Professional Documents
Culture Documents
Ayon sa mga impormasyon na nakalap mula sa iba't ibang aklat, isang mahalagang kaalaman
ng pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay
sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing
kasanayan sa larangan ng komunikasyon. Maaari din itong maisambit bilang isang punla ng
kahusayan ng isang nilalang sa pagpili ng mga salitang nais niyang iparating, kung kaya't ito ay
isang epektibong paraan ng pakikipagdayalogo.
Mula ang salitang "retorika “sa salitang Latin na rhetor, na nangangahulugang "guro" o
"mahusay na mananalumpati”. Susi ang pag-aaral ng retorika tungo sa mabisang
pagpapahayag ng nauukol sa kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat at isa ring hibla
ng produktibong pag-aaral upang makabuo ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan
ng pili at wastong pangungusap na may maangkop na layunin.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay
hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi
niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at
pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na
maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang
prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa
larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para
sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan.
Layunin
Gampanin
Ang retorika rin ay mainam upang ma-ehersisyo ng isang tao ang kanyang kalayaan sa
pagpapahayag (Freedom of Expression) na magsisilbing elemento upang mapalawak
nito ang mga pananaw sa mundo. Nahuhubog ng retorika ang perspektibo ng isang
indibidwal dahil ito ay sumasaklaw sa dalawang pangunahing akto ng komunikasyon,
susi tungo sa pagpapaibayo ng karunungan. Ika-apat, sa pamamagitan rin ng retorika,
nagagawa rin ng tao na bigyang-ngalan ang maraming bagay na nakikita sa paligid. Ito
ay isang manipestasyon ng umuusbong na pag-iisip ng tao upang makalikha ng mas
makabagong mga ideya na magagamit hindi lamang sa proseso ng komunikasyon kundi
maging sa mga aspektong pangsosyopolitika.
Halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagiging colgate. At huli,
ang retorika ay nagbibigay-pundasyon tungo sa makapangyarihang asimilasyon
partikular sa larangan ng politika. Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagiging
prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na politiko at mananumpalati si
Ninoy Aquino na isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang
pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at ideyolohiya na
naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at
kalakasan.
Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling.
Ilan sa mga gampanin nito ang pagbibigay daan sa paglinang ng kasanayan sa
komunikasyon, pag-aabala, pagpapalawak ng pananaw, pagbibigay ngalan, at
pagbibigay kapangyarihan.
Hindi sapat ang maging wasto lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng isang
pangungusap. Kailangang mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng maganda at
mabisang pagpapahayag na magagawa lamang ng isang malikhaing manunulat
sapagkat siya’y may kakayahan sa paggamit ng mga salita bukod sa may kinalaman sa
mga prinsipyo ng retorika at ng mga sangkap nito. Kaya hindi nga kataka-taka kung
bakit ang mga nasa mass media ay mahuhusay; sa sa pagkakaalam nila ng mga
sangkap ng retorika, namamanipula nila ang isipan ng kanilang mga tagapakinig at
mambabasa sa pamamagitan lamang ng paggamit nila ng mga salita.
1. Wika
2. Sining,
3. Pilosopiya
4. Lipunan
5. Kasaysayan
6. Sosyolohiya
7. Heograpiya
C. Retorika Bilang Isang Sining
2. Isang Pantaong Sining-Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil
ang wika ay eksklusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging isang eksklusibo
ring sining ng tao para sa tao.
4. Isang Limitadong Sining-Marami itong kayang gawin. Maaari nitong paganahin ang
ating imahinasyonat gawing posible ang mga bagay na imposible sa ating isipan.
Ngunit sa realidad, hindi lahat ng bagay ay magagawa nito.
Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan
sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-
argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap,
mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang
mga damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay
tanda ng pagbibigay diin sa mga puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang
magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi
magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay
mainam na instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat
kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.
Edukasyon
Relihiyon
Politika
Legalidad
Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig. Kung kaya't
pinagtutuunan sa aspetong ito ang kahalagahan ng retorika sa mga usaping legal. Sa
isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng pagpapalitan ng argumento upang
magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang akusasyon nito sa isang kampo o
kaya naman ay bigyang beripikasyon ang kainosentehan ng isang indibidwal laban sa
isang kaso na nakasampa laban dito. Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na
importansiya ng retorika dahil dito umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal
na panambitan ng isang abogado ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng
husgado upang ma-determina ang kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung
saan ito ay maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas ng isang legal na proceeding.
Kadalasan, batay sa mga obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig ang kampo na
nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado at
komprehensibo ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa
pagsasalita.
Kultura
Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya
o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa
kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa
wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon
sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung
panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan. Alinmang wika ay
ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o
malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang
kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtakda ng
pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang
kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang
pang-kultura.
Sosyolohiya
Kung ang Retorika ay ngbibigay ng linaw, bias at kagandahan sa pahayag, ang Balarila
naman ay nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag.
Gamitin ng wasto ang balarila at at retorika upang maging malinaw ang mga
pahayag.
May mga pagkakataong tama ang kahulugan ngunit hindi angkop sa pagkakagamit.
TAYUTAY
- Sa paggamit nito, nagkakaroon ng kasiningan at kabisaan ang isang pahayag na
karaniwang makaakit sa sinumang nakikinig.
- Paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita.
IDYOMA O SAWIKAIN
- Ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal – sa ibang salita,
hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya- kanyang salita na nabuo. Ito ay
di- tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang
lugar. Hal. Butas ang bulsa. – Walang pera
TALINHAGA
- Isa itong maikling salaysay na maaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyaayri, na kadalasang isinasalarawan
ang isang moral o relihiyosong aral.
Hal. Agaw-buhay ---- naghihingalo
ALUSYON
- Ito ay paggamit ng isang salita sa pagtukoy sa isang tao, pook, o pangyayari.
Karaniwang ginagamit ng mga taong may pinag aralan at taong dalubhasa.
1. Alusyon sa Heograpiya
Hal. Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan kung kaya
ito ang Mt. Everest ng Pilipinas.
2. Alusyon sa Bibliya
Hal. Nagsilbi siyang isang Moises sa kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay
ng mga mapang – aliping nais na sakupin ang kanilang bayan.
3. Alusyon sa Metolohiya
Hal. Unang saknong ng tulang Felicitacion (Maligayang Bati) ni Dr. Jose Rizal: Kung si
Filomena ang dila’y may tamisang sa kay Apolo sa kanyang pagsilip, sa may kabukira’t
bundok na masungit, ang may daalng awit.
4. Alusyon sa Literatura
Hal. Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag- asang kanyang maililigtas
ang kanyang bayan sa isang ideyal na paraan.
5. Alusyon sa Kulturang Popular
Hal. KInikilala si Mang Noe bilang Elvis Presley ng lungsod ng Davao at ang anak
niyang si Liway bilang Whitney Houston ng buong Mindanao.
Ang ibang salita ay may mahigit sa isang kahulugan na nakabatay sa pagkagamit nito sa
pangungusap.
Hal.
Sobrang basa ang sasakyan dahil malakas ang ulan kagabi.
(Nangyayari dahil natapunan o nahulugan ng tubig.)
(Pagbuklat at pag unawa ng mga nasa loob ng isang libro o kuwaderno.)
Raw at Daw
Ito ay dalawang kztagang mabibilang sa ponemang malayang nagpapalitan dahil bagama’t
may magkaibang titik sa parehong posisyon taglay nman nila ang parehong kahulugan.
Parehong tumutukoy sa diwang walang kasiguruhan.
Raw – ito ang ginagamit kung ang salitang sinisundan ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig nav w at y. Nagpapahiwatig ito ng kahulugang walang katiyakan.
Daw – ito ay ginagamit tulad ng rawv kung ang diwa ng pangungusap ay nagsasaad ng
walang katiyakan. Sa loob ng pangungusap ginagamit ito kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Iwan at Ewan
Halimbawa ang mga ito ng pares minimal dahil bagama’t halos magkasintunog at may
magkaibang titik sa patrehong posisyon, sila rin ay may magkaibang kahulugan.
Iwan
Nangangahulugan ito ng paglisan o pag- alis ng isang tao sa isang lugar malayo man o
malapit.
Ewan
Maaaring mangahulugan ng isang ekspresyon na may pahiwatig ng pagkainis.
Sila at Sina
Ang mga ito’y panghalip at pantukoy na kapwa tumutukoy sa tao at kapwa maaaring unang
salita ng pangungusap o di kaya’y nasa gitna ng mga salita sa loob ng pangungusap. Sa
kabila nito kadalasang namamali ang gamit ng mga kabataan.
Sila
Ito’y bahagi ng pananalitang Panghalip na kinakatawan ang ilang bilang ng mga tao.
Maaaring malita sa unahan o sa gitna ng mga salta sa loob ng pangungusap.
Sina
Ito’y salitang tumutukoy sa maraming tao. Kapag ginamit ang pantukoy na sina palagi nang
ito’y sinusundan ng mga pangalan ng tao. Makikita ang sina sa unahan o sa gitna ng
pangungusap.
Nila
Salitang panghalip na kumakatawan sa marami o grupo ng mga tao. Kung ginagamit sa
loob ng pangungusap hindi na sinusundan ng pangalan ng tao.
Nina
Salitang pantukoy na maramihan na kung isusulat ay dinudugtungan ng pangaln ng tao.
Isa’t isa
Tumutukoy sa pariralang isa at isa pa. Hindi ito inuulit na salita na dapat lagyan ng gitling
sa pagitan dahil may kataga at sa pagitan ng inulit na salitang isa. Inilagay ang kudlit upang
maapsama sa unang salita at.
Iba’t iba
Tumutukoy ito sa pariralang iba at iba. Tulad ng isa’t isa, di ito ginigitlingan Dahil sa pagitan
ng inulit na salitang iba ay ay may katagang at. Isinama rin sa unang salita ang at, at kudlit
ang ipinalit sa a.
Sari-sari
Ginigitlingan ang salitang ito kung ginagamit sa loob ng pangungusap bilang pang uri. Ika
nga’y kung inilalarawan nito ang isang bagay.
Sarisari
Ang salitang ito ay di ginigitlingan kung ang tinutukoy mismo ay pangngalan o mga bagay-
bagay na iba’t ibang klase.
1. KAISAHAN
2. KOHIRENS O PAGKAKAUGNAY
E. PROSESO NG PAGSULAT
PAGSULAT- Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang
layunin.
PROSESO NG PAGSULAT
Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay
ang mga sumusunod:
Prewriting
Writing
Revising
Editing
1. PAGSULAT NG BURADOR
Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa paglalahad, ngunit importanteng mabatid
na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtatrabaho nang hakbang-bawat-
hakbang. Makabubuti kkung gayon, na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong
rekarsib at ispayraling, kaya’t ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong
ito ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang taksto.
PREWRITING
Lahat ng pagpapaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag-iisip ng
mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag- oorganisa ng mga materyales
bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.
ANG UNANG BURADOR
Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay ay kailangang maisalin sa bersyong
preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung
gaano mo kinakailangan. Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin moa ng
iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin moa ng iyong mga parirala sa
pangungusap.
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa
pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas
mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mas mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna
alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at
pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ng buong unang
burador.
Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang
proseso ng pagsulat. Ngunit maging ang mga batikang manunulat ay nangangagkaisa
sa pagsasabing maging sila ay nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa
ng pangungusap, pagbabaybay, o pagbabanatas kahit paminsan minsan. Paulit – ulit
pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanialng akda at
hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga
ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.
REVISING
EDITING
A. KATUTURAN NG PAGSASALING-WIKA
Isinasaisip sa pagsasalinwika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa (konteksto), ang
patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi ng
pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma). Isang
karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipaugnayan ang
bawat dalawang (ang literal na salin o pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita); at ang
pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal na proseso. Sa pagtutumbas ng salita-sa-bawat-
salita, hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa, balarila, mga
gawi, at kawikaan.
B. KASAYSAYAN NG PAGSASALINWIKA
Kasaysayan ng Pagsasaling Wika sa Pilipinas
.
IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN- PATAKARANG BILINGGWAL
C. LAYUNIN NG PAGSASALINWIKA
Ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay kailangang tanggapin ng pinag-
uukulang pangkat na gagamit nito.
Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas sa isang salita
ng isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga iyon at pagkatapos ay maaaring
ilagay sa talababa (footnote) ang iba bilang mga kahulugan.
Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y nagiging
bahagi ng pararila o pangungusap.
Halimbawa:
He ate a cup of rice. (kanin)
The farmers harvested rice. (palay)
He bought a kilo of rice. (bigas)
3. May mga pagkakataon na ang isang kaisipang ipinahahayag nang tahasan sa Ingles
ay kailangang gamitan ng eupemistikong salita sa Filipino upang hindi maging pangit sa
pandinig.
Halimbawa:
sex = pakikipagtalik sperm = punlay, punla ng buhay penis = ari ng lalaki vagina = ari ng
babae
4. May mga bahaging malabo ang kahulugan kaya’t nagkakaroon ng higit sa isang
kahulugan.
Halimbawa:
Orihinal: Ang pagpapalipad ng saranggola ay maaaring maging mapanganib.
Salin: Flying kites can be dangerous.
5. Hindi nauunawaan ng pinag-uukulang mambabasa ang salin.
Halimbawa:
Orihinal: The crowd sang in chorus.
Salin: Sabay-sabay na humugong sa pag-awit ang madla.
12. Paksa
Kung hindi alam ang paksa ng isasalin, kailangang gawin ang alinman sa mga
sumusunod:
a) Alamin muna ang paksa ng isasalin bago iyon isalin
b) Huwag iyong isalin. Ipasalin na lamang sa nakakaalam ng isasalin.
13. Pangangailangan
Magsalin lamang kung kinakailangan. Hindi tayo dapat salin ng salin kung ang kailangan
naman ay ang sumulat ng isang orihinal na akda.
H. MGA PARAAN NG PAGSASALIN
1. Pagtutumbas (F E; E F)
a. Isa-sa-isang tumbasan (Pangngalan)
Halimbawa:
English-Filipino
Ama-father anguish-dalamhat ikalapati-dove citizen-mamamayan katwiran-reason
2. Panghihiram
a. Mula Kastila, binago ang baybay (S1)
Halimbawa:
kusina (cocina) kubyerta (cubierta) kuwelyo (cuello) donya (doña) kuwento (cuento)
senyorito (señorito)
b. Mula sa Ingles, binago ang baybay (E1)
Halimbawa:
abstrak (abstract) debelopment (development) lokomotor (locomotor) diksyon
(diction) rekord (record) kompyuter (computer)
c. Mula sa Ingles, orihinal na baybay (E2)
Halimbawa:
cake (hindi keyk) encode (hindi enkowd) jogging (hindi dyaging) type (hindi tayp)
cute (hindi kyut) disk (hindi disk)
d. Adapsyon, mula sa iba pang wikang dayuhan, walang pagbabago sa baybay (F)
Halimbawa:
spaghetti (Italyano) pizza (Italyano) bon apetit (Franses) habeas corpus (Latin)
modus operandi (Latin)
3. Pagsasaling Pa-idyomatiko
Halimbawa:
bread and butter- hanapbuhay, trabaho
to have a hand/voice- magkaroon ng kinalaman, magkaroon ng kaugnayan sa
pagpapasya
dressed to kill- bihis na bihis, nakapamburol, isputing
A. PAGLALAHAD O EKSPOSITORI
Layunin ng Paglalahad
2. Gitna / Katawan
Kaugnay ng panimula. Ito ang nagbibigay ng detalye ng isang paksa.
3. Pangwakas
Sa bahaging ito matatagpuan ang pangungusap o mga pangungusap na magtatapos sa
paliwanag tungkol sa paksa o kaisipan.
1. Pagbibigay-Kahulugan - Ito ay paglalahad na kung ano ang isang bagay o isang salita.
Halimbawa: Pag-ibig - pagmamahal
Di-pormal
7. Balita- Ito ay isang uri ng paglalahad kung saan nalalaman ang pangyayari sa loob
at labas ng bansa.
8. Buod - Tinatawag din itong lagom ng pinaikling akda o katha.
9. Ulat - Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon at mga dapat gawin sa mga
bagay na maaaring nangyari.
10. Pitak - Isang uri pa rin ng paglalahad na makikita sa mga pahayagan o magasin.
Tinatawag ring kolum.
11. Pakikinayam - Ang pakikipanayam o pangagaglugad ng isang impormasyon ay
isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais
nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa
kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid.
Halimbawa:
Katuturan ng panitikan:
Ang ilang panumbas ng panitikan sa Filipino ay literatura. Ito ay batay sa salitang-ugat ng
wikang Latin na Litera na ang kahulugan ay letra o titik. Ang panitikan ay binububo ng mga
morpemang panlaping pang- unlapi, nagiging pan (kapag ang kasunod na salitang-ugat ay
nagsisimula sa d, l, r, s, t; sa salitang-ugat na titik (letra) na nawawalan ng simulang T sa
pagkakasuno sa PAN-, at sa hulaping –AN (Panganiban, 1954) at sa nagiging panitikan na.
B. PAGSASALAYSAY O NARATIBO
a.) Pagsasalaysay
• Ito ang genreng Naratib.
• Ito ay palasak at madalas gamitin.
• Ang salitang ugat nito ay Salaysay o Kuwento.
• Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga pangyayaring may
kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay.
C. MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o
ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Si
Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog”.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang
likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o
maaaring maganap.” Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang
maikling kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin - Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa
kwento.
4. Tunggalian- Ang tunggalian ay may apat na uri:
Tao laban sa tao.
Tao laban sa sarili.
Tao laban sa lipunan.
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan- Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan- Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan- Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
9. Paksang Diwa - Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan- Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay - Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
b.) Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.
1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin.
Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano
ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang
tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang
bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.
2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan
ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan.
Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kwento na hindi
laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga
sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento
para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang
maaring kahinatnan ng kwento.
1. Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
D. PAGLALARAWAN O DESKRIPTIBO
E. PANGANGATWIRAN O ARGUMENTATIBO
Ang sining at agham ng paglalatag, pagtitimbang at paghahanay ng mga kaisipan
upang mapaniwala at mahikayat ang kabilang kampo sa isang proposisyong
pinagtatalunan.
Bilang AGHAM
Kailangan itong umayon sa isang siyentipikong pamamaraan. May mga
hakbang at proseso itong isinasakatuparan upang magkaroon ng kaayusan.
Sangkot rito ang paggamit ng lohikong kaisipan upang maging kapani-paniwala
ang binibitiwang mga argumento.
Bilang SINING
Pangunahing kasangkapan ang limang pandama ng tao upang mapaniwala at
mahikayat ang katunggaling posisyon. Kasama rito ang pagkuha ng atensyon,
kawilihan o interes ng mga tagapakinig at lalo na ng pasiya ng mga tagahatol.
DEBATE O PAGTATALO
Katuturan ng Debate
Ang Debate o pagtatalo ay isang formal na gawaing pasalita. Ito ay tuwirang
pagsasalitang paligsahan sa pangangatwiran ng dalawang makasalungat na panig ukol
sa isang tiyak na proposisyon sa isang tiyak na panahon. Ang pagpapahayag ng
kaisipang pagpapasyahan ay tinatawag na proposisyon. Ito ay ang isyung
papasyahan ang katotohanan at ang karapatan nitong mapamahagi o hindi sa
paniniwala at pagtupad ng lahat.
Pangatwiranan ang mga nasa pahayag kung sang- ayon – di-sang-ayon sa 2 or 3
pangungusap lamang.
Halimbawa:
1. Ang bike ay higit na mainam kaysa sa kotse.
2. Edukasyon sa mga Unibersidad ay kailangan walang fee o free.
3. Ang Takdang-Aralin ay nakapag-aaksaya ng oras.
4. Ang Internet ay higit na nagdudulot ng di-mabuti kaysa mabuti.
5. Ang mga pagkaing sitsirya (junk foods) sa paaralan ay kailangan ipagbawal.
Katangian ng Proposisyon
1. Napapanahon - pangkasalukuyang paksa.
2. Patunayan ng mga ebidensya – may mga makakalap na mga katibayan at
3. Maliwanag – hindi mapag- aalinlanganan ang katuturan.
Uri ng Proposisyon
1. Patakaran – karaniwang ginagamit sa mga pampublikong debate. Nagtutulak ito ng pagkilos
at naghahanap ng solusyon. Ginagamitan ito ng katagang dapat.
2. Kahalagahan – pinaninindigan nito ang kabutihan ng isang bagay. Isang proposisyong ito na
naghahanap ng pangangailangan sa isang bagay o palakad.
3. Pangyayari – pinaninindigan nito ang katotohanan o kabulaanan kaya ng isang pangyayari
Fallacy o Maling Katwiran
1. Argumentum ad hominem = personal na atake.
Hal. Huwag natin siyang iboto sapagkat hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.
2. Argumentum ad baculum = dinaraan sa lakas o puwersa
Hal. Sumunod ka sa gusto ko dahil ako ang pinuno rito.
3. Argumentum ad misericordiam = dinaraan sa awa.
Hal. Huwag mo na po akong ibagsak kasi namatay ang aking ama.
4. Non sequitur = hindi sumunod
Hal. Barumbado ang batang iyan palibhasa anak sa labas.
5. Ignoratio elenchi = maling kongklusyon
Hal. Ang Diyos ay pag-ibig. Kung gayon, ang pag-ibig ay Diyos.
6. Maling Paghahambing
Hal. Puwede tayong gumamit ng cellphone kasi ang propesor nga natin gumagamit ng
cellphone sa unahan.
7. Argumentum ad vericundiam = maling awtoridad
Hal. “Ang Champion, tapat po sa inyo.” Susan Roces.
8. Dilemma
Hal. Magbabayad ka ng utang o ilalabas ko ang mga pinagkakautangan mo?
9. Dobleng Tanong
Hal. Nagugulumihanan ka ba?
10. Petitio Principi i= Paikot-ikot
Hal. Maganda siya sapagkat seksi. Seksi siya sapagkat maganda.
11. Maling sanhi
Hal. Kaya hindi umulan kasi nag- alay tayo ng mga itlog sa simbahan.
Uri ng Pagtatalo o Debate
Pagtatalong Di Formal
Ipinapakita ng tagapangulo ang paksang pagtatalunan at bubuksan ang pagtatalo. Malayang
magsalita ang sinumang handang magmatuwid. Kapag may magkasabay sa pagtayo, ang
tagapangulo ang magpapasya kung sino sa kanila ang pahihintulutang magsalita. Kadalasan
ang unag tumindig o ang pinakamatanda ang kinikilala ng tagapangulo. Malaya siyang
makapagsalita sang-ayon man o salungat, maikling - panahon lamang para makapagsalita
naman ang isa. Pagkatapos ang pagpapasyahan ay sa pamamagitan ng pagbobotohan.
a.) Pagtatalong Oregon – Oxford - maaaring dalawa at tatlo ang mga tagapagsalita ng
bawat panig. Kung dalawa ang tagapagsalita sa bawat panig, narito ang pagkakasunod
– sunod: • Unang Sang – ayon – maglalahad ang unang sang – ayon.
• Pangalawang Salungat – maglalahad ng kabuuang paliwanag para sa salungat.
• Pangalawang Sang – ayon – magtatanong sa pangalawang salungat.
• Unang Salungat – magbibigay ng ganting matwid sa talumpati.
• Unang Sang – ayon – magtatapos sa pagtatalo sa pamamagitan ng ganting matwid sa
talumpati.
b.) Pagtatalong Lincoln – Douglas - may tig – isang tagapagsalita sa bawat panig ng sang
– ayon. Sinusundan ito ng panig na di – sang – ayon. Magbibigay naman ngayon ng
ganting matwid o pagpapabulaanan ang unag tapos. Magbibigay ng pagbubuod ang
bawat panig sa ganoon ding pagkakasunud – sunod.
Balagtasan o Batutian
Ito ay pagtatalong patula na may sukat at tugma. Kadalasang pinakapaksa sa mga ito ang
hinggil sa suliranin o usaping panlipunan. Maaaring dalawa o higit pang bilang ang panig sa
pagtutunggali.
Paghahanda sa Pakikipagdebate
1. Kailangang may paksa o proposisyong pagtatalunan.
2. Bigyang katuturan o liwanagin ang mga termino sa proposisyon. Magtipon ng mga patunay
na susuporta sa magkasalungat na pananaw. Pag – aralan at paghandaan din ang panig ng
kalaban.
3. Dapat ihanay nang pabalangkas ang lagom ng mga katuwiran. Ito’y binubuo ng tatlong
bahagi; panimula, patotoo at konklusyon.
Tungkol sa Pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban.
b. Ilahad ang mga walang katotohanang sinabi ng kalaban.
c. Talakayin ang mga kahinaan ng katibayan ng kalaban.
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban.
e. Lagumin ang mga sariling katuturan at patunay sa sarili na katuwiran.
Tungkol sa Pagtatanong:
• Tanong na masasagot lamang ng “oo” o “hindi” ang dapat na itanong.
• Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundong tagapagsalita.
• Di dapat magtanong ang dalwang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita.
PAGSULAT NG EDITORYAL
Mga Layunin:
1. Magpabatid
2. Magpakahulugan
3. Magbigay-puna
4. Magbigay-puri
5. Magpahalaga sa tanging araw.
6. Manlibang
KAHALAGAHAN NG EDITORYAL
MABISANG TAGASULAT
1. Sapat na Kaalaman sa Wika.
2. Malawak na Kaalaman sa Paksa.
3. Magaling maghanay ng kaisipan.
4. Gumamit ng salitang nakakaakit.
PAGSULAT NG EDITORYAL
1. Pag-aralan pano sisimulan. Kailangang may hatak.
2. Ipakilala na agad ang paksang susulatin.
3. Pasukan ng paglalahad at pagpapaliwanag.
4. Huwag maging maligoy.
5. Pangatlong panauhan.
6. Gumamit ng datos.
7. Pamagat
8. Pangangatwiran sa Opinyon.
BAHAGI NG EDITORYAL
PANIMULA bumabanggit sa isyung tatalakayin. Karaniwang napapanahon o kalagayan sa
lipunan.
WAKAS nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal. Maaari itong maglagom o magbigay diin sa
kaisipang tinatalakay. Dito ipinahahayag ang panghihikayat at pagpapakilos sa mambabasa
tungo sa pagbabago.
Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw?
1. Pasalita
2. Pasulat
3. Karikatura
Anong mga isyu ang maaring pag-usapan para maipahayag ang iyong opinyon o pananaw?
1. Panlipunan
2. Ekonomikal
3. Pulitikal
4. Katahimikan at kaayusan
KOMPOSISYONG PANGMASA
PATALASTAS - uri ng komunikasyon para sa pagmemerkado.
JORNAL - talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga obserbasyon at mga
naiisip, repository ng mga lihim at karanasan at tinawag na pangkaraniwang aklat noong
ika-16 na siglo.
B. AWIT
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na
dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa).
Karaniwang paksa ng awit ang pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit ang iba'y
tumatalakay din sa mga alamat at relihiyosong tula. Sa pag-aaral ng batikang mananaliksik
Damiana L. Eugenio, ang "awit" ay walang ikinaiba sa "korido", maliban lamang sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod. Ang awit, gaya ng korido, ay nagtataglay ng tatlong elemento. Una,
ang pag-iibigan. Ikalawa, ang relihiyoso at pangangaral. At ikatlo, ang kahima- himala at kagila-
gilalas. Inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa
magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan.
C. KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng
kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang
paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na
kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang
kanilang sariling ekspresyon.
IV. KOMPOSISYON NG MALIKHAIN
1.Melodrama - ito’y nagwawakas sa kasiyahan bagama’t ang uring ito ay may malulungkot
na sangkap na kung minsan ay may labis na pananalita at damdamin ang ginamit.
2. Komedya - gumagamit ng kaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado,
batalla o labanan na may koreograpiya at madyik o mga mahihiwagang epekto sa
palabas.
3. Trahedya - kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa
pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan.
4. Parsa - mga magkakabit- kabit o magkadugtong- dugtong na mga pangyayari ng isang
dulang nakakatawa.
5. Saynete - dula tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing tauhan
at ang kanyang pakikipagsapalaran.
DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay
isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan
ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.
Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. Ang tagpo ay
ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Panahon ng Kastila
TATLONG URI NG DULA
P a n t a h a n a n - isinasagawa sa tahanan. Halimbawa nito ay ang Pamamanhikan.
P a n l a n s a n g a n - isinasagawa sa lansangan. Halimbawa nito ay Panunuluyan
atbp.
P a n t a n g h a l a n - isinasagawa sa loob ng tanghalan.
PANRELIHIYON PANUNULUYAN
• Dulang tinatanghal sa lansangan
• Paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Joseph sa Bethlehem
• Ang mga bahay sa paligid ang hinihingan ng mag-asawa ng silid na matutuluyan.
Dulang Pangtanghalan
• Entablado • Senakulo • Moro-moro • Komedya • Karilyo Dulang Panlansangan •
Pangangaluwa • Tibag • Panunuluyan • Salubong
Dulang Pantahanan
• Pamamanhikan • Patung/Panubong • Duplo • Karagatan Juego de prenda