Professional Documents
Culture Documents
MODYUL IV
SI RIZAL AT ANG DAIGDIG
1|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
PAGPAPAKILALA:
Ang pangingibang bansa ni Rizal ay dulot ng mga mapapait na karanasan niya sa Unibersidad de
Santo Tomas. Ito ang unang dahilan kung bakit niya gustong umalis ng bansa. Pangalawa ay upang
maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral na malayo sa mga mata ng mga prayle ng Universidad.
Gusto rin niyang malaman o mapag-aralan ang mga kanser na lumalaganap sa iba-ibang larangan ng
buhay dito sa Filipinas at pagkatapos ay makahanap siya ng paraan kung paano maipapabatid sa bansa
at sa pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin ng Pilipinas. Sa kanyang palagay ito
ang paraan upang makaahon sa hirap na dulot ng diskriminasyong panlahi na nararanasan ng mga
katutubong mamamayan sa bansa.
2|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
PAGLALAKBAY SA EUROPA
Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng
Biñan, nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay. Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila
patungong Singapore sakay ng Bapor Salvador. Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel
La Paz. Mayo 11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan
ang Point de Galle, Colombo, Cafe' Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw. Hunyo 7,
1882- dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps. Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples
at Sicily, naghulog ng sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng
Mansanello (palasyo royal) Hunyo 13, 1882-dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Nelisse, nagpunta sa
Chateau d'If (pook na kinabibilangguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo).
Hunyo 15, 1882-lumulan sa isang de primerang klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy
sa Barcelona.
BUHAY SA BARCELONA
Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan siya
ng salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat
ang El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang
kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay
Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong
Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim
ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa 2 wika-Kastila at
Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar) Setyembre
(kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at nagpatala sa
Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at
Filosofia y Letras (unang Linggo ng Oktubre).
3|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
BUHAY SA HEIDELBERG
4|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
Pebrero 3,
1886- dumating sa
Heidelberg-isa sa
makasaysayang lungsod sa
Alemanya, sentro
ng karunungan
dahil sa
pinakamatandang
pamantasang itinayo ng
Elector na si Ruperto I (1386)
at pangunahing pook ng
Repormasyong Protestante.
Lungsod din ng serbesa.
Nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonski (Polish)-dalubhasa sa sakit sa mata. Naglingkod bilang
katulong sa paggagamot sa Augen Klinik-klinika sa mata ng okulistang si Dr. Otto Becker.
(Pagpapatuloy: Buhay sa Berlin). Abril 27, 1887-ibinalita kay Paciano ang pagtanggap ng Php 1000,
biayaran ang pagkakautang kay Viola, nagpaalam sa mga kaibigan at nagbalita ng kanyang balak na
bumalik sa Pilipinas. Mayo 11, 1887-iniwan ang Berlin patungong Dresden at Leitzmeritz. Mayo 13,
1887-nakipagkita kay Blumentritt, ipinakilala kina Sr. Jose Kromholz (pangulo ng Leitzmeritz Tourist
Club), Dr. Karl Czepelak (paralitikong manggagamot) at Robert Klutzchak. Mayo 17, 1887-nagtungo sa
Prague, nakilala si Dr. Willkomm-propesor sa kasaysayan sa kalikasan sa Unib. ng Prague. Mayo 27,
1887-nagtungo sa Vienna, nakipagkita kina Sr. Masner, Nordman at Norfenfals, mga kilalang iskolar at
nobelista ng Austria. Mayo 24, 1887-nagbigay ng panayam kay G. Adler (reporter ng pahayagang Extra-
Blatt) tungkol sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. Mayo 25-31, 1887-nagtungo sa Lintz, Salzburg,
Munchen, Nuremberg (isa sa matandang lungsod ng Aleman), Ulm, Stuttgart, Baden Rheinfall (dinalaw
ang Rin waterfalls- pinakamagandang talon sa buong Europa), Schaffhausen. Hunyo 4, 1887-nagtungo
ng Bern, Lousanne, Geneva, inbinalita kay Blumentritt ang pasyang bumalik sa Pilipinas. Hunyo 23,
1887-dumaan ng Turin, Milan, Venice at Florence bago nagtuloy sa Roma-lungsod ng Vaticano.
Tinungo ang Capitolium, Tanpeian Rock, Palatium, Forum Romanorum, Ampitheatre.
Aralin II
PAG BABALIK SA PILIPINAS
Hunyo 29, 1887-nagpadala ng postcard sa mga magulang upang ibalita ang pagdating sa Pilipinas.
Hulyo 30, 1887-nakarating sa Saigon, lumipat ng bapor Haiphong patungong Maynila Hulyo 3, 1887-
Umuwi ng Pilipinas si Rizal sa kadahilanang:
1. titistisin ang mata ng ina
2. aalamin ang katotohanan tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli
3. aalamin ang dahilan ng panlalamig at katahimikan ni Leonor Rivera
5|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
IKALAWANG PAGLALAKBAY
1888 - Si Jose Rizal ay 27 taong gulang at isa nang manggagamot at kilalang manunulat. Dahilan
kung bakit umalis muli si Rizal sa Pilipinas: tinutugis siya ng mga makapangyarihang kaaway kaya’t di
mapakali ang kanyang pamilya sa Calamba sa panganib kung siya’y mananatili sa bansa.
SI RIZAL SA HONGKONG AT MACAO
Pebrero 3, 1888 sumakay si Rizal sa barkong Zafiro
patungo sa HongKong. Pebrero 7, 1888 nakarating sa
Amoy, China si Rizal dahil hindi mabuti ang kanyang
pakiramdam malakas ang ulan narinig niyang marumi ang
lungsod. Dito ang unang lugar na pinuntahan ni Rizal sa
kanyang ikalawang paglalakbay. Sumapit siya sa
Hongkong at buhat sa bapor ay tumuloy siya sa Otel
Victoria.
Sa Macau ay tumuloy si Rizal sa bahay ni G.
Lecaros, isang Pilipino na nakapagasawa ng babaing Portuegesa.
Pagkatapos ay pumunta si Rizal sa Hapon.
6|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
HAPON
Dumating siya sa Yokohama at tumuloy sa Otel Grande. Siya ay nagtagal sa Hapon dahil gusto
niyang mabatid ang kabuhayan, ang industriya, ang sining, ang kapaligiran at ang wikang Hapones. Dito
niya nakilala si Ose-San isang magandang Haponesa na muntik na niyang napakasalan. Naisip lamang
ni Rizal na mayroon siyang misyon na dapat gampanan kaya hindi sila nagkatuluyan.
AMERIKA
Nakarating si Rizal sa San Francisco, California,Estados Unidos noong Abril 28,1888.Nakita niya
sa panahon na iyon ang Amerika ay maunlad na bansa na. Maraming oportunidad ditto at mataas ang
antas ng pamumuhay ng mga Amerikano.Ngunit nalungkot si Rizal nang malaman niya na mayroong
tinatawag na diskriminasyon sa mga amerikanong Negro.Mas mababa ang tingin sa mga amerikanong
itim kaysa sa amerikanong puti.Hindi nagustuhan ni Rizal ang ganito dahil taliwas sa kanyang prinsipyo
na kailangan ay pantay-pantay ang karapatan ng mga tao sa isang bansa katulad ng inaasam niyang
mangyari sa Pilipinas.
Mula San Francisco ay tumawid si Rizal patungong Nueva York (New York). Dito ay sumakay
siya ng barko patungong Londres (London).
LONDON
7|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
BRUSSELS
Siya ay tumira sa pamilya ng mga Jacoby. Nilisan niya
ang Paris kasama ni Jose Albert, dahil napakamahal ng upahan
ng tirahan doon dahil sa Pandaigdig na Tanghalan noong 1889.
Dito sa Brussels ay walang tigil siya sa paggawa. Sinimulan
niyang isulat ang El Filibusterismo at pinagpatuloy rin ang
pagpapadala ng artikulo sa La Solidaridad. Dahil sa pag-uusig
na nadarama ng kanyang pamilya ay nagbalak siyang umuwi, sa
dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang
habang “ang mga magulang at mga kapatid ko ay nagdaranas
ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalungat ni Graciano Lopez-
Jaena at ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. Nagbago lamang ang
8|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
isip ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso na
pagpapaalis sa mga taga- Calamba mula sa hacienda ng mga Dominko at ito ay kanilang iaapela sa
Royal Audiencia sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.
MADRID
Sa unang araw ng Agosto, 1890 ay
simula ng mga kabiguan ni Rizal. Sa paghingi ni
Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay
tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado at
kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa
kawalang katarungan ni Gobernador Heneral
Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
Natanggap niya rin ang masamang balita na
natanggap na nila ang kautusan na pagpaalis sa
mga taga-
Calamba mula sa hacienda ng
mga dominiko.Habang bigo sa pagbibigay
katarungan sa kanyang magulang ay namatay
ang kanyang kaibigan na si Jose
Maria Panganiban. Nagkaroon din siya ng mga hamon. Lumisan siya sa Madrid pero sumulat ng
isang maikling sulat
ng pasasalamat sa mga kababayanan na naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz. Lumisan siyang
papuntang Hongkong dahil sa mga suliraning bumabagabag sa kanya sa Europa, dahilan sa
magkasalungat na paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa, at upang mas higit
siyang maging malapit sa Pilipinas, at para kupkupin na rin ang kanyang pamilya na kasalukuyang
inuusig ng mga Kastila.
HONGKONG
Dumating siya sa Hongkong noong Nobyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan na
naninirahan dito. Bago magpasko ay dumating ang kanyang pamilya at dito ay ipinagdiwang nila ang
pasko. Dito rin niya ginamot ang kanyang ina at ang iba pang mga pasyente. Dito rin sa Hongkong ay
sinulat niya Konsepto at Saligang-batas ng La Liga Filipina. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na
sulat bago siya umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang ito kung siya ay
mamamatay: una ay,
1. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid,
2. Sulat sa sambayanang Pilipino, at
3. Sulat kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol.
Aralin IV
Ang mga gawain sa Kilusang Propaganda ay pumukaw ng interest ng mga Espanyol ngunit
hindi sapat upang makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang repormang naipasa ng
pamahalaang kolonyal ngunit hindi naipatupad sa Pilipinas.
a. Ang kakulangan ng salapi ay naging malaking hamon sa kilusang naging dahilan ng
paghinto ng LaSolidaridad noong 1895.
b. Nahati rin ang komunidad ng mga Pilipino sa Espanya dahil sa ilang hindi
pagkakaunawaan.
c. Pinangunahan ni Marcelo H. del Pilar ang pangkat na nagsusulong na mananatili ang
mga propagandista sa Espanya at patuloy na hikayatin ang pamahalaan upang
ipatupad ang mga hinihinging reporma sa Pilipinas.
Naniwala si Jose Rizal na panahon na upang bumalik ang mga propagandista sa Pilipinas at
doon ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa reporma. Nagpasyang umalis si Rizal sa Espanya noong
1890 at nakabalik siya sa Pilipinas noong 1892. Ngunit sa kabila ng mga isyung humati sa Kilusang
Propaganda, ang pinakamalaking dahilan ng pagkabigo ng kilusan ay ang kapangyarihan ng mga
prayle na nagtagumpay na mapigilan ang mga repormang isinusulong ng mga propagandista.
Noong siya ay nasa Europa, nagsimula siyang magsulat ng mga nobela. Isa sa kanyang mga
isinulat ay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas
at nagbibigay tugon din ito sa mga Katolikong Prayle. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat
ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari sa bansa dahil sa pagsakop ng mga Espanyol.
Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Ipinagbawal ang kanyang libro sa
Pilipinas ngunit may mga ibang palihim na nagdadala. Dahil sa kanyang nobela, nang bumisita si Rizal
sa Pilipinas, siya’y pinatawag ng Gobernador Heneral dahil sa mga paratang niya sa mga Espanyol.
Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang sarili at siya rin ay humingi ng paumanhin. Nang bumalik si Rizal sa
Europa, hindi siya tumigil sa pagsusulat. Noong 1891, inilathala niya ang kanyang pangalawang
nobela na El Filibusterismo. Ito ay ang pangalawang nobela na kanyang naisulat. Kanyang inialay ang
nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring martir o “GOMBURZA”.
10 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Nakilala si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani sa kanyang dalawang nobela na
pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Itong dalawang nobela na ito ay kilalang kilala,
sapagkat ang mga tinalakay dito ni Rizal ay ang mga sensitibong paksa noong kapanahunan nang
pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang kalupitan at hindi makatarungang pagtrato
nang mga Kastila sa mga Pilipino. Tinalakay din sa mga libro na ito ang mga Pilipino na walang
ginagawa at tinatanggap na lamang ang mga pananakit at pang-aabuso nang mga Kastila sa kanila. Isa
ring dahilan kung bakit sumikat and dalawang libro ni Rizal na ito ay dahil sa dami ng naging epekto nito
sa mamamayan at lipunan.
Isa sa mga epekto na ito ay ang pagbigay liwanag sa kahirapan na naranasan nang mga Pilipino
sa kamay ng mga Kastila. Nagising at namulat din ang ilang mga Pilipino sa pang-aabuso na ginagawa
nang mga Kastilang prayle sa kanila. Dahil din sa mga librong ito ni Jose Rizal, maraming mga Pilipino
ang naging matapang at nahikayat na itigil ang mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga
Kastila sa mga kapwa Pilipino nila. Masasabi natin na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang
gumising at nagbigay lakas sa ibang mga Pilipino at dahil din sa dalawang libro na ito ay naliwanagan
ang mga Pilipino sa mga pagbabago at reporma na kailangan at dapat gawin nang mga Kastila.
Naliwanagan din sila sa pagtatapos na dapat mangyari sa mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa
nang mga
Kastila.
Aralin VI
MATIGAS NA HANGARING MAKABALIK SA PILIPINAS
Habang nasa Espanya si Rizal ay nagbalak na magtayo ng isang samahan sa Pilipinas upang
matulungan ang kanyang mga kababayan na mapalaya sa mga mapang-aping mga kastila.Sinulatan
niya ang Gobernador Heneral Despujol upang siya ay mabigyan ng proteksyon dahil alam niyang
delikado ang buhay niya sa kanyang balak na pag-uwi ng Pilipinas.Sa kabila ng pagpigil sa kanya ng
mga magulang at kaibigan ay nagpumilit pa ring siyang makabalik ng Pilipinas sa dahilang:
a). Maisakatupan ang proyekto niyang magtayo ng Kolonya sa Hilagang Borneo at;
b). Magtatag ng samahan ng mga Pilipino, ang La Liga PIlipina.
Hunyo 26,1892- umuwi si Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Lucia. Tumuloy sila sa Hotel
de Oriente upang doon manatili habang nagpaplano si Rizal sa kanyang samahan na itatag.
GAWAIN: Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang 2-4 na pangungusap lamang.
1. Ano-anu ang mga layunin at karanasan ni Rizal sa unang paglalakbay niya sa daigig?
• Ang dahilan ng pagbabalik ni Rizal sa pilipinas ay dahil gusto nyang gamitin ang mata ng
kanyang ina gusto rin nyang malaman kung bakit Hindi na sumusulat si leonar Rivera sa
kanya. At gusto rin nyang alamin kung anong naging epekto ng noli me tangere sa bansa.
12 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
REPLEKSYON:
Ang kabayanihan ni Rizal ay maaari din naman na mabigyang buhay ng
bawat isa sa atin sa pamamagitan ng taos-pusong pagmamahal sa bayan, ang
pagsasakripisyo at pag-aalay ng talino, lakas at isipan para sa ikalalaya at ika-
uunlad ng ating Inang Bansa. Sa bawat kilos at isipan ni Rizal ay nasasalamin dito
ang walang kahulilip na pagmamahal sa ating bansa, ang pagtatangol niya sa atin
laban sa diskriminasyong panlipunan na nakasira sa ating malayang kaisipan. Ang
kanser na panlipunan na isiniwalat niya ay naging sanhi ng ating kawalan ng
pagmamahal sa ating Kultura,sa ating pinagmulan, sa ating mga minanang
tradisyon na sadyang nawala upang mapalitan ng Kulturang Kastila.Sa pananaw
ni Rizal sa kanyang nobela ay nasasalamin ditto ang Lipunang hanggang ngayon
naman ay nakikita , ginagawa at sinusundan ng ating mga kababayan. Sa
repleksyon ng ating anino sa liwanag ay makikita natin dito ang pagkukunwaring
halos nailarawang maigi ni Rizal sa mg atauhan ng kanyang mga nobela. Ano pa’t
kahit na yata ilang Rizal ang barilin sa Luneta ay hindi na mawawala ito sa ating
Kultura at Lipunan. Nakalulungkot subalit huli man daw at magaling ay naihahabol
din, may panahon pa naman upang mawala ang kanser ng Lipunan na naririto
pa rin sa atin.
PAGTATAPOS NA GAWAIN
Sagutan ang mga katanungang ito:
1. Gaano kahalaga sa iyong opinion ang makalawang ulit na paglayo sa Pilipinas ni Dr. Rizal
para sa kanyang sariling transpormasyon at sa kanyang kinayang gawin para sa ating Inang-
Bayan?
• Ang buhay ni Rizal ay mahalaga para sa atin dahil marami siynag ginagawa at sinakripisyo
nya ang kanyang buhay upang maging malaya tayo sa pananakop sa atin ng mga espanyol. At
ang kanyang mga aklat na isinulat ay magsisilbing inspirasyon para sa ating mga Filipino.
2. Paano kongkretong naipakita ni Dr. Rizal ang kanyang pagmamahal sa Bayan habang siya ay
namalagi sa ibang Bansa sa loob ng halos 9 na taon sa una at ikalwa niyang paglalakbay sa
Mundo)
13 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Ipaliwanag. Kahit siya ay nasa malayong lugar ay hindi pa rin mawawala ang pagpapakita
niya ng pagmamahal sa bayan. At maging ang mga isinusulat niyang mga aklat ay patungkol sa
pagmamahal at sa ikabubuti ng kanyang kapwa.
3. Kung nabigo man ang Kilusang Propaganda na makamit ang mga nilayon nito, ano ang
maituturing na pinakamahalagang nagawa nito para sa Pilipinas na noo’y kolonya pa ng
Espanya.
• Ito ay ngabigay sa atin ng lakas ng loob sa ating kapwa Pilipino upang ipaglaban at
ipakita ang pagmamahal sa bayan. Ito ay nagkaroon ng magandang epekto at bagong
pag asa sa atin upang makamit ang kalayaan natin.
Pagsususlit:
Pangalan:
Taon at Kurso:
PILIIN ANG TAMANG SAGOT:
1. Ang hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
a. La Paz c. Dela Pas
b. La Trinidad d. Dela Trinidad
3. Petsa ng pagalis si Rizal ng Calamba sa unang pagkakataon.
a. Mayo 2, 1882 c. Mayo 3, 1882
b. Mayo 1, 1882 d. Mayo 4, 1882
4. Ang pamagat sanaysay na sinulat ni Rizal bunga ng kanyang pangungulila sa Inang-Bayan
na nilisan.
a. Sa Aking Kababata c. El Amor Patrio
b. La Verdad Paratodos d. Mi Primera Inspiracion
5. Siya ang gumuhit ng Spolarium.
a. Pedro Paterno c. Felix Hildalgo
b. Amorsolo d. Juan Luna
6. Isa sa pinaka-magandang Talon sa Europa.
a. Baden Rainfall c. Salzburg
14 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
b. Lintz d. Ulm
7. Ang barkong sinakyan ni Rizal patungong Hongkong.
a. Salvador c. Djemnah
b. Zafiro d.Bohol
15 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
16 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Mga Paksa:
a. Si Dr. Rizal at La liga Filipina
b. Buhay sa Dapitan, Mindanao sa loob ng apat na taon
c. Si Dr. Rizal at pagkakasangkot niya sa kilusang Katipunan
d. Ang paglilitis kay Dr. Rizal
e. Mga huling sandali ni Dr. Rizal
f. Ang labi ni Dr. Rizal makaraan ang pagbitay at ang kanyang bantayog
g. Mga naidulot na epekto ng kamatayan ni Dr. Rizal sa bansa at sa rebolusyon pangkalayaan
Panimulang Pagtataya
Sa panimulang gawaing ito ay malalaman natin ang inyong pagkakaunawa patungkol sa mga
naging kalagayan ni Dr. Rizal sa kaniyang balaking umuwi muli sa Piipinas. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong at ilagay ang inyong mga sagot sa isang bukod na sagutang papel.
1. Anu-ano ng dahilan ni Dr. Rizal kung bakit niya ninasa na muling bumalik sa Pilipinas?
• Ang dahilan ng muling pagbalik ni rizal ay upang paglingkuran ang kanya mga kababayan. At
para gamutin ang kanyang ina na may katarata at para malaman Kung bakit hindi na
sumusulat si Leonor Rivera.
2. Sa anong mga kadahilanan nakabatay ang pagpapatapon kay Dr. Rizal sa Dapitan?
• Pinaghinalaan si Rizal dahil sa pag aaklas laban sa pamahalaan ng espanya dahil Kung bakit
sya pinatapon sa dapitan.
18 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Sa araling ito ay iyong matutunghayan ang mga kaganapan kay Dr. Rizal sa kanyang muling
pagbabalik sa bansa at ang kaniyang koneksyon sa La Liga Filipina.
Sa kabila ng maraming banta sa buhay ni Dr. Rizal, hindi niya inalintana ang mga ito para lamang
makabalik muli sa kaniyang Inang bayan. Masidhi ang kaniyang pagnanasang muling makita ang
bansang kanyang nililiyag, maisakatuparan ang kanyang mga iniwan na balakin, at higit sa lahat ay
makausap si Hen. Despujol upang ilatag ang kanyang plano na pagtatayo ng kolonisasyon ng mga
Pilipino sa Hilagang Borneo.
Hunyo 26, 1892 - nang umuwi si Dr. Rizal sa Pilipinas kasama ang kaniyang kapatid na si Lucia
at pansamantalang nanuluyan sa Hotel de Oriente. Sa kaparehong araw din nagtungo si Dr. Rizal sa
Palacio de Malacañan upang makausap si Hen. Despujol
sa kabila ng babala sa kanya ng kaniyang kaibigan na
huwag basta magtiwala kay Hen. Despujol. Nang
makausap na ni Dr. Rizal si Hen. Despujol, hindi sinang-
ayunan ni Hen. Despujol ang balakin ni Dr. Rizal na
magtayo ng kolonya ang mga Pilipino sa Hilagang Borneo.
Hunyo 27, 1892 - bumisita si Dr. Rizal sa kaniyang
mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando,
Pampanga; Tarlac, Tarlac; at sa Bacolor, Pampanga upang
hikayatin ang mga ito na maging kasapi ng isang smahang
itatatag niya na ang layon ay ang pagbabago.
19 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Hulyo 03, 1892 – nagsagawa si Dr. Rizal ng isang pagpupulong sa tahanan ng kaniyang kaibigan na si
Doroteo Ongjunco upang ipaliwanag ang layunin at mithiin ng isang samahang itatatag niya, ang La Liga
Filipina.
Ayon kay Dr. Rizal, ang mga sumusunod ay ang layunin ng La Liga Filipina:
1. Mapag-isa ang buong kapulungan ng may lakas;
2. Mapangalagaan ang bawat isa sa oras ng kagipitan;
3. Mapaunlad ang edukasyon at komersiyo; at
4. Maisulong ang marami pang mga pagbabago.
Sa pulong na iyon ay nagkita sa unang pagkakataon si Dr. Jose Rizal at si Andres Bonifacio,
pormal na pumili din ng mga opisyales o kawani ang samahan:
Pangulo: Ambrosio Salvador
Kalihim: Deodato Arellano
Ingat-Yaman: Bonifacio Arevalo
Piskal: Agustin Dela Rosa
Ang opisyal na motto ng samahan ay Vnus (unus ang pagkabigkas) Instar Omnium o “pagkakaisa
ng lahat” (VIO).
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Kung sakaling anyayahan ka ni Dr. Rizal na maging kasapi ng La Liga Filipina, pauunlakan mo ba
ang kaniyang paanyaya? Bakit?
20 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Kung sakaling ako ay aanyayahan ni Dr. Jose Rizal na maging kasapi ng La Liga Filipina, ay
pauunlakan ko ang kanyang paanyaya. Ito ay sa kadahilanang. Maaari ko iyong nagamit upang
maprotektahan ang aking sarili laban sa mga taong mapang api. At itong La Liga Filipina ay
makakatutulong para sa ating bansa.
2. Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ni Dr. Rizal, pipiliin mo pa rin bang umuwi sa Pilipinas sa
kabila ng maraming banta na naghihintay sa iyo sa iyong pagbabalik? Ipaliwanag.
➢ Kung ako ang nasa katayuan ni Dr. Rizal ay pipiliin ko pa rin na umuwi sa Pilipinas
Upang malaman ang kalagayan ng ating bansa laban sa mga kastila at dahil ako ang
inaasahan ng aking kapwa Filipino bagamat may takot ako ay Buong lakas na laban
para sa akin bansa at kapwa.
Ang Dapitan ay isang liblib na bayan na matatagpuan sa Kamindanawan. Bahagi ito ngayon ng
lalawigan ng Zamboanga del Norte at mayaman sa kasaysayan. Natuklasan ng mga Kastila ang Dapitan
noong 1629 sa pamumuno ng isang misyonerong Heswita na si Fray Pedro Guitierrez. Sa bisa ng Batas
Republika Blg. 3811, naging lungsod ang bayan ng
Dapitan sa panahon ng administrasyon ni Pangulong
Diosdado Macapagal noong Mayo 12, 1963.
Makasaysayan ang lungsod ng Dapitan sapagkat dito
namalagi si Dr. Rizal mula noong Hulyo 17, 1892
hanggang Hulyo 31, 1896. Inyong matutunghayan sa
21 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
kabuuan ng araling ito ang naging buhay ng ating bayani na si Dr. Rizal sa kaniyang pananatili sa lugar
na ito.
Hulyo 17, 1892 – nang gabi na ang oras ay
dumating si Dr. Rizal sa Dapitan lulan ng barkong Cebu.
Siya ay nakatakdang manuluyan sa loob ng kumbento
kapalit ng ilang mga kondisyon na iniuutos na gawin sa
kanya. Sa halip, siya ay tumuloy sa tahanan ni Cap.
Ricardo Carcinero, pinuno ng pulitiko-militar ng Dapitan.
Ang mga kondisyong ipinagagawa kay Rizal ay nakasaad sa isang liham na ipinadala ni Fray
Pablo Pastells, superior ng ordeng Heswita noong panahon na iyon para kay Fray Antonio Obach, ang
misyonero sa Dapitan. Ito ang mga ss:
22 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
kaniya: ang Draco rizali (butiking lumilipad), Apogonia rizali (maliit na uwang), at ang Rhacophorus rizali
(isang ‘di pangkaraniwang palaka).
Sa aspeto ng pag-ibig, sa Dapitan niya nakilala ang isang babaeng dumating sa kaniyang buhay
na ang ngala’y Josephine Bracken. Sila ay nagsama bilang mag-asawa at nabiyayaan ng isang anak na
lalaki na agad din namang pumanaw ilang oras matapos itong ipanganak. Naging katulong ni ya si
Josephine sa pagtuturo sa mga bata sa paaralang kaniyang itinayo at maging sa panggagamot. Pinunan
ni Dr. Rizal ng pagmamahal ang asawa nyang ito dahil alam niyang ulilang lubos na si Josephine.
Sinamantala na rin ni Dr. Rizal ang pagkakataong makapagbukas na rin ng isang klinika na
tutulong para sa lahat ng mga taga Dapitan na nangangailangan ng atensyong medikal. Dahil dito,
dumating sa Dapitan ang kaniyang kapatid na si Maria at ang kanyang ina noong Agosto 1893.
Isinagawa ni Dr. Rizal ang pangatlong pagtitistis niya sa mata ng kaniyang ina na naging matagumpay
naman, nguni’t nagkaroon ng implikasyon nang alisin ang bendang nakatakip sa mata nito, isang bagay
na hindi nalalaman ni Dr. Rizal.
Bukod pa rito, sinimulan din ni Dr. Rizal ang pagsasagawa ng maayos na sistema ng patubig sa
Dapitan. Nais niyang ang mga taga-Dapitan ay makagamit ng malinis na tubig na magmumula sa
bundok, kaya sinimulan niya ang paggawa ng patubig sa pamamagitan ng paggamit ng mga kawayan.
Hindi lamang pansariling kapakanan ang inisip ni Dr. Rizal sa kaniyang pagkakabilanggo sa Dapitan,
binigyang halaga niya rin ang kapakanan ng mga mamamayan sa nasabing lugar sa pamamagitan ng
kaniyang mga pinasimulang gawain sa bayan.
Ipinakita rin ni Dr. Rizal ang kaniyang kaalaman pagdating sa negosyo. Maging sa aspetong
pinansyal ay mayroon syang kaalaman kung papaano gugugulin ang perang mayroon siya. Ang
kasanayan sa pag-imbento ng isang makinang kahoy ang isang paraan upang siya ay magkapera, ang
makinang kahoy na ito ay kayang lumikha ng 6,000 piraso ng tisa sa isang araw. Si Ramon Carreon na
isang negosyanteng taga-Dapitan ang kaniyang naging kasosyo.
Sa kabuoan, apat na taon nanatili si Dr. Rizal sa bayan ng Dapitan.
Gawain 1
Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
Josephine Bracken 1. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na naging asawa niya.
Kap. Ricardo Carcinero 2. Sa kanyang tahanan tumuloy si Dr. Rizal nang siya’y makarating sa Dapitan.
Himno Al Talisai 3. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na alay niya sa mga taong nakatira sa
nabanggit na lugar.
Mi Retiro 4. Ito ang tulang nilikha ni Rizal na tungkol sa kaniyang buhay sa Dapitan.
Draco Rizali 5. Isang species ng butiki na natuklasan ni Dr. Rizal sa Dapitan.
Gawain 2
Batay sa inyong naunawaan sa aralin, isulat ang mahahalagang ambag ni Dr. Rizal sa Dapitan sa mga
sumusunod na larangan.
23 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Agham
➢ Gamit ang kanyang kaalaman sa agham, gumawa siya ng sistemang pang-agrikultura
gamit ang mga lupang kanyang binili. Siya rin ang lumikha ng sariling irigasyon para
sa kanyang mga taniman gamit ang konsepto ng gravity. Sa karagdagan, nangolekta
at naglista siya ng ibat-ibang uri ng kabibe, reptiles, at kung ano-ano pang spesimen.
Natuklasan niya ang ibang species ng hayop na kalauna’y ipinangalan din sa kaniya:
ang Draco rizali (butiking lumilipad), Apogonia rizali (maliit na uwang), at ang
Rhacophorus rizali (isang ‘di pangkaraniwang palaka
Medisina
➢ Dahil sa pagiging mahusay na manggagamot ni Dr. Rizal, nakapag gagamot siya ng
mga mahihirap at mayaman na may mga karamdaman o sakit. Nakagawa din siya ng
sarili niyang gamot, maaaring galing sa herbal medicine.
Panitikan
➢ Naimbag ni Dr. Jose Rizal sa panitikan ay ang kanyang mga tula at libro na isinulat.
Dito nakakatulong sa mga mamamayang Pilipino na magkaisa laban sa mga kolonyal
at nananakop. Naipapakita din at nailalarawan ang mga gawain at masamang hangarin
o epekto ng mga taga Europa at kanluraning mananakop. Sa pamamagitan ng mga
sinulat ni Rizal, nagkakaroon ng ideya at kaalaman ang mga tao laban sa mga
kastila/mananakop. Ipinakita ni Dr. Rizal ang kaniyang kaalaman pagdating sa
negosyo. Maging sa aspetong pinansyal ay mayroon siyang kaalaman kung papaano
gugugulin ang perang mayroon siya. Ang kasanayan sa pag-imbento ng isang
makinang kahoy ang isang paraan upang siya ay magkapera, ang makinang kahoy na
ito ay kayang lumikha ng 6,000 piraso ng tisasa isang araw.
Edukasyon
➢ Nagtayo siya ng silid-aralan upang maturuan ang mga bata sa Dapitan. Upang
magkaroon sila ng edukasyon.
24 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Kung ating babalikan ang ating pinag-aralan sa Kasaysayan ng Pilipinas, matatandaang naitatag
ang Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo 07, 1892. Ang
samahan ay naitatag sa tahanan ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Tondo, Maynila kung saan si
Arellano ang nahalal na lider ng samahan. Kabilang din sa mga nagtatag ng samahan sina Andres
Bonifacio, Teodoro Plata, at Ladislao Diwa, samantalang si Emilio Jacinto naman ang Utak ng
Katipunan.
Apat na taon na pinaghandaan ng Katipunan ang binabalak nilang panghihimagsik. Sa loob ng
apat na taong paghahanda, pinagsumikapan ni Andres Bonifacio na lumawak ang samahan at dumami
ang maging kasapi ng Katipunan mula sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas. Inatasan ni Andres Bonifacio
si Pio Valenzuela na magtungo sa Dapitan, Mindanao upang kanyang maging emisaryo o kinatawan sa
layuning isangguni kay Dr. Rizal ang balaking nilang paghihimagsik.
Agad pinuntahan ni Dr. Pio Valenzuela si Dr. Rizal sa Dapitan upang agad na ibalita ang
binabalak na panghihimagsik laban sa mga Kastila naging kasama niya ang isang kunwaring pasyente
na nais magpagamot kay Dr. Rizal.
Si Dr. Valenzuela ay mula sa Polo, Bulacan (Lungsod ng Valenzuela ngayon) na isinugo ni Andres
Bonifacio upang ibalita kay Rizal ang mga plano. Sinabi ni Dr. Rizal kay Valenzuela na tiyakin lamang ng
Katipunan na sila ay totoong handa at may sapat na armas upang labanan ang mga Kastila nang sa
gayo’y huwag silang mabigo sa kanilang hangarin.
Bukod pa rito, ipinabatid ni Dr. Valenzuela kay Dr. Rizal ang balak na itakas siya ng Katipunan
mula sa Dapitan bago sumiklab ang himagsikan, nguni’t hindi ito inayunan ni Dr. Rizal at sinabing
kawalanggalang at ‘di pagkamaginoo sa laban ang pagtakas. Sa halip, sinabi ni Dr. Rizal kay Dr.
Valenzuela ang balak nyang paglilingkod bilang isang manggagamot sa Cuba at upang malaman na rin
ang taktikang pandigma na ginamit ng Cuba laban sa Espanya.
25 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
➢ Ano ang balak ni Dr. Rizal sa Cuba? Bakit niya gustong pumunta sa
bansang iyon?
➢ Ang balak ni Dr. Rizal sa Cuba ay upang siya maglingkod siya ay isang
manggagamot at upang malaman ang pandigma na ginamit
26 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Maraming mga kasamahan si Dr. Rizal ang nakaranas din ng panggigipit ng mga Kastila upang
paaminin na may kinalaman si Dr. Rizal sa pagkakatatag ng Katipunan. Isa na ang kaniyang kapatid na
si Paciano na nakaranas ng matinding kagipitan nguni’t nanatiling matatag siya sa pagtatanggol sa
kapatid.
Nobyembre 29, 1896 nang simulan ang paunang imbestigasyon na tumagal ng limang araw sa
pangunguna ni Col. Francisco Olive. Ang resulta ng nasabing imbestigasyon ay nakarating kay Oidor
Rafael Dominguez, ang huwes-panghukom sa Fuerza Santiago.
Ang mga ebidensyang lumitaw na ginamit laban kay Dr. Rizal ay mga dokumentong tulad ng tula,
talumpati, nota, at mga liham. Kaagad na gumawa si Dominguez ng buod ng kaso na syang isusumite
kay Hen. Blanco at Huwes Nicolas dela Peña. Napagdesisyunan ng korte na isailalim si Dr. Rizal sa
court marshall, ito ang sistemang isinasailalim sa mga kasapi ng sandatahang lakas o mga taksil sa
Espanya. Nangyari ito kahit hindi naman nararapat sapagka’t si Dr. Rizal ay isa lamang ordinaryong
mamamayan.
Ang resulta ng imbestigasyon ay ipinarating agad kay Dr. Rizal at siya ay pinapili ng isang
abogado na magtatanggol sa kaniya. Napili niya si Teniente Luis Taviel de Andrade. Sa loob ng
kanyang selda ay binasa ni Andrade na kanyang abogado ang kasong kinakaharap ni Dr. Rizal. Mga
kaso tulad ng sedisyon, at ilegal na pagtatatag ng isang samahan na di umano’y may balak pabagsakin
ang pamahalaang Kastila at Simbahang Katoliko.
Ang susunod na pagliiltis ay nakaiskedyul sa Disyembre 26, alinsunod kay Hen. Camilo Polavieja,
ang pumalit kay Hen. Blanco. Si Sr. Enrique de Alcocer y de vaamonde ang itinakdang mag-uusig at
maghaharap kay Rizal sa lupon at syang babasa ng buod ng kaso at magiging sentensya nito.
Maayos na ipinahayag ni Ten. De Andrade ang kaniyang talumpati upang ipagtanggol ang
kaniyang kliyente na si Dr. Rizal. Sa abot ng kaniyang makakaya ay pinagsikapan niyang mapatunayan
na walang kasalanan si Dr. Rizal. Sa kasamaang palad, hindi nabigyan ng matuwid na paghatol si Dr.
Rizal, may sentensya na para sa kaniya bago pa maganap ang paglilitis. Sa madaling salita, isang
huwad na paghatol ang naganap, isang palabas lang ang paglilitis na nangyari. Hindi man lang siya
nabigyan ng pagkakataong maiharap ang testigo laban sa mga paratang sa kanya. Binigyan siya ng
pagkakataong mailahad ang kaniyang katuwiran ngunit nagbingi-bingihan lamang ang mga hukom.
Lumabas din agad ang hatol sa kaniya. Pinagtibay ni Gob. Hen. Polavieja ang hatol na parusang
kamatayan. Nakatakda ang pagbibitay sa Disyembre 30 na gaganapin sa Bagumbayan, Maynila kung
saan maraming tao ang makakasaksi sa pagbitay sapagkat maraming namamasyal sa pook na iyon.
Gawain 1
Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
Teniente Luis Taviel de Andrade 1. Siya ang nagsilbing manananggol o abogado ni Dr. Rizal
Gob. Hen. Camilo Polavieja 2. Pinagtibay niya ang hatol na parusang kamatayan kay Dr. Rizal
Bagumbayan, Maynila 3. Sa lugar na ito gaganapin ang pagbitay kay Dr. Rizal
|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY
Limang (5) araw. 4. Ito ang bilang ng mga araw kung kailan tumagal ang imbestigasyon kay Dr.
Rizal
95
Sr. Enrique de Alcocer y de Vaamonde 5. Siya ang itinakdang mang-uusig at maghaharap ng mga buod ng
kaso sa paglilitis kay Dr. Rizal.
Gawain 2
Sagutin ng buong husay ang mga sumusunod na katanungan.
1. Naging patas ba ang hatol ng hukom kay Dr. Rizal sa kaniyang paglilitis? Ipaliwanag.
➢ Hindi nagging pata ang hatol ng hukom kay Dr. Rizal, sapagkat
Hindi manlang hinarap sa kanya ang testigo at hindi manlang pinakinggan ang kanyang saloobi.
Sa nalalabing sandali ni Dr. Rizal ay marami pa siyang tinapos na gawain. Mababanaag ang
kahinahunan sa mukha ni Dr. Rizal, tila ‘di siya nakakaramdam ng kaba at takot.
Sunud-sunod ang mga dumalaw kay Dr. Rizal sa bilangguan, mga kamag-anak at mga naging
guro. Inalayan siya ng panalangin ng mga naging guro niya sa Ateneo at hinikayat na magbalik-loob na
sa Simbahan (ipinakalat ng mga fraile ang balitang siya’y isang erehe at pilibustero). Dinalaw din siya ng
ilang mga mamamahayag upang kapanayamin. Hindi pa din nawawaglit sa mukha ni Dr. Rizal ang
kahinahunan. Kaunting oras na lamang ang nalalabi sa buhay ni Dr. Rizal nguni’t nagawa pa niyang
sumulat ng mga liham para sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Sinulat niya ang kaniyang huling tula na
inumpisahan niya noong Disyembre 12, 1896 at tinapos na lamang nitong Disyembre 29, 1896.
96 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Disyembre 29, 1896 nang dalawin si Dr. Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Humingi ng tawad
si Dr. Rizal sa ina dahil sa lahat ng pasakit, pag-aalala, at pagsuway sa utos at bilin ng ina. Sa kanilang
pagyayakapan ay agad silang pinaghiwalay ng isang guardia civil. Isa-isa namang pinapasok sa loob ng
kanyang selda ang mga kapatid niyang babae at ibinilin sa mga ito ang kaniyan mga gamit. Ang
kanyang silyang yantok ay kaniyang ibinilin kay Narcisa. Ang kaniyang panyolito naman ay para sa
kaniyang pamagngkin na si Angelika. Kay Josefa naman ang sapatos na may nakasilid sa loob nito. At
ang huli, kay Trinidad niya iniabot ang lutuang alcohol kung saan nakalagay sa loob nito ang isang
tulang walang pamagat at tungkol sa pamamaalam ang nilalaman. Kalaunan, ang walang pamagat na
tula na ito ay nakilala bilang Mi Ultimo Adios.
Ika-30 ng Disyembre, 1896
Alas 3:00 ng umaga – si Dr. Rizal ay nakinig ng misa, nangumunyon, at nangumpisal. Pagkatapos
nito’y sumulat siya ng liham para sa pamilya at kapatid na si Paciano pagkatapos niyang mag-agahan.
Bandang 5:00 ng umaga – dumating si Josephine Bracken kasama si Josefa. Ikinasal ni Fray
Balaguer si Dr. Rizal kay Josephine sa mga nalalabing oras ni Dr. Rizal at pinagkalooban ng regalo ang
asawa ng isang aklat.
Mag-iika 6:30 ng umaga – kailangan nang magtungo ni Dr. Rizal sa Bagumbayan kasama ang
iba pa. Apat na sundalo ang nasa harapan niya, napapagitnaan siya ng kanyang abogado na si Ten.
Andrade at nina Fray March at Fray Villaclara. Nakadamit siya ng itim mula ulo hanggang paa at may
hawak na rosaryo.
Sa kabila ng kanyang nalalapit na kamatayan, mababanaag pa din ang kahinahunan sa mukha ni
Dr. Rizal. Sinuri ni Dr. Felipe Ruiz Castillo ang kaniyang pulso at namangha na kalmado si Dr. Rizal
sapagkat normal ang pintig nito. Patunay lamang na hindi kinakabahan at hindi natatakot si Dr. Rizal.
Ayon sa tala ng kasaysayan at pananaliksik, may mga kahilingan si Dr. Rizal sa kaniyang pagbitay, ito
ay ang mga sumusunod:
1. Huwag siyang patatamaan sa mukha.
2. Huwag siyang lalagyan ng piring sa mata.
3. Huwag siyang babarilin ng nakatalikod.
4. Hangga’t maaari ay huwag mga Pilipinong voluntarios ang babaril sa kanya.
5. Kalagin ang pagkakatali ng kanyang mga braso.
6. Patatamaan siya sa puso at dibdib.
7. Ibigay ang kanyang bangkay sa mga mahal niya sa buhay.
Ipinuwesto si Dr. Rizal sa isang malawak na parisukat na naliligiran ng mga sundalo. Siya ay
binasbasan ng isang prayle na kung saan ay ipinahalik sa kanya ang isang krus. Tinutulan ng isang
prayle na huwag syang barilin ng nakatalikod, sapagkat traydor o taksil lamang ang binabaril ng
nakatalikod.
97 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Handa na ang walong sundalong Pilipino na kikitil sa buhay ni Dr. Rizal, sa likod ng mga
Pilipinong sundalo na ito ay may walo namang sundalong Kastila na may dala ring baril kung sakaling di
magwang barilin ng mga sundalong Pilipino si Dr. Rizal.
Sa kabila ng isang paligid na tahimik, umalingawngaw ang tinig na nagsasabing:
“Peliton… Cargen… Apunten…”
Habang binabanggit ang mga katagang iyon ay binanggit naman ni Dr. Rizal ang mga katagang:
“Consummatum Est!”
Ibig sabihin ng mga katagang binitawan niya ay “naganap na”. Umalingawngaw naman ang tinig
na:
“Ajunte… Fuego!”
Pagkatapos mabanggit ang mga salitang iyon ay binaril na ng tuluyan si Dr. Rizal. Bumagsak ang
kanyang katawan sa lupa na nakaharap ang mukha sa dakong sinisikatan ng araw. Lumapit ang isang
kapitan kay Dr. Rizal at binaril siya sa dibdib gamit ang isang revolver upang tiyaking patay na si Dr.
Rizal.
Eksaktong 7:03 ng umaga – binawian na ng buhay si Dr. Rizal. Ang mga elite at kontra-rizal ay
nagsigawan ng katagang “Viva España! Muerte a los traidores! Viva!”
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
➢ Hindi naging makatwiran ang hatol na ibnigay kay Dr. Rizal dahil sya ay pinagplanuhan at
dinaya.
98 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
2. Bigyang Puna ang naging paninindigan ng Kastilang tumayong manananggol ni Dr. Rizal: si Luis
Taviel de Andrade paano siya naiiba sa kanyang kapwa kastila na nasa likod ng di-patas na paglilitis
na isinagawa laban kay Dr. Rizal.
Si Luis Taviel de Andrade ay isang mabuting kastila. Siya ay isang abogado hangarin nyang
ipagtanggol at bigyan ng hustisya ang mga naaapi. Ganon din Kay Dr. Jose Rizal tinulungan
nya Ito upang gawin ang tama.
3. Anu-ano ang mga pakiwari mong mga karapatan ng isang akusado o nasasakdal na hindi na ipinag-
kaloob kay Dr. Rizal?
➢ Hindi pinagkalooban si Dr. Rizal ay walang kakakayahan maipagtanggol ang kaniyang sarili.
Ang Labi ni Dr. Rizal Makaraan ang Pagbitay at ang Kanyang Bantayog
Sa araling ito, tatalakayin ang iba pang mga kaganapan matapos mamatay si Dr. Rizal mula sa
hatol ng inhustisya. Mga kaganapang may kinalaman sa mga pangyayari sa kaniyang labi ang
pagtutuunan ng pansin.
Naipaliliwanag ang mga kaganapan matapos ang naging pagbitay kay Dr.
Rizal;
Natatalakay ang mga di makataong sinapit ng labi ni Dr. Rizal; at
Nasusuri ang kahalagahan ng kanyang bantayog sa iba’t ibang panig ng
mundo.
Isang bagay na ikinababahala ng mga Kastila ay ang pagiging bantog ni Dr. Rizal, kaya minarapat
nilang itago mula sa awtoridad ang kaniyang bangkay maging sa kaniyang pamilya. Inilibing nila sa isang
sementeryo sa Paco, Maynila ang kanyang bangkay. Itinago nila ang bangkay baka sakaling nakawin ito
ng mga Katipunero at gamiting propaganda sa paghihimagsik.
99 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Nang nabubuhay pa ang bayani ay hiniling niya sa kanyang ina na hingin agad mula sa
awtoridad ang kaniyang bangkay, ngunit bigo ang kanyang ina. Ang kanyang kapatid na si Narcisa
naman ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pagkasabwat sa isang guardia civil upang malaman
ang lugar na kinahihimlayan ng labi ni Dr. Rizal. Nalaman na lang nila ang bangkay ay nakalibing sa
isag sementeryo sa Paco, Maynila at may tanda na nakalagay na R. P. J. na baliktad na inisyal nga
pangalan ni Dr. Rizal.
Agosto 17, 1898 – naipalibing ng pamilya Rizal ang bangkay ni Dr. Rizal sa disenteng
pamamaraan. Nang kukunin ang bangkay niya sa sementeryo sa Paco, napag-alamang inilibing si Dr.
Rizal ng walang kabaong at tila hinagis ang kanyang bangkay na pabaliktad. Natagpuan nila itong buto
na agad at inilagak sa tahanan ng kanyang ina.
Ang kaniyang pangalan ay isinama sa mga binitay noong Enero 11, 1897 kasama ang tatlo pang
miyembro ng La Liga Filipina. Hanggang sa kamatayan ay binalot nila sa kasinungalingan si Dr. Rizal.
Disyembre 30, 1912 – ang bangkay ni
Dr. Rizal ay inilipat sa Bagumbayan kung
saan sya binaril. Dito siya pormal na
inalayan ng bantayog dahil sa kaniyang
kabayanihan. Ang kaniyang buto ay nasa
loob ng monumento na idinisenyo
ni Richard Kissling. Ang disenyo ng
monument ni Kissling ang siyang nagwagi
sa patimpalak ng mga arkitekto na gagawa
100 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
ng monumento ni Dr. Rizal, ito rin ang naging opisyal na disenyo ng mga matatayog na monumento ni
Rizal sa iba’t ibang panig ng mundo.
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ipaliwanag bakit kinailangan pang ipagkait ng mga kastila sa pamilya ni Dr. Rizal ang kanyang labi?
➢ ang bangkay ay kanilamg itinago baka sakaling nakawin ito ng mga Katipunero at gamiting
propaganda
sa paghihimagsik.
2. Papaano hinarap ni Dr. Rizal ang lahat ng panggigipit na dinanas niya mula sa kamay ng mga
Kastila?
➢ Tinanggap niya lhat ng hatol para sa kanya nang buong buo. At pinakita nya ang kanyang
paggiging matapang.
101 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
3. Sa iyong palagay, sapat na ba ang bantayog sa Maynila upang ihayag at alalahanin ang kaniyang
kadakilaan? Ipaliwanag.
➢ Para sa akin ay hindi pa sapat, dahil may iilan pa rin na Hindi sila kilala Kaya marapat na pag
aralan at bigyang halaga Ito.
Gawain 2
Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at isulat naman ang Mali kung ito’y hindi
wasto.
HULING PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat patlang
bago ang mga bilang.
C 1. Ito ay isang bayan sa Mindanao kung saan nanatili si Dr. Rizal bilang isang bilanggo. a.
Basilan
b. Sulu
c. Dapitan
d. Butuan
D 2. Siya ang gobernador-heneral na namumuno sa Pilipinas sa panahong binaril si Dr. Rizal sa
Bagumbayan.
a. Gob. Hen. Ramon Blanco
b. Gob. Hen. Narciso Claveria
c. Gob. Hen. Valeriano Weyler
102 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
103 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
A 9. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na kalauna’y naging asawa niya. a.
Josephine Bracken
b. Leonor Rivera
c. Gertrude Beckett
d. Seiko Usui
C 10. Ito ang halaga ng buwanang bayad sa mga kasapi ng La Liga Filipina.
a. Limang (5) piso
b. Pitong (7) piso
c. Sampung (10) piso
d. Labinlimang (15) piso
B 11. Sa pagpupulong ng mga kasapi ng La Liga, siya ang nahalal na Pangulo ng samahan.
a. Jose Rizal
b. Ambrosio Salvador
c. Deodato Arellano
d. Teodoro Plata
A 12. Ito ang lugar sa Maynila kung saan unang inilibing si Dr. Rizal.
a. Paco, Maynila
b. Tondo, Maynila
c. Pandacan, Maynila
d. Sampaloc, Maynila
B 13. Siya ang dumalaw kay Dr. Rizal sa Dapitan upang ihayag ang plano ng Katipunan at ipabatid
ang plano nyang pagtakas kay Dr. Rizal.
a. Ferdinand Blumentritt
b. Pio Valenzuela
c. Padre Mariano Gomez
d. Andres Bonifacio
D 14. Ito ang petsa ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.
a. Disyembre 30, 1893
b. Disyembre 30, 1894
c. Disyembre 30, 1895
d. Disyembre 30, 1896
104 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
C 15. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na kaniyang niletrahan sa Dpitan. a.
Doctrina Cristiana
b. Pasiong Mahal ni JesuKristo
c. Himno Al Talisai
d. Dasalan at Tocsohan
C 16. Siya ang Gobernador-Heneral na namuno sa Pilipinas sa panahong muling bumalik sa bansa si
Dr. Rizal.
a. Gob. Hen. Narciso Claveria y Zaldua
b. Gob. Hen. Carlos Maria Dela Torre
c. Gob. Hen. Eulogio Despujol
d. Gob. Hen. Rafael Izquierdo
D 17. Sa lugar na ito unang naitayo ang pinakaunang monumento ni Dr. Rizal.
a. Bagumbayan, Maynila
b. Madrid, Spain
c. Calamba, Laguna
d. Daet, Camarines Norte
B 18. Ito ang bilang ng taon na inilagi ni Dr. Rizal sa Dapitan. a. Tatlo
b. Apat
c. Lima
d. Anim
C 19. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagpapatapon kay Dr. Rizal sa Dapitan
maliban sa isa:
a. Naglathala si Rizal ng mga babasahin na naglalaman ng pagtutol sa Simbahan.
b. Ang El Fili niyang nobela na inialay sa GomBurZa ay nagpasama sa imahe ng Simbahan sa
Pilipinas.
c. Ang kaniyang personal na isyu laban kay Gob. Hen. Despujol.
d. Mga babasahing natuklasan sa kanyang mga dala-dalahan.
B 20. Siya ang misyonero ng Dapitan sa panahon ng pagkakabilanggo ni Dr. Rizal sa bayan.
a. Padre Pablo Pastells
b. Padre Antonio Obach
c. Padre Rufino Pascual
d. Padre Andres de Urdaneta
105 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
106 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Pambungad na Salita
Alam ng lahat maliban sa pagiging Pambansang Bayani ni Jose Rizal ay marami siyang
kakayahan at talento. Isa rito ay ang talento niya sa pagsusulat. Marami siyang nagawang mga nobela,
tula, sanaysay at liham na nakapagbigay inspirasyon sa mga kabataan upang tularan ang kanyang mga
kaisipan. Ang mga akda niya ay naging daan upang ang mga Pilipino ay magising at maimpluwensiyahan
ang kanilang kamalayan upang lumaban at ipangtanggol ang ating bayan laban sa mga mapanakop na
Espanyol.
Ang pagtalakay sa mga ito ay isang paraan upang mapaunlad at mapayaman ang kaisipan ng
bawat mag-aaral sa kasanayan sa pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at pananaw sa buhay.
Mga Paksa
A. Nobela
Noli Me Tangere
Mga Tala sa pagkakasulat ng Nobela
Ideya ng pagkakasulat
Pagsusuri sa mga Teoryang pampanitikan Buod
ng Noli
El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo at ang paralelismo nito sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Pagsusuri gamit ang iba’t-ibang Teoryang pampanitikan Buod
ng el Filibusterismo
B. Liham
Liham sa Kadalagahan ng Malolos
C. Sanaysay
Ang Pilipinas sa loob ng Isang Daang Taon (Filipinas Dentro de Cien Años)
Pag-ibig sa tinubuang Lupa
Ang Katamaran ng mga Pilipino (Sobre la Indolencia de los Filipinos)
Takdang Oras
Siyam na Oras (9 hours)
107 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Subukin
I. Panuto. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Ang nobelang Noli Me Tangere ang naglantad ng tunay na kalagayan ng Pilipinas noong
panahon ng kastila.
2. Ang nobelang El Filibusterismo ay isang pampulitika, na naglalarawan ng mga
pangyayaring nagmulat sa mga Pilipino upang maging kaaway ng pamahalaan at simbahan.
3. Ang obra maestra ni Rizal na nagpapakita ng matinding pagmamahal sa mga Pilipino at sa
bayan ay ang tulang Huling Paalam .
4. Ang sanaysay na Katamaran ng mga Pilipino (Sobre la indolencia delas Filipinas isang
matalino’t makatwirang tugon ni Rizal sa mga kastila na ang mga Pilipinong’y hindi tamad.
5. Ang sanaysay na Ang Pilipinas sa loob ng isang daang Taon (Islas Filipinas dentro de cien
años ay nagsasaad ng panghuhulang darating ang araw na ang mga Pilipino’y maghihimagsik
laban sa mga kastila at magiging Malaya.
II. Sagutin ang mga sumusunod.Ipaliwanag sa 2-4 na pangungusap ang bawat tanong.
1. Anu-anong sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ang binanggit ni Rizal sa kanyang sanysay?
➢ ang naging sanhi ay ang klima sa pilipinas, may mga pilipinong nahihirapan
➢ gumawa ng kanilang gawain dahil sa init ng araw. Isa pang dahilan ay ang pagsakop ng
kastila sa pilipinas.
➢ Anu-ano ang mga bagay na nakaimpluwensya kay Rizal upang sulatin ang kanyang mga
akda na nagbigay buhay sa kanya?
➢ Mula sa nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante, maramda min sa mga
insulto, at galante sa kababaihan. Mula sa kanyang ama, minana niya ang tunay na
NOLI ME TANGERE
Mga tala sa pagkakasulat ng nobela
Ang Noli Me Tangere ay hinango ni Rizal sa Bibliya, ayon sa kanyang liham kay Resurrecion
Hidalgo. Ang kahulugan nito ay “huwag mo akong salingin”. Pinapahiwatig nito na “hindi dapat
hawakan”. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga bagay na kahit sarili natin ay hindi maipaliwanag
hanggang sa ngayon. Ito ay sadyang delikado kaya hindi dapat hawakan ng kahit sino. Isinasalaysay ko
sa magandang kondisyon, pati na rin ang buhay, ang paniniwala, pag-asa at kapayapaan nito ayon kay
Rizal.
Ideya ng pagsulat ng Nobela
Sa Pagbabasa ni Rizal ng Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglalarawan ng
brutalidad ng Amerika na naging alipin noon ang mga Amerikanong Negro. Nadama niya ang naging
katayuang panlipunan ng mga Pilipino sa Pilipinas, at ang mga kalupitang nagawa sa lipunang Pilipino
ng mga kastila, na kahawig ng buhay ng mga aliping Negro sa aklat.
Ang aklat na iyon, na nag-udyok sa kanya ng mithiing ipakita ang larawan ng lipunang Pilipino sa
isang nobela, ito ay nabasa nya habang nag-aaral sa Universidad Central de Madrid, at ito ay
iminungkahi niya sa kanyang mga kaibigan na sina Graciano Lopez Jaena, Evariste Aguirre, Eduardo
de lete, Julio Llorrente, Valentin Ventura at mga paterno (Pedro, maximo at Antonio) na magsulat ng
nobela. Umayon ang mga ito at nangako na magbibigay ng kontribusyong artikulo sa aklat, ngunit nauwi
sa wala ang mga plano at mag isang nagpatuloy si Rizal sa pagsusulat.
At bago matapos ang taong 1884, pinasimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa Madrid, at
doon ay natapos niyang sulatin ang kalahati ng unang bahagi ng aklat. Magtatapos na ang 1884 nang
makatapos siya ng pag –aaral sa Madrid, at siya’y tumungo sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pagsulat,
haggang sa matapos niya ang kalahati ng ikalawang bahagi ng aklat. Sa Alemanya na niya tinapos ang
huling ikaapat na bahagi ng nobela.
Sa Espanya nakaranas ng paghihirap si Rizal, nagkasakit siya dahil sa sobrang lamig at
kakulangan ng nutrisyun dahil sa hindi sapat ang kinakain, ngunit hindi naging hadlang sa kanya ang
paghihirap ipinagpatuloy parin ang pagsusulat sa nobela.
109 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Lahat ng panganib at kapaguran ay hinarap ni Rizal upang kanyang ihandog sa kanyang Inang
bayan. Ang sabi nya: “Sa paghahangad ko ng iyong kagalingan at paghahanap ng pinakamabuting
lunas, gagawin ko ang ginagawa ng mga tao noong lumang panahon sa mga maysakit: itinambad sa
mga baiting ng templo upang ang sino mang dumalangin doon, ay makapaghahatol sa kanila ng lunas”.
Ang kanyang bayan, ayon sa kanya, ay may kanser na panlipunan na kailangan niyang ibilad, sa
templo ng sambayanang Pilipino. At ipinangako niya: ..sisikapin kong maikintal ang iyong kalagayan
nang buong katapatan, nang walang itinatanggi; itatakas ko ang lambong na nagtatago sa kalinisan, na
ipinagpapakasakit ang lahat sa katotohanan, maging ang pag-ibig sa sarili, sapagkat bilang anak, talos
kong ako man ay may sarili ring pagkukulang at katuwaan.
Sa kahirapan ni Rizal sa Espanya ay nawalan ng pera para ipalimbag ang nobela, buti nalang
isang kaibigan niyang tiga Bulakan ang tumulong sa kanya at nagpadala ng telegrama na siya ay
darating sa Berlin. Ang kaibigan niyang si Dr. Maximo Viola ang nagpahiram ng halagang P300 para sa
pagpapalimbag ng Nobela.
Noong Marso 29, 1887, sa Berlin, ang unang 2,000 sipi ng aklat ay nalimbag, na siyang naging
simula ng paggising sa damdamin ng lipunan ng sambayanang Pilipino.
Iba’t ibang teoryang pampanitikan at mga karakter sa Noli
Pormalismo
Ang teoryang pormalismo ay malimit gamitin upang mabasag ang mga komplikadong detalye ng
isang nobela at maisalarawan ito gamit ang mga sumusunod na aspeto: Banghay, Tauhan, Genre, at
Lugar at Panahon (Setting).
Magagamit ang teoryang Pormalismo upang mailarawan ang naging takbo ng mga yugto ng
nobela at para maitangi ang daloy ng nobela sa mas madali at malinaw na paraan. Para sa nobelang
Noli Me Tangere, magagamit ang pormalistikong pamamaraan ng pag-aanalisa sa pagbabaklas ng mga
teknikal na aspeto ng nobela katulad ng sumusunod.
Genre – Romansa – Trahedya
Lugar at Panahon – Ika labing siyam na Siglo, Pilipinas
Mga Tauhan
Ang Noli Me Tangere ay lipunang Pilipino na sumasaklaw halos ng sampung taon, ayon kay
Rizal, hindi katakatakang ang mga tauhan doon ay may tunay na nilikhang nabubuhay noon sa lipunan.
Sa nobelang ito, si Rizal ay nasa katauhan nina Crisostomo Ibarra at Elias. Si Maria Clara ay si Leonor
Rivera. Si Pilisopo Tasyo ay si Paciano, matandang kapatid ni Rizal, ngunit ayon kay Antonio Rigidor sa
kanyang sulat kay Rizal, ang matandang Pilosopo ay ang mga kababayang nabuwal sa dilim ng gabi na
kinabibilangan ni Francisco Rodriguez, isang katauhan na kilala ni Rizal. Si Padre Salvi ay si Padre
Antonio Piernavieja, ang kinapopootang Paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga rebolusyonaryo.
Si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico ng San Nicolas, si Donya Victorina ay si Donya Agustin
Medel at sina Basilio at Crispin ay ang magkakapatid na Crisistomo ng Hagonoy, Bulacan.
110 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
111 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
112 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Mabilis siyang naitulak ni Elias at sa halip ang taong dilaw ang siyang nabagsakan. Pagkatapos
ng pagdiriwang at pagbabasbas, nagkaroon ng salu-salo sa ilalim ng kiosko. Sa pagkakataong
ito ay hinamak ni Padre Damaso ang gunita ng ama ni Ibarra; hindi natagalan ni Ibarra ang
ganitong paghamak kaya’t siniil ng binata ang pari, at sa pamamagitan ng isang kutsilyong
nakuha sa hapag-kainan ay halos baliw nang tatarakan si Padre Damaso kung hindi namagitan
si Maria Clara.
Nagbunga ito sa pagkapatid ng pagmamahalan nila Ibarra at Maria Clara at ng pagkakatiwalag
ni Ibarra sa simbahang Katoliko. Si Maria Clara ay nagkasakit din dahil sa pangyayaring ito.
Nilakad ni Ibarra sa Maynila na mapawalang-bisa ang pagkatiwalag sa kaniya sa simbahang
Katoliko at sa tulong ng Kapitan Heneral ay pinatawan na rin ng Arsobispo si Ibarra at pinabalik
at tinanggap muli sa simbahan. Hindi naglubay ang mga kaaway ni Ibarra sa pagwawasak sa
kaniya. Nagpakana sila ng pagsalakay sa tanggulan ng guwardiya sibil, at yaon ay ipinaalam
nila sa alperes. Sa mga nagaalsa, ang ipinababatid nilang utak ay si Ibarra. Kung kaya’t iyong
huli ay dinakip at binilanggo. Mapapawalang-sala na sana siya kung hindi lamang sa sulat na
ipinadala niya kay Maria Clara na wala rin namang kinalaman sa pagsalakay ngunit naging
dahilan pa rin ng kaniyang pagkadiin.
Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Sa huling pagkakataon ay nakipagkita siya sa katipan.
Sinumbatan niya ito tungkol sa mga sulat. Sinabi naman ni Maria Clara na ibinigay lamang niya
ang mga ito upang ibalik ni Padre Salvi ang mga sulat sa kaniyang ina na kung saan nakalagat
na ang tunay na ama niya ay si Padre Damaso. Sinabi rin ng dalaga na pakakasal man siya kay
Linares ay si Ibarra pa rin ang mahal niya. Gagawin lamang niya ito upang ipagtanggol ang
dangal ng ina. Nagpatuloy na sina Elias at Ibarra sa pagtakas. Ngunit napansin nilang tinutugis
sila ng humahabol sa guwardiya sibil. Inutusan ni Elias si Ibarra na magtago sa ilalim ng mga
damo sa loob ng bangka. Upang mailigaw ang mga humahabol at lumundag si Elias sa tubig.
Pinaputukan siya hanggang sa mawala ang hawi ng tubig na nababakasan ng kaniyang
paglangoy.
Dahil inakala ni Maria Clara na patay na patay na si Ibarra ay hiniling niya kay Padre Damaso na
ipasok siya sa kumbento kung hindi ay magpapakamatay siya. Dahil dito ay pumayag ang pari.
Si Ibarra naman at nakatakas at walang naka-alam kung saan siya napadpad. Samantalang
nakasapit si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at halos naghihingalo na. Doon niya
natagpuan si Basilio na umiiyak sa tabi ng bangkay ni Sisa, ang kaniyang ina. Inihayag ni Elias
sa bata na pagkalipas ng panahon maghukay siya at makikita niya ang kayamanan. Ito ang
kukunin niya upang mag-aral. Ang yamang ito ay pag-aari at salapi ni Ibarra, Iniutos din ni Elias
na ang bangkay ng kaniyang inang si Sisa at ang kaniyang bangkay ay sunugin. Bisperas ng
Pasko noon, at sa kabilugan ng buwan, habang unti-unting tumatakas ang buhay, si Elias ay
humarap sa silangan at umusal: “Mamamatay akong di man nakikita ang ningning ng bukang-
liwayway sa aking bayan! Kayong mga nangabulid sa dilim ng gabi.”
Feminismo
Ang Feminismo ay isang teoryang nagbibigay diin sa mga karanasan na dinadanas ng isang
babae nagmumula sa kanyang paligid at kulturang pinamumunuan patriyarkal na kaisipan. Sa teoryang
113 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
ito, tinitingnan ang kalagayan isang babaeng karakter; ang kanyang pagkababae, pagkatao, at
gampanin sa lipunan bilang isang babae. Ang isang feministang kritisismo ay masasabing
“pamamaraan ng malalim at mahimay na diskursong nakatuon sa itinakda ng kultura na kaibhan ng
kasarian pagdating sa interpretasyon ng mga akdang pampanitikan.”. Sa madaling sabi, nilalayon ng
feministang kritisismo ang paghimay sa nilalaman ng isang panitikan sa pamamagitan ng paglalarawan
ng kaanohan ng isang babae sa partikular na panitikang iyon.
Gamit ang perspektibong feminista, maaring himayin ang nilalaman ng Noli Me Tangere base sa
mga katangian at kaganapan ng mga babaeng tauhan sa nobela.
Sa pamamagitan ng Feminismo maaring maisalarawan ang mga sumusunod na babaeng tauhan ng
nobela.
114 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Marxismo
Ang pananaw marxismo ay isang pagsusuring pilosopikal at pampanitikan na karaniwang
nakatuon sa pagtutunggaliang nag uugat sa pagitan ng mga naghaharing uri (bourgeois) at ng mga
115 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
pangkaraniwang uri (proletariat). Gamit ang pananaw na ito, maaring mas maintindihan ang layunin ng
nobelang Noli Me Tangere sapagkat mabisang mailalarawan ang mga tunggaliang nangyari sa nobela.
Sa pamamagitan ng pananaw na Marxismo ang mga tunggalian na naganap sa Nobelang Noli
Me Tangere ay maaring ilarawan gamit ang sumusunod:
116 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
117 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
118 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
119 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Gawain II
A. Pagkilala sa mga karakter na kababaihan sa nobela (batay sa Perspektibong
Peminismo) kilalanin ang mga nabanggit na karakter na kababaihan sa nobela at
ihambing ang mga ito sa maaring maging katumbas nila sa kasalukuyang panahon sa
pamamagitan ng pagpupuno ng mga kailangang detalye o impormasyon ang mga puwang
sa talahanayan.
2. Sisa Mapagmahal
Isang magandang Mahina ang Siya ay isang taong
dalagang Pilipinang Loob sobra sobra kung
nasadlak sa magmahal sa
kahirapan at kaniyang pamilya
kawalan ng na
hustisya. hindi nya na
naiingatan ang
kaniyang
3. Donya Victorina
Tagapag-silbi ang Mapagmahal sarili.
dati niyang trabaho. Mainisin,
Ngunit naging na asawa Mapagbalat –
malaki ang Isang Pilipinang
kayo, puno ng
impluwensiya ng lubos na iniidolo ang
mga Kastila sa pagkukunwari mga Kastila.
kanyang karakter at at
pamamaraan ng kasinungaling
pamumuhay. an, mapang –
Madalas siyang
alipusta,
manigarilyo ng
inggitera, may
tabako at madalas
120 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
121 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Gawain II
B. Pagkilala sa mga karakter na kalalakihan na gumanap sa nobela,
mapusok sa
4. Kapitan Tiago Siya ang Masipag
1. Don Rafael Anak ni Don
sa nagsilbing ama ni kaniyang
Ibara pananalita,
Saturnino Ibarra at trabaho Anong mga Maaring maging
positibong katumbas nila sa katangian
Isa sa mga mayaman na tao nila ang kasalukuyang nagbigay sa iyo
122 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
5. Elias Siya ang tumulong Matapang, Matatag May pagmamahal Siya ang
kay Crisostomo sa bayan,May sumisimbolo sa
Ibarra para mga taong
malasakit sa
makilala ang walang pakialam
kanyang bayan at Kupuwa sa iniisip ng iba.
gayundin ang
suliranin nit
123 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
EL FILIBUSTERISMO
Ang El Filibusterismo at ang paralelismo nito sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli
Me Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa
kaparehong taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela.
Samantala, ipinagpatuloy naman niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at
Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-ibang lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya
ang kaniyang mga nobela. Para sa una niyang nobelang Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may
kinalaman sa kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon. Para sa
ikalawang nobela niya ay patungkol sa pang aabuso at maling pamamalakad sa pamahalaan ng mga
kastila. Samantala, mula sa Biarritz, Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang
nobela ay lumipat naman siya sa Ghent, Belgium dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay
Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga oras na iyon, at (2) higit na mababa ang halaga ng
palimbagan sa nasabing lugar. Noong matapos maisulat ni Dr. Rizal ang ikalawang nobela ay
nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang nobela. Subalit sa hindi
magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na
namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa
kaniyang mga alahas. Muli na naman siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit
natalagan bago dumating kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y
nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal, tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli
Me Tangere, ay dumating ang salaping kailangan ni Dr. Rizal mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan
na si Valentin Ventura na noo’y nasa Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr.
Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.
124 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Rizal dahil sa kwento sa kanya ng kanyang kuya na si Paciano. Kahit maraming taon na ang lumipas,
ay
125 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng
nobelang El Filibusterismo.
Sa ipinakita ni Jose Rizal sa El Filibusterismo na naging kalagayan ng Pilipinas, hanggang sa
kasalukuyang lipunang Pilipino ay masasalamin pa rin ang mga di kanais-nais na lipunang kastila.
Katulad lamang ng kabulukan ng Sistema ng pulitika sa bansa na kabi-kabilang korupsyon. Katumbas
ito ng mga pagkakamkam ng mga lupa at iba pang di mabuting paggamit ng kapangyarihan ng mga
prayle. Ngayon din ay ginagawa ng mga pulitiko kahit na ngayon na may kinakaharap na pandemya ang
bansa. Nananalaytay na sa mga ugat nating mga Pilipino ang mga masasamang ugali na naitanim sa
atin ng mga kastila. Gayundin, ang impluwensiya ng simbahan ay hindi pa rin natatanggal at kung
uugatin ay babalik sa panahon ng mga kastila. May kanser pa rin ang ating lipunan haggang sa
kasalukuyang panahon. Ibang klase nga lamang ito dahil ito ay komplikasyon nalang ng dating kanser
noong panahon ng kastila ngunit mas malala dahil nagdulot pa ito ng ibang sakit. Ang kanser ng
kahirapan na komplikasyon ng kabikabilang korapsyon sa gobyerno at hindi mahusay na pamamahala.
Pagsusuri gamit ang iba’t ibang teoryang pampanitikan
Pormalismo
Gamit ang pormalismo, maaring himayin ang nobelang El Filibusterismo gamit ang
mga sumusunod na aspeto: Genre – Drama - Trahedya
Lugar at Panahon – Ika labing siyam na Siglo, Pilipinas
Mga Tauhan
Simuon – ang makapangyarihang mangangalakal.
Basilio – ang binatang nag-aral ng medisina at kasinatahan ni Juli.
Juli – ang pumili ng kamatayan huwag lamang madungisan ang karangalan.
Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita Gomez.
Kabesang Tales – ang inagawan ng lupa ng mga pari sa Tiani at naging kalaban ng pamahalaan
sa ilalim ng sagisag na Matanglawin.
Padre Florentino – ang matalinong paring Filipino.
Padre Camora – ang mapanganib na kura.
Sandoval – ang estudyanteng Kastila na kaisa ng mga mag-aaral na Pilipino na nagnanais na magaral
ng Kastila.
Makaraig – ang puno ng mag-aaral na Pilipino.
Padre Millon – ang dominikanong magtuturo ng Pisika na walang mga instrumento sa Pamantasan
ng Santo Tomas.
Juanito Pelaez – ang naging kaagaw ni Isagani sa pag-ibig ni Paulita Gomez.
Placido Penitente – ang matalinong estudyanteng taga-Batangas na lubhang sumusumpa sa
makalumang pamamaraan ng pagtuturo ng panahong iyon. Kabesang Andang – ang ina ni
Placido Penitente Don Timoteo – ang ama ni Juanito Pelaez.
Padre Fernandez – ang dominikanong paring kaibigan ni Isagani.
Señor Pasta – ang abogadong Pilipino na ayaw tumulong sa mga kabataan sa paghiling sa
pamahalaan ng ilang pagbabago.
Tano – ang kapatid ni Juli.
121 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Ang nobela ay nagsisimula sa eksena sa ilog-Pasig at dito’y ang bapor Tabo ay patungo
sa Laguna. Lulan nito ang matataas na pinuno ng pamahalaan, mga prayle, si Isagani, si Basilio,
ilang indio, mangangalakal na Intsik at mga estudyanteng pauwi na buhat sa Maynila.
Lulan din nito ang mag-aalahas na si Simon na hindi alam ng lahat ay si Ibarra.
Nanggaling siya sa Cuba bilang isang kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral. Nagbalik sila sa
Pilipinas sa tulong ng mayamang mangangalakal na Intsik na si Quiroga upang sagipin si Maria
Clara sa Kumbento sa Sta. Clara at upang maghiganti sa pamamagitan ng paghihimagsik dahil
sa mga kahirapang dinanas sa kamay ng mga makapangyarihang Kastila. Ginamit niya ang
kanyang kayamanan upang pasamain lalo ang pamahalaan sa mata ng mga mamamayan
upang hikayatin ang pamahalaan na apihin ang mga Pilipino nang sa gayon ay mag-alsa ang
mga tao laban sa Espanya. Upang maisagawa ang kaniyang balak, kinaibigan niya ang mga
makapangyarihan at nasa posisyon sa pamahalaan. Hinikayat niya ang mga opisyal at mga
prayle sa di-mabuting pamamahala ng bayan upang magalit sa kanila ang mga tao. Inayunan
niya ang pagpapairal ng mga batas na magdudulot ng kahirapan at pagka-aba ng mga tao nang
makapaghanda sa isang madugong rebolusyon. Sa kabilang dako, lihim na nakipagsundo si
Simuon sa mga taong naging biktima ng kabuktutan at paghamak sa mga Kastila na
maghimagsik laban sa pamahalaan.
Sa isang matandang sementeryo ang katagpo sina Simuon at Basilio. Nandoon si
Simuon dahil sa ibinaon niyang kayamanan, samantalang si Basilio nama’y upang dumalaw sa
ina. Nakilala ni Basilio si Simuon, at babarilin sana siya ng huli pero naisip nito na sumama sa
kaniyang balak na paghihimagsik. Tumanggi ang binata kaya hiniling na lamang sa kaniya ni
Simuon na ipaglihim ang katauhan niya at kung kailangan siya nito at sinabi kung saan siya
matatagpuan.
Minsan nagsamasama ang mga estudyante sa isang pansiteryang Intsik bilang
panunudyo sa pagbibigay ng pahintulot ng pamahalaan sa pagtatag ng Akademyang Espanyol.
Minasama ito ng mga Kastila at sila ay hinuli. Nakasama rito si Basilio. Sa tulong ni Simuon, si
Basilio ay pinakawalan na rin sa bilangguan. Dahil dito napapayag na rin ang binata na sumali
sa rebolusyon.
Ang nakatakdang gagawin niya ay pangunahan ang maghihimagsik sa pagsalakay sa
kumbento sa Sta. Clara at sagipin si Maria Clara, subali’t ipinabatid ni Basilio kay Simuon na huli
na ang lahat sapagkat patay na si Maria Clara. Natulig si Simuon sa narinig niyang magbigay ng
hudyat upang simulan ang pag-aalsa. Nagkasakit si Simuon ng ilang buwan kaya ang unang
tangkang rebolusyon ay naging bigo. Nang siya’y gumaling na, madali niyang naisaayos ang
pagsira sa pamahalaan ng Kastila.
122 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Sa piging ng pag-iisang dibdib nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez, nagpadala si Simuon ng
isang regalo para sa bagong kasal. Ito ay isang lampara na may lamang pampasabog. Sa
kanilang pakana, sasabog ang buong bahay pati na ang mga opisyal ng pamahalaan at mga
prayle na nandoroon. Sina Basilio at Simuon lamang ang nakakaalam nito. Ito ang magiging
hudyat ng sabay-sabay na pagsabog ng lahat ng mga gusali ng pamahalaan sa Maynila ng mga
tauhan ni Simuon.
Dumating si Simuon sa tahanan ng bagong kasal na dala ang lampara. Si Basilio ay nasa
lansangan habang pinanonood ang pagpanhik ni Simuon sa hagdanan. Ang Gobernador
Heneral ay nakaupo sa kabisera ng pangunahing mesa, at ang lahat ng mga pinuno ay
nakapaligid sa kanya. Samantala, si Isagani, ang tinanggihang mangingibig ni Paulita ay naroon
sa labas at nanonood. Inilagay ni Simuon ang lampara sa gitna ng mesa, sinindihan at lumabas
ng bahay. Nasa ganitong kalagayan nang pagsabihan ni Basilio si Isagani na madaling lumayo
roon dahil sasabog na ang lampara. Nang mabatid ni Isagani naisip niyang mamamatay si
Paulita kaya kinuha niya ang lampara at itinapon sa ilog. Dahil dito, nabigo na naman ang
himagsikan.
Dahil sa pangyayaring ito, ang balak ni Simuon na mag-alsa ang bayan sa pamahalaan
ay natuklasan siya ng mga opisyal pero nakatakas siya. Dala-dala ang kaniyang kayamanan,
nagtungo siya sa tahanan ni Padre Florentino sa malayong lugar sa tabi ng dagat. Napag-
alaman ng guwardiya sibil na si Simuon ay nasa bahay ni Padre Florentino. Iniutos ni Tenyente
Perez na dakpin si Simuon ngunit ito’y uminom ng lason. Sa banig ng kamatayan, ikinumpisal ni
Simuon kay Padre Florentino ang tunay niyang katauham at ang kaniyang mga balak na
paghihiganti sa pamahalaan sa pamamagitan ng kaniyang salapi. Sinabi pa niyang balak niyang
sirain ang kaniyang mga kaaway at kaibigan upang matupad ang kaniyang hangaring makasarili.
Inalo ni Padre Florentino si Simuon at sinabi niyang ang Diyos ay mapagpapatawad sa kaniya.
Namatay si Simuon sa harapan ni Padre Florentino. Kinuha ng pari ang kaban ng yaman na
naiwan ni Simuon, nagtungo siya sa tabi ng dagat at dito itinapon ang kaban ng yaman upang
huwag nang magamit pang muli sa kasamaan.
Naturalismo
Sa teoryang Naturalismo binibigyang-patunay na ang buhay ay tila isang madilim, mabangis na
lungsod at walang awang kagubatan. Ipinakikita rin ng manunulat nito ang mga kasuklam-suklam na
mga pangyayari. Gamit ang teoryang ito, nagpapahiwatig ang manunulat na walang lugar ang pag asa,
moralidad, katarungan, at pagbabago sa mundo dahil ito ay isa lamang masukal na kagubatan.
123 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Marxismo
Ang Marxismong pananaw ay lutang na lutang sa nobelang El Filibusterismo kaysa sa Noli Me Tangere.
Sa pananaw na ito, tinitingnan at sinusuri ang mga tungaliang nagaganap sa isang nobela lalo na ang
mga simbolismong nagpapakita ng sistemang mapang-api at nag-aalis ng pagkatao ng mga tauhan sa
124 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
isang nobela. Ang El Filibusterismo ay nag uumapaw sa mga alegoryang tumutumbok sa marxsitang
pananaw tulad ng mga sumusunod:
Simbolismo Interpretasyon
Bapor Tabo Nagpapakita ng pagkakahiwa-hiwalay ng uri ng tao base sa
kanilang kalagayan sa lipunan. Mga taong makapangyarihan
(Peninsulares, Insulares, Kawani ng Pamahalaan, mga May ari ng
Lupa, at mga Fraile) na mga nag-uusap sa may itaas ng bapor,
mga panggitnang uri (mga mestizo, mag aaral, pangkaraniwang
tao) na nasa loob ng bapor, at mga mababang uri (Indio) na
nagbubuwis buhay sa pagsasagwan para sa bapor.
Pagtatalo sa pagtuturo ng Nagpapakita ito ng dalawang kaisipang nagbabanggaan. Una, ay
wikang kastila ang puntong kapag natuto ang mga Pilipino ng kastila ay
magiging kapantay na sila ng mga kastila. Pangalawa, ay ang
paggamit ng wikang kastila ang kikitil sa pagkatao ng mga Pilipino
na lalong magbubunga sa kanilang pagka-alipin
Panghihimok ng Nagpapamalas ng kaisipan na hindi maaring mabago ang lipunan
himagsikan kung hindi magkakaroon ng isang armadong himagsikan.
Binibigyang diin dito na ang sistema ay hindi uunlad bagkus ay
lalong lalala lamang para sa mga taong nasa ibaba nito, kaya
kailangang baguhin ito gamit ang isang marahas na pag-aalsa.
Paghihiganti ni Kabesang Naglalahad na ang isang taong matuwid ay hindi maaring
Tales magwagi sa isang sistema na kung saan langit at lupa ang
pinagkaiba ng nasa mataas/gitnang uri (bourgeois) at ng
nakakababang uri (proletariat). Nagpapahiwatig ito na ang
katarungan ay maaari lamang makamtan gamit ang sariling
kamay, at kailangang itakwil ang buong sistema para lamang
maatim ito.
Paglalatag ng Ang pagpapakita ng angking kayamanan ni Simoun ay maituturing
klayamanan ni Simoun na alegorya sa kung paano pinapatakbo ng salapi/kapangyarihan
kay kabesang Tales ang mundo. Na kung wala ang isang tao nito, wala siyang
matatamasang katarungan pagka’t ito ay para lamang sa mga
taong nasa mataas na katayuan ng isang sistemang mapaniil.
Gawain I
Pagsusuri sa Nobela : El Filibusterismo
Pagpapalalim ng Aralin
125 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Isang mabuting
Pagkilanlan mag -aaral na
makata
matibay na ang
bayan ay uunlad
Paniniwala
at magiging
malaya
isang doktor na
Pagkilanlan mabuti ang
hangarin para Sa
kanyang bayan.
katarungan at
karunungan ay
Paniniwala
dapat gamitin ng
tama at hindi
lahat
na bagay
ay
kailangang
daanin sa
dahas.
126 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Ang mga kadalagahan ng Malolos ay naghain ng petisyon sa noo’y Gobernador Heneral Weyler
na sila ay mapahintulutan na magkaroon ng paaralang panggabi upang sila ay makapagaral at matuto
ng wikang espanyol sa ilalim sana ng pagtuturo ni G. Teodoro Sandiko, ngunit ito ay agad kinontra ng
noo’y kura paroko na si Padre Felipe Garcia. Sa kabila ng kanilang kabiguan di sila bumitaw sa kanilang
paniniwala na maipag-laban ang kanilang ninanais na paaralan, malaunan sa kanilang matiyagang
pakikipaglaban, malaunan sila din nama’y napagbigyan ng permiso ng pamahalaan sa kanilang
kahilingan dangan nga lamang na sa halip na si G. Teodoro Sandiko ang naging guro nila, naging
kundisyon sa pagpapahintulot na nakamit na isang babae ang maging kanilang guro; si Senyorita
Guadalupe Reyes.
Ang nabanggit na pangyayari ay ipinagbunyi ng mga makabayang Pilipino nakarating din ang
balita sa Espanya, noong ika 17, ng Pebrero taong 1889 sinulatan ni Marcelo Del Pilar si Dr. Rizal na
humihiling na sulatan niya ang mga nabanggit na kadalagahan ng Malolos, at noon ngang Ika 22 ng
Pebrero, sa parehong taon naisulat ni Dr, Rizal ang Liham niya sa kadalagahan ng Malolos na
naglalaman ng kanyang pagbati sa mga kadalagahan sa kanilang ipinakitang katapangan na makamit
ang isang bagay na ipinagkakait sa kanila na di karaniwang nangyayari sa kanilang panahon.
127 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Mababasa rin sa liham na ito ang mga katangiang ninais ni Rizal na taglayin ng mga babaing
Pilipina sa panahong ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng edukasyon. Ipinahayag niya ang mga
responsibilidad at katungkulan ng kababaihan sa bayan. Narito ang bahagi ng kanyang liham: “Malaki
ngang di bahagya ang katungkulang gaganapin ng babae sa pagkabihis ngg hirap ng bayan, ngunit ang
lahat ng ito’y di hihigit sa lakas ng loob ng babaing Tagalog. Talastas ng lahat ang kapangyarihan at
galing ng babae sa Pilipinas, kaya kanilang binulag at iniyuko ang loob, panatag sila habang ang ina’y
alipin ay maaalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugami ng Asia: ang
babae sa Asia’y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil doo’y ang mga
babae ay madaya’t marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.”
Isa pang magandang halimbawa ng mga kababaihang taga-Malolos ang isinama niya sa liham
upang higit na mabigyang-diin ang tungkulin ng kababaihan sa paghubog ng mga kabataang siyang
pag- asa ng bayan sa kinabukasan. Narito ang bahagi ng liham:
“Sa mga bayang gumagalang sa babaing para sa Pilipinas, dapat nilang kilalanin ang tunay na
lagay upang magampanan ang sa kanila’y iniaasa. Ugaling dati’y kapag nanliligaw ang nagaaral na
binata ay ipinanganganyang lahat, dunong, puri’t salapi, na tila bagang ang dalaga’y walang naisasabog
kundi kasamaan. Ang katapang-tapanga’y kapag napakasal ay nagiging duwag, ang duwag na datihan
at nagwawalang-hiya, na tila walang inaantay kundi ang mag-asawa, para maipahayag ang sariling
karuwagan. Ang anak ay walang pantakip sa hina ng loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito,
nalunok ang apdo, nagtitiis ng sampal, nasunod sa lalong hunghang na utos at tumutulong sa kataksilan
ng iba sapagka’t kung walang tatakbo’y walang maghahangad, kung walang isdang munti’y walang
isdang malaki. Bakit kaya baga di nalang isang pusong lalaking makapag-aampon sa kahinaan ng
babae, isang marangal na loob na di papayag magkaanak ng alipin.”
Ipinapupukaw niya sa kababaihan ang sigla at sipag ng kalalakihan. Sinabi di dapat isuko ang
pagkadalaga sa may mahinang puso. At kung sakaling mag-aasawa naman ang dalagang ito, dapat
siyang maging katuwang ng lalaki sa hirap at maging tanglaw ng anak sa pag-ibig sa bayan at kapwa.
At idinugtong pa niya ang tungkol sa kababaihan ng Esparta: “Nang iniaabot ng isang ina ang
ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: “Ibalik mo o babalik ka,” ito nga umuwi
kang manalo o mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ng taong natalo o inusig kaya ang
bangkay sa ibabaw ng kalasag. Nabalitaan ng isang ina na namatay sa laban ang kaniyang anak at
hukbo’y natalo. Hindi umimik kundi nagpasalamat dahil ang kaniyang anak ay naligtas sa pula ngunit
ang anak ay bumalik nang buhay; nagluksa ang ina nang siya’y makita. Sa isang sumasalubong na ina
ay mga umuwing galing sa labanan at ibinabalita na isa sa namatay sa pagbabaka ang tatlo niyang
128 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
anak, “Hindi iyan ang tanong ko,” ang sagot ng ina, “kundi nanalo o natalo tayo?” “Nanalo,” ang sagot ng
bayani. “Kung ganoo’y magpasalamat tayo sa Diyos!” ang wika at napasasimbahan.”
Minsa’y nagtago sa simbahan ang isang napatalong hari nila, sa takot sa galit ng bayan:
pinagkaisahang kulungin siya doon at patayin sa gutom. Nang papaderan na ang pinto’y ang una ang
unang naghalo ng bato. Ang mga ugaling ito’y karaniwan sa kanila, kaya nga’t iginalang nang buong
Gresya ang babaing Esparta, - “Sa lahat ng babae,” ang pula ng isa, “ay kayo na lamang na taga-
Esparta ay hindi inianak para mabuhay sa sarili, kundi para sa kanilang bayan,” habang nanatili ang
ganitong mga isipan at ganitong mga babae, ay walang kaaway na nakatungtong sa lupaing Esparta, at
walang babaing taga-Esparta na nakatanaw na hukbo ng kaaway.
Tungkol naman sa relihiyon, sinabi niyang ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid.
Sinabi ni Kristo sa gawa at hindi salita ang hinihiling Niya sa tao, kaya nararapat na magmulat ng mata
ang kababaihan at iwasan ang bulag na pagsunod.
129 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
1. Ano marahil ang mga katangian ng mga kababaihan sa Malolos na maaring maging katumbas
din ng mga katangian ng kababaihan sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag
➢ Ang kaibahan po ay kung dati ay hindi marunong lumaban ang mga kababaihan
at halos nasa loob lamang ng mga bahay ngayon ay sila ay matatapang at
kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan.
3. Ano ang binanggit ni Dr. Rizal sa kanyang liham na dapat maging gampanin ng isang babae sa
kanyang asawa, at anu-ano ang mga itinatagubilin niyang dapat na ituro ng isang babaeng nagiging
isang Ina sa kanyang mga magiging anak laluna sa kanyang mga anak na lalaki?
➢ Talastas ng lahat ang kapangyarihan at galing ng babae sa Pilipinas, kaya
kanilang binulag at iniyuko ang loob, panatag sila habang ang ina’y alipin ay
maaalipin din naman ang lahat ng mga anak.
B. “Kung ang babaing Tagalog ay di magbabago, ay hindi dapat magpalaki ng anak, kungdi
gawing pasibulan lamang: dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay,sapagkat kung diliý
pagkakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at lahat.
130 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Ang pamagat nito’y Filipinas Dentro de Cien Años. Inilathala ito sa La Solidaridad buhat noong
Setyembre hanggang Enero, 1890.
Sa akdang ito’y nagtila-propeta si Rizal sapagkat ang nilalaman ng akda’y naganap. Dito’y sinabi
ni Rizal kung ano ang kakaharapin ng Pilipinas sa darating na 100 taon. Sinabi niyang bago makita ang
tadhana ng isang bayan, kailangan munang buklatin ang aklat ng kanyang nakalipas, sapagkat
naniniwala siyang ang lahat ng bagay ay may batayang simula.
Ipinakita ni Rizal nang buong linaw at husay ang naging kondisyon ng Pilipinas. Sinabi niyang
nagbago ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Nagbago ang batas, kagamitan, kaugalian,
pananampalataya at paniniwala ng mga Pilipino. Nagsimula ang isang panahon, nawala ang mga
matatandang alamat, alaala, kinalimutan ang sariling panulat, kantahin, tula at batas. Iwinaksi na ang
kinagisnang kultura at kaugalian. Naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga Kastila. Pinagaralan
ang kultura, pag-iisip at gawi ng mga dayuhan at ipinagmakahiya ang pagiging Pilipino.
Noon bago pa lamang ang mga Kastila, ang kanilang pakikitungo sa mga katutubo’y napakabuti,
sapagkat nais nilang mapalapit ang puso ng mga tao sa kanila. Naging bukas ang kanilang palad sa
pagtulong sa mga nangangailangan at naghihikahos, sa gayon nagkaroon ng malaking tiwala sa kanila
ang mga mamamayang Pilipino.
Naging bulag ang pagsunod ng mga ito sa kanilang kagustuhan, lalo na sa mga prayle at dahil
dito’y umabuso naman ang mga dayuhan, nanghingi sila ng matataas na buwis, inalis nila ang
karapatan ng mga tao, at ginawang tauhan lamang. Masasabing naging masama ang bunga ng ganito
sapagkat naparatangan pa silang masama at hindi pinapahalagahan ang kanilang ginagawa.
Sa mga paratang na ito, hindi naging pipi ang bayan sapagkat nagising din ang kanilang puso at
damdamin sa paghihimagsik at pagtutol sa mga kalabisan.
131 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Ito ang kahapon ng Pilipinas. Ano ang magiging kalagayan niya sa hinaharap? Magiging alipin
bang muli? Ano na namang pagtitiis ang kaniyang mararanasan? Hihiwalay kaya siya sa Inang Espanya
upang mamuhay na malaya o kaya’y upang mahulog sa kamay ng ibang bansa o makipagkasundo sa
ibang bansa.
Ang hula naman niya sa bayan ay narito: “Labis na maaasahang pikitmata’t buong kabayanihang
ipagtatanggol ng Pilipinas ang kaniyang kalayaang binili ng libong hirap at masaganang dugo. Ang mga
taong bagong sisipot sa silong ng kanyang langit, kasaliw ng mga alaala ng panahong nagdaan, ay di-
sasalang magsusumikap ng makapagpagawa nang maluwang na landasin tungo sa ikasusulong, at ang
lahat ay sama-samang magsisigawa upang bigyang-lakas at tibay ang bayan, maging sa sariling
pamumuhay at maging sa pakikipagkapwa-bayan, at ang kasiglahan nila sa paggawang iyan ay
maihahambing sa kasiglahan ng isang binatang muling nagbubungkal ng bukiring naiwan ng kaniyang
magulang na malaong napabayaa’t di napaganihan, salamat sa pagwawalang-bahala ng mga unang
nagsikuha, sa gayo’y muling huhukayin sa kailaliman ng lupa ang kanyang mga ginto upang makahango
sa pagdaralita, ang kanyang mga bakal upang gawing sandata, gayundin huhukayin ang kanyang mga
tanso, tingga, uling atbp. Sa ganyan marahil, ang baya’y muling magbabagong lakas at buhay upang
magpaibayong-dagat at mangalakal, mga bagay na katutubong ugali ng mga mamamayan at may sapat
na hilig at talino sa mga bagay na ito. At kung maging malaya na muli, gaya ng ibong nakawala sa
hawla, gaya ng bulaklak na tinatangay ng hangin, muling mapapasaulli ang mga gawi niyang mabubuti
na untiunting nangawala, at siya’y magiging magiliwing muli sa kapayapaan, masaya, maaliw, palangiti,
mapag-aruga at mapangahas.
Gawain I
Paglinang ng kaalaman. Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang 2-4 na
pangungusap lamang.
1. Anu-ano ang mga hula ni Rizal na mangyayari sa Pilipinas sa sanaysay na ito?
➢ Ang mga hula ni Rizal na mangyayari sa pilipinas ay buong kabayanihang
ipagtatanggol ng pilipinas ang kanyang kalayaang binibili ng ilang libong taon. At
maging malaya katulad ng mga ibong malayang lumilipad, at magkaroon ng
kapayapaan.
2. Ilarawan ang ang kondisyun ng Pilipinas bago dumating ang mga kastila ayon kay Rizal.
➢ Noon ang pakikitungo sa mga katutubo ay napakabuti, at naging bukas palad din
itong tumutulong sa mga kapos palad at nangangailangan. At nagkakaroon ng
malaking tiwala sa mga mamamayang pilipino.
132 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay isa sa mga kauna-unahang sinulat ni Rizal sa Espanya.
Ginamit niya rito ang sagisag na Laong-Laan. Noong Agosto 22, 1882, ang sanaysay na ito ay lumabas
sa Diariong Tagalog. Ito’y nasulat sa Kastila subali’t isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar.
Ayon kay Rizal, ang Inang Bayan ay isang paksang kinagigiliwan ng mga manunulat, mang-
aawit, manggagawa, makasining, mandirigma at iba’t ibang uri ng tao sa ating lipunan. Ang Inang Bayan
ay isang paksang magandang pag-usapan sapagkat ang damdamin o pagmamahal sa ating bayan ay
katutubo, likas sa mga magagandang karanasang nakamtan natin mula pa sa pagkabata hanggang sa
lumaki, bukod sa kagandahan ng kalikasang natutunguhan sa paligid ng tahanan at ng bayan. Mahal na
mahal ni Rizal ang Inang Bayan.
Nabanggit ni Rizal ang mga matatandang Ebreong nag-aala ng sakripisyo sa templo bilang tanda
ng kanilang pagmamahal sa bayan. Ang mga mag-aaral na nangibang bayan tulad niya ay
inihahambing niya sa mga Ebreong nabanggit, na iba nga lamang ang sakripisyong inihahandog.
...”O! kailanma’y huwag ninyong pasakitang loob ng taga-ibang bayan, ang umahon sa inyong
dalampasigan; huwag ninyong gisingin ang buhay na gunita ng kaniyang bayan, ng mga ligaya sa
kaniyang tahanan, sapagka’t kung magkagayon, ang kanilang sakit na pamamanglaw ay muling uukilkil
sa kaniyang isipan at hindi magtutugot hangga’t hindi niya nakikitang muli ang kaniyang bayan.”
Sinabi rin ni Rizal na ang pag-ibig sa bayan ay hindi magmamaliw kapag ito ay nakatanim sa
puso at isipan. ...”ang iba’t nahandog sa kaniya ng kanilang kabataan, ng kanilang kasiyahan; may iba
ring naghandog sa kaniya ng angking katalinuhan; ang iba’y nagbubo ng dugo; ang lahat ng
nangamatay ay
nag-iwan sa kaniyang Inang Bayan ng malaking kapalaran; kalayaan at kaluwalhatian.”
At narito ang kaniyang mga tagubilin:
“Ikaw na may nawalan ng ideyalismo sa inyong kaluluwa, ikaw na may sugatang puso,
namasdang pumaram ang iyong mga lunggating isa-isang tulad ng mga puno ay pinanlalaglagan ng
mga bulaklak at dahon at humahanap ng nais na mahalin, wala nang iba pang babagay sa iyo, nariyan
ang Inang Bayan, mahalin mo. Ikaw na nawalan ng ama, ina, kapatid, asawa at anak, sa maikling salita,
pag-ibig, na siyang pinaglagakan ng iyong mga pangarap, nariyan ang iyong mga pangarap, nariyan
ang iyong Inang Bayan, mahalin mo siya pagka’t nararapat sa kaniya. Mahalin siya! Oo! Subalit hindi
pagmamahal sa kaniya sa pamamagitan ng kasuklamsuklam na gawain, tanggihan at pinagbawal nang
tunay na kabanalan; sa pamamagitan ng pantisismo, pagwawasak at kaimbiian, hindi. Ang may
133 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Gawain II
Ipaliwanag ang mga sumusunod.Gamitin ang 2-4 na pangungusap lamang.
1. Anong gawain ng matatandang Ebreo ang tinularan ng mga Pilpinong nangibang- lupain?
Paano ito isinagawa ni Rizal?
➢ Ang gawain ng matatandang ebreo na tinularan ng mga pilipinong nangibang
lupain ay ito ang pagpapakita ng pag aalala at
pagsasakripisyo para sa inang bayan. Dahil ang pagmamahal sa bayan
ay kailanman hindi magwawala dahil ito ay nakatanim na sa puso.
2. Bakit hindi napaparam kalian man ang pag-ibig sa inang-bayan sa sandaling ito’y tumaos sa
puso?
➢ Ito ay nagpapakita na kahit ikaw ay nangibang bayan hindi pa rin maaalis ang
pagmamahal sa inang bayan dahil ito ang humubog sa ating pagkabata nagdulot
ito ng kasiyahan sa atin. At kailan man ang pag ibig sa bayan ay hindi
magmamaliw.
3. Ipaliwanag ang mga tagubilin ni Rizal sa sanaysay na ito.
➢ Aalis at lilipas ang mga pangyayari ngunit ang pagmamamhal sa inang bayan ay
mananatili. Kaya’t mahalin at pangalagaan ang inanng bayan at isapuso mo ang
iyong pagiging kristiyano.
May mga isinulat si Rizal na nagdulot ng kalinawan, isa rito ang sanhi ng katamaran ng mga Pilipino, na
pinalalagay na pinakamahabang sanaysay. Nalathala nang limang labas sa La Solidaridad na
makalawa sa isang buwan kung lumabas. Simula noong ika-15 ng Hulyo hanggang ika-15 ng
Setyembre, 1890.
Napuna ni Rizal na kapag may hindi magandang pangyayaring nagaganap sa kapuluan, isinisisi
ito sa “katamaran” ng mga Pilipino. Kaya sinimulan niyang suriin ang panlipunang kalagayan at
pampulitikal na nasabing panahon upang ipakita na ang sinasabing “katamaran”, na kanyang
pinakahuluganang “walang pagmamahal sa paggawa o sa kakulangan sa gawain”, ay hindi ang sanhi,
kundi ang bunga ng kaguluhan at kahulihan sa panahon ng bansa.
134 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Hindi tahasang pinabulaanan ni Rizal ang sinasabing “katamaran” ng mga Pilipino. Sinabi niyang
may nakikita ngang katamaran ngunit hindi ipinanganak na tamad ang mga Pilipino; ang klima ng
Pilipinas ay mainit at natural lamang na hindi sila magmadali sa paggawa di tulad sa mga klimang
malamig na kailangan ang mabilisang pagkilos upang mapaglabanan ang paninigas ng katawan. Sa
Pilipinas ginawa ng inang kalikasang mataba ang lupa upang ang magsasaka’y hindi gaanong
mahirapan sa paggawa upang makatiyak ng masaganang ani.
Ang katamaran, wika pa niya’y isang sakit, ngunit hindi namamana, ang mga katutubong Pilipino
sa Pilipinas ay dating kilala sa kanilang kasipagan sa paggawa at katapatan. Noong hindi pa dumarating
dito ang mga Kastila, makikipagkalakalan na sila sa mga Tsino na siyang nagdadala ng iba’t ibang
produkto at ilang kaalaman sa kapuluan. Mula sa tala ng mga manlalakbay at mananalaysay ay
mapaghuhulong ang bayan ay may “may minahan, mga pinaglalagyan ng kalakal, paggawa ng
sasakyang-dagat, manukan at alagang mga hayop, paghahabi ng seda at bulak, mga dalisayan,
paggawa ng armas, perlas, pangingisda, industriya ng sungay, balat at iba pa.”
Sa unang uri at pagpuna, sinabi niyang ang mga sanhi nito’y ang mga kaluhuan at pangaabuso
ng mga Kastila. Binanggit niya ang mga pagbubuo ng dugo dahil sa pakikipagdigmaan sa mga Kastila,
sa mga Olandes, Portuges, at Tsino; ang mga pagsulpot ng mga pirata; pagpaparusa ng kamatayan sa
mga nahuling nagkasala. Kaya’t masasabing sa loob ng kalahiting dantaon, ang bilang ng taong-bayan
ay nababawasan din sa pagsalakay ng mga moro mula sa timog. Hindi na kayang ipagtanggol ng taong-
bayan ang sarili nila sa mga pirata sapagkat wala silang mga armas. Ang mga pangyayaring ito ang
nakawala ng insentibo ng mga tao upang magpahalaga sa paggawa. Bakit pa nga ba sila gagawa kundi
naman sila aani at magtatamasa ng kanilang pinagpaguran? Kaya ang iba’y nabaling na lamang sa
pagsusugal dahil sa paghahangad na kumita nang malaki sa mabilisang pangyayari na kabaligtaran
naman ang kadalasang nagiging bunga.
Ang mga bayan, patuloy ni Rizal, ay lalong nabawasan dahil sa pagpapatala ng mga
manggagawa upang magtrabaho sa konstruksiyon ng mga malalaking sasakyang-dagat na
kinakailangan ng mga Kastila para sa mga ekspedisyon nito sa mga kalapit-bansa at kasama na rito ang
makahayop na pakikitungo ng mga mananakop sa mga manggagawang Pilipino.
Bukod pa rito, mayroon pang pang-aabuso ng mga engkomendero. Dahil sa kanilang napakalupit
na pagtrato, ang mga prayle na ang mga kadalasang nagpapayo sa kanilang nasasakupan na “hintuan
ang paggawa ng minahan, iwan ang industriya at itinuturo ang langit bilang tanging pag-asa at ang
paghahanda sa kamatayan bilang tanging kaligtasan.” Sinasabi rin ng mga prayle na ang mga may
salapi’y hindi napupunta sa langit at nalalantad lamang sa lahat ng uri ng pagpapagalit at suliranin tulad
ng pagsingil ng mga buwis, pagpapatapon at sapilitang pagiging bangkero ng kumander ng bayan.
135 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Ang mga bayan din ay napahiwalay sa kanyang mga kalapit-bayang dating pinakikipagkalakalan.
Ang tanging kalakal na pinahihintulutan ay sa pamamagitan lamang ng galyon na nagpapabalik-balik sa
Mexico at Pilipinas. Nasira ang lokal na pakikipagkalakalan dahil sa nasiraan ng loob ang mga
mangangalakal sa mga pandarambong ng mga pirata sa karagatan, sa pagbabawal ng pamahalaan sa
iba’t ibang pamamaraan ng pagpipigil sa pagbibigay-pahintulot ng pamahalaan para sa pangangalakal.
Ngunit hindi naman isinising lahat ni Rizal sa pamahalaan ang sanhi ng katamaran sapagkat ang
mga katutubo ay may bahagi rin dito. Salat sila ng edukasyon at nasyonalismo. Wala silang kamalayang
pambansa.
Sa maraming halimbawa, pinatunayan ni Rizal, na hindi mababa ang Pilipino sa anumang lahi ng
daigdig, maraming katibayan na higit pa ngang tamad ang mga Kastila kaysa sa mga Pilipino, at ang tao’y
hindi isang makina na gagawa lamang para sa kasiyahan ng iba, nais niyang gumawa kung ito’y para sa
kaligayahan niya at ang kanyang pamilya.
Sa dakong huli, sinabi pa ni Rizal na darating ang panahon na namumulat ang mga Pilipino. Na
higit na mainam ang boluntaryong pagkamulat kaysa sapilitan.
“Kaya upang ang Pilipino’y umunlad, kailangang ang boluntaryong pagkamulat ang kumulo sa
kaniyang mga ugat, sapagkat ang pag-unlad ay sadyang nangangailangan ng pagbabago, at
nagpapahiwatig ng pagbagsak ng nakaraan, at ang pagtatagumpay ng bagong kaisipan. Ang
kakulangan ng isang pambansang kamalayan ay nagbibigay-daan sa isa pang kasamaan, na siyang
kawalan ng tagasalungat sa mga hakbang na hindi makabubuti sa taongbayan, at ang kawalan ng
pammpasigla na hahantong sa kanilang kabutihan. Mangyari pa, ang tao sa Pilipinas ay isa lamang
indibidwal, siya ay hindi kasapi ng isang bansa.”
Gawain III
Lagyan mo ng tsek (✔️) ang mga kaisipan na sa palagay mo ay matatagpuan sa sanaysay ni Dr.
Jose Rizal na “Katamaran ng mga Pilipino”.
1. Ayon kay Rizal, kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong
maisasagawa, walang hakbang na makakapagdulot ng bungang ninanais.
✔️ 2. Ang sabi ng mga prayle hintuan ang paggawa sa minahan at paghandaan ang
136 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
kamatayan.
3. Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili at pagwawalang-
bahala sa paggwa dahil sa malulupit na Sistema ng edukasyon.
✔️ 4. Hindi tamad ang mga Pilipino.
✔️ 5. Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan sa Panahon ng
mga Espanyol.
✔️ 6. Ang kabuhayan ng mga Pilipino ay napabayaan dahil sa sapilitang paggawa na
ipinatupad ng pamahalaan.
7. Isa sa dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon.
8. Ang sikap at pagkukusa ay napanatili ng mga Pilipino sa kabila ng di- magandang
sistemang umiiral sa panahon ng mga espanyol.
9. Sinusuportahan ng mga Espanyol ang mga magsasaka na ang panananim ay
pinipinsala ng mga hayop o bagyo.
✔️ 10. Kailangan ng boluntaryong pagkamulat.
Huling Pagsusulit
Suriin ang mga nobela, liham at sanaysay ni Dr. Rizal. Isulat sa tamang hanay ang pamagat, kung
kanino ito inaalay at mensaheng nakapaloob dito. Sundin ang balangkas sa ibaba.
Ang katamaran ng mga Pilipino Inaalay sa mga kastilang sinisisi sa Ito ay nagpapakita ng dahilan ng
kanila ang pagiging tamad ng mga pagiging tamad at pala asa sa
pilipino. diyos ng mga pilipino.
138 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Final Requirement
Magsaliksik sa mga tula ni Jose Rizal. Isulat ang kasaysayan sa pagkakasulat at
mensahe ng tula.
Huling Paalam (Mi Ultimo adios)
Sa kabataang Pilipino (Ala
Juventud Filipina) A Filipinas (
Ang Pilipinas)
Ang huling paalam ay tulang isinulat ni Jose Rizal . Ngunit hindi matiyak kung kailan isinulat
ang kahuli hulihan ang tulang ito. Sinasabi na isinulat ito ng gabi bisperas ng pagbaril sa
kanya. Ang mensahe sa tulang ito ay tayo ay dapat na maging makabayan at ipakita ang
pagmamahal sa ating bansa. At naipapakita sa tulang ito ang pagmamahal at pag iisip niya sa
ating bansa kahit siya ay wala na.
Ang tulang sa kabataang pilipino ay dito unang lantarang pinahayag ni Jose Rizal ang kanyang
damdaming makabansa.
Ang mensahe ng tulang ito ay hinihimok at nililinang ni Jose Rizal ang mga kabataang pikipino
na mamukadkad at linangin ang kaisipan sa misining na katalinuhan. Dito rin naipapakita na
ang kabataan ang pag asa ng bayan. Sinasabi ditong ganitin ang katalinuhan at karunungan
ng mga kabataan upang magtulong tulong sa pag unlad ng bayan.
✓ A Filipinas(Ang Pilipinas)
Ang A Filipinas ay isinulat ni Jose Rizal noon pebrero 1880 sa album na society of culture.
Ang mensahe ng tulang ito ay ang pagpuri sa bayan tungkol sa kagandahang tinataglay nito
at tinuturing ding lakambini ni Jose Rizal iang pilipinas. Ang pilipinas ay nagpapakita ng
punong puno ng pagiging makabayan at nagpapakita ng hindi madamot sa pagmamahal sa
ating bayan na siyang pumupukaw sa damdamin ng maraming pilipino.
139 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
140 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Iniego, Florentino A. Jr. Ang “Ikalawang Paglilitis” kay Jose Rizal: Ang Pagpapasa ng Batas
Republika 1425. Unpublished manuscript.
Ocampo, Ambeth R. 2008. Rizal Without the Overcoat. Anvil Publishing Inc. Pasig City, Philippines.
138 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
Modyul II:
Chua, Apolonio Bayani and Patricia Melendrez Cruz. Himalay ni Rizal. Manila: Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas,1991.
Constantino, Renato. The Making of a Filipino:A story of Philippine Colonial Politics. Quezon City:
R.Constantino, 1982.
Diestro, Dwight David et al.Talambuhay at Lipunan: Si Heneral Paciano Rizal sa Ksaysayang
Pilipino. University of the Philippines Los Baños Sentro ng Wikang Pilipino.2006
Guerrero, Leon Ma. The First Filipino: A Biography of Rizal. Manila: National Heroes
Commission,1963.
Ocampo, Ambeth. Rizal Without the Overcoat. Pasig City: Anvil Publishing Inc.1990
Quibuyen, Floro C.A Nation aborted: Rizal, American Hegemony and
Philippine Nationalism.Quezon City: Ateneo de Manila University Press.1990
Wickberg, Edgar. The Chinese in Philippine Life, 1850-1898.Quezon City: ateneo de Manila
University Press,1965
Yabes, Leopoldo. Jose Rizal on his Centenary. Quezon City. University of the Philippines.1963
Zaide, Gregorio at Sonia Zaide. Jose Rizal: Buhay, Mga ginawa at mga Sinulat ng isang Henyo,
Manunulat,Siyentipiko at Pambansang Bayani. Quezon City: all Nations Publishing Co.Inc., 1997.
Modyul III:
Guerero, Leon Ma. The First Pilipino: A Biography of Rizal, Manila: National Heroes Commission,
1963. Ileto, Reynaldo. “Rizal and the Underside of Philipppine History” In Filipinos and their
Revolution: Event, Discourse, and Historiography. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press,1998.
Reyes, Miguel Paolo.”El Filibusterismo and Jose Rizal as “Science Fictionist”in Humanities
Diliman vol.10n0.2 (2013)
Rizal, Jose. The Indolence of the Filipinos
Rizal, Jose. Letter to the Young Women of Malolos
Schumacher, John.”Rizal in the Context of the 19th Century Philippines”in The Making of a
Nation: Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalism. Quezon City:Ateneo de Manila
university Press, 1991.
Modyul IV:
139 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
San Andres, Teody, Tigno, Ma. Adora at Cruz, Teodulo JOSE RIZAL Bayani ng Lahi ng TCS
Publishing House, karapatang ari 2008
Lacandula, Constancia M., Salonga, Gerardo V. at Inalvez, Daisy T. Rizal ANG PAMBANSANG
BAYANI, ng TCS Publishing House, karapatang ari 2009
Modyul V:
Danganan, Regina G., Jose Rizal: Ang Pilipinong Para sa Pilipino. Malolos, Bulacan: RGD
Publishing, 2007
San Andres, Teody C., et al., Jose Rizal: Bayani ng Lahi. Plaridel Bulacan: TCS Publishing
House, 2008
Modyul VI:
Almario, Virgilio. Si Rizal: Nobelista. Quezon City: Up Press, 2008
Guerrero, Leon Ma. The first Filipino: A Biography of Rizal. Manila: National Heroes
Commission,1963
Reyes, Miguel Paolo.”El Filibusterismo and Jose Rizal as “Science Fictionist”in Humanities
Diliman vol.10n0.2 (2013)
Rizal, Jose. The Indolence of the Filipinos
Rizal, Jose. Letter to the Young Women of Malolos
Schumacher, John.”Rizal in the Context of the 19 th Century Philippines”in The Making of a Nation:
Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalism. Quezon City:Ateneo de Manila university
Press, 1991. https://www.scribd.com/doc/41674700/Handouts -El-Filibusterismo-2
https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul -18
https://www.slideshare.net/markabadines/mga-akdanaisulat-ni-dr-jose-rizal
https://www.academia.edu/Documents/in/The_life_and_works_of_Dr._Jose_Rizal
Glossary
140 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
141 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
153 |
BULACAN STATE UNIVERSITY
Page
REFERENCES
Agoncillo, Teodoro A. (1990) History of the Filipino People, Eight edition, Garotech Publishing: 117
2nd St., Biton Circle Bgy. Commonwealth, Quezon City.
Alejandro at Medina (1972) Buhay at Diwa ni Jose Rizal, National Book Store: Mandaluyong City
Danganan, Regina G. (2007) Jose Rizal, Ang Pilipinong para sa mga Pilipino, El Bulakenyo Printing
House: Malolos Bulacan
Danganan, Regina G., Jose Rizal: Ang Pilipinong Para sa Pilipino. Malolos, Bulacan: RGD Publishing,
2007
Danganan, Regina G.(2017) Jose Rizal: Ang Pilipino Para sa mga Pilipino. Unang Edisyon
Dela Cruz, Zulueta (1995) Rizal, Buhay at mga Kaisipan, National Book Store: Mandaluyong City.
Flores, Soriaga, Quiray (1983) Ang Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas, Social Science Publication
Inc.: Metro Manila
Iniego, Florentino A. Jr. Ang “Ikalawang Paglilitis” kay Jose Rizal: Ang Pagpapasa ng Batas Republika
1425. Unpublished manuscript.
Jose Rizal (Bayani ng Lahi) by Teody C. San Andres, Penelope F. Tica-a, Ph.D., Ma. Adora C. Tigno,
Janet B. Mede, MA, Teodulo R. Cruz, Fatima S.A. Lim
Lacandula, Constancia M., Salonga, Gerardo V. at Inalvez, Daisy T. Rizal ANG
PAMBANSANG BAYANI, ng TCS Publishing House, karapatang ari 2009
Nazareno Isagani , et al.(2019) Aklat-Manual Tungkol sa Buhay at Mga Ginawa ni Rizal.
Ortega, Daniel S. Discourse of Rizal Course
Photo from Pablo Trillana III, The Loves of Rizal and other Essays on Philippine History, Art, and
Public
Policy
San Andres, Teody C. Penelope F. Tica-a, Ph.D., Ma. Adora C. Tigno, Janet B. Mede, MA, Teodulo R.
Cruz, Fatima S.A. Lim .Jose Rizal (Bayani ng Lahi)
San Andres, Teody C., et al., Jose Rizal: Bayani ng Lahi. Plaridel Bulacan: TCS Publishing House, 2008
San Andres, Teody C., et al. (2019) Jose Rizal Bayaning Lahi. Binagong Edisyon.
San Andres, Teody, Tigno, Ma. Adora at Cruz, Teodulo JOSE RIZAL Bayani ng Lahi ng TCS
154 |
BULACAN STATE UNIVERSITY
Page
https://angtagapagmulat.wordpress.com/2013/06/19/ang -batas-rizal-ra-1425/
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/09/talambuhay -ng-mga-bayaning-pilipino.html
https://brainly.ph/question/613068#readmore
https://en.wikipedia.org/wiki/Rizal_Monument http://historyblog-umalohokan.blogspot.com
https://joserizalss014.wordpress.com/2012/11/07/discoveries/
https://kzriman.wordpress.com/tag/courtship/
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_8_PAGSIBOL_NG_KAMALAYANG.PDF
https://nhcp.gov.ph/%EF%BB%BF%EF%BB%BFisang-pagpupugay-sa-ating-mga-bayani-at-sa-
pamana-nilang-kalayaan
https://prezi.com/m/uphw0cjqoiqb/ang-pag-usbong-ng-liberal-na-ideya/
https://prezi.com/r8cq8soz7jsw/pagbubukas-ng-maynila-sa-pandaigdigang-kalakalan/
https://rizal.raphaelmarco.com/works/view/draco-rizali
https://rizalatsinene.wordpress.com/2016/05/18/rizal -at-ang-makulay-niyang-buhay-pag-ibig/
https://rizaluste.wordpress.com/rc-1-5-2/rc-1-5/
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kalakalang_Galeon https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Liberalismo
https://tl.wikipedia.org/wiki/Monopolyo
http://www.academia.edu/24355934/Reading_Material_for_Grade_6_First_Quarter_Lesson_4
https://www.brainly.ph
http://www.choosephilippines.com/do/history-and-culture/3145/rizal-and-loves-his-life/
https://en.wikipedia.org/wiki/Paciano_Rizal
https://www.facebook.com/2276036479342409/photos/d41d8cd9/227603873934218
3/ https://www.flickr.com https://www.flickr.com/photos/johntewell/11640706185
155 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
https://www.flickr.com/photos/leezhenyu/4735346984/
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17826466293
156 |
BULACAN STATE UNIVERSITY
https://www.google.com/search?q=katamaran+ng+mga+Pilipino&oq=katamaran+ng+mga+Pilipino&aqs
=chrome..69i57j0l7.13077j0j9&sourceid=chrome&ie=UTF -8 https://www.google.com/search?
sa=X&hl=en-US&source=android-
browser&q=liberalismo+at+ang+gomburza&ved=2ahUKEwi0rqywlrbgAhXLvo8KHQx9APkQ1QIoAXoEC
AsQEA&biw=360&bih=560 https://www.google.com/search?
sxsrf=ALeKk03uPACBdObqaT391mBmNOTKl0A_Fg:1600102415610&
source=univ&tbm=isch&q=katamaran+ng+mga+Pilipino&sa=X&ved=2ahUKEwitq9iAjunrAhV5xIsBHYuX
CkcQsAR6BAgKEAE&cshid=1600102532969598&biw=19
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/341496/paalala -ng-palasyo-walang-sabong-karera-
ng-kabayo-jai-alai-sa-rizal-day/story/ http://onbecomingabetterperson.blogspot.com/2015/09/in -defense-
of-josephine-bracken.html https://www.oocities.org/kabitenyo_ph/bioriz1.htm
https://www.pinoyadventurista.com/2013/12/rizal -shrine-in-dapitan-city.html
https://www.scribd.com/doc/242729431/Pagpili -at-Paghahayag-Ng-Pambansang-Bayani
https://www.scribd.com/document/421179176/RIZAL -Kabanata-1
https://www.scribd.com/doc/62000578/Sistema-Ng-Edukasyon-Sa-Pilipinas-Noong-Panahon-Ng-Kastila-
https://www.scribd.com/doc/76408835/RA-1425-memo-247
157 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY
https://www.slideshare.net/mobile/MariaLuisaMaycong/pagusbong -ng-liberal-na-ideya
https://www.slideshare.net/neccoduran/sa-loob-ng-isang-daang-taon https://www.youtube.com/watch?
v=5CH6ah6LwhM
Prepared By:
Team Leader: Dr. Regina G. Danganan Members:
Approved By:
Sherwin M.
Parinas, Ph.
D. Dean
158 | P a g e