You are on page 1of 3

Iskor:

Kabankalan Catholic College


Guanzon St., Kabankalan City, Negros Occidental, Philippines
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

MIDTERM EXAMINATION
November 17-18, 2021

PANITIKANG FILIPINO

Pangalan: Taon at Kurso:


I. MARAMING PAGPIPILIAN
I. TAMA O MALI
Isulat ang TAMA kung wasto ang diwa na ipinapahayag at MALI naman kung hindi.
1. Panulat ang ginamit na sandata ng mga propagandista laban sa mga Kastila.
2. Bawat akdang pampanitikan at mga pagtutungkol noong panahon ng Kastila ay kababakasan ng
pagkamakabayan at pagmamahal sa namumuno sa bayan.
3. Nais ihasik ng mga propagandista sa bawat Pilipino ang damdamin at pagmamalasakit ng isang tunay na
Pilipinong makabayan at tunay na maka - Diyos sa anumang larangan ng buhay.
4. “Dimasalang” ang sagisag-panulat na ginamit ni Dr. Jose P. Rizal.
5. Si Marcelo H. Del Pilar ang siyang may-akda ng tulang "Sa Aking Kababata"
6. Ang "Fray Botod" ay tungkol sa mga prayle na malaki ang tiyan.
7. Dahil sa kanyang akdang " Dasalan at Tuksuhan", si Marcelo H. del Pilar ay tinaguriang bayaning erehe.
8. Ang "Cadaquilaan ng Dios" ay isang sanaysay na nanunuligsa sa mga mamamayang Pilipino.
9. Sinulat ni Dr. Jose Rizal ang tulang "Sa aking Kababata" nang siya ay sampung taong gulang.
10. Ang mga tula na sinulat ni Marcelo H. del Pilar ng pinamagatang "Pag- ibig sa Tinubuang Lupa" ay
napalathala sa diaryong " La Solidaridad".
11. Umalis si Graciano Lopez-Jaena sa Pilipinas upang matakasan ang pagpaparusa sa kanya ng mga
kaaway na mga sundalo.
12. Nang lisanin ni Dr. Jose Rizal ang Europa at pansamantalang nanirahan sa Hongkong ang kilusang
propaganda ay nagkawatak-watak na.'"
13. Ang "La Liga Filipina" ay itinatag at pinangunahan ni Andres Bonifacio.
14. Ang "Ninay" ay isang tula na naglalarawan ng mga kaugalian at tradisyon ng bayang Pilipinas.
15. Ang pagkamatay ng tatlong Filipinong pari ay isa sa mga dahilan sa pagkagising ng mga damdaming
makabayan ng mga Filipino.
16. Si Marcelo H. del Pilar kilala sa sagisag na Dolores Manapat.
17. Higit na kilala si Graciano Lopez-Jaena bilang mananalumpati kaysa mamamahayag
18. Ang nagtatag ng "La Solidaridad" na pahayagan ay si Pedro Paterno.
19. Layunin ng mga propagandista ng magkaroon ng reporma na pamamahala ng mga Kastila dito sa
Pilipinas sa pamamagitan ng marahas ng paraan.
20. Hindi nakamit ng mga propagandista ang kanilang layunin sang kadahilanang silang mga miyembro ay
nagkasakit.

II. PAGPAPAKAHULUGAN
Piliin ang titik ng tamang sagot na nagbibigay ng kahulugan sa mga salitang may salungguhit.

21. Ang paniniil ng mga mananakop sa ating bansa ay lubhang nagpahirap sa mga mamamayan.
a. pangungutya b. panlilinlang c. panunupil
22. Nais nang mahambal ang ina sa anak ay di niya magawa dahil sa takot.
a. mahabag b. malutas c.matanto
23. Isang talamak na sakit ang tuberculosis..
a. katamtaman b. makirot c. malubha
24. Natagpuan ang salarin sa tagayan kasama ang kanyang alaga.
a. pistahan b. inuman c.kainan
25. Itinatwa ng mayor na ang mga taong nasa larawan ay mga kaibigan niya.
a. di-kinausap b. di-kinilala c. di-kinalatis
26. Ang pagkakahidwaan ng mga pulitiko ay naayos din.
a. alitan b. sunggaban c. sigawan
27. Ang mga militanteng samahan ay mapanuligsa.
a. mapambatikos b. mapanulsul c. mapanlait
28. Hinayaang malugmok ng kalaban ang mga nagsisihabol sa kanya.
a. mahandusay b. masadsad c.matibag
29. Dapat tayong makimatyag sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.
a. makisali b. makialam c. makiramdam
30. Ang paghibik ng Pilipinas sa Espanya ay hindi binigyan ng kaukulang lunas.
a. pakikipagtalo b. pakikiusap c. pagmamakaawa
31. Di napigil ng mga mandirigma ang simbuyo ng kanilang damdamin ng masawi
ang kanilang pinuno.
a. biglang bugso b. biglang sigaw c. biglang lapit
32. Ang karagatan ay larong tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula.
a. pamatayan b. palawakan c. paligsahan.
33. Itinuring niyang pagkaparool ang pakikisama sa mga taong naligaw ng landas
a. pagkapahamak b.pagkadupilas c.pagkagulat
34. Inihimaton ng isang ermitanyo ang tamang daan para makita ng prinsipe ang
ibong Adarna.
a. itinuro b. itinuwid c. itinunton
35. Nanggilalas ang ina nang makita ang sugatan niyang anak.
a. takang-taka b. gulat ma gulat c. nangilabot.

III. PAGKILALA
Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa papel

36. Opisyal na nagtatag ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565


37. Ama ni Josaphat
38. Isang kabalyerong itinalagang bantay kay Josaphat
39. Bantog na astrologo na nagkunwaring si Barlaan
40. Pinakamatapat na tagapayo ng amang hari ni Josaphat
41. May-akda ng pasyong naging malaganap
42. Tinaguriang "Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog".
43. Pangalang nangangahulugan ng kagandahang-asal
44. Prinsipe ng Persya sa "Florante at Laura”
45. Ama ni Florante
46. Nagligtas kay Florante nang pagtangkaan siyang patayin ni Adolfo sa dula nila sa paaralan
47. Nagligtas kay Laura sa buhong na si Adolfo
48. Nagpakasal sa ahas
49. Panganay na anak ng hari ng Murcia
50. Emperadora ng kahariang Antioquia

IV. PAGTUTUKOY
Sagutin ang sumusunod na bilang. Isulat ang wastong sagot sa papel.

51. Kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas


52. Uri ng aklat na nalimbag sa panahon ng Kastila
53. Ikalawang aklat na nalimbag sa panahon ng Kastila
54. Unang nobelang nalimbag sa panahong ito.
55. Haring ama ni Josaphat
56. Ito ay patulang salaysay sa hirap at sakit ng Panginoong
57. Hesukristo
58. Sumulat ng pinakatanyag na bersyon ng Pasyon
59. Bilang ng pantig na bumubuo sa bawat taludtod ng Pasyon
60. Sumulat ng Mga Dalit kay Maria
61. Buwan ng pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen
62. Sumulat ng Urbana at Feliza
63. Ibig sabihin ng Urbana
64. Ibig sabihin ng Feliza
65. Binibigyang aral ng Urbana at Feliza
66. Labanan ng mga Muslim at Kristiyano na laging nagtatagumpay ang mga kristiyano
67. Pandulaang bersyon ng pasyon
68. Nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang dalaga, ito'y nahulog sa dagat.
69. Paghahanap ni Reyna Elena ng krus na kinamatayan ni Hesus
70. Ginagamitan ng mga kartong ginupit katulad ng "puppet show"
71. Isang dulang masaya, tigib ng tugtugin at awitin, kung minsa'y may kalangkap ding sayaw, may lakip na
pampatawa at may kaunting aksyon o tunggalian
72. Lokal na bersyon ng paghahanap ng matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birhen Maria
73. Dulang may mga tauhang bilyako at bilyaka
74. Dulang nang dumating sa ating lupain ay naging dahilan ng paglaganap ng nasyonalismo
75. Aklat na nagsasaad ng tugmaan at pantigan ng tulang Tagalog

MA. TERESA G. BASING,LPT,MAEd


Guro, Panikang Filipino

Ipinatnubayan ni:

IMELDA M. GATOC, Ph.D


Dekana, Departamento ng Kolehiyo

You might also like