagkakaunawaan.

Masining na Pagpapahayag 15
Pagsasanay blg. 4

Pangalan: _________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod :

1. Bumubo ng sariling pagpapakahulugan sa layunin ng masining na pagpapahayag.

2. Talakayin ang pagkakaiba ng pasalitang diskurso at pasulat na diskurso.

Masining na Pagpapahayag 16
YUNIT 2

PAGPAPAHAYAG NG IDEYA SA MATALINGHAGANG PARAAN

Pangkalahatang Layunin:

Matulungan ang bawat mag-aaral na magkaroon ng sapat na kaalaman sa


idyoma, tayutay, sawikain at kawikaan.

Aralin I. Mga Idyoma

Mga Tiyak na layunin

1. Naibibigay ang katuturan ng idyoma.


2. Nagagamit ang mga idyoma sa pangungusap.

Introduksyon

Bago pa man dumating ang mga mananakop na kastila ay mayroon nang


naituturing na sariling panitikan ang mga Pilipino na nagpapakita ng kanilang kalinangan
at kasaysayan.

Kaya sa bahaging ito, napakahalagang bigyang pansin ang ilan sa mga talang
pampanitikan gaya ng idyoma, salawikain, kasabihan, kawikaan at iba pa na nagbibigay-
aral lalung-lalo na sa mga kabataang nakalimot na sa mga magagandang pangaral ng
mga magulang.

Mga Idyoma

Ang mga idyoma ay di tahasan o di direktang pagpapahayag ng gustong sabihin.


Ang mga ito ay nagbibigay ng matalinghagang kahulugan na malayo sa literal na
kahulugan ng salita. Tinatawag din itong sawikain o idyomatikong pahayag. Ang mga ito
ay gamit mula pa noon hanggang ngayon upang maging makulay, mabisa at
matalinghaga ang pagpapahayag.
Ito ay isang paraan ng pagpapaunlad ng buhay sa salita. Pinamumulaklak animo
nito ang pagsasalitaan. Samakatwid, nagkakakulay at gumaganda, bukod sa nagiging
natural ang himig at anyo ng pag-uusap sa tunay na anyo’t himig na kinamulatang
pakikipagsalitaan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan din ng mga idyoma,
nakapagpapalumanayrin ito sa katindihan o impak ng mga salita kung tuwirang
sasabihin.

Masining na Pagpapahayag 17
Pansinin ang kasunod na mga halimbawa:

1. Kahig ng kahig. – Walang humpay sa paghahanap ng ikabubuhay.


a. Kahit kahig nang kahig si Mang Castro, hindi pa rin siya umaasenso.
b. Nakakaawa naman ang buhay ni Minda, kahit kahig nang kahig siya
ay nauuwi pa rin siya sa wala’t wala.
2. Di-mahapayang gatang. – Ayaw patalo o padaig.
a. Mahirap makisama sa isang taong di-mahapayang gatang.
b. Ang kapatid kong bunso ay di-mahapayang gatang sa aming
magkakapatid.
3. Hanap sa tubig.- kapalarang nakuha sa di-mabuting paraan
a. Nauuwi sa wala ang kayamanang hanap sa tubig.
b. Ang salaping hanap sa tubig ay ang daling waldasin.
4. Mahaba ang kamay.- magnanakaw; mapag-imbot; mapagtago ng hindi sa kanya.
a. Hindi lahat ng tao ay mahahaba ang kamay.
b. Kahit saang pamilihan ay may mga taong mahahaba ang kamay
kaya’t pag-ingatan ang inyong mga kagamitan.
5. Kahiramang suklay.- kaibigan, kapalagayang loob
a. Si Silva ay kahiramang-suklay ni Donita.
b. Sa anumang kagipitan ay maaasahan mo ang iyong kahiramang-
suklay.
6. Pinagtaasan ng kilay. – hindi pinansin o pinagsupladahan
a. Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang bumisita siya sa
kanilang bahay.
b. Nang makita ni Rose ang kanyang karibal ay pinagtaasan niya ito ng
kilay.

Iba pang mga halimbawa ng idyoma:


1. Usad pagong - mabagal
2. Amoy lupa - matanda na, malapit nang mamatay
3. Hagisan ng tuwalya - tapos na ang labanan, talon a
4. Di madapuang langaw - maganda ang bihis
5. Luha ng buwaya - di totoo/pakitang taong pagkukunwari
6. Itim na tupa - masamang anak
7. Halang ang bituka - walang takot, matapang
8. Kanain ng laho - biglang nawala
9. Kalmahin ang loob - lakasan ang loob, maging mahinahon
10. Maglubid ng buhangin - magsinungaling
11. Mapurol ang ulo - mahirap turuan o may kahinaan ang isip
12. Magpatulo ng pawis - magtrabaho,maghirap
13. Nagsilid sa buslong butas` - walang naiipon
14. Natuka ng ahas - natigilan/walang nasabi
15. Parang biniyak ng bunga - magkamukhang-magkamukha

Masining na Pagpapahayag 18
Pagsasanay Blg. 5

Pangalan: _____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

A. Panuto: Salungguhitan ang idyomang ginamit sa bawat pangungusap. Hanapin sa


loob ng kahon ang kahulugan ng idyoma. Titik lamang ang isulat sa patlang na
nakalaaan.

a.) napakatamis na ngiti b.) isuong ang buhay sa panganib k.) mga maliliit na anak

c.)madaling makahalata d.) mahigpit na pamamahala e.) naubos ang puhunan

f.) hindi pa kayang magsarili g.) may masamang hangarin j.) huling paraan

h.) tahanang may pagmamahalan i.) may sira-sirang suot l.) mabilis manakit

m.) hindi marunong sumayaw n.) mahihinto ang kasamaan o.) kalaguyo

p.) hindi pinansin q.) dahil sa kahirapan

______1. Pinagtawanan nila ang gwapong lalaki dahil parehong kaliwa ang paa sa
pagsayaw.

______2. Kailangang-kailangan sa isang pamilyang-Pilipino ang pugad ng pag-ibig

______3. Matalas ang pang-amoy ko sa mga taong

______4. Nang makita niya ang kanyang nililiyag ay sintamis ng pukyutan ang ngiti.

______5. Ipinaampon na lamang nila ang kanilang mga retaso sa isang mayamang
pamilya.

______6. Naging usap-usapan si Mang Kulas dahil may alaga raw siyang kulasisi.

______7. Tumaob ang bangka ng aking kapatid sa kanyang negosyo.

______8. May ilang mga lalaking nasisiaan na ng aparato dahil sa sobrang paninigarilyo.

______9. Mahina pa ang bagwis ng bagong kasal na sina Ronald at Marites.

Masining na Pagpapahayag 19
______10. Bakit ba laging hinahabol ng karayom ang mga damit mo?

______11. Huwag mong ipain ang buhay mo sa walang kuwentang bagay dahil may
bukas pang darating.

______12. Ang pribadong paaralang pinaglilingkuran ni Bb. Eugenio ay sa bakal na


kamay.

______13. Wala nang ibang huling baraha si Medardo kundi ang mangarap.

______14. Magaan ang kamay ng isang taong may iba’t ibang bisyo.

______15. Mapupudpod ang sungay ng lalaking iyan kung aaksyon ang mga pulis.

B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na idyoma. Pumili lamang ng 5.

1. basa ang pula 6. di mahulugang karayom


2. ngiting-aso 7. ilista sa tubig
3. basahan ng komiks 8. alog na ang baba
4. balitang-kutsero 9. pantay ang paa
5. pabalat-bunga 10. naglulubid ng buhangin

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

Masining na Pagpapahayag 20
Aralin 2. Mga Tayutay

Mga Tiyak na layunin

1. Nabibigyang-katuturan ang tayutay.


2. Naipakikilala ang bawat uri ng tayutay.
3. Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng bawat uri ng tayutay.

Sa araw-araw nating pakikipag-usap o pakikipagtalas-tasan, di natin


gaanong nahahalata na paminsan-minsan ay dumadalas sa ating bibig ang matulaing
pananalita na kapag-dahay nagpapahinto sa atin sumandali upang maghain ng biglang
pagsigla sa isip.

Ang pagtatayutay o paggamit ng matatalinghagang pahayag ay


napapansin lamang kapg nag-aaral ng tula at retorika. Ito ay nagmula sa isang
inspiradong imahinasyon na sa tulong ng malawak na karanasan sa buhay, mayamang
bokabularyo at maunlad na kasanayan sa pagsasalita, kahit di na isipin pa, kusa itong
pumipilantik sa dila.

Dapat liwanagin sa puntong ito ng pag-aaral na ang talinhagang binabanggit ay


walang iba kundi ang tayutay na mababasa sa ibang lumang aklat lalo na sa larangan ng
panitikan.

Mga uri ng Tayutay:

1. Pagtutulad o Simile – pinakamadaling uri ito dahil kaagad na makikilaala sa mga


salita o pariralang ginagamit tulad ng parang, kawangis, animoy, gaya ng, tila, at
iba pa. Dito ay pinaghahambing ang dalawang magkaiba o di magkauring bagay,
tao, kaisipan, pangyayari, at sa hayagang pamamaraan.

Halimbawa:
Tumatakbo siyang tulad ng isang mailap na usa nang makita ang
pagdapit na kaaway.

2. Pagwawangis o Metapora – ito ay tuwirang paghahambing sapagkat di na


gumagamit ng mga nabanggit na parirala o salita.

Halimbawa:
Isa siyang manika sa kanilang klase.

3. Pagmamalabis o Hyperbole – ang pahayag ay may kalabisan o lagpas-lagpas sa


katotohanan o may kahulugan din.

Halimbawa:
Masining na Pagpapahayag 21
Nadurog ang kanyang puso sa tindi ng dalamhati.

4. Pagpapalit – Tawag o Metonomi – ayon kay Sebastian, ang panlaping meto ay


nangangahulugan ng pagpapalit o panghalili. Ang pangalan ng isang bagay na
tinutukoy ay pinapalitan ng ibang katawagan at ang ipinapalit ay may kaugnayan
pa rin sa pinapalitan.

Halimbawa:
Limang lapad ang kanilang naubos sa umpukang iyon.

5. Pagpapalit – saklaw o Sinekdoke – binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy


sa kabuuan. May dalawang paraan ng pagbuo ng tayutay na ito:

a.) Pabahagi – bahagi lamang ang binabanggit ay nababatid na ang


isinasaad na kabuuan.

Halimbawa:
Limang ulo ang nag-iisip sa napakalaking utang.

b.) Pagtukoy – kinatawan lamang ang tinutukoy upang mabatid ang


kabuuan.

6. Onomatopiya o Paghihimig- Ito ay ang paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:

Ang lawiswis ng kawayan ay sumasabay sa malakas na ihip ng hangin.

7. Ironya o Pag-uyam- Tila namumuring pananalita, pinaloloob o pinahihiwatig ang


paglibak, panunudyo o pagkutya.

Halimbawa:

Talagang maunlad na an gating bayan dahil sa laki ng utang.

8. Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan- Ginagamit ito para bigyang-buhay,


pagtaglayin ng katangiang pantao- talino, gawi, kilos angmga bagay na walang
buhay. Pinakikilos ito sa pamamagitan ng pandiwa.

Halimbawa:

Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.

Masining na Pagpapahayag 22
9. Apostrope o Pagtawag- Isang anyo ng panawagan o pakiusap sa isang taong
hindi kaharap, nasa malayo o kaya ay patay na. Gayundin sa mga kaisipan o mga
bagay na binibigyang – katauhan na parang kaharap ang kausap.

Halimbawa:

Kabaitan! Ikaw ba’y isang pangalang walang kabuluhan.

10. Pagtanggi o Parelepsis- Hindi ang pangunahing hudyat nitong salita na sa akala’y
isang pagsasalungat, pagpipigil o di-pagsang-ayon ngunit ito ay isang
kabaligtaran sapagkat ang paghindi ay nagpapahiwating ng pagpapahintulot.

Halimbawa:
Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan mo, kaya lang ay bibihira na ang
nagtatagumpay na hindi pa nakapag-aral.

11. Paglilipat-wika o Transferred Epithets- Pagsasabagay ng mga katangian na


ginagamit ay pang-uri na tanging tao lamang ginagamit.

Halimbawa:

Ang uugud- ugod na bahay ay nag-iisa sa kaparangan.

12. Pagtatambis (Antithesis)- Pagtatambisan ito ng magkasalungat na pahayag o


kaisipan.

Halimbawa:
Ang mabigat na gawain ay magaan sa masikhay na manggagawa.

13. Paglumanay (Euphemism)- Tinutukoy ang tao, bagay at pangyayari sa magaan,


malumanay at mabuting pananalita upang pagaanin ang pagtanggap sa pahayag.

Halimbawa:
Ayaw pa ring paawat ang lalalking palainom ng alak. ( sa halip na sabihing
lasenggo)

14. Pagtatanong (Rhetorical Question)- Pagpapahayag ito ng tanong upang tanggapin o


di tanggapin ang isang bagay.

Halimbawa:

May hihigit pa bas a pag-ibig ng Diyos at sa bayan?

Masining na Pagpapahayag 23
Pagsasanay blg. 6

Pangalan: ___________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

Panuto: Kilalanin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod na pangungusap.

____________________1. Nagliliyab ang mata ng galit na galit na binata.


____________________2. Siya ay hiyas sa aming tahanan.
____________________3. Apat na paa ang sumalubong sa kanya sa airport.
____________________4. Bilib ako sa panlasa mo, ang hindi ko maatim ay nasikmura
mo.
____________________5. Bumaha ng dolyar kina Kim nang dumating ang ina mula USA.
____________________6. Si Lolita ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
____________________7. Binato niya ng tinapay ang nagkasala sa kanya.
____________________8. Hindi magkakaroon ng dalawa kung wala ang isa.
____________________9. Pag-ibig! Masdan ang ginawa mo.
____________________10. Hindi sa ayaw kong makipagkasintahan ka ngunit mas
mabuti sanang makatapos ka muna ng pag-aaral.

____________________11. Tumayo siya bilang Bonifacio sa kanilang lugar upang


mahinto ang patayan.

____________________12. Parang mga langgam ang mga taong nagmamartsa kanina.

____________________13. Pagkatapos ng pampagana, bubungisngis ang aming mesa.

___________________14. Suwerte! Sumanib ka sa akin ngayon din.

___________________15. Bakit kaya nagkakaroon ng mga ganitong pangyayayri sa


ating lipunan?

Masining na Pagpapahayag 24
B. Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa loob ng tula at uriin ang mga ito. Isulat ang
sagot sa kanang bahagi ng tula sa nakalaang espasyo.

Sa Isang Bata (Sa Gilid ng Simbahan)


Robster N. Evangelista

Punit-punit na pangarap ______________________________________


na pinagtagpi-tagpi ng hirap ______________________________________
ang kanyang damit ______________________________________

Kahapon
sa tanglaw ng namumulang ______________________________________
sinag ng araw, ______________________________________
naghanap siya ng pansaliw ______________________________________
sa ritmong likha ______________________________________
ng said na sikmura. ______________________________________
Musika sa kanyang pandinig ______________________________________
ang kumakalampag na bente singko
sa tabong lata.

Inunan niya ang gutom kagabing ______________________________________


walang ningas ang mga bituin. ______________________________________
Ikinumot niya ang lamig ng magdamag. ______________________________________
Kinailangan niyang mamaluktot ______________________________________
kahit mahaba at makapal ang kumot. ______________________________________
Ngayon,
habang binubugahan ng hininga ______________________________________
ng mga tambutso ______________________________________
at tinuturete ng kalampag ______________________________________
ng mga sapatos at tsinelas, ______________________________________
nananatili siyang ______________________________________
nakapikit, ______________________________________
nagmumuni-muni, ______________________________________
nagtatanong ______________________________________
kung kaya siyang protektahan
ng damit at kumot
laban sa mga palaso
mula sa langit.

Masining na Pagpapahayag 25
YUNIT 3
ANG GRAMATIKA AT MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Pangkalahatang Layunin:

1.Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpili ng angkop na


pananalita para sa masining at mabisang pagpapahayag.
2. Nadaragdagan ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral na lumahok sa mga
pasalitang gawain sa loob at labas ng klase.
3. Nakabubuo ang mga mag-aaral ng isang mahusay na talata.

Aralin 1: Wastong Gamit ng Salita

Tiyak na Layunin:

1. Natutukoy ang wastong gamit ng mga salita at kataga.


2. Nakagagamit ang mga mag-aaral ng tama at angkop na salita sa
pagpapahayag sa isang tiyak na sitwasyon.

Kailangang taglayin ng mga pahayag ang kawastuhang panggramatika. May mga


salita tayong sa tingin ay maaaring magkapalitan ng gamit. Gayunpaman, kapag
sinuring mabuti ay mauunawaang may pagkakaiba ng gamit ang mga ito at hindi dapat
na pagpalitin ng gamit sa pangungusap dahil tumataliwas ito sa istriktong tuntuning
panggramatika.
Ang gramatika (balarila) ay sining ng wastong paggamit ng mga salita batay sa
tuntunin ng isang wika. Sangkot sa pag-aaral ng gramatika ang mga panuntunan sa
paggamit ng mga bahagi ng pananalita. Binibigyang diin sa gramatika ang wastong
gamit ng mga salita upang mabuo ang mga pangungusap o makapagbigay ng diwa o
kaisipan. Samantala, ang retorika ay tumutukoy sa masining, mabisa at kaakit-akit na
pagpapahayag pasalita o pasulat man. Mahalagang elemento ng masining na
pagpapahayag kung gayon, ang kawastuhan ng pangungusap – istruktura (structure),
kaayusan (sintaks), kahulugan (semantics), organisasyon o pagkabuo (debelopment).

Masining na Pagpapahayag 26
Ang Wastong Gamit ng mga Salita

Ang kaalaman sa wastong gamit ay kaugnay ng kaalamang pambalarila. Maging


ang katha ay pasulat o pasalita, ang wastong gamit ay kailangan upang ang
pagpapahayag ay maging tumpak, maayos at mabisa.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pinto at Pintuan
Ang pinto [door] ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito
upang ilagay sa pintuan. Ang pintuan [doorway] ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin
ang bahaging daraanan kapag bukas ang pinto.
Halimbawa:

Isara mo ang pinto nang sa gayon ay hindi makapasok ang magnanakaw.

Huwag kang humarang sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.

2. Hagdan at Hagdanan

Ang hagdan [stairs] ay may mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay.


Ang hagdanan [stairways] ay bahagi ng bahay at kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:

Inakyat niya ang puno sa pamamagitan ng hagdan.

Kunin mo ang paso malapit sa hagdanan.

3. Pahirin at Pahiran

Pahirin (to wipe) ay nangangahulugang alisin sa pamamagitan ng pagpunas.


Pahiran (to apply) ay nangangahulugang lagyan sa pamamgitan ng pamunas.
Halimbawa:

Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.

Pahiran mo ng floor wax ang sahig upang kumintab.

Masining na Pagpapahayag 27
4. Subukin at Subukan

Ang subukin (to test) ay nangangahulugang tingnan ang bisa o husay samantalang ang
subukan (to spy on) ay nangangahulugang espiyahan ang tao o ginagawa ng tao.
Halimbawa:

Subukin mo kaya ang sumayaw ng cha-cha.

Tayo nang subukan ang ginagawa ng mga mag-aaral sa palaruan.

5. Iwan at Iwanan

Ang iwan (to leave) ay nangangahulugang huwag isama ngunit ang iwanan (to
leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan.
Halimbawa:

Iwan mo na lang ang mga gamit mo dito sa bahay.

Iiwanan kita ng pagkain sa bahay upang hindi ka gutumin.

6. Sundan at Sundin

Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o


parangal ngunit ang sundan (follow where one is going; follow what one does) ay
nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba.
Halimbawa:

Hindi niya sinunod ang utos na kanyang Tito.

Susundan ko siya sa bukid.

7. Hatiin at Hatian

Ang hatiin (to divide) ay partihin o bahagian ngunit bigyan ng parte hatian (to
share with).

Halimbawa:

Maaari mo bang hatian ng pizza ang iyong kapatid?

Hatiin mo ang pakwan na binili ng iyong itay.

Masining na Pagpapahayag 28
8. Walisin at Walisan

Ang walisin (to sweep the dirt) ay tumutukoy sa bagay samantalang tumutukoy
sa lugar ang walisan (to sweep the place).
Halimbawa:

Walisin mo muna ang mga kalat sa iyong kwarto bago ka umalis ng bahay.

Nais kong walisan ang aklatan.

9. Operahin at Operahan

Ang operahin ay pagtistis sa organo ng katawan samantalang pagtistis sa tao ang


operahan.

Halimbawa:

Ooperahin ang puso ni Aling Minda sa Davao Medical Center.

Ooperahan daw si Felissa mamaya sa ospital.

10. Tungtong, Tuntong at Tunton

Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali; ang tuntong ay payak o gawa ng


yapak at ang tunton ay bakasin o hanapin ang bakas.

Halimbawa:

Hindi makita ni Aling Marta ang tungtong ng kanilang palayok.


Huwag kang tumuntong sa mesang iyan at napakarupok.
Natunton ni Romeo kung saan nagsusuot ang kanilang tuta.

11. May at Mayroon

Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at


panghalip na nasa kaukulang paari samantalang ang mayroon ay ginagamit kapag may
napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito, panghalip na panao o pamatlig.
Maaari ring gamitin ang mayroon nang nag-iisa.
Halimbawa:

Masining na Pagpapahayag 29
May anay sa ilalim ng lababong ito.
May umiiyak sa kabilang bahay.
May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
Mayroon kayang sayawan sa fiesta?
Mayroon kaming binabalak na handaan.

12. Din at Rin, Daw at Raw

Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtapos sa patinig at sa malapatinig na w at y at ang din at daw ay ginagamit kung ang
salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:

Magkakaroon din ng paligsahan sa aming bayan.


Ako rin ang magiging kalahok sa pagsulat ng tula.
Binabalak daw ng mga mag-aaral ang magsagawa ng kakaibang
programa.
Siya raw ay aawit para sa iyo.

13. Sila at Sina, Kina at Kila

Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang pangkayarian


sa pangngalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit sa panandang
pangkayarian. Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.
Walang salitang kila sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay karaniwang
pagkakamali.
Halimbawa:

Mali: Sila Mila at Jenny ay magagaling na mag-aaral.


Tama: Sina Mila at Jenny ay magagaling na mag-aaral.
Tama: Galing kami kina Gng. Reyes.
Mali: Galing kami kila Gng. Reyes.

Masining na Pagpapahayag 30
14. Dahil sa at Dahilan
Dahil sa ang wasto; ang dahilan ay pangngalan.

Halimbawa:

Napatalon siya dahil sa tuwa.


Nagkasakit siya ng cancer sa baga na naging dahilan ng kanyang
kamatayan.
15. Nang at Ng

Magkaiba ito ng gamit bagamat magkatulad ng bigkas.

* Ang nang ay katapat ng noon o when sa Ingles, upang o so that sa Ingles,


ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit o dalawang pandiwang inuulit.

* Ang ng ay ginagamit na katumbas ng of sa Ingles at ginagamit na pananda ng


pangngalang nag-aari sa pangungusap. Ginagamit din ito na pananda sa layon ng
pandiwa ng pangungusap (Pantukoy ito dito) . Pananda ng tagaganap ng kilos ng
pangungusap na hindi naman simuno ng pangungusap.
Halimbawa:

Ang lalaki ay bumili ng mansanas para sa bata.


Uminom ka ng gatas nang ika’y lumakas.
16. Kung at Kong

Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap


samantalang ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan
lamang ng ng.
Halimbawa:

Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong


kapatid.
Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong
sarili.

Masining na Pagpapahayag 31
17. Kibo at Imik

Pagkilos ang tinutukoy ng salitang kibo samantalang (pagbuo ng


salita/pangungusap) naman ang tinutukoy ng imik.

Halimbawa:

Wala siyang kakibu-kibo kapag natutulog.

Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.

18. Ibayad at Ipagbayad

Ang ibayad ay tumutukoy sa pagbibigay ng bagay bilang kabayaran samantalang


pagbabayad para sa ibang tao ang ibig ipakahulugan ng salitang ipagbayad.
Halimbawa:

Isang sakong palay na lamang ang aking ibabayad sa halip na pera.


Ipagbabayad muna kita sa bus.

19. Kita at Kata

Ang kita at kata ay mga panghalip na panao na madalas pagpalitin ang gamit
gayung ito ay may kanya-kanyang wastong gamit. Ang kita ay ginagamit kapag ang isa
sa dalawang nag-uusap ang siyang gaganap ng gawain para sa kausap.
Halimbawa:

Ibibili kita ng bagong laruan.


Tutulungan kita sa iyong ginagawa.

Ang kata ay ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa


ng isang bagay o kilos.
Halimbawa:

Kata ay magluluto muna bago pumunta sa palengke.


Kata ay maglalaba mamaya.

Masining na Pagpapahayag 32
21. Bumangon at Magbangon

Ang bumangon ay ginagamit na kasingkahulugan ng gumising at ang magbangon


naman ay kasingkahulugan ng magtayo o magtatag.

Halimbawa:

Bumangon ka na at baka ka mahuli sa klase.

Sisikapin nating magbangon ng isang organisasyon.

22. Hagis at Ihagis

Ang hagis ay isang pangngalan samantalang ang ihagis ay isang pandiwang


pautos.

Halimbawa:

Ihagis mo nang malakas ang bola.


Napakahina naman ng hagis mo sa bato.
23. Nagpakasal at Napakasal

Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong nagging abala o siyang nangasiwa upang


makasal ang babae at lalaki samantalang ang napakasal ay tumutukoy sa pag-iisang
dibdib ng dalawang taong nagmamahalan.
Halimbawa:

Ang mag-asawa ay nagpakasal ng panganay na anak.


Kailan napakasal sina Lando at Fely?

Mga Tuntunin sa Pagpili ng mga Angkop na mga Salita

Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.


Kinakailangan ang kaangkupan ng mga salita sa bawat kaisipang ipinapahayag, pasulat
man ito o pasalita. Narito ang ilang paraan sa pagpili at paggamit ng angkop na salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang pagpapahayag.

Masining na Pagpapahayag 33
1. Tiyakin na ang salita ay angkop sa ibig sabihin.

Halimbawa:

Di-angkop: Uminom siya ng malakas na alak.

Angkop: Uminom siya ng matapang na alak.

2. Tiyakin na tama ang panlaping ginagamit sa salita.

Halimbawa:

Di-angkop: Nagkain ka na ba?

Angkop: Kumain ka na ba?

3. Iwasan ang labis na panghihiram sa Ingles.

Halimbawa:

Di-angkop: Nagsuicide ang batang ni-rape.


Angkop: Nagpakamatay ang batang ginahasa.
4. Tiyakin na timbang ang ideya ng mga salitang ginamit.

Halimbawa:

Di-angkop: Ang pagod at nagugutom na bata ay nakatulog.

Angkop: Ang pagod at gutom na bata ay nakatulog.

5. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng pandiwang ginamit.

Halimbawa:

Di angkop: Nagsisiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang


nagsipaglaro.
Angkop: Nagsiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang nagsipaglaro.

Masining na Pagpapahayag 34
Pagsasanay blg. 7

Pangalan: ____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

A. Salungguhitan ang tamang salita sa loob ng panaklong.

1. Hayaan mong nakabukas ang (pintuan, pinto) upang makapasok ang hangin.
2. (Pahirin, Pahiran) mo ang sipon ng iyong kapatid.
3. Malayo pa ay natatanaw na namin ang (bibig, bunganga) ng bulkan.
4. Bagay na bagay kay fely ang makipot niyang ( bibig, bunganga).
5. Laging (sinusubok, sinusubukan) ni Bb. Eugine ang pagmamahal ng kanyang
kasintahan.
6. Ang sabi ng nanay ay kailangan daw nating (hatiin, hatian) ang mga batang walang
baon.
7. Kailangan mong (sundin,sundan) ang mabubuting yapak ng iyong itay.
8. Hindi siya nakapagtapos ng hayskul (dahilan , dahil ) hindi siya nag-aaral nang
mabuti..
9. Malawak (daw, raw) ang sakahan nina Mang Ambo.
10. Ikaw (rin, daw) ang sasama sa Davao sa makalawa.
11. (Nang, Ng) ibalita ang nagyari sa asawa ay agad siyang hinimatay.
12. Labis ang kalungkutan (ng, nang) magkapatid dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.
13. (Subukin, Subukan) mong gumawa ng mabuti sa iyong kapwa.
14. Napakatirik naman ng (hagdan, hagdanan) para akyatin ng mga bisitang darating.
15. (Sina, Sila) ay aalis na bukas.
16. Hindi pa tumitila ang ulan kaya hindi pa nakaalis (sila, sina) Juan at Petra.
17. Maaari ng magsalita ang (may, mayroong) sasabihin.
18. Sinabi ko sa kanya na ( walisan, walisin ) niya ang buong paligid.
19. Maaari bang (iwan, iwanan) natin siya ng makakain?
20. Kasalukuyang (inoopera, inooperahan) ng doktor ang kanyang kidney.
Masining na Pagpapahayag 35
B. Gawaing Interaktib

Bumuo ng pangkat na may sampung miyembro at gamitin ang


sumusunod na mga salita sa isang dula-dulaan; may at mayroon, subukin at
subukan, pahirin at pahiran, operahan at operahin, din at rin, iwan at iwanan,
sila at sina, hagdan at hagdanan, pinto at pintuan, hatiin at hatian.

Aralin 2. Ang Mabisang Pangungusap o Diskurso

Tiyak na Layunin:
1. Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng pangungusap ayon sa uri, ayos, gamit at
kayarian.

Sa pagsulat ng komposisyon, ang pangungusap ay napakahalagang sangkap. Mga


pangungusap ang bumubuo sa talata at mga talata naman ang bumubuo sa
komposisyon.
Dahil dito sa pagbuo ng pangungusap, isaisip na ito’y ginagamit para mapaunlad at
mapag-ugnay ang mga diwang binubuo. Kaya dapat maging maingat sa paggamit ng
mga salita, sa pag-aayos ng mga ito, at sa relasyon nito sa ibang pangungusap.
Ang pangungusap/diskors ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng
buong diwa o kaisipan. Ito ay may paksa na pinag-uusapan at panaguri na nagsasabi
hinggil sa paksa.
Ang pangungusap ay sambitla na may panapos na himig. Ang panapos na himig sa dulo
ay nagbabadya na naihatid na ang o naibigay na ng nagsasalita sa kausap ang
mensaheng gusto niyang maihatid.

Ang pangungusap ay maaaring uriin sa:

1. Pangungusap na di-ganap- na may paksa lamang o panguri lamang.

2. Pangungusap na ganap- na binubuo ng paksa o panaguri.

Ang pangungusap na di-ganap ay maaaring paksa o panguri lamang tulad ng:

a. Eksistensyal

*May mga turista ngayon sa Boracay.

Masining na Pagpapahayag 36
b. Sambitlang panawagan

*Itay! Ruben!

c. Pagtawag

*Halika! Tara na!

d. Pautos

*Tumigil ka! Layas!

e. Nagpapakita ng Paghanga

*Ang galing! Ang tibay!

f. Nagpapahayag ng matinding damdamin

*Naku! Wow!

g. Nagsasaad ng Panahon

*Gabi na. Tanghali na.

h. Nagsasaad ng pagbati o pagbibigay-galang

*Tao po. Makikiraan po.

i. Panagot sa tanong

*Totoo. Siguro.

j. Pagpapaalam

*Aalis na po. Paalam napo.

k. Pakiusap

*Sige na. Maaari ba?

l. Pasukdol

*Ubod ng sungit. Kay sipag mo.

m. Pamuling pagtatanong

*Ano ‘ika mo? Alin-alin sa mga iyon ang gusto mo?

Masining na Pagpapahayag 37
n. Pampook

*Sa USM. Sa Maynila.

Ang ganap na pangungusap ay binubuo ng paksa at panaguri. Ang paksa ay


tinatawag ding simuno ng pangungusap sapagkat ito ang pinga-uusapan na nagsasaad o
nagbibigay ng impormasyon hinggil sa paksa ng pangungusap.

Ayos ng Pangungusap

Ang karaniwang ayos ng dalawang sangkap ng pangungusap (simuno at


panaguri) ay panaguri + simuno. Kaya sa karaniwang ayos ng mga pangungusap,
nauuna ang panaguri sa simuno at sa kabalikang ayos, nahuhuli ang panaguri sa
simuno.

Halimbawa:

Karaniwang ayos: Mabait na anak si Jean.


Nagtutulungan ang mga mag-aaral
Kabalikang ayos: Si Jean ay mabait na anak.
Ang mga mag-aaral ay nagtutulungan.

Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

1. Pasalaysay- ang pangungusap na nagpapahayag ng isang katotohanan.


Hal: Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
2. Patanong- ang pangungusap na nagnanais makabatid hinggil sa isang bagay na nais
malaman.
Hal: May pag-asa pa kayang makaahon sa hirap ang ating bayan?
3. Padamdam- ang pangungusap na nagpapahayag ngg masidhing damdamin.
Hal: Naku! Nasusunog ang bodega.
4. Pautos- ang pangungusap na nakikiusap o nag-uutos ay ginagamitan ng kuwit kung
may patawag at may tuldok sa hulihan.
Hal: Tina, kunin mo nga ang aking bag sa mesa.

Masining na Pagpapahayag 38
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian

1. Payak- Kung nagbibigay ng isang kaisipan na maaaring magbigay ng isang simuno at


isang panaguri; dalawang simuno at isang panaguri; isang simuno at dalawang
panaguri at
dalawang simuno at dalawang panaguri.
Hal: Naglilinis sa bakuran si Inay.
Naglilinis sa bakuran si Inay at ang aking kapatid.
Naglilinis sa bakuran at nag-aayos ng mga paso si Inay.
Naglilinis sa bakuran at nag-aayos ng mga paso si Inay at ang aking
kapatid.

2. Tambalan- Kapag ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang mga sugnay na


makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig na panimbang.
Hal: Si Ben ay may ambisyon samantalang si Linda ay wala.

3. Hugnayang pangungusap- Binubuo ng isang punong sugnay at isa o mahigit pang


pantulong
na sugnay. Pinag-uugnay ito ng mga pantulong na pangatnig. Para sa madaling
pagbuo ng
hugnayang pangungusap kailangang bumuo ng isang payak na pangungusap na
magiging
batayan ng mga pantulong na sugnay.
Hal: Wala siya sa sarili nang sumagot sa akin.

4. Langkapang pangungusap- Binubuo ng dalawa o mahigit pang malayang sugnay


(sugnay na makapag-iisa) at isa o higit pang pantulong na sugnay (sugnay na di-
makapag-iisa).
Hal: Magluto ka na para sa pananghalian pagkatapos ay maghain ka upang
makakain ang iyong mga kapatid nang makapagligpit tayo agad.

Masining na Pagpapahayag 39
Pagsasanay blg. 8
Pangalan: __________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

A. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na di-ganap ang mga sumusunod:

1. Takbo!
2. Nene!
3. Ay!
4. Mano po
5. Siguro
6. Pwede ba?
7. Nasa Simbahan
8. Ang ganda
9. Halina!
10. May darating na mga bisita.

B. Bantasan ang mga sumusunod na pangungusap at isulat sa patlang ang PR


kung ang pangungusap ay paturol; PD kung padamdam; PK kung pakiusap; PT
kung pautos at PU kung pautos.

_______ 1. Siya (may alinlangan)


_______ 2. Aalamin ko
_______ 3. Sige na naman payagan mo na lang akong pumunta sa inyong
bahay.
_______ 4. Naku po (pagkatakot)
_______ 5.Nagtagumpay siya dahil sa pagsisikap
_______ 6.Para kanino ba ang mga regalong ito
_______ 7.Huwag mo nga akong pakialaman (matinding galit)
_______ 8. Maaari bang ikaw muna ang magdala nito sa kanya
_______ 9. Dadalo kaya sila sa palatuntunan
_______ 10.Nagbibigayan ang magkaibigan

Masining na Pagpapahayag 40
C. Iwasto ang mga sumusunod na pangungusap upang magkaroon ng kaisahan.

1.Maamo ang pusa mo talaga.

__________________________________________________________.
2.Kinuha ko ang aklat sa ibabaw ng mesa na makapal.

__________________________________________________________.
3.Dadalaw ako sa aking kaibigan at maglilinis pa ako ng bahay.
__________________________________________________________.
4. Ginanahan sa pagkain ang mga bisita na bagong dating.

__________________________________________________________.
5. Hindi ko matunton kung saan ang aming tuta nagsusuot.

__________________________________________________________.

D. Batay sa mga pamamaraang nabanggit, alin ang mas angkop gamitin? Lagyan
ng tsek ang patlang.

___1. Mahika ang buhay.


___ Mahiwaga ang buhay.
___2. Huwag ibitin ang usapan.
___ Huwag magbitin ang usapan.
___3. Mag-usap upang magkaayusan.
___ Mag-usap upang magkaintindihan
___4. Ayaw paawat ng kapitbahay na nag-aaway.
___ Ayaw patigil ng kapitbahay ng nag-aaway.
___5. Maagang dumating ang aking kausap.
___ Kay agang dumating ang aking kausap.
___6. Sila’y maglalakbay sa ibang bansa
___ Sila’y lilisan papuntang ibang bansa
___7. Magsama nang maluwalhati
___ Magsama nang kaluwalhatian
___8. Di natinag ang bata sa kanyang kinauupuan
___ Di gumalaw ang bata sa kanyang kinauupuan
___9. Tumaas ang presyo ng mga gulay
___ Lumaki ang presyo ng mga bilihin
___10. Sabat ng sabat
___ pasok nang pasok

Masining na Pagpapahayag 41
YUNIT 4
PAGSULAT NG KOMPOSISYON
Writing is writing
Writing is exploration
--- Donald Murray---

Pangkalahatang Layunin:

Nalilinang ang kasanayan sa masining na pagsulat ng komposisyon na


isinasaalang-alang ang mga kahingian, hakbang, pagtatalata at mga yugto sa proseso ng
pagsulat.

Aralin 1. Pagsulat

Mga Tiyak na Layunin:

1.Nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan tungkol sa konsepto ng


pagsulat.
2.Natutukoy ang imersiyon ng mga aktibong gawain sa pagsulat.
3.Naipaliliwanag ang ugnayan ng mga gawain at elemento sa proseso ng
pagsulat.
4.Natutukoy ang tatlong kategorya sa paglikha ng komposisyon.

Ang pagsulat ay napakahalaga sa bawat tao. Bahagi na ito ng pang-araw-


araw na pamumuhay. May malaki ring ginagampanan ito sa mga panlipunang pagkilos.
Katulad ng pagsasalita, pakikinig, pagbasa at panonood, natatapos lamang ang fanksyon
ng pagsulat kung wala nang taong nabubuhay sa mundo sapagkat habang ang tao’y
buhay, may mga pagkakataong kinakailangan/nararapat na siya’y sumulat ayon sa
hinihingi ng sitwasyon.

Mula narseri hanggang sa kasalukuyang estadong pang-edukasyon ng tao,


siya’y sumusulat nang sumusulat, paulit-ulit at iba-iba ayon sa pangangailangan,
panahon, lugar at sitwasyon, layunin at pinaglalaanan.

Pagsulat - isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasaakda ng mga kaisipan , saloobin


at ikinikilos ng tao, nilimbag man ito o hindi.

Masining na Pagpapahayag 42
- Pagsasalin ng kaisipan sa lenggwahe. Nangangailangan ng kamalayang pisikal at
mental mula sa manunulat. (Lachica, 1999).

Walang pag-aalinlangan na ang pagsulat ay isang aktibong gawain. Nagsasangkot


ito ng intens na ugnayan at imersiyon sa proseso. Ang imersiyong ito ay kinasasangkutan
ng mga sumusunod;

a. Solitari at Kolaboratib b. Pisikal at Mental

c. Konsyus at Sabkonsyus

Ipinapakita naman sa kasunod na figura ang ugnayan ng mga Gawaing ito sa proseso ng
pagsulat.

Pisikal Konsyus

Solitari - - - - - - - - - - - - - - Kolaboratib

Mental Sabkonsyus

Ang prosesong ito ng pagsulat ayon kay W. Rose Winteroud ay


kinasasangkutan ng ilang lebel ng Gawain na nagaganap nang daglian at maaaring
kaugnay o kasalungat ng bawat isa.

Samantala, inilarawan naman ni Donald Murray ang isang manunulat bilang


isang maaksyang manunulat. Iniwawangis niya ito sa isang mahusay na karpentero; He
saws and shapes and cuts away, discarding wood ends, shavings, saw dusts, bent nails---
whatever doesn’t fit and doesn’t work. Dagdag pa niya, the writer cannot build a good
strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.

Malinaw sa kanyang metapora na ang isang magaling at mahusay na manunulat


ay hindi nasasayangang magbura, magpalit, magbawas o magtanggal at magsayang ng

Masining na Pagpapahayag 43
mga datos retorikal at kasangkapang linggwistikal upang makabuo ng isang
mapananaligan, makabuluhan at mabisang komposisyon /teksto.

Komposisyon Paraan ng pagsulat na itinuturing na pinakapayak.

Sapamamagitan nito ay magagawa nang isang tao ang sumulat ng


kanyang mga natatanging karanasan, obserbasyon sa mga bagay-bagay na nakikita sa
kapaligran, reaksiyon/puna sa mga napapanood na palabas o pagtatanghal maging ng
mga nababasang akda.

Hindi na bago sa mga mag-aaral ang pagsusulat ng komposisyon. Sa larangan ng


akademya ay itinuturo na ang pagsulat ng pormal at di pormal na komposisyon na
ginagawa naman pana-panahon. Ang pagtuturo nito ay ipinagpatuloy at nadedelop
hanggang kolehiyo upang mapaunlad ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsusulat dahil ang kasanayang ito ay isang pangangailangan sa sibilisadong lipunan.

Paglikha ng Komposisyon

Sa kadahilanang ang gawaing pagsulat ay nangangailangan ng gawaing pisikal at


mental mula sa manunulat, hindi ito madaling gawin dahil hinihingi rito ang ibayong
pag-iisip. Mayroong tatlong kategorya kung bakit hindi madali ang gawaing pagsulat.
(Lachica, 1999)

1. Kadahilanang Sikolohikal. Dulot ng kawalan ng interaksiyon at fidbak sa pagitan


ng manunulat at mambabasa. Hindi na magagawang mabigyan pa ng
karagdagang paliwanag o detalye ang mga bumabasa sa anumang naisulat na.

2. Kadahilanang Panlinggwistika.Kinakailangan ditto ang kalinawan ng pahayag


mula sa tuntuning panggramatika upang mapunan ang ilang katangian ng
pagsasalita gaya ng intonasyon, paglakas at paghina ng boses, galaw at kilos ng
katawan.

3. Kognitibo o proseso ng pagkatuto. Kailangan ng pormal na pagtuturo at pag-


aaral upang maliwanag na maipahayag ang ating kaisipan at lubos na
maunawaan.

Masining na Pagpapahayag 44
Bukod pa sa mga kategoryang nabanggit sa unahan, idinagdag pa ni Lachica ang
ibang elementong kaugnay sa proseso ng pagsulat ng isang komposisyon kung bakit
itinuturing ito na hindi madaling gawin.

Ipinapakita sa kasunod na ilustrasyon ang ugnayan ng mga elementong ito sa proseso ng


pagsulat.

Paraan ng Manunulat

Gramatika Diksyon
Maliwanag, Katatasan, at
epektibong Komunikasyon ng Mambabasa
Mekaniks
Ideya
Organisasyon Layunin

Sintaks Nilalaman

Figura 2. Proseso sa Paglikha ng Komposisyon

Ayon kay Lachica, makikita sa figura ang ugnayan ng bawat isang elemento sa iba
pa. Ang lahat ay tumutulong sa pagbuo ng isang sulatin. At, ang bawat isang kakayanan
ay nararapat na matutunan sa pormal na pagtuturo at pag-aaral sapagkat kailangan dito
ang sapat na kaalamang pisikal at mental. Kung kaya’t pinatutunayan nito kung gaano
kakumplikado ang gawaing pagsulat.

Masining na Pagpapahayag 45
Pagsasanay blg. 9
Pangalan: __________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: _______________

A. Tama o Mali. Isulat sa patlang bago ang bilang ang T kung tama ang pahayag at M
naman kung mali ang pahayag.

______ 1. Itinuturing ang komposisyon bilang pinakakompleks na paraan ng pagsulat.


______ 2. Ang pagsulat ay isang aktibong Gawain.
______ 3. Pinakakumplikadong gawain ang pagsulat.
______ 4. . Mayroong tatlong kategorya kung bakit hindi madali ang gawaing pagsulat.
(Murray, 1999).
______ 5. Sa kadahilanang sikolohikal, kinakailangan dito ang kalinawan ng pahayag
mula sa tuntuning panggramatika upang mapunan ang ilang katangian ng pagsasalita
______ 6. Ayon kay W. Rose Winteroud nagsasangkot ang proseso ng pagsulat ng ilang
lebel ng mga gawain na nagaganap nang daglian ang ugnayan ng bawat isa.
______7. Ang gawaing pagsulat ay nangangailangan ng gawaing pisikal at mental mula
sa manunulat.
______8. Sa kadahilanang kognitibo, kailangan ng pormal na pagtuturo at pag-aaral
upang maliwanag na maipahayag ang ating kaisipan at lubos na maunawaan.
______9. Inilarawan ni Lachica 1999 ang isang manunulat bilang isang maaksyang
manunulat. Iniwawangis niya ito sa isang mahusay na karpentero.
______10. Sa pagsulat. Kinakailangan ng isang manunulat ang datos retorikal at
kasangkapang linggwistikal upang makabuo ng isang mapananaligan, makabuluhan at
mabisang komposisyon /teksto.

B. Sagutin ang mga tanong.


1. Batay sa iyong sariling pagpapakahulugan, ano ang pagsulat?
2. Bakit ito mahalaga?

Masining na Pagpapahayag 46
Aralin 2. Ang Proseso ng Pagsulat

Mga Tiyak na Layunin:

1. Natutukoy ang mga hakbang/yugto sa pagsulat.


2. Nakabubuo ng sariling halimbawa sa bawat yugto ng pagsulat.

Ang Proseso ng
Pagsulat

Sino mang manunulat, ano-ano man ang pamamaraan o teknik na ginagamit sa


pagsulat, ang manunulat man ay baguhan o batikan na, ang lahat ay pumapaloob sa
tatlong yugto ng pagsulat: ang pre-writing, writing, at revising stage. Sa alinmang
sitwasyon mapapagaan natin ang pagsulat kung alam natin at sinusunod ang
pamamaraan ng pagsulat.

Pre-Writing Activities

Ito ang unang yugto kung saan isinasagawa ang pagpaplano. Sa pagpaplanong ito
isinasagawa ang magkakaugnay na estratehiya upang hanapin at mailahad nang
maliwanag ang mga kailangang kabatiran sa paksang sulatin. Narito ang iba pang
mungkahing pre-writing activities:

a. Pagsulat sa Dyornal. Nagsisilbing idea bank para sa maraming manunulat


sapagkat inirerekord dito ang mga ideya mula sa pang-araw-araw na pangyayari.

b. Brainstorming. Ito mabisang gamitin sa pangangalap ng mga katwiran at opinion


ng iba sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit na
pangkat hinggil sa paksa.

c. Questioning. Binabagsakan ng mga tanong sa gawaing ito ang isang posibleng


paksa. Makatutulong ito sa pagbibigay ng wastong pokus ng isang komposisyon.

Masining na Pagpapahayag 47
d. Pagbabasa at Pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba
pang materyales na karaniwang matatagpuan sa aklatan at internet,
napapalawak ang isang paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na
karagdagang kaalaman.

e. Pag-iinterbyu. Pakikipanayam sa isang tao o pangkat na ipinapalagay na


awtoridad hinggil sa isang paksa.

f. Obserbasyon. Pagmamasid sa anumang bagay o tao o pangkat sa mga gawi at


distinksiyon nito lalo na kung ito ang paksa ng komposisyon.

g. Imersiyon. Ang sadyang pagpapaloob sa isang karanasan o Gawain upang


makasulat hinggil sa karanasan o gawaing iyon.

h. Pag-eeksperimento. Madalas itong gawin sa pagsulat ng mga sulating


sayantipiko. Sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng tungkol dito.

Ang paggawa naman ng balangkas at semantic mapping ay mabisang estratehiya


upang higit na maging angkop ang gagawing lapit sa pagsulat. Piliin lamang ang mga
nababagay na impormasyon ayon sa layunin at kaisipang pinauunlad. (Lachica, 1999).

Writing Stage

Pagsasagawa ng burador o mga burador matapos makapili o makabuo na ng paksa at


mga datos na itatalakay ang manunulat. Sa yugtong ito ituon ang atensiyon sa pag-unlad ng
komposisyon at kung paano nakatutugon ito sa layunin at sa inaasahan.
Sa pagsasagawa nito, sikaping masagot ang sumusunod na lohikal na mga tanong: Paano ko
sisimulan ang komposisyon? Paano ko aayusin ang katawan? Paano ko wawakasan?

Narito ang ilang halimbawang mungkahi para sa unang tanong:


a. Gumamit ng isa o serye ng mga tanong retorikal.

Paano mo pinapahalagahan ang isang bagay? Kaya mo ba itong mawala sa iyo o


kahit unos man ang dumating ay ipaglalaban mo? Panghahawakan mo pa rin ba ang
bagay na iyon kahit alam mong talo ka? Iyan ang mga katanungang kahit mahirap
hanapan ng kasagutan ay nararapat hanapan.

-mula sa Magpaparaya kaba o hindi? Ni Pauline Rose Suner

Masining na Pagpapahayag 48
b. Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag-pansin.

Zonkey, pinaghalong Zebra at Donkey, ipinanganak.

c. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay

Nang napatingin ako sa isang banda, nakita ko ang mga pongpong ng makukulay at
masustansiyang prutas. Aking nariwari ang isang pongpong ng nalalanta at yumayaong
mga prutas. Bigla kong na balik-tanaw ang mga pangyayaring naghatid ng lungkot at
pighati sa pagal ko nang puso.

mula sa “Takipsilim ng Alaala” ni Jade Anthony L. Miranda

d. Gumamit ng Salitaan

“Pirmahan mo ‘to, Tanda.” Sabi ng sarhento at iniabot niya ang mga papeles sa
matanda.
“A-ano po ‘to?...”
“Basta’t pirmahan mo…”
“A-ano nga po ‘to?…”
Napasuntok sa mesa si Sarhento Damaso. “ Papeles ‘yan na katunayang
ipinagbibili mo’ng lupa mo!” sigaw nito.

e. Gumamit ng isang sipi

“Depende,” sabi ko. “Sa atin na sophisticated few, nakabatay sa kaunting


kaalaman sa Ingles ang asensong pangkabuhayan. Ingles ang lahat at lahat.
Ngaunit di ganito kahalaga sa mga magkakahoy sa kagubatan, sa mga
mangingisda, sa mga magsasaka sa kabukiran, sa mga trabahador sa mga piyer at
lansangan,” at aking ipinagdidiinan sa lalong malaking bilang ng masa na
bumubuo ng sambayanan.”
“Ang Wikang Filipino Isang Kasangkapan
sa Pagbuo ng Bansa” ni P.B.P. Pineda

f. Gumamit ng salawikain o kawikaan

“Ang tunay na paghahangad ng kapayapaan ay hindi makikita sa pagdanak ng dugo


sa tigang na lupa.” Tunay na totoo ang puntong ito, bakit nga ba may buhay pa na masayang
para lamang masolusyunan ang isang problema na maaari naming maayos kung pag-uusapan
nang masinsinan.

--mula sa Mumunti Kong Pangarap Tungo sa Kapayapaan ni Vicente B. Tavera Jr.


Masining na Pagpapahayag 49
g. Maglarawan ng tao o pook

Naiiba sa karaniwang mga langgam si Anggam. Isa sa ugaling inaayawan ng kanyang


Kasamahang langgam ay ang pagiging tamad niya. Wala siyang ginawa kundi maghapong
matulog. Samantalang nagkakandarapa sa paghahakot ng mga pagkain ang kanyang
mga kasama. Pero, pagdating sa pagkain, alerto siya.

h. Gumamit ng Analohiya
.
Sa gahum ng Once upon a time umiikot ang mundo ng mala-fairy tale na buhay ng
bata. Doon sa mundong maganda, instant ang buhay at puno ng mahika.

i. Gumamit ng salitang makatawag ng kuryusidad.

Katamaran… isang salitang hatid ay pag-asa sapagkat ito ang ina ng kaunlaran.

Pagsasaayos ng Katawan

Ang sumusunod na mga talata ay halimbawa ng paraang maaaring gamitin sa


pagpapahayag ng kaisipan alinsunod sa paksa, layunin at pinag-ukulan.

a. Iayos ang mga datos nang pakronolohikal

Kahapon sana siya makukumpirma sa commission on Appointyments, pero


hindi pumayag si Sen. Sergio Osmeña dahil ibig daw nitong makita muna ang mga
kopya ng kontratang pinirmahan ni Reyes noong siya pa ang Amed Forces Chief.

Inabot ng anim na oras ang deliberasyon sa confirmation ni Reyes.

Halos naubos ni Osmeña ang oras dahil sa pagtatanong niya kay Reyes tungkol
sa pagbili ng apat na C-130 eroplano mula sa Lockheed Martin at ng surveillance
equipment sa halagang P641 milyon.

-mula sa Reyes Confirmation, Nabalam


Inquirer libre, Disyembre 20, 2001

Masining na Pagpapahayag 50
b. Iayos nang palayo o palapit, paitaas o paibaba, papasok o palabas.

Mula sa malayo’y tanaw na tanaw ko ang maitim niyang buhok na tila


sumasayaw sa hangin. Hindi ko pa mabanaag nang malinaw ang kanyang mukha
ngunit nahihiwatig ko an ang kanyang angking ganda.

May kumurot sa aking puso nang may limang dipa na ang bawat agwat
ko sa kanya. Namamasdan ko na ang kanyang katawan. Hapit na hapit ang
kanyang malulusog na dibdib sa suot niyang tube blouse na pula at ang kanyang
balakang sa stretched niyang maong.

Nang makaharap ko siya ng malapitan ay di ko mapigilang mapabulong


sa aking sarili “Ang ganda ng textmate ko!”.

c. Iayos nang pasahol

Halimbawa, bagamat malaki ang pagpapahalagang binigay sa


edukasyon ng mga Pilipino, marami sa ating mga bata ang napipilitang tumigil
sa pag-aaral dahil sa matinding kahirapan o di kaya’y sa kakulangan ng mhga
pampublikong paaralan.

Sa katunayan, sa bawat sampung batang nabibigyan ng libreng


edukasyon mula sa pamahalaan, anim lang dito ang nakapagtatapos ng grades
school. ‘Yun namang masusuwerteng naakaraos ay dumaan naman sa
limitadong bilang ng oras, kakulangan sa kagamitan, masisikip na klasrum at
karaniwang mababang kalidad ng edukasyon.

d. Iayos nang pasaklaw

Subalit hindi sinasadyang ginalit ni Santo Tomas ang mga Pilipina nang
ipahiwatig niyang baka lisanin ng kanyang mga kababayan ang Hongkong kung
babawasan nang malaki ang pasweldo sa kanila.

Ang kanyang nasambit?, “ Kung talagang mahirap mangyari an gating


hinihiling, may posibilidad na sabihin nalang natin, Ok, kung hindi kayo
kailangan sa Hongkong, siguro dapat na kayong umuwi sa Pilipinas,” ani Santo
Tomas.

Binatikos ng mga aktibista na sumuporta sa mga katulong ang


pahayag ni Santo Tomas. Anila, isang walang pakundangan at iresponsable ito.

Masining na Pagpapahayag 51
e. Paghambingin ang mga datos

Di tulad ng mga tradisyunal na museo kung saan ‘yong mga bagay-bagay


ay nakadisplay lang sa likod ng mga salamin upang matyagan lang at hindi
hawakan, ang museong pambata ay naglalaman ng mga bagay na pwedeng
hawakan, usyusuhin, pakialaman, galawin at paglaruan ng mga bata upang
makatulong sa pagpapalawak ng kanilang imahinasyon at pag-iisip.

f. Isa-isahin ang mga datos

Balak ng Mobile Library Program na maitanim ang hilig sa pagbabasa


at pag-aaral ng mga bata particular na roon sa mga lalong nangangailangan.

Kabilang din sa mga pakay ay:

1. Magkaroon ng mga special reading activities para sa mga out of school


youth at mga batang lansangan para maengganyo silang bumalik sa pag-
aaral.

2. Matulungan ang mga mababang paaralang pampubliko sa kampanya


nilang maisaayos ang kaugaliang pagbabasa ng mga estudyante.

3. Hikayatin ang mga nakatatanda na engganyuhing magbasa ang mga bata.

4. Makapag-organisa ng mga programang pang-edukasyon para sa mga


batang nasa ospital at bahay-ampunan.

g. Suriin ang mga datos

Kabilang sa mga pelikulang hindi makakalimutan dahil sa magaling na


pagganap ni Amy ay ang Paano ba ang Mangarap (1985), Hinugot sa Langit at
Anak (2000).

Dito sa Bagong Buwan, sinulat ni Marilou kasama si Ricky Lee at Jun


Lana, at gawa ng Star Cinema at Bahaghari Production, tiyak na mapapansin na
naman ang galing ni Amy sa kanyang pagganap bilang Fatima, ang muslim na
nurse na asawa ni Cesar.

Masining na Pagpapahayag 52
Pagwawakas

Ang pagwawakas ay dapat na iangkop ang haba nito sa haba ng buong katha
gaya nang pagsisimula. Maaaring ang wakas ay isang kabanata, isang talataan, isang
pangungusap o isa lamang “pakiramdam sa pagsapit sa katapusan ng akda” na nililikha
ng mga panghuling salita.

Mga halimbawa sa pagwawakas ng komposisyon:

a. Ibuod ang paksa

Ang tunay na kaligayahan ay maaari ring matagpuan hindi lamang sa kayamanan,


mararangyang kasangkapan at kagamitan. Sa anumang pagsubok, marahil, ang
tagumpay na may hatid ng tunay na kaligayahan ay atin ding makakamit.

b. Mag-iwan ng isa o ilang tanong

Ganito kami ngayon. Mga kaluluwang sabay-sabay na nangarap, napoot, natuwa,umiyak.


Ganito kami, subalit magiging ganito pa rin ba kami bukas?

c. Bumuo ng konklusyon.

Kung gayon, sa pagbibigay ng halimbawa ay nabibigyan na rin ng depinisyon ang aking


pagiging guro. Samakatuwid, aabutin ako ng habambuhay para bigyang depinisyon ang
aking pagkatao, ang aking pagiging guro.

mula sa “Paghahanap ng Depenisyon” ni Benedick N. Damaso

d. Gumawa ng prediksiyon.

Muli kong hinawakan ang limang pisong nasa bulsa ko pa rin. Bukas, kapag nakita ko
siya, ibibigay ko ang limang pisong ito sa kanya nang maramdaman naman niyang maging
maligaya kahit sandali lang kapag ibinigay ko ang aking limang pisong pinakaaasam-asam niya.

Masining na Pagpapahayag 53
e. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.

May kasabihan tayo, “aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.” Aanhin ang
bilyong-bilyong assets ng GSIS, kung hindi mapakikinabangan ng miyembro ang mga
benepisyong iginagawad ng batas sa kanya sa panahon na kailangan niya ito.

f. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolismo.

Ayoko kasing mag-isa." Wala akong nasabi at sa isang mahinay na unday,


pinintahan ko ang mga luha niya ng pula. naubos ang laman ng lata.

Revising Techniques Sa yugtong ito lalo pang pinagbubuti ang isang akda.

Napapaloob dito ang pag-eebalweyt sa nagawang draft at pagsusulat


nang panibagong maaaring may pagdaragdag, pagbabawas, pagbabago at pagpapalit.

Napapaloob din dito ang pag-eedit sa akda. Dito sinusuri at winawasto


ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, mekaniks at paggamit ng bantas at
kapitalisasyon.

Proofreading- dito humahantong ang pagrerebays ng isang akda. Pagbasa ito sa


nirebisang kopya at pagwawasto kung may pagkakamali pang nakaligtaan hanggang sa
maiprodyus ang pinal na kopya.

Mga teknik sa pagrerebays ng isang manunulat:

a. Pag-eedit at pagrerebays ng sariling draft- isinasagawa ilang araw matapos


isulat ang draft.

b. Peer editing- pagpapabasa ng nagawang draft sa kaibigan o kakilala upang


ipaedit at ipakritik.

c. Professional editing- pagpapaedit at pagpapakritik ng nagawang draft sa mga


propesyunal gaya ng mga guro at editor.

Masining na Pagpapahayag 54
Mga Gawain
a. Interaktib

1. Gumuhit gamit ang "bond paper" ng isang


simbolo na naglalarawan at kumakatawan sa
iyo bilang indibidwal at mag-aaral ng USM.
2. Magbigay ng maikling paliwanag kaugnay sa simbolo na iginuhit.
Sundin ang proseso ng pagsulat.
3. Makipagpalitan ng gawa sa katabing kaklase upang masuri ang kani-
kaniyang gawa.

b. Pangkatan

1. Papangkatin kayo sa 5-6 na miyembro sa bawat pangkat. Magbibigay ang


guro ng isang bagay sa bawat grupo bilang batayan sa gagawin ninyong
pagsulat ng isang komposisyon.
2. Ang nilikhang komposisyon ng pangkat ay babasahin ng kinatawan sa
harap ng klase.

Masining na Pagpapahayag 55
Pagsasanay blg. 10

Pangalan: __________________________________ Taon/Kurso/Seksyon __________

Petsa: ___________________ Iskor: _______________

Panuto: A. Kilalanin kung anong uri ng Pagsisimula ng akda ang nasa bawat talata.

_________________ 1. Ito ang nakasulat sa plakard na hawak ni Carlos


Celdran, isangtour guide AKA Reproductive Health Bill Advocate AKA Jose Rizal
impersonator nang pumasok siya sa Manila Cathedral habang kalagitnaan ang misa at
bulabugin ang mgakaparian at parokyano.

__________________ 2. Payat, maiksi ang buhok, may mga butlig butlig sa braso
atpaa, pagala-gala, kinaaawaan ngunit kadalasa’y pinandidirihan, nanlilimos,
humihinging piso.

____________________ 3. Sa pagitan ng rumaragasang pagpatak ng luha, sa pagitan


ng mga hikbi, sa pagitan ng mga impit na pag-iyak, sa pagitan ng mga piping sandali –
isinisingit ng sugatang puso ang pagsusulat.

____________________4.Born free, and life is worth living But only worth living
Cause you’re born free
Madalas ko itong marinig na kinakanta ng aking tatay kapag nakikipag-inuman siya at
may videoke. Madalas din inuulit kantahin ng mga kainuman niya (minsan mga kamag-
anak, katrabaho, katrabaho o kahit sinong mayaya). Naging theme song na nga ata nila
ito. (maliban siyempre sa walang kamatayang “My Way” na sabi nila’y nakamamatay)

_____________________ 5. Apoy …. ang salitang tutupok sa iyong pagal na katawang


lupang pilit babangon sa pagkakasadlak sa tigang na alaala ng nakaraan.
______________________________________________________________________

_____________________6. Sssh....wag kang maingay! Wag kang gumawa ng kahit


ano mang tunog. Ssh... Hindi natutulog ang gabi. Mata lang ang iyong ipikit ngunit di ang
mga pandinig. Ssh… Tanong ko.

Masining na Pagpapahayag 56
Nasaan na ba tayo? Sa ilalim ng kagubatan? Ewan ko. Matamlay na ang aking
mga kalamnan at masyadong madilim ang kalangitan. Siguro ay takot at nagtatago ang
buwan. Pagal na tugon ni Ibyang.

__________________ 7. May napulot akong papel. Nakasulat doon na may


matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para
matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy
sa papel.

__________________ 8. Sabi ni Hemingway, dapat ginagawang disiplina ang


pagsusulat. Hindi pwedeng kung kailan lang may inspirasyon. Walang may mangyayari
sayo kung ganun. Dapat araw-araw may sinusulat ka. Kahit hindi seryoso basta
sumusulat.

___________________9. . Jen, thank you talaga. You’re a true friend talaga.”

“Luka-luka, ‘wag mo na nga akong bolahin.”

“Hehe...”

___________________ 10. Sino nga ba silang nasa naeskaparate ng kapalaran kagaya


ng sorbetes na tayo ay pinatatakam?

B. Kilalanin kung anong uri ng Pagwawakas ng akda ang nasa bawat talata.

_________________ 1.”Naisip kong magandang ideya iyon upang makapaghiganti


laban sa kanyang tatay. Pumayag ako sa kanyang sinabi, ipapakilala nya ako sa
kanyang mga magulang…..
Ito na sana ang maging daan ng Hustisya Para Kay Ina!”

………MATA SA MATA, NGIPIN SA NGIPIN………

________________ 2. Sa kawalan ng kongkretong pagbabago at direksyon, tulad ng


isang tradisyunal na pulitiko, may katwiran na mag-micro management si Pnoy. Ang
tanong ng marami, ano ang bago sa SONA?

Masining na Pagpapahayag 57
______________________ 3. At, mauunawaan mo na rin: ang katotohanan ay isang malaking
mascara: nagkukubli, di lubod na nagbubunyag. Pagkat ang katotohanan sa iba’y katutuhanan
din sa iyo: tanungin mo ang sarili mo: wala ka bang ikinukubli?--“Maskara,” B.S Medina, Jr.--

______________________ 4. … Ang lahat kaya ng paghihirap na ito ay mababago sa


pamamagitan ng dambuhalang LTR?

______________________ 5. … Bago ipinikit ni Elias ang kanyang mga mata, tiim-


bagang niyang inusal ang “mamamatay akong di ko nasisilayan ang kanyang liwanag.”

_____________________ 6. Samakatuwid, ang bawat mamamayang Pilipino ay dapat


magkaisa sa pagbibigay tulong sa mga nassalanta ng bagyong Mario.

____________________ 7. 2012… ang siglo ng paghuhukom ng Diyos, Magugunaw na


ang mundo.

____________________ 8. Batay sa mga naganap na pananalanta ng bagyo, ang lahat


ng ito ay mawawakasan sa kawikaang “ Hahanapin ng Kalikasan ang sarili nitong
daan.”

___________________ 9. Tiningnan kong muli ang puzzle. May kulang. Hindi pa pala
ako panatag. Ipinagpapatuloy ko ang pagsisikap sa buhay upang mahanap pa ang mga
pirasong magpapanatili sa katatagan nito.

___________________10. Pagmumulat at pagpapaunawa ang aagap upang sa huli, ang


kinalakihan nilang kuwentong pambata ay awtentikong magwawakas pa rin sa happily
ever after.

Masining na Pagpapahayag 58
Aralin 3. Ang Pagtatalata

Mga tiyak na layunin:

1. Natutukoy at Naipaliliwanag ang mga uri ng talata.


2. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang mabuting talata.
3. Nakapagbibigay ng reaksiyon sa mga tinalakay na paksa.

Ang Talata
-Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong
pagkukuro, palagay o paksang-diwa.
- Ang komposisyon ay binubuo nito.

Mauuri ang isang talata ayon sa lokasyon nito sa loob ng komposisyon. Makikita
sa sumusunod na talata ang kalikasan at katangian ng bawat uri ng talata;

a. Panimulang talata. Matatagpuan ito sa unahan at kung minsan hanggang sa


ikalawang talata ng komposisyon. Layunin nito ang ilahad ang paksa ng buong
komposisyon. Ditto ipinapaliwanag, isinasalaysay o inilalarawan ang anumang
bibigyang katwiran.

b. Talatang Ganap.Ito naman ang matatagpuan sa kalakhang gitnang bahagi ng


komposisyon. Ito ang dumedebelop sa pangunahing paksa. Binubuo ito ng
paksang pangungusap at mga pangungusap na sumusuporta sa paksang
pangungusap upang malinaw na matalakay nang ganap ang bahagi ng
pangunahing paksa ng komposisyon na nililinaw ng talata.

c. Talata ng Paglilipat-diwa. Ang talatang ito ay mahalaga sapagkat iniuugnay


nito ang diwa ng dalawang magkasunod na talata, magkasalungat man o
magkaugnay. Ito ang kailangan upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng
mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon.

d. Talatang Pabuod. Karaniwang ito ang pangwakas na talata o mga talata ng


komposisyon. Dito inilalagay an mahahalagang kaisipan na tinalakay sa gitna ng
komposisyon. Nakatutulong din ang talatang ito upang bigyan ng higit na linaw
ang layunin ng awtor ng isang komposisyon.

* Dapat tandaan na ang isang komposisyon ay hindi kukulangin sa apat na


talata.

Masining na Pagpapahayag 59
Makikita sa mga kasunod ang halimbawa ng bawat uri ng talata:

Panimulang Talata

“Tayo’y nabubuhay sa panahon na ang klima ay pabigla-bigla ang pagbabago.”


Ito ang wika ni Wallace S. Broecker ng Lamont-Doherty Earth Observatory of
Columbia University sa Palisades, NewYork.

Talatang Ganap

Ano ang sanhi ng bigla-biglang pagbabagong ito? Ito ay hindi pa rin


matiyak, gayon pa man ay may iba’t ibang hinuha, na sa pag-aaral ay hindi pa
ganap na nababatid ang 100% na siyang sanhi o dahilan.

Talatang Paglilipat-diwa

Maaaring ang temperatura ng mundo ay lalong tumindi ang init sa mga


darating na taon.

Talatang Ganap

Ang labis na pag-init ng mundo ay nagpasimula sa kalagitnaan pa ng


1970. Ayon sa talataan ng Britain Meteorological Office, ang may pinakamainit
na panahon o klima, simula nang magtala (1860s) ay napapaloob sa 1990s na
kung saan ang temperature ay tumaas ng 0.6 degrees Celcius.

Talatang Paglilipat-diwa

Dahil dito, marami ang nababahala dahil batid natin na ang klima ay may
pang epektong pangkabuhayan at pangkaligtasan.

Talatang Ganap

Ang Friends of the Earth, isang pangkat pangkapaligiran, ay nagsaad na


ang balita hinggil sa pagbabago ng klima ay nagpapatunay lamang na ang mga
gawain ng sangkatauhan ay sanhi ng patuloy na pag-init ng temperatura.
Masining na Pagpapahayag 60
Talatang Pabuod

“Dahil sa pagbabagong ito sa klima, ang agrikultura o pagsasaka ay magdurusa.


Maraming pananim ang masasalanta hangga’t hindi natutunan ng mga
magsasaka ang pag-aangkop sa pagbabagong ito. Tayo’y parang nakikipaglaro
sa isang galit na halimaw, isang klimang napakasensitibo,” ang saad pa rin ni
Broecker.

--- Aguila, Ma. Celeste


D., et.al. 1999 ---

Mga Katangian ng Mabuting Talata

Mahalaga ang sumusunod na mga katangian ng mabuting talata upang maging


epektibong bahagi ito ng isang komposisyon;

a. May isang Paksang-diwa. Kinakailngang nagtataglay ito ng isa lamang


paksang pangungusap.
Paksang pangungusap- pangungusap sa talata na nagsasaad ng buod ng nilalaman
niyon. Nagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis sa paksa ang iba pang kasamang
pangungusap at nang maiwasan ang pagpasok ng mga ‘di na kailangang pahayag.

Ang paksang pangungusap ay maaaring makita sa iba’t ibang bahagi ng talata


at madalas ito ang unang pangungusap sa bawat talata. Ang anyo nito ay maaring
patanong o paturol.

b. May kaisahan ng diwa. Matatamo ito kapagang bawat pangungusap sa loob


ng talata ay nauugnay sa paksang pangungusap niyon.

c. May Wastong Paglilipat-diwa.Nagiging malinaw ang mga pangungusap ng


talata kapat may wastong paglilipat-diwa. May angkop na salita o pariralang
ginagamit sa bawat isipang ililipat.
Pansinin ang kasunod na halimbawa:

1. Pagdaragdag-at, saka, gayundin,

Masining na Pagpapahayag 61
2. Pagsalungat-ngunit, subalit, datapwat
3. Paghahambing-katulad, animo’y, kawangis
4. Pagbubuod – sa madaling sabi, kaya nga
5. Pagkokonklud-samakatuwid, kung gayon

d. May Kaayusan. Mabuti at mainam na ayusin ang mga pangungusap sa talata sa


paraang papaunlad ang galaw ng mga pangyayari o kaisipang
tinatalakay.
Dapat kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang talata bago gumawa ng panibago
o kasunod na talata.

Maaaring gawin ang pagsasaayos ng mga pangungusap sa loob ng talata sa mga


sumusunod;

1. Ayusin nang kronolohikal ayon sa pagkakaganap ng mga pangyayari. Ito’y


karaniwan sa mga komposisyong pasalaysay o palahad.

2. Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko. Ito ang karaniwang ayos


na ang paksang-pangungusap ang unang pangungusap ng talata. Maari ring
ayusin sa kabalikan nito na ang paksang- pangungusap ay nasa hulihan.

3. Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, tulad hal. ng malapit-palayo


o kabalikan nito, mula sa loob-palabas o kabalikan nito o mula sa kanan-
pakaliwa o kabalikan nito.

Masining na Pagpapahayag 62
Pagsasanay blg. 11

Pangalan: _________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _______________

Petsa: _______________________ Iskor: ____________________

Panuto: A. Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang mga sumusunod na
pahayag.

1. Ang _______________ karaniwang ito ang pangwakas na talata o mga talata ng


komposisyon.
2. Sa ________________ iniuugnay nito ang diwa ng dalawang magkasunod na
talata, magkasalungat man o magkaugnay.
3. Matatamo ang kaisahan ng diwa ng talata kapag ang bawat pangungusap sa loob
ng talata ay nauugnay sa ___________________ niyon.
4. Dapat ________________ muna ang kaisipan ng isang talata bago gumawa ng
panibago o kasunod na talata.
5. Ayusin nang ________________ayon sa pagkakaganap ng mga pangyayari. Ito’y
karaniwan sa mga komposisyong pasalaysay o palahad.
6. Sa yugtong _________________ lalo pang pinagbubuti ang isang akda.
7. Paksang pangungussap sa talata ay nagsasaad ng __________ ng nilalaman
niyon.
8. Ang talatang __________ ay matatagpuan sa kalakhang gitnang bahagi ng
komposisyon. Ito ang dumedebelop sa pangunahing paksa.
9. Dapat tandaan na ang isang komposisyon ay hindi kukulangin sa _________ na
talata.
10. Ang _______________ ay binubuo ng mga talata.

B. Sagutin ang sumusunod;


1. Ano ang talata?
2. Paano ayusin ang mga pangungusp sa loob ng talata?

Masining na Pagpapahayag 63
YUNIT 5
KOMPOSISYONG PERSONAL (Dyornal)

Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.


(William Strunk, E.B White)

Pangkalahatang Layunin:
Nakabubuo ng pansariling komposisyon batay sa karanasan, mga
tunguhin/plano, obserbasyon at iba pang personal na Gawain.

Aralin 1. Pagsulat ng Dyornal

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan tungkol sa dyornal.
2. Natutukoy ang mga dahilan tungkol sa pagtatago ng dyornal.
3. Nakagagawa ng sariling entri ng dyornal.

Ang personal na sulatin ay impormal, walang tiyak na balangkas at pansarili. Ito


ang pinakamagamit na uri ng sulatin sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay
anumang paniniwala, pag-iisip, o di kaya'y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
Sanaysay

Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

Awtobiyograpiya, Refleksyon, Talaarawan, Alaala, Shopping (groseri) lista, Tala,


Dyornal, Dayalog, Liham, mensahe.

Dyornal

 talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga naiisip at nadarama at


kung anu-ano pa o sitwasyong personal . Madalas na naiuugnay at
napagkakamalan ito sa isang dayari. Ang dayari ay pribado at pansarili
samantalang ang dyornal ay maaaring basahin ng lahat hindi lamang sariling
karanasan.

Masining na Pagpapahayag 64
 Isang talaan ng mga pansariling gawain, mga refleksyon, mga naiisip o nadarama
atkung anu-ano pa. Madalas itong ipagkamali sa isang dayari. Tinawag na
“pangkaraniwang aklat” noong ika-16 na siglo. Isang tahimik na kasama,
repositoryong mga lihim at karanasan, isang instrumentong ginagamit sa pag-
iisa upang usisain o kausapin ang sarili.

 Silbi sa mga Manunulat Hanguan o batayan ng nga akda Sulatan ng mga “draft”
Hanguan ng mga tauhan Talaan ng mga salita, idyoma, tayutay, pahayag para sa
pagpapalawak ng bokabularyo Mabisang pagsasanay sa malikhaing pagsulat

JOURNAL, AYON SA ILANG MANUNULAT

“Typically, my poems are triggered by images recorded in my journal…”(Linda Bierds).


The keeping of the journal is a peculiar form for writing practice…”(Reginald


Gibbons).

I use my journal to jolt my mind when I sit down to write a particular chapter…”
(Marianna de Morco Torgovnick).

Sampung Dahilan ng Pagtatago ng Dyornal

a. Isang lagbuk, b. Batayan/Paraan ng malikhaing Gawain, c. Isang aklat ng kaisipan, d,


Isang travelog, e. Kwaderno sa Pagpaplano, f. Talaan ng mga Panaginip, eklektik
Tagatago ng koleksyon, Memoir, Isang uri ng pakikipag-usap sa sarili, Mag-imbento ng
mga karakter, Mga taong mahahalaga at mga nakilala, Liham, Tula o Litanyang may
Taludturan, Mga pahayag at tanong na pumapasok sa isipan.

Mga Ideyang Maitatala sa Dyornal

a. Itala ang kapaligirang iyong nakikita.


b. Isulat ang iyong mga karanasan sa pagsusulat ng jornal mismo.
Masining na Pagpapahayag 65
c. Magsulat ng tungkol sa mga salitang makukuha kung saan-saan.
d. Magtala ng mga pahayag, paglalarawano mga tanong na pumapasok sa isipan.
Ilarawan ang proseso ng iyong pagsusulat.
e. Magtala ng mga entris nang patula.
f. Magsulat ng mga liham.
g. Isulat ang hinggil sa mga taong importante sa iyo.
h. Isulat ang iyong mga alalahanin o problema. Irebisa ang dati mo nang naisulat.
i. Magsulat ng tungkol sa mga taong may interes o hilig na tulad ng sa iyo.
j. Isulat ang lagay ng panahon.
k. Maglarawan ng mga bagay-bagay mula sa iyong kinauupuan.
l. Gumawa ng listahan ng mga pahayag na may patlang.
m. Gamitin ang alpabeto.
n. Magsuri ng mga aklat na iyong nabasa
o. Maglista ng mga aklat na gusto mong basahin.
p. Magsulat ng tungkol sa inyong klase.
q. Isulat ang iyong mga narinig sa radyo.
r. Magsulat tungkol sa mga programa sa “tv” o kaya’y mga patalastas
s. Mag-imbento ng mga karakter.
t. Kausapin ang sarili o mga bagay-bagay. Itala ang mga makahulugang “sms” na
iyong natanggap.

Pagsulat ng Dyornal

Walang sinusunod na pisikal na kaanyuan. Kahit saan at kailan, pwedeng


magsulat ng dyornal. Hindi kailangan ang digri. Walang kailangang prikwensi sa pagsulat.
Hindi kailangang kronolohikal. Walang sukat. Walang kailangang istilo. Kailangang
maging natural at tapat sa pagsusulat sa dyornal. Huwag paalipin sa mga do’s and don’ts
ng gramatika, literature at pamamahayag. Kanya-kanyang istilo sa pagsusulat ng
dyornal. Samakatuwid, walang hindi pwede, walang bawal.

Masining na Pagpapahayag 66
Pagsasanay Blg. 12

Pangalan: _____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon __________

Petsa: ___________________ Iskor: _______________

Panuto: A. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman
kung ang pahayag ay hindi tama.

_____________1. May sinusunod na pattern ang pagsusulat ng dyornal.


_____________2. Lahat ng dayari ay dyornal ngunit hindi lahat ng dyornal ay maituturing na
dayari.
_____________3. Ang pagsusulat ng dyornal ay mabisang pagsasanay sa malikhaing pagsulat.
_____________4. Ang pagsulat ng dyornal ay walang kalayaan.
_____________5. Hindi maaaring iedit ang dyornal.
_____________6. Walang kailangang tiyak na istilo sa pagsulat sa dyornal.
_____________7. Kailangang maging mahaba ang mga tala sa dyornal.
_____________8. Kahit kailan ay maaaring magsulat ng dyornal.
_____________9. Mas malawak ang saklaw ng dyornal kaysa dayari.
_____________10. Lahat ng itinatala sa dyornal ay kailangang irebays.
_____________11. Si Dr. Venancio Mendiola ay nagbigay ng 12 mga dahilan ng pagtatago ng
dyornal.
_____________12. Ang dyornal noong ika-16 na siglo ay tinatawag na pangkaraniwang aklat.
_____________13. Ayon sa iba, ang dyornal ay isang tahimik na kasama dahil anumang
problema o bagay na nangyari sa buhay ng tao ay maaaring maitago rito.
_____________14. Itinala ni Shiela Bender sa kanyang aklat na “The Writer’s Journal” ang
dalawampung Ideya na maaaring maisulat sa dyornal.
_____________15. Hindi lahat ng dyornal ay kailangang may petsa.

Masining na Pagpapahayag 67
B. Bumuo ng sariling komposisyong personal batay sa sumusunod:
1. Talambuhay o Dyornal

Masining na Pagpapahayag 68
YUNIT 6
DISKURSO AT MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

Pangkalahatang Layunin:
Matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na kaalaman at pang-
unawa sa mga araling sumusunod gaya ng; katuturan, katangian, kahalagahan at mga
kahingian sa epektibong paraan ng pagpapahayag ng iba’t ibang uri ng diskurso:
Paglalarawan, Pagsasalaysay, Paglalahad at Pangangatwiran.

Aralin 1. Diskurso

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng diskurso.
2. Natitiyak ang mga katangiang dapat taglayin ng bawat diskurso.

DISKURSO

 sa Latin – Discursus, Paraan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita .


Nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan. Ang pormal at patuluyang
pagsasagawa ng isang mahusay na usapan at Interaktibong gawain tungo sa
mabisang paglalahad ng mga impormasyon

 Tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa


malalim na pagtingin sa mga ideyang inilalahad. Milrood 2002

 ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.


Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikongeksaminasyon ng isang paksa,
pasalita man o pasulat, tulad halimbawadisertasyon. Samakatwid, masasabing
ang diskurso ay isang ng anyo ngpagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa.
Masasabi rin, kung gayon,na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.

Maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga participant nito ang
komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.
Masining na Pagpapahayag 69
Ano ang komunikatib kompitens? Tinukoy ito ni Noam Chomsky sa kanyang
mgahuling akda bilang pragmatik kompitens o kahusayang pragmatiko na nag-iinbolbsa
abilidad ng isang ispiker upang piliin ang angkop na barayti ng wika para saisang tiyak na
sitwasyong sosyal. Ang konseptong ito ay tinatawag din minsanbilang sosyolinggwistiks.
Ang kompitens na ito ay nangangailangan ng sensitibitisa dayalek o rehistro at kaalaman
sa mga kultural na reperens tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang popular,
istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.

Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang


komunikatibo: ang tekstwal kompitens o abilidad na sumulat nang may kohisyon at
organisasyon, at ang ilukyusyonari kompitens o ang abilidad na magamit ang wika para
sa ideation, manipulasyon, heuristik (halimbawa, pagkatuto o learning) at imahinasyon.

Ano naman ang linggwistik kompitens? Ito naman ang mental grammar ng isang
indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. Ang
terminong ito ay tinatawag ng maraming linggwista bilang payak na kompitens. Tinawag
naman ito ni Bachman na gramatikal kompitens, na para sa kanya ay nagsasangkot ng
di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at bokabularyo. Kailangan
dito ang mahusay na pagsasalita at ang lakas ng loob na humarap sa maraming tao.

Para maging mahusay na tagapagsalita dapat ay:

1. Organisado at Responsable - Kailangan bago ka umakyat ng stage ay nakahanda ka


sa mga sasabihin mo. Kailangan responsible ka. Mas maigi kung magresearch muna lalo
na kung hindi familiar sa subject.

2. May kompyansa sa sarili at kakayahang magpatawa- Dahil nairesearch at nakahanda


sa mga sasabihin magiging confident magsalita at magiging malakas ang loob, dahil
sigurado ka sa sarili mong alam mo ang iyong sinasabi dahil nairesearch mo nga ito.
Isang advantage ang may maganda at malakas na boses pero kahit hindi kagandahan
ang boses pero funny naman, kagigiliwang pakinggan ng mga audience ang
tagapagsalita.

3. Determinado - Kailangan determinado ang tagapagsalita para maitawid ang punto.


Gumamit ng mga halimbawa para maunawaan ng audience ang mga mensahe na
gustong maitawid sa kanila.

Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso

Masining na Pagpapahayag 70
1. Paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng
konteksto dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay
pambbabae o panlalake.

2. Layunin – bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga taong
sangkot, dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang
magiging daan sa katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng
isang tao, makaimpluwensya, makabenta o iba pa.

3. Pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t


saring pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may
kakayahang pangwika ay maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang
kaisipan ay makakaapekto sa pagtanggap ng kinakausap.

4. Tagatanggap– ang tagahatid at tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na may


iba’t ibang takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng
tagahatid na malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng
tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diskurso

Deskriptiv, Narativ, Ekspositori, Argumentativ

Deskriptiv ang diskurso kung naglalarawan ito ng isang viswal na konsepto


tungkol sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Maaaring nagbibigay rin ito ng mas
malalim na paglalarawan sa kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari. Anumang nakikita,
nadarama, nasasalat, napakikinggan, at nalalasahan.

Narativ ang diskurso kapag nagbibigay ito ng pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari habang nagpapakita ng mga imformasyon tungkol sa mga tiyak na sitwasyon,
tagpo, panahon, at mga tauhan.

Ekspositori ang diskurso kung ang tungkulin nito ay makapagbigay ng anumang


uri ng impormasyon o kaalaman. Nagpapakita o nagpapakilala ito ng kaalaman ng
anumang katotohanang nauukol sa lahat nga aspeto ng buhay.

Ang isang diskurso ay argumentativ ay may layuning mapatunayan na ang isang


kuru-kuro ay dapat o hindi dapat paniwalaan o ang isang hakbangin ay dapt o hindi
dapat isagawa.

Masining na Pagpapahayag 71
Pagsasanay Blg. 13.

Pangalan: _____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon __________

Petsa: ___________________ Iskor: _______________

Panuto: A. Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag.

____________________1. Dalawang mahalagang kakayahan na dapat taglayin


____________________2. ng mga partisipante sa pagsasagawa ng diskurso.
____________________3. Salik sa pagbuo ng diskurso na tumutukoy sa kung paano
ipapahayag ang mga kaisipan.
____________________4. Paraan ng pagpapahayag ng diskurso na may layuning
makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa.
____________________5. Salik sa pagbuo ng diskurso na nagsasaalang-alang sa mga
ninanais makamit ng mga kasangkot sa anumang diskuso.
____________________6. Ito ang pinakasentro o ang pinag-uusapan sa isang diskurso.
____________________7. Sa salitang Latin, ang diskurso ay ano?
____________________8. Paraan ng pagpapahayag ng diskurso na ang tungkulin nito ay
makapagbigay ng anumang uri ng impormasyon o kaalaman.
____________________ 9. Tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan
gayun din naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang
inilalahad. Milrood 2002
____________________ 10. Kakayahan ng isang indibidwal na tumutukoy sa mental
grammar, pagsasaalang-alang sa istruktura ng pangungusap,
wastong paggamit ng salita atbp.
B. Pagpapaliwanang.
1. Magbigay ng sariling pakahulugan ng diskurso.
2. Ano ang kaibahan ng mga sumusunod na paraan ng pagpapahayag.
a. Pagsasalaysay at Paglalahad
b. Paglalarawan at Pangangatwiran

Masining na Pagpapahayag 72
Aralin 2. Paglalarawan/Deskriptibo

A good description can turn an ear into an eye


Anonymous

Mga Tiyak na Layunin:

1. Natutukoy ang mga kahingian ng Epektibong Deskripsiyon.


2. Naipaliliwanag ang katuturan, kahalagahan at layunin ng paglalarawan.
3. Nakabubuo ng dalawang uri ng paglalarawan.

Ang paglalarawan ay isang anyo/pamamaraan ng pagpapahayag o diskurso na


nagpapahayag ng sapat na detalye ng ating nakikita, naririnig at nadarama upang ang
isang mamababasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang mental sa anumang
inilalarawan. Ginagamit ng isang manunulat ang salita sa paglalarawan katulad ng isang
pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan gamit ang pinsel at pintura upang
maisabuhay ang isang larawan sa isipan ng mambabasa, tagapakinig o manunuod. Ayon
naman kay Tumangan et.al. (1997), ang paglalarawan o diskriptibong diskurso ay bunga
ng kakintalang likha ng limang pandama ng tao.

Mahalaga ang diskursong paglalarawan sapagkat nagsisilbi itong tulay upang


makilala ang isang tagapahayag kung paano niya binibigyang katangian ang anumang
kanyang inilalarawan na kung saan nagkakaroon ng ideya ang tagapakinig o mambabasa
kung ano ang kanyang panlasa tungkol sa mga bagay-bagay at kung paano siya mag-isip.

Layunin ng deskriptibo ang makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa


upang maranasan din nila ang naranasan ng manunulat. Karaniwang isinasagawa ang
paglalarawan upang makahikayat ng kapwa, tulad hal. ng paglalarawan ng pook-
pasyalan para makahikayat ng turista.

Sa epektibong paglalarawan ay karaniwang pang-uri at pang-abay ang ginagamit


upang mabigyang-buhay ang anumang inilalarawan nang sa gayon ay maging malinaw
sa isipan ng tagatanggap ang anumang nais maipabatid ng iba.

Ang paglalarawan, kung gayon ay isang uri ng diskurso na nagbibigay ng malinaw


na imahen ng isang tao, bagay, damdamin o kaisipan sa isipan ng tagatanggap upang
makalikha ng isang impresyon o kakintalan.

Masining na Pagpapahayag 73
Mga Kahingian ng Epektibong Deskripsiyon

Mula sa pinagsanib na aklat nina Bernales, et.al (2006) at Tumangan, et.al. (1997),
narito sa ibaba ang mga pangangailangan sa epektibong deskripsiyon.

Maingat/Wastong Pagpili ng Paksa

Walang wasto o maling paksa sa paglalarawan. Ang mahalagang dapat tandaan at


isaisip ng isang tagapagpahayag ay dapat na maingat siya sa pagpili ng paksang kanyang
ilalarawan. Mainam na ilarawan ang mga bagay na ang tagapagpahayag mismo ang
unang nakamalas sa halip na nakabase sa iba

Pagbuo ng Isang Pangunahing Larawan

Ito’y nangangailangan ng maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang


kakintalan ng paksang inilalarawan. Mahalagang makabuo agad ng malinaw na
kakintalan upang mapukaw ang interes ng mambabasa o tagapakinig mula sa kabuuang
piniling nangingibabaw na pangunahing katangian bago pa man alamin ang mga
sangkap na bumubuo nito

Pagpili ng Pansariling Pananaw

Tinutukoy nito ang pagtingin ng naglalarawan sa paksang kanyang inilalarawan.


Dahil bawat tao ay may sariling ideya sa mga bagay-bagay, ang iisang tinitingnan natin
ay maaaring iba-iba ang ating nakikita dito. Ito ay dahil sa hindi pare-pareho ang ating
panlasa.
Magkaugnay ang pangunahing larawang nabubuo sa pananaw ng naglalarawan.
Kung gayon, mahalaga na bago pa man simulan ang paglalarawan ay tiyaking maging
malinaw sa isipan ng tagapagpahayag kung ano ang kanyang layunin sa pagsasagawa
dahil may epekto ito sa kanyang magiging pananaw.

Kaisahan

Ang kabuuan ng paglalarawan ay nagaganap sa pagbibigay ng mga maliliit na


detalyeng nagbibigay-linaw sa kabuuan ng inilalarawan. Tiyaking hindi lilihis sa
pangunahing larawang nabuo sa una ang mga detalyeng ipapahayag.upang matiyak ang
kaisahan ng diwa.

Masining na Pagpapahayag 74
Wastong Pagpili ng mga Sangkap

Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan


o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang
kaugnayan sa inilalarawan lalo na sa nabuong pangunahing larawan

Pagpili ng Angkop na Pananalita

Sapagkat salita ang siyang sandata ng isang tagapaglarawan upang makalikha ng


imahen, kailangang mayroon siyang kasanayan sa pagpili ng mga salitang maaaring
magpagalaw ng imahenasyon ng kanyang tagatanggap.

Mahalaga ring tiyakin ng tagapagpahayag na ang salitang kanyang pinili ay angkop sa


pandamang kanyang inilalarawan.

Samantala, ang paggamit ng mga salitang nakakakiliti ng isipan ay higit na epektibo


dahil mas napapadali ang pagbuo ng mental na imahe ng naglalarawan.

Mga Uri ng Paglalarawan

Pangkaraniwang Deskripsiyon

Ang uring ito ay nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito


naglalaman ng damdamin at kuru-kuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay
ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat.

Hal.

Matanda na nang mabilanggo si Mang Selo. Mahigit na siyang animnapu, uban


na ang malaking bahagi ng kanyang ulo, malalim na ang gatla sa kanyang noo. Subalit
malakas pa si Mang Selo; nakukuha pa nga niyang sakahin ang kapirasong lupang
pamana pa ng kanyang mga ninuno.
Ang Lolo Selo ay balo, walang naiwang sanla ng pag-ibig ang kanyang yumaong
asawa. Siya’y kapatid na panganay ng aking ina. Ikalawang baytang lamang ng mataas na
paaralan ang kanyang naabot ngunit mayaman siya sa mga karanasang hindi
matututuhan sa paaralan.Mahilig siya sa panitikan at natuto siyang sumulat ng tula.

--Bilanggo, ni Wilfredo P. Virtuso--

Masining na Pagpapahayag 75
Masining na Deskripsiyon

Ang guniguni ng mambabasa o tagapakinig ay pinagagalaw upang makita ang isang


buhay na buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat Ang
paglalarawang ito ang higit na nakakapukaw ng isipan at damdamin. Sa pagkakataong
ito ay aktibo ang kakayahang linggwistik ng tagapagpahayag. Gumagamit siya ng nga
idyoma at mga tayutay upang gawing higit na malinaw ang imaheng nais niyang
mapabatid.

Hal.

“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap.
Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakagayon ay
maikli ang kanyang pananalita: Lumigpit ka!... At kailangang di na niya ako
Makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga
mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi.
Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang
katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.

Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang
na lupang uhaw na uhaw…”

--Uhaw ang Tigang na Lupa, ni Liwayway A. Arceo--


Mga Gawain
a. Interaktib.
Maghanap ng isang bagay na nasa iyo ngayon. Ilarawan ang bagay na iyon na
isinasaalang-alang ang mga kahingian sa epektibong paglalarawan. Hayaang ang mga
kamag-aral ang magbigay hula sa bagay na inilalarawan.

b. Pangkatan
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Pumili ng isang tiyak na pook sa loob ng
Pamantasan ng Katimugang Mindanao (USM). Kuhanan ninyo ng mga larawan ang
naturang pook. Iaayos ito at pagsamahin upang makabuo ng pabalat ng isang booklet. Sa
loob ng booklet ang paglalarawan sa naturang pook. Ipakita sa klase ang nagawa ng
inyong pangkat.pumili ng dalawang kinatawan ng pangkat upang ibahagi ang inyong
booklet sa paraang hihikayatin ang tagapakinig na puntahan ang naturang pook sa loob
ng pamantasan.

Masining na Pagpapahayag 76
Pagsasanay blg. 14

Pangalan: ____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _________________

Petsa: ___________________ Iskor: ____________________

A. Panuto. Modified Tama o Mali. Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang
isinasaad ng pahayag, isulat naman ang tamang salita/mga salita sa patlang upang
palitan ang sinalungguhitang salita/mga salitang nagpapamali sa pahayag. 2pts.

________________1. Ang pananaw ang unang kakintalan ng isang paksang inilalarawan.

________________2. Ang layunin ng deskripsiyong karaniwan ay makapagbigay lamang


ng kabatiran tungkol sa isang bagay.

_______________ 3. Tinutukoy ng Kaisahan ang pagtingin ng naglalarawan sa paksang


kanyang inilalarawan.

________________.4. Ang kabuuan ng paglalarawan ay nagaganap sa pagbibigay ng


mga maliliit na detalyeng nagbibigay-linaw sa kabuuan ng
inilalarawan.

_______________ 5. Sa epektibong paglalarawan ay karaniwang pang-uri at pandiwa


ang ginagamit upang mabigyang-buhay ang anumang inilalarawan.

_______________ 6. Sa masining na paglalarawan ito ay aktibo ang kakayahang


linggwistik ng tagapagpahayag.

_______________ 7. Ang paggamit ng mga salitang nakakakiliti ng isipan ay higit na


epektibo dahil mas napapadali ang pagbuo ng pandamdaming na
imahe ng naglalarawan.

______________ 8. Ginagamit ng isang manunulat ang panulat sa paglalarawan katulad


ng isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan gamit
ang pinsel at pintura upang maisabuhay ang isang larawan.

______________ 9. Ang paglalarawan, kung gayon ay isang uri ng diskurso na


nagbibigay ng malinaw na imahen ng isang tao, bagay, damdamin o

Masining na Pagpapahayag 77
kaisipan sa isipan ng tagatanggap upang makalikha ng isang impresyon
o kasanayan.

______________ 10. Mainam ding piliin ang paksang mayroon siyang lubos na
kahandaan tulad na lamang ng mga nakikita niya sa araw-araw.

B. Sumulat ng isang pangkaraniwang paglalarawan. Pumili ng isa sa mga


sumusunod. 1-2 Talata.

1. Ang Aking Kaibigan


2. Ang Aming Barangay
3. Ang Idol kong Artista
4. Ang Paborito kong pasyalan

Masining na Pagpapahayag 78
C. Sumulat ng isang masining na paglalarawan. Pumili ng isa sa mga sumusunod.
1-2 Talata.

1. Isang Damdaming Noon Ko Lamang Nadama 3. Ang Aking Matalik na Kaibigan


2. Ang Aming Tahanan 4. Ang Inaasam kong Lugar na
Mapuntahan.

Masining na Pagpapahayag 79
Aralin 3. Pagsasalaysay/Naratib

Mga Tiyak na Layunin:

1. Naipaliliwanag ang katuturan, kahalagahan at layunin ng Pagsasalaysay.


2. Natutukoy ang mga kahingian ng Epektibong Naratib.
3. Natitiyak ang mga elemento at mga uri ng naratib na diskurso.

Ang pagsasalaysay na diskurso ay nagpapahayag na may layuning magkuwento ng


mga kawil-kawil na mga pangyayari tungo sa tiyak at makabuluhang wakas. Ang
karanasan at ang mga nakikita sa kapaligiran ay maaaring paghangusan ng
pagsasalaysay ng isang tao.

Layunin ng naratib na diskurso ang matiyak na maipapahayag ang mga detalye


nang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nang sa gayon ay tuwirang maunawaan ng
tagapakinig o mambabasa an gating isinasalaysay. Naksalalay sa maayos na
pagpapahayag ng detalye ang tagumpay ng pagsasalaysay.

Kahingian ng Epektibong
Naratib

1. Orihinal at kawili-wiling paksa

Sa anumang anyo ng diskurso, ang orihinal at kawili-wiling paksa ay masyadong


mahalaga. Mas mainam din na ang paksa ay maituturing na kapaki-pakinabang dahil
mas makahihikayat ng mambabasa o tagapakinig. Mahalaga ring may kalaliman at
napapanahon ang paksa upang ito’y maging makabuluhan.
Ang personal na karanasan ang painakakaraniwang hanguan ng paksa.

2. Mapanghikayat na Pamagat
Ang pamagat ay isang salik na pangganyak sa mga mambabasa upang
ipagpatuloy ang pagbabasa. Upang maging mapanghikayat ang pamagat,
mayroong anim na kahingian sina Bernales et.al 2006.

Masining na Pagpapahayag 80
a. Maikli
b. Orihinal
c. Angkop
d. Sinasaliksik
e. Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas
f. Hindi katawa-tawa

3. Mapangganyak na Panimula
Ang panimula ay isang salik na naghihikayat sa mga mambabasa maliban
pa sa pamagat. Kahit na orihinal at nakakapang-akit ang pamagat kung ang
simula naman ay karaniwan lamang o tila isang panggagaya sa mga mas
kilalang kwento, hindi maeengganyo ang mambabasa na ipagpatuloy ang
nasimulang gawain.

4. Kapana-panabik, hindi maligoy at magkakaugnay na daloy ng pangyayari


Karaniwang nagsisimula sa isang malinaw at interesanteng simula at
sinusundan naman ng mga magkakaugnay na pangyayaring umuusad nang sa
gayon ay makarating sa isang angkop na wakas. Maaari rin namang magsimula
sa tinatawag na pagbabalik-tanaw o flashback.

5. Angkop at Interesanteng wakas


Mahalagang ang mga suliranin sa naratib ay nabibigyan ng katugunan ang
mga mambabasa upang hindi sila mabigo at upang makamit ang mga
katanungang nabuo sa kanilang mga isipan.

6. Makabuluhang Karanasang Pantao


Naiuugnay ng mga mambabasa ang kanilang karanasan sa mga tauhan na
maituturing na makabuluhan at kaakit-akit na basahin. Magsisilbing isang
malakas na puwersa na humahatak sa mga taong magbasa ng isang naratib.

7. Angkop na Pananalita
Nararapat na tiyakin ng isang manunulat na ang wikang kanyang
ginagamit ay angkop sa kanyang target na mambabasa. Mahalagang isaisip ng
manunulat ang pagkakaiba ng kakayahang pangwika ng mga mamababasa
nang sa gayon ay matugunan ang pag-unawa sa binasang naratib.

Masining na Pagpapahayag 81
8. Malinaw at tiyak na punto de bista sa pagsasalaysay
Maaaring ang tagapagsalaysay ay subjective (ang tagapagsalaysay ang
naglalahad ng mga dapat isipin o sabihin ng tauhan), objective (ang
tagapagsalaysay ay tagamasid lamang sa iniisip ng tauhan) at omniscient ( alam ng
tagapagsalaysay ang lahat ng mga nangyayari sa loob at labas ng tauhan.
(Tumangan et.al, 2003).

Iba’t ibang Uri ng Naratib

a. Maikli o mahabang Kwento/Nobela. Umiikot ang kwento sa tauhan na


dumadanas ng isang pagsubok na mabibigyan ng kalutasan sa dakong hulihan ng
naratib.

b. Talambuhay. Pagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa isang tao, maaaring


sarili o iba mula sa kapanganakan hanggang sa kasalukuyang estado ng kanyang
buhay.

c. Kasaysayan. Kuwento ng totoong pangyayaring humuhubog sa pagkakakilanlan


ng isang tao, o bansa.

d. Kwento ng Paglalakbay. Kwento ng manlalakbay ng kanyang pakikipagsapalaran


sa ibat ibang pook.

e. Kwento ng Pakikipagsapalaran. Sa ating pakikipagsapalaran sa buhay, tayo ay


nakararanas ng samot-saring pangyayari na nagiging daan n gating pagbabago at
paglago bilang isang tao.

f. Alamat, Epiko at Kwentong –Bayan. Mga anyo ng naratib na nabuo sa


matandang panahon n gating kasaysayan. Tungkol sa pinagmual ng mga bagay-
bagay ang Alamat, ang epiko naman ay tulang pasalaysay na nagpapahayag ng
kagilas-gilas na pakikipagsapalaran ng isang bayani samantalang ang kwentong-
bayan ay kwentong sumasailalim ng kultura ng iba’t ibang bayang matatagpuan
sa ating bansa.

g. Balita. Mga pagpapahayag ng mga mahahalagang pangyayari sa araw-araw na


ibinabahagi sa mga tao upang sila’y magkaroon ng mga impormasyon tungkol sa
nagaganap sa kanilang paligid.

Masining na Pagpapahayag 82
Mga Elemento ng Isang Naratib

a. Banghay. Tumutukoy sa istruktura o kalansay ng isang naratib na nagiging


batayan sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

b. Tauhan. Tumutukoy sa mga gumaganap sa kwento, mapatao man, hayop o


bagay.

c. Tagpuan. Tumutukoy sa pook na pinagganapan ng mga pangyayari kaugnay nito


ang oras at panahon ng pagkakaganap.

d. Suliranin. Mga pagsubok na pinagdaanan ng tauhan. Maaaring ang dahilan ay ang


sarili, kalikasan o kapwa.

e. Himig o mood. Tumutukoy sa damdamin ng may-akda sa kanyang paksa.


Maaaring Masaya, malungkot o iba pang damdamin.

f. Solusyon. Tumtutkoy sa mga pangyayaring nagbigay daan sa pagwawaksa ng


suliranin. Maaaring isang tao, kalikasan. Mahalagang tandaan na lahat ng
suliranin ay may katumbas na solusyon.

g. Kasukdulan. Pangyayaring kapana-panabik na maituturing na pinakamataas na


damdamin na naibibigay sa mambabasa.

h. Resolusyon. Nagbibigay-daan sa pagtatapos ng kwento. Ang mga katanungang


nabuo ay unti-unting nabibigyan ng kasagutan.

i. Wakas. Ang lahat ng mga pangyayari ay nabibigyan ng kalutasan, lahat ng tanong


ay may tiyak na kasagutan at may tiyak na patutunguhan ang bawat tauhan.

Masining na Pagpapahayag 83
Pagsasanay Blg. 15

Pangalan: ____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _________________

Petsa: ___________________ Iskor: ____________________

A. Ibigay ang hinhingi sa bawat bilang.


_________________1. Elemento ng naratib na tumutukoy sa damdamin ng may-akda
sa kanyang paksa.
_________________2. Uri ng naratib na nagpapahayag ng mga mahahalagang
pangyayari sa araw-araw tungkol sa mga nagaganap sa paligid
na ibinabahagi sa mga tao.
_________________3. Tumtutukoy ito sa wikang ginagamit ng manunulat na
iniaangkop sa kanyang target na mambabasa.
_________________4. Uri ng punto de bistang paningin na ang tagapagsalaysay ay
tagamasid lamang sa iniisip o sinasabi ng mga tauhan.
_________________5. Isang naratib na nagsasalaysay ng samut-saring karanasan ng
isang tauhan na naging daan sa pagbabago at paglago bilang tao.
_________________6. Elemento ng naratib na tumutukoy sa mga pagsubok na
pinagdaanan ng tauhan.
_________________7. Nagtala ng anim na kahingian sa pagbuo ng isang
mapanghikayat na pamagat.
_________________8. Isang malakas na pwersang humahatak sa mga
taong magbasa ng isang naratib dahil sa kahingiang
ito.
_________________9. Kahingiang tumtutukoy sa tiyak na patutunguhan ng anumang
akdang naratib.
_________________10. Uri ng naratib na nakabatay sa totoong pangyayari na siyang
humuhubog sa pagkakakilanlan ng isang tao o bansa.

Masining na Pagpapahayag 84
Gawaing Interaktib:
Basahin ang naratib na pinamagatang “Huwag Po Itay”.
Talakayin ang binasang naratib gamit ang mga gabay na tanong.
a. Ano ang makabuluhang karanasang pantao ang nakapaloob?
b. Anong mga kaisipan ang nag-iwan ng kakintalan sa iyo? Ipaliwanag.

2. Magdugtungang pasalaysay sa tulong ng mga paksang ibibibay ng guro.

Huwag po, Itay……*

Nais kong ibahagi sa inyo ang mga namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon ngunit
maalinsangan ang simoy ng hangin.
Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at
nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok noon si itay sa pinto ng aking
kwarto. Nang sagutin ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan daw naming mag-usap
at nakiusap siyang papasukin ko siya.
May pag-aalalang binuksan ko ang pinto at siyay’y kagyat na pumasok sa aking
silid, laking gulat ko nang ipinid niya ang pinto at susian ang pinto. Kumabog ang aking
dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking mga
kamay. Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya sa
kanyang mga daliri sa aking mga kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi.
Napasigaw ako.
“Itay….huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak. Utang na loob , Itay!”
Ngunit parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang
ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha
ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Mariin ang
aking pagkakapikit. Hindi ko magawang lumuha.

Masining na Pagpapahayag 85
Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto
ng aking kwarto. Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw
niyang tinig.
“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag mong
sirain ang kanyang kinabukasan!”
Ngunit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na
lamang akong na parang walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking
sarili sa anumang gustong gawin ni Itay sa akin.
Pagkalipas ng ilang minute ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap niya ako sa
aking salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita. Magaling naman pa lang magmake-up ang aking Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako
nagalit sa kanya, manapa’y labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas niya.
Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.
Niyakap ko si Itay at kapwa kami napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami
ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,
Badong

*Halaw mula sa isang e-mail na aking natanggap. RAB

Masining na Pagpapahayag 86
Aralin 4. Paglalahad/ Ekspositori

Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang mga uri at pamamaraan sa epektibong komposisyong
ekspositori.

Ang ekspositori ay pagpapaliwanag. Ito ay anyo ng diskurso kung saan


nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng
kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang
maging daan sa pagkakaroon ng bago at/o dagdag na kaalaman ng ibang tao.
Ang pangunahing layunin ng pagpapahayag na ekspositori ay upang
makapagbigay ng impormasyon. Nilalayon ng diskursong ito na maragdagan ang
kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran. Ayon kina
Bernales, et. al. (2006), layunin ng eksposisyon na gumawa ng isang malinaw, sapat at
walang pagkiling na nagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng
tao.

Katangian ng Epektibong Eksposisyon

Sa anumang anyo ng diskurso, mayroong mga bagay na nararapat na isaalang-


alang upang makapagpahayag nang epektibo at mabisa. Una sa lahat mahalagang may
sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay ng paksa. Mahalaga ring maging mapanuri ang
isang tao dahil magagawa niyang magsuri at mag-uri ng mga kaisipan. Ang mahusay na
organisasyon ay daan din sa pag-unawa ng eksposisyon. Nangingibabaw dito ang
layuning makapagbigay ng dagdag kaalaman sa kapwa. Mahalagang kahingian din sa
anumang eksposisyon ang kawalan ng pagkiling.

Ang mga sumusunod ang mga katangian sa mahusay at epektibong eksposisyon:

a. Malinaw. Kung ito ay agad nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig at kanyang


maikakapit ang kaalaman sa anumang bagay na ito ay magiging kapaki-
pakinabang.

b. Tiyak. Kailangang ituon lamang ang atensiyon sa paksang tinatalakay at


mapanindigan ang kanyang pahayag.

c. May Kohirens. Mahalaga ang maayos na daloy ng kaisipan at tamang


pagkakaugnay-ugnay ng mga detalye.

Masining na Pagpapahayag 87
d. Empasis. Bigyang-diin ang mga pangunahing kaisipan upang hindo malunod sa
mga ideya ang mga mambabasa o tagapakinig.

Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon

Sa iba’t ibang anyo ng eksposisyon, mayroong angkop na pamamaraan na


maaaring gamitin upang matugunan ang kaalaman ng tao.
Sa Bernales et.al (2008), itinala ang anim na mga pamamaraan:

1. Pagbibigay-depinisyon. Karaniwang nagsisimula sa pagtukoy ng kasingkahulugan


ng salita, na maaaring intensib o ekstensib. Ito ang pinakakaraniwang paraan ng
pagbubuo ng mga teksbuk at iba pang aklat reperensyal na ginagamit sa
pagkatuto.

2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon. Pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod ay ang


pagbanggit ng isa-isa ng mga kaugnay at mahalagang kaisipan. Maaaring patalata
ang pagbanggit ng mga kaisipan.

3. Pagsusunod-sunod o order. Ito ay ang pagsasaayos ng mga kaisipan mula sa


panimula hanggang sa wakas ng akda. Mahalaga ito upang matiyak ang tamang
patutunguhan ng pahayag.

4. Paghahambing at Pagkokontrast. Karaniwang hindi naghihiwalay ang dalawang


ito dahil ang isa ay daan tungo sa isa. Sa paghahambing, ipinapahayag ang mga
katangian ng bagay o ideya, naipapahayag na rin ang mga kaibahan na siyang
daan ng pagpapakita ng contrast o pagkakaiba ng mga ito.

5. Problema at Solusyon. Ang problema ang itinuturing na balakid ng mga bagay-


bagay sa ating paligid na siyang sinisikap matugunan sa pamamagitan ng
solusyon.

6. Sanhi at bunga. Siklo ng pangyayari na kung saan ang anumang kahihinatnan ay


may dahilan vice versa.

Masining na Pagpapahayag 88
Uri ng Paglalahad

1. Sanaysay. Itinuturing itong pinakamahusay na halimbawa ng eksposisyon


sapagkat ipinapahayag ng isang manunulat ang kanyang mga ideya, kaisipan,
pananaw o damdamin kaugnay ng isang paksa na maaaring simple at ‘di pormal
na pamamaraan.

2. Paglalahad ng Proseso. Karaniwan itong ginagamit sa paglalahad ng panuto,


instruction manual, cook book, mga craft books at mga aklat na naglalayong
magturo sa mga mambabasa.

3. Suring-basa o rebyu. Ito ay mahusay at maingat na pagsusuri ng bawat detalyeng


nakapaloob sa akda o pelikula. Sa pagsasagawa ng anumang pagsusuri,
mahalagang sa simula ay tukuyin ang mga anyo o genre ng susuriin upang
makapaghanda sa mga aspektong nararapat na pahalagahan.

4. Editoryal. Naglalayong ipahayag ang pananaw ng isang pahayagan o ng isang


manunulat kaugnay ng isang isyu, mapasosyal, pulitikal, ispiritwal o kultural man
na may mahalagang impak sa buhay ng isang tao.

5. Balita o ulat. Isang karaniwang uri ng eksposisyon dahil ito ay ating madalas na
nababasa o di kaya’y napakikinggan sa mga radio o telebisyon. Nagbibigay ito ng
mga tiyak at malinaw na detalye kaugnay ng isang mahalagang pangyayari na
madalas ay kagaganap pa lamang.

Pansinin ang kasunod na halimbawang teksto

Pagsesemento

Sa isang patag na lunan, ilataga nang mabuti ang buhangin, idagdag ang
semento at haluin hanggang sa ito’y maging pantay ang pagkakahalo. Isunod na
idagdag ang graba at haluin. Idagdag ang tubig nang unti-unti sa hukay na nasa
gitna ng mga pinaghalo-halong tuyong sangkap. (Hindi daapat humigit-
kumulang sa anim na gallon sa bawat sako ng semento). Haluing mabuti
hanggang ang graba ay talagang bahagi na ng pinaghalo-halong sangkap. Ibuhos
sa inihandang hulmahang kahoy, o kaya sa pamamagitan ng kutsara’y ipahid sa
loob ng tatlumpung minute pagkatapos mapaghalo ang sangkap. Pabaha-
bahagi ang pagsesemento. Sa sandaling mawala ang pagka-masa-masa sa
ibabaw, patagin ang pampalatada, kung malabi at patag ang sesementuhan,
gawing mataas nang bahagya ang isang dako upang may takbuhan ang tubig.
Para makinis ang ibabaw, pitpit-pitpitin ang pampalitada (kapirasong tablang
may hawakan). Bayaang mamasa-masa hanggang limang araw.

Masining na Pagpapahayag 89
Pagsasanay Blg. 16

Pangalan: ____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _________________

Petsa: ___________________ Iskor: ____________________

A. Modifayd tama o mali. Isulat ang salitang tama kung tama ang pahayag
samantalang isulat ang tamang sagot sa patlang kung ang pahayag ay mali.

__________________ 1. Ang ekspositori ay nangangatwiran.


__________________2.Tumutukoy ang kohirens sa pagbibigay-diin sa mga pangunahing
kaisipan.
___________________ 3. Iwasan ang anumang bagay na hindi tuwirang kaugnay sa
paksa upang mapanindigan ang paliwanag.
__________________ 4. Ang problema at solusyon ay mga ideyang karaniwang hindi
napaghihiwalay dahil ang isa ay daan tungo sa isa.
__________________ 5. Ang editorial ay naglalaman lamang ng mga sariling kuru-kuro
o palagay na maaaring pormal at di-pormal.
__________________ 6. Sa pagsusuring-basa mahalagang tukuyin sa simula ang anyo o
genre ng susuriin.
__________________ 7. Sa eksposisyong sanaysay malinaw itong nagbibigay ng mga
detalye kaugnay ng isang mahalagang pangyayari na madalas
ay kagaganap pa lamang.
__________________ 8. Ang pag-iisa-isa ay tumutukoy sa tamang pagkakasunud-sunod
ng mga detalye sa isang akda.
__________________ 9. Pangunahing layunin ng pagpapahayag ng eksposisyon ay ang
makapagbibigay ng impormasyon.
__________________ 10. Maituturing na Tiyak ang eksposisyon kung ito ay agad na
mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig.

Masining na Pagpapahayag 90
Pangkatang Gawain.

1. Pangkatin ang klase sa apat, bumuo at magsagawa ng isang


pasalitang pagbabalita ayon sa paksang ibibigay ng guro.

2. Gumawa ng isang komposisyong naglalayong maghambing at magkontrast.

Masining na Pagpapahayag 91
Aralin 5. Pangangatwiran/Argumentatib

Tiyak na layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang diskursong argumentatib.
2. Natutukoy ang mga katangian ng Epektibong Argumentasyon.
3. Naipaliliwanag ang kaibahan ng dalawang uri ng Argumentasyon.

Ang argumentatib ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang


sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

Ang argumentatib ay naglalayong makahikayat ng tao sa isang isyu opanig. Hindi


sa lahat ng pagkakataon ay masasabi nating ang pag-iisip ng ating kapawa ay tulad ng
ating naiisipkung kaya’t hindi maiiwasang tayo ay nalalagay sa mga pagkakataong
kailangang manindigan at ipaglaban ang ating paniniwala.

Katangian ng Epektibong Argumentasyon

Nabanggit sa Bernales, et al., (2009) ang ilan sa mga bagay na dapat isaalang alang
upang makalikha ng isang mabisang argumentasyon:

d. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na pangangalap ng datos ukol dito.

e. Pagkilala sa mga proposisyon ukol sa paksa upang matiyak ang angkop na


argumentong gagamitin.

f. Pagtukoy sa angkop na pamamaraan ng argumentasyon kaugnay ng napiling


proposisyon.

g. Pagkalap ng impormasyon upang mapatibay ang argument.

h. Pag-iwas sa maling pangangatwiran.

Nakasaad sa Tumangan, et, al. (1997) ang dalawang bagay na dapat isaalang-
alang para maging matagumpay ang argumentasyon:
Masining na Pagpapahayag 92
a. Matibay na paniniwala. Ang kaisipang ito ay nagmumula sa pagkakaroon ng
isang tao ng malinaw na pag-iisip na maipapamasa niya sa pagbuo ng mahusay
na argumento upang magawa niyang umapila sa isipan ng tao. Ang matibay na
paniniwala niya ay maaaring maging daan upang mapukaw ang isipan ng
mambabasa o tagapakinig
b. Mahatak na panghikayat. Ang kaisipan namang ito ay nakatuon sa damdamin ng
manunulat sa kanyang paninindigang argument na kanya namang maipapamalas
sa kanyang argument upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa. Ang
pagpukaw sa damdamin ng mambabasa ay maaaring maging daan sa paghikayat
na tanggapin ang proposisyon.

Madalas na tayo ay nahuhulog sa maling pangangatwiran dahil sa ating pag-


aakala na ito ang magiging daan upang ating matamo ang ating layunin, ang
makumbinsi an gating kapwa na tanggapin an gating proposisyon. Ngunit sa katunayan,
kabaliktaran ang syang bunga nito. Hindi kailanman magiging daan sa pagkamit ng
tagumpay sa pangangatwiran ang pagpapahayag ng maling katwiran o argument upang
maisulong ang paniniwala.

Itinala sa Bernales, et, al. (2006) ang uri ng maling pangangatwiran. Sa ating
marubdob na pagnanais na maisulong an gating paniniwala, may mga pagkakataong
tayo ay nahuhulog sa maling pangangatwiran. Inakala nating tayo ay makakalusot. Ang
pagkilala sa mga maling pangangatwiran ay makatutulong sa pag-iwas na mauwi sa
ganitong argumentasyon.

a. Argumentum ad hominem- isang nakahihiyang pag-atake sa personel na


katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan.

Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong
hindi siya nagging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita
ko’y under de saya pa yata!

b. Argumentum ad baculum- pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan


ang isyu at tuloy maiplano ang argument.

Halimbawa:
Tumigilka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang
magsalita sa akin ng ganyan! Baka sampalin kita ng makita mo ang hinahanap
mo!

Masining na Pagpapahayag 93
c. Argumentum ad miserecordiam- upang makamit ang awa at pagkampi ng
mga nakikinig bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang
umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.

Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan.
Hindi ba natin nakikita ang mga marurumi nilang mga damit, payat na
pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay
ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom?

d. Non sequitur- sa Ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Pagbibigay
ito ng konklusyon sa kanila ng walang kaugnayang batayan.

Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga. Masamang pamilya
ang pinagmulan nya. Magulong paligid ang kanyang nilakihan. Ano pa ang
inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!

e. Ignoratio elenchi- ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa usapang barkeya,


wika nga. Ito ay kilala sa Ingles na circular reasoning o paliguy-ligoy.

f. Maling aglalahat- dahil lamang sa isang aytem/ sitwasyon, nagibigay na agad


ng isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan.

Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang
artista namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang
ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag nating iboto ang mga artista!

g. Maling Paghahambing- karaniwang tinatawag na usaping lasing ang ganitong


uri pagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman sa matinong
konklusyon.

Halimbawa:
(sagot ng anak sa ina) Bakit niyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga
ay gising pa!

Masining na Pagpapahayag 94
h. Maling Saligan- nagsisimula ito sa maling akala na siya namang nagging
batayan. Ipinapatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong wala
sa katwiran.

Halimbawa:
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-aasawa,
kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat
lang na maging tapat at masipag ang mga kabataan.
i. Maling Awtoridad- naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa
isyung kasangkot.

Halimbawa:
Ang Kristiyanismo ay pananampalata ng mga mahihina. Iyan ang
ipinahayag ni Karl Max.

j. Dilemma- naghahandog lamang ng dalawang opsyon/ pagpipilian na para


bang iyon lamang at wala ng iba pang alternatibo.

Halimbawa:

Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito lamang ang


gawin mo: huwag ka nang pumunta o di kaya’y magsabmit ka ng papel na
nagsasaad ng iyong pag-urong

Masining na Pagpapahayag 95
Abuso sa Karapatan
Ni: Atty. Ric Valmonte
Tunghayan ang simpeng halimbawa ng pagmamakatuwid.
Sakim at makasarili ang gumagawa at nagtatanggol sa Live Show.
Itinago pa nila it sa kanilang umano ay karapatan sa freedom of
expression.
Ang live show ay ukol sa kasaysayan ng lalaki at babaeng
ipinapanood sa mga nagbabayad ang ginagawang pagtatalik ng mag-
asawa. Dahil ang nasabing pagtatalik ay bahagi kung hindi man
pinakabahagi ng pelikula, binawi ito sa mga sinehan s autos ni pangulong
Gloria. Nagging bunga rin tio ng pagkakasibak ni eri tiongson bilang
chairman ng movie ang television Review and classification board.
Ibinibintang ni Tiongson sa impluwensya nina Cardinal Jaime Sin
at ultra conservative na pangulong Gloria ang kanyang pagkakasibak.
Malaswa raw at magiging dahilan ng pagdami pa ng mga sex
crimes and Live show, wika ng grupong tumututol ditto. Sa gumagawa at
nagdedepensa naman nito, may leksyon daw itong itinuturo. Ipinapakita
raw ng pelikula kung saan na umabot nag pagkaduhagi ng karangalan ng
tao dahil sa kahirapan.
At ginagawa nila ito sa ngalan ng freedom of expression na
ginagarantiyahang karapatan ng saligang batas.
Totoo ang paggawa at paglabas ng pelikula ay sakop ng freedom
of expression. Subalit ang karapatang ito ay pwedeng ipagkait o
kontrolin ng estado kung lalabag sa pangkalahatang interes tulad ng
public health o public moral.
Kaya, obligasyon ng gobyerno kung sakli man na hindi
nagkatugma ang individual right at public interest na balasahin ang mga
ito. Subalit higit na mabuti ang abusuhin ang karapatan kaysa sa supilin
ito. Kapag kinatigan natin ang pagsupil, mas grabeng suliranin ang
daratal sa ating buhay bilang isang lahi at bansa. Hindi pa ba sapat iyong
dinanas nating sa ilalim ng rehimeng Marcos ng kitlin nito ang karapatan
maluwag tayo at hayaang pakiputin muli ang espasyo para rito?

Masining na Pagpapahayag 96
Ang problema, inaabuso sa sukdulan ng mga kapanalig ng Live Show
ang kanilang karapatan. Hindi sila marunong maawa sa kanilang kapwa
medaling bumigay sa ipinapanood nitong eksena ng pagtatalik. Malalim
para sa mga maralitang anunuod na matarok ang leksyong ibig ipaalam nito
kahit may kinalaman mismo sa kanilang kalagayan ang tema ng kasaysayan.

Kung manggagahasa at pinsalain ang kanilang mga anak na babae ng


mga makakapanood sa peikula eh may diperensya na ang mga utak ng mga
ito, wika ni Direktor Jose Javier Reyes sa pagtatanggol nya na hindi malaswa
ang kanyang pelikula.

Hindi ba ang mga napabalita nang nagsamantala sa kanilang mga


anak o kapatid na babae na halos lahat na menor de edad ay puro mahirap?
Bakit hindi mangyayari ito? Ang ama o kapatid ay lagging nasa bahay dahil
nga sa walang trabaho.

Ang ina, dahil siya ang gumagawa ng paraan para lang sila mabuhay,
ay lagging wala sa bahay. Sa gabi, para silang sardinas na magkakasiping sa
silid na kasya lamang sa dalawa.

Ano sa palagay mo ang sasaksak sa utak ng mga ama at kapatid na


lagging katabi at nakikita ang kaanakang babae na papanoorin mo ng Live
Show? Mangingibabaw bas a kanilang isipan iyong aral na nais ituro ng mga
fumawa at nagdedepensa ng pelikula? Tell that to the marines. Ang lagging
buhay sa kanilang diwa ay iyong pagtatalik na tinagurian nilang art na gawa
ng demonyo sa kanilang katauhan.

Maraming paraan para maipamukha sa mga manonood ang


dinudulot ng kahirapan, pero hindi ang mga pelikulang Live Show na
padudukhain mo pa ang moral at espiritwal ng isang tao aba na nga ang
kalagayan sa buhay.

-mula sa Balita Marso 28, 2001

Masining na Pagpapahayag 97
Dalawang Uri ng Argumentasyon
Sa matagumpay na argumentasyon, mahalagang isaalang –alang ang mga
kasangkapan tungo sa sa epektibong argument. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na
kaalaman sa paksa upang mahkatiyak na sapat at tunay yang mga katibayan. Hindi dapat
gawing batayan ang sariling opinion bagkus ay ibatay sa mga eksperto o taong siyang
maaalam sa paksa. At higit salahat nagging tiyak sa katwiran. Mahirap ng malagay sa
alanganin.
Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng pangangatwiran na tinutukoy nina
sa Tumangan, et al. (1997):
a. Pabuod na pngangatwiran. Ang pangangatwiran na ito ay nagsisimula sa
isang maliit at ispisipik na halimbawa o katotohanan at magtatapos sa isang
panlahat na simulain. Itinuturing na makaagham ang pamamaraang ito dahil
makailang ulit na dumaraan sa iba’t ibang obsebasyon at pagsusuri bago ang
paglalahat.
Halimbawa:

Nakakakilabot ang mga ideya at teoryang ipinapakita Da Vinci Code.


Halimbawa, inilalarawan doon si hesus bilang isang tao at hindi Diyos na nagkarelasyon
kay Marria Magdalena. Inilarawan din sa nobela ang mga Opus Dei, isang ginagalang na
kongresayon ng simbahang Katoliko, bilang mga mersenaryo at gahaman sa salapi. Ayon
nga kay Vice Mayor Danny Lacuna, ang pelikula raw at ang pinagbatayan nitong nobela
ay offensive to the established beliefs of the Roman Catholic Church. Mapanganib din ang
mga ideyang nakapaloob sa akda sa mga mamamayan.
Maaaring akalain ng marami na paktwal ang mga ito bagama’t si Dan Brown,
ang may akda ng nobela, mismo ay umaming ang kanyang akda ay kumbinasyon ng facts
at fiction. Ang problema, where do we draw the line? Sa aklat man o pelikula, hindi
nililinaw kung alin ang paktwal at kung ano ang piksyon. Sino ang aasahan nating gagawa
ng distinksyon? Ang mga karaniwang mamamayan? Kaya nga, sa ngalan ng katotohanan

at pagbibigay-proteksyon sa inters ng publiko, dapat lang na ipagbawal ang


distribusyon ng aklat na Da Vinci Code at ang pagpapalabas ng pelikulang bersyon nito.

Masining na Pagpapahayag 98
b. Pasaklaw na Pangangatwiran. Dito ang isang masaklaw na katotohanan ay
ikinakapit sa isang tiyak na pangyayari. Nagsisimula ito sa isang malaking kaisipan
patungo sa paghahati-hati nito sa maliliit na kaisipan.

Hindi dapat ipagbawal ang distribusyon ng nobelang Da Vinci


Code at eksibisyon ng pelikulang bersyon nito. Taliwas ang hakbang na ito
sa probisyonng ating saligang batas na pumoprotekta sa kalayaan sa artistic
na pagpapahayag. Labag din ito sa karapatan ng mga mamamayang pumili.
Sabihin na nating ang nobela/ pelikula ay may mga
sensitibongideya/eksena, ngunit kailangang hayaan ang mga mamamayan
ang oumili kung babasahin/ panonoorin nila ito at hayaang sila ang
magpasya.
Sa argumentong ito, dapat manaig ang karapatan kaysa sa sobrang
reason ng mga ultra-konserbatibong sector ng ating lipunan na nagnanais
na supilin an gating karapatang magpahayag at pumili. Pakaisipin natin an
gating mga dinanas na panunupil sa ilalim ng rehimeng Marcos. Huwag na
nnating papahumbalikin ang madilim na kahapong iyon sa ting kasaysayan.
Magtiwala tayo sa talino ng mga mamamayan. Napatunayan na natin ito sa
pelikulang Schindlers List na tinagka ring pigilan noon dahil umano sa labis
na karahasang inilalarawan niyon. Ngunit nang hindi magtagumpay ang
gayong pagtatangka, napatunayang tama lamang ang pagpapalabas ng
pelikulang iyon dahil lalo iyong nagsilbing pagmulat sa mga Pilipino sa mga
nakatatakot senary ng digmaan.
Sa madaling sabi walng malinaw nab anta sa ating interes at
moralidad upang mapigilan ang Da Vinci Code, maliban siguro sa bantang
bunga ng malikot na guni-guni ng mga ultra-konserbatibong moralista na
nakukubli sa likod ng hipokrisi!

Masining na Pagpapahayag 99
Pagsasanay Blg. 17

Pangalan: ____________________________________ Taon/Kurso/Seksyon _________________

Petsa: ___________________ Iskor: ____________________

A. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag. Isulat lamang ang sagot sa patlang
na inilaan bago ang bilang.

____________________1. Bagay ito na dapat isalang-alang sa pagsasagawa ng


argumentasyon na nakatuon sa damdamin ng manunulat sa kanyang paninindigang
argumento.
____________________2. Uri ito ng maling pangangatwiran na kung saan nagbibigay ng
kongklusyon na wala namang kaugnayan sa paksa.
____________________3. Maling pangangatwiran ito na pagbibigay agad ng
kongklusyon na sumasaklaw sa pangkalahatan.
____________________4. Tumutukoy naman ito sa maling pangangatwirang naglalahad
ng mga na wala namang kinalaman sa isyu.
____________________5. Uri ito ng argumentasyon na makailang ulit na dumaraan sa
obserbasyon bago ang paglalahat.
____________________6. Ito ang nagiging daan upang mapukaw ang isipan ng
mambabasa o tagapakinig.
____________________7. Anyo ito ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng mahusay
na pagmamatwid na kinakailangan sa mabisang panghihikayat.
____________________8. Uri ito ng maling pangangatwiran na nakatuon sa personal na
pag- atake sa katayuan ng katalo at hindi sa isyung pinag-uusapan.
____________________9. Uri ng argumentasyon na nagsisimula sa isang
pangkalahatang ideya patungo sa isang ispesipikong kaisipan.
____________________10. Sino ang nagtala ng mga maling pangangatwiran sa
pagsasagawa ng argumentasyon.

B. Gawaing Interaktib:

Magsagawa ng isang impormal na argumentasyon sa klase kaugnay ng isang


isyung napapanahon.

Masining na Pagpapahayag 100


BIBLIYOGRAPI

Aklat

Arrogante, Jose A. 2003. Retorika sa Mabisang Pagpapahayag. Navotas, Metro Manila:


National Book Store.

Austero, Cecilia S. et. al. 2008. Retorika. Masining na Pagpapahayag. Pasig City; Unlad
Publishing House.

Belvez, Paz M. et. al. 2001. Retorika: Mabisang pagsasalita at Pagsusulat. Maynila: Rex
Bookstore, Inc.

Belvez, Paz M., Pamfilo D. Catacataca & Patrocinio V. Villafuerte. 1985. Sanaysay,
Debate at Talumpati. Quezon City: Bational Bookstore, Inc.

Bernales, Rolando A. 2005. Tagumpay 1,2,3,at 4: Interaktib na proseso ng pagsulat ng


Komposisyon. San Mateo Rizal: Vicente Publishing House, Inc.

Bernales, Rolando A. 2006. Masining na Pagpapahayag sa Filipino: Mga Prinsipyo at


Proseso. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Bisa, Simplicio P. 1999. Retorika para sa mabisa at Masining na Pagpapahayag. Manila:


DLSU Press.

Mercene, Felisa et. al. 2009. Sining ng Pakikipagtalastasan Pangkolehiyo. Mandaluyong


City: National Bookstore

Montera, Melvin O. et. al. 2013. Retorika: Gabay sa Masining na Pagpapahayag.


Mandaluyong City; Anvil Publishing, Inc.

Sauco, Consolacion et. al. 1998. Retorikang Filipino (Pang-antas Tersaryo): Quezon
Avevu Quezon City: Publishing Com. Inc.

Sanayang-aklat / Workbook Fil. 111. 121 at 211

Masining na Pagpapahayag 101

You might also like