You are on page 1of 10

MUDYOL 2

Sa module na ito, tatalakayin ang kasaysayan ni Rizal at ang mga

mahahalagang pagyayari sa buhay at kanyang mga akda.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod:

Tatalakayin ng mga sumusunod na aralin:

Aralin1: Noli Me Tangere

Aralin 2: Ang Anotasyon ng Aklat ni Morga

Aralin 3: Pagbabago ng Pananaw ni Rizal sa Batas ng

Espanya

Aralin 4: El Filibusterismo

Aralin 5: Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Aralin 1: Noli Me Tangere
Introduksyon

Ang nobelang Noli Me Tangere ay ang unang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ito ay galing sa salitang Latin na ang kahalugan ay "Huwag mo akong Salingin" sa tagalog
at "Touch me Not" sa Ingles. Tumatalakay ito sa korupsyon, diskriminasyon at ang hindi
makatarungang batas na pinapaboran ng may kapangyarihan. Ito ay Hango sa Bibliya –
San Juan 20:13-17. Inilimbag noong 1887 sa Germany. Tinalakay dito ang mga
paglapastangan ng mga Prayle at ang mga pang-aapi ng mga dayuhang kastila sa
panahong ika-19 na siglo.

Layunin:
Matatalakay sa araling ito ang anotasyon ni Rizal sa aklat ni Dr. Antonio Morga
ukol sa precolonial era ng bansa at kung bakit pinili niya ang kay Morga sa halip na iba
pang mga manunulat ukol sa Pilipinas. Matutunghayan din sa araling ito ang buod ng
nobelang Noli Me Tangere at mga mensahing tumatak sa mga pilipino mula noon
hanggang sa kasalukuyan.

AKTIBITI
Gawain 1
Pagpapaliwanag

Panuto: Ipaliwanag sa sariling pagkakaintindi ang ibig sabihin ng mga salitang "Huwag
mo akong Salingin" (sa tagalog) o "Touch me Not" (sa Ingles) sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang simpleng talata. Maaaring bumanggit ng mga sipi o qoutes sa
pagpapaliwanag.
______________________________________________________________________

______________________________________________________________

ANALISIS
Gawain 2
Paglalarawan

Panuto: Magbanggit ng 3 mga paglapastangan ng mga Prayle at mga pang-aapi ng mga

dayuhang kastila sa panahong ika-19 na siglo at ipaliwanag ang mga ito.

1. ____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________

2. ____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________

3. ____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________
ABSTRAKSYON

Sumulat si Dr. Jose Rizal ng isang nobelang nais ipabatid kung anong uri ng
lipunan mayroon ang Pilipinas at ang mga sinapit ng mga Pilipino sa pagmamalupit ng
mga Kastila na pinamagatang "Noli Me Tangere". Makasaysayan ang aklat na Noli Me
Tangere at naging instrumento ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang
pagkakakilanlan. May malaking impluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit
nananalig si Rizal sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon laban
sa pamahalaang Kastila.
Masasabing ang aklat na ito ay isa sa mga magagandang nobelang nagmula sa
Pilipinas kung kaya nagkaroon ito ng mga reaksyon at kritiko mula sa mga taong nagbigay
ng kanilang mga pananaw at saloobin ukol sa aklat.

Mga Reaksyon at Atake sa Nobela

Maraming mga kilalang tao ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon at kritik sa

nobelang ito. At narito ang ilan sa kanilang mga binitawang salita.

Antonio Regidor - Ang kumopkop kay Rizal nang pinag-iinitan ito ng mga Kastila sa
Pilipinas. Nagsikap siya na mailigtas si Rizal ng ito ay makulong sa isang sasakyan sa
Hong Kong. Nagustuhan niya ang sosyal at pulitikal na pagdala ni Rizal sa kanyang aklat,
at ito ang kanyang naging komento, “Your book gives a photogenic reproduction of part,
if not all, of the great ills which afflict the country.”

Enrique Rogers - Naging matalik na kaibigan ni Rizal at kaklase sa Barcelona. “Let it

suffice to say that it has aroused great enthusiasm in the few who have known how to
understand it. ”

Ferdinand Bluementritt - Kaibigang matalik at tagapayo ni Jose Rizal. Isa siyáng

iginagálang na Alemang iskolar at kinaibigan ni Rizal dahil eksperto ito sa etnograpiyang
Filipino. Minsan lang silang nagkita ngunit liham ang kanilang naging komunikasyon.
Pinarangalan siyá sa Filipinas sa pamamagitan ng pagpapangalan sa kaniya ng mga
kalye at parke, gaya ng kalyeng Blumentritt sa Maynila. Inihalintulad niya sa isang
malaking bulalakaw na ang kanyang brilyante ay matatamasa at makikita lamang ng
isang beses sa isang daang taon, ang gawa ni Rizal.

Ngunit sa pag uwi ni Rizal ay nakapuna ito ng mga batikos lalong-lalo na sa

simbahan. Maraming mga Pilipino ang nagtago ng kopya ngunit limitado lamang ang
distribusyon nito upang maprotektahan ang simbahan. Kinondena ito ng Faculty
Commision of Manila University at Permanent Censorship Commission in 1887 dahil sa
sumusunod na dahilan:
1. Heterical – impious
2. Scandalous to the religious order
3. Subversive to public order
4. Libelous to the government of Spain

Mga Umatake

Archbishop Pedro Payo- ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at

nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas
upang pag-aralan ang nobela. Ang nasabing arsobisopo ay inimungkahi at isinumbong
kay Gobernador Heneral Emilio Terrero.

Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me
Tangere ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang
pagbabawal ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela

Emilio Terrero- Ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng
nobelang Noli Me Tangere. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na
sina Padre Federico Faura, Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya
ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo ngunit ayaw ibigay ng
mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya. Para sa kaligtasan ni Rizal, inatasan ni
gobernador Terrero si Espanyol Don Jose Taviel de Adrade na maging tagabantay ni
Rizal

Buod ng Noli Me Tangere

Pagkatapos ng pitong taong pag -aral sa Europa ay bumalik sa Pilipinas ang

binatang si Juan Crisostomo Ibarra dahil dito’y naghandog ng piging si Kapitan Tiyago
kung saan inanyayahan niya ang ilang kilalang tao sa kanilang lugar. Sa piging ay
hinamak ni Padre Damaso si Ibarra ngunit sa halip na patulan ay magalang na lamang
itong nagpaalam sa kadahilang siya ay may mahalaga pang lalakarin.
Si Ibarra ay may magandang kasintahan, siya si Maria Clara na anak -anakan ni
Kapitan Tiyago. Dinalaw ni Ibarra ang dalaga kinabukasan pagkatapos ng piging. Inalala
nila ang kanilang pagmamahalan at maging ang mga lumang liham bago pa mag -aral
sa Europa si Ibarra ay muling binasa ni Maria Clara. Sa daan bago umuwi si Ibarra ay
inilahad ni Tintente Guevarva ang sinapit ng ama ng binata na si Don Rafael na noon ay
isang taon nang namayapa.
Ayon sa Tinyente, pinaratangan ni Padre Damaso si Don Rafael na isang Erehe
at Pilibustero dahil hindi umano ito nagsisimba at nangungumpisal. Nangyari ang lahat
ng ito matapos ipangtanggol ni Don Rafael ang isang bata sa kamay ng isang kubrador
na aksidenteng nabagok ang ulo kaya namatay. Dahil sa pangyayaring iyon ay
nagkaroon ng imbestigasyon habang nakakulong si Don Rafael. Nagsilabas din ang ilan
sa mga lihim na kaaway ni Don Rafael at pinaratangan pa ng kung anu-ano.
Labis na naapektuhan ang kanyang ama sa mga pangyayari iyon kaya naman
habang nakakulong , siya ay nagkasakit at iyon ang naging dahilan ng kanyang
kamatayan. Di pa na kuntento si Padre Damaso at ipinahukay ang labi ni Don Rafael
upang ipalipat sa mga libingan ng mga Instik. Dahil sa malakas na ulan ng panahong
iyon, sa halip na mapalipat ay itanapon na lamang ang bangkay sa lawa. Imbes na
maghiganti, ipanagpatuloy ni Ibarra ang nasimulang ng kanyang ama. Nagpatayo siya ng
paaralan sa tulong ni Nol Juan.
Noong babasbasan na ang paaralan ay muntikan ng mapatay si Ibarra kung hindi
lamang siya nailigtas ni Elias. Sa halip na si Ibarra ay ang taong binayaran ng lihim na
kaaway ng binata ang siyang namatay. Muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata.
Hindi na sana ito papansinin ni Ibarra ngunit ang kanyang ama ang hinahamak nito at
hindi siya nakapagpigil at tinangkang sasaksakin ang pari. Napigilan lamang siya ng
kanyang kasintahan na si Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag ng Arsobispo sa simbahang katoliko si
Ibarra. Sinamantala ni Padre Damaso ang pangyayaring iyon at iniutos ng ama-amahan
ni Maria Clara na huwag ituloy ang pagpapakasal ng dalaga kay Ibarra. Sa halip ay kay
Linares na isang binatang Kastila umano ipakasal ang dalaga.
Dahil sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang pagka-eskomulgado
ni Ibarra at muli siyang tinanggap ng simbahan. Ngunit, sa di inaasahang pagkakataon
ay muli siyang hinuli at ikinulong dahil naparatangan siyang nanguna umano sa
pagsalakay sa kuwartel. Habang ginaganap ang handaan sa bahay si Kapitan Tiyago sa
kasunduang pagpapakasal nina Linares at Maria Clara ay nakatakas si Ibarra sa tulong
ng kanyang kaibigan na si Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ng lihim
sina Ibarra at Maria Clara. Isinumbat niya sa dalaga ang liham na ginamit ng hukuman
laban sa kanya ngunit mariin itong itinanggi ni Maria Clara. Aniya'y inagaw lang umano
sa kanya ang lihim ng binata kapalit ng liham ng kanyang ina na nagsasabi na si Padre
Damaso ang kanyang tunay na ama. Dagdag pa ng dalaga, kaya daw umano siya
magpapakasal kay Linares ay para sa dangal ng kanyang ina. Ngunit ang pagmamahal
niya kay Ibarra ay di magbabago kailanman.
Pagkatapos nito'y tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka
at tinunton ang Ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Pinahiga ni Elias si
Ibarra at tinabunan ng damo. Ngunit naabutan sila ng tumutugis sa kanila. Naisip ni Elias
na iligaw ang humahabol sa kanila. Pagkaraan ay lumundag siya sa tubig at inakala ng
humahabol sa kanila na ang lumundag ay si Ibarra. Pinagbabaril si Elias hanggang sa
ang tubig ay magkulay dugo.
Nabatid ni Maria Clara ang diumano'y pagkamatay ni Ibarra. Nalungkot siya at
nawalan ng pag-asa kaya hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok na lamang siya sa
kumbento dahil kung hindi ay wawakasan na lamang niya ang kanyang buhay. Natunton
ni Elias ang maalamat na gubat ng mga Ibarra. Dito ay nakita niya si Basilio at ang
kanyang buhay na ina na si Sisa. Noche Buena na noon samantalang si Elias ay sugatan
at hinang-hina.
Bago pa siya nalagutan ng hininga ay nasabi niya na kung hindi man daw niya
makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw
limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Iyon ang huling mga salitang
lumabas sa bibig ni Elias.

APLIKASYON
Gawain 3

Panuto: Gawan ng sariling pagsusuri o kritisisimo ang nobelang Noli Me Tangere base
sa tauhan at pangyayari nito. Pumili lamang ng isang tauhan at isang pangyayari na
tumatak sa iyo. Gumamit ng teoryang sosyolohikal o realismo sa pagsusuri sa nobela.

Tauhan

Pangyayari

Gawain 4
Refleksyon

Panuto: Isalaysay sa sariling sanaysay ang ukol sa nararamdaman habang binabasa ang
kwento at gawan ito ng koneksyon sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas lalo na sa
larangan ng simbahan at pamahalaan.

KLOSYUR

Ang nobelang Noli Me Tangere ay masasabing isang matagumpay na sandata ni

Rizal laban sa mga mapang-abusong mananakop ng bansa. Isa lamang itong kwento
ngunit tagos sa puso ang hapdi ng mensahe para sa mga dayuhang mapang-api.
Patunay ito na kung minsan hindi kailangan ng dahas sa pakikipaglaban dahil mas
malakas na sandata ang panulat at mga salita laban sa kaaway.
References

Agoncillo, T.A. (1990). History of the Filipino People. 8th ed. Philippine: Garotech
Publishing.
Araneta, G.C. (2010). Legislating Rizal. Retrieved July 10, 2020, from https://
web.archive.org/web/20101230174413/https://www.mb.comph/articles/295103/le
gislating-rizal

Bernad, M. (1874). The Propaganda Movement:1880-1895. Philippine Studies.

22 (1-2): 210-211
Delgado, J.J (1904). Samething worth Knowing about the Governors of the
Philippine Island. In Emma
Maghuyop R., Galladora T. M., Ruiz G., Babac, V., Gallinero, W., (2018). The life and
Works of Jose Rizal. Mutya Publishing House Inc.
Maghuyop R., Galladora T. M., Ruiz G., Babac, V., Gallinero, W., (2018). The life and
Works of Jose Rizal. Mutya Publishing House Inc.

National Commission for Culture and the Arts (2015). Selection and Proclamation of
National Heros and Laws Honoring Filipino Historical Figures. Retrieved July 25,
2020, form https//ncca.gov.gov,ph/about-culture-and-arts/culture-frofile/selection-
and-proclamation-of-national-heros-ang-laws-honoring-filipino-historical-figures/

Pangalangan, R. (2010). The Intence Debate on the Rizal law. Retrieved December 5,
2017, Retrieved July 22 2020, from
https:/opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20101231-311798/The-
intens-debate-on-the-Rizal-Law

Phelan, J.L. (1959). The Hispanization of the Philippines: Spanish Aims and
resposes of the 1965-1700. Madison: The Wisconsin Press.
Schumacher, J. N. ( 1972). The Cavite Mutiny: an Essay on the Published Sources.
Philippine studies, 603-632.
Wickberg, E. (1964) The Chinese mestizo in Philippine history. Journal of Southeast
Asia history, 5(1), 62-100.

Vidal, J.M. (1904). Pilitical and Administrative Organization. In Emma H. Blair and
James A. Roberton. The Philippine Islands: 1493-1898. Volume XVII,
pp322-324. Cleveland: Arthur H. Clark Co.

You might also like