You are on page 1of 5

Lesson Plan For Case Study

Grade Level Ikaapat Na Baitang


Learning Area Araling Panlipunan
Quarter Ikatlong Markahan

I. Objectives
Content Standard Naipamamalas ang pag-unawa sa bahaging
ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan,
mga pinuno at iba pang naglilingkod sa
pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng bansa.
Performance Standard Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at
pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng
pamahalaan at mga pinuno tungo sa kabutihan
ng lahat (common good).
Learning Competencies/Objectives Sa araling ito, inaasahang:
1. Matutukoy ang kahulugan ng pambansang
pamahalaan
2. Matatalakay ang kahalagahan ng
pambansang pamahalaan
3. Matatalakay ang mga kapangyarihan ng
tatlong sangay ng pamahalaan
II. Content Ang Pambansang Pamahalaan at
Kapangyarihan ng mga Sangay nito
III. Learning Resources
References Pilipinas: Bansang Papaunlad 6. 2000.
pp.117-118
Ang Bayan Kong Mahal 6. pp. 124-126
Other Learning Resources Laptop
Projector
IV. Procedures
Before the Lesson I. Pagganyak (5 minuto)
Magkakaroon ang guro ng pagbabalik-aral sa
nakalipas na aralin tungkol sa lipunan,
kultura, at ekonomiya ng bansa. Magtatanong
siya sa klase:
Ano ang kahalagahan ng lipunan bilang yunit
na kinabibilangan ng bawat mamamayan?

II. Paglalahad ng Layunin at Paksa (2


minuto)
Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin
ng aralin.
“Natapos na natin ang konsepto ng lipunan.
Ngayon, tatalakayin naman natin ang
pambansang pamahalaan at ang
kapangyarihan ng mga sangay na nakapaloob
dito.”
During the Lesson I. Briefing (10 minuto)
Magpapakita ang guro ng mga sumusunod na
larawan:
Palasyo ng Malacañang, Kongreso, at Korte
Suprema

II. Discussion (20 minuto)


Ang mga mag-aaral ay hahanap ng kanilang
kapareha. Bawat pares ay bibigyan ng
babasahin na inilalahad ang mga sangay ng
pamahalaan at mga kapangyarihan nito.
Pagkatapos basahin, gagawa sila ng graphic
organizer upang itala sa loob ng mga kahon
ang kapangyarihang taglay ng bawat sangay.
Kasunod nito, isusulat din nila kung sino ang
kasalukuyang pinuno ng bawat sangay ng
pamahalaan. Bibigyan sila ng labinlimang
minuto upang gawin ito. Pagkatapos, iuulat
ng mga magkakapareha ang kanilang mga
sagot sa harap ng buong klase.

III. Debriefing (3 minuto)


Magtatanong ang guro sa klase:
1. Ano ang mga sangay ng pamahalaan?
2. Ano ang mga kapangyarihan ng tatlong
sangay ng pamahalaan?
After the Lesson I. Pagbubuod (5 minuto)
 Ano ang kahalagahan ng pambansang
pamahalaan?
 Paano nakatutulong sa ating bansa ang
mga sangay ng pamahalaan?

II. Kasunduan
Alamin ang mga karapatan at tungkulin ng
isang mamamayang Pilipino. Itala ito sa
kwaderno.

Prepared by: Jennifer G. Manrique


Course and Year Level: BEED-3
Instructor: Mr. Richard Abel
ACTIVITY 2 – LESSON 1
Lesson Plan For Role-Play and Simulation
Grade Level Ikalawang Baitang
Learning Area Araling Panlipunan
Quarter Ikatlong Markahan

I. Objectives
Content Standard Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting
paglilingkod ng mga namumuno sa pagsulong
ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon
sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling
komunidad.
Performance Standard Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa
pagsulong ng mabuting paglilingkod ng mga
namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon
sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling
komunidad.
Learning Competencies/Objectives Naiisa-isa ang mga pangkat ng mga tao sa
kinabibilangang komunidad batay sa kanilang
hanapbuhay.
II. Content Ang mga Tao ng aming Komunidad
III. Learning Resources
References Pagsibol ng Lahing Pilipino 2. 2003. pp. 66-
68
Pamayanang Pilipino 2. 1997. pp. 53-74
Other Learning Resources Laptop
Projector
IV. Procedures
Before the Lesson I. Pagganyak at Pagbabalik-aral (4 minuto)
Ipapabasa sa mga bata ang mga nakasulat na
iba’t ibang hanapbuhay na nasa cartolina
strips. Ipapahanap sa kanila ang mga
pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino.
Pangingisda
Pagtatahi
Pagtitinda
Pagtotroso
Pagluluto
Pagmimina
Paglilinis ng mga daan
Pagtuturo
Pagsasaka
Pagkuha ng mga basura

Pagkatapos, itanong ito:


Ano-ano ang mga ginagawa nila?
II. Paglalahad ng mga Layunin at Paksa (1
minuto)
Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin
ng aralin.
“Napag-aralan na natin ang mga kultura sa
ating komunidad. Kung gayon, dadako naman
tayo sa mga pangkat ng tao sa ating
komunidad batay sa kanilang hanapbuhay.”
During the Lesson I. Initiation and Direction (5 minuto)
Magkakaroon ng “Picture Gallery” ng iba’t
ibang hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
Ipapasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan.
Subukang ipakilala sa kanila ang mga
hanapbuhay. Pagkatapos, itanong ito sa klase:
Ano kaya ang itatawag natin sa kanila?

II. Describing the Scenario (5 minuto)


Magpapanood ang guro ng isang maikling
dokumentaryo tungkol sa mga uri ng
hanapbuhay sa komunidad. Hihikayatin niya
ang buong klase na magtala ng mga
impormasyon ukol sa napanood. Pagkatapos,
ilalahad niya ito:
“Napanood ninyo ang iba’t ibang klase ng
hanapbuhay sa ating komunidad. Kaya
ngayon, susubukan naman ninyong gayahin
ang mga ginagawa nila.”

III. Assigning Roles (6 minuto)


1. Papangkatin ang mga bata sa lima.
2. Bibigyan ang bawat pangkat ng tig-iisang
envelope na naglalaman ng mga larawan ng
iba’t ibang uri ng hanapbuhay.
3. Susubukan nila itong isakilos sa harap ng
buong klase at pahuhulaan ito sa mga
manonood.

IV. Enactment (20 minuto)


Ipakikilala ng bawat pangkat ang mga
hanapbuhay na nakaatas sa kanila sa
pamamagitan ng pagsasakilos ng mga
gawaing nakasaad sa mga larawan. Huhulaan
ito ng iba pang mga pangkat. Ang unang
pangkat na makakahula ng hanapbuhay ay
bibigyan ng isang puntos. Ang magkakaroon
ng pinakamaraming puntos ay idedeklarang
panalo.
V. Debriefing (4 minuto)
1. Ano ang masasabi ninyo sa ating gawain?
2. Ano-ano ang mga ginagawa nila?
3. Ano ang tawag natin sa kanila?
4. Nakatutulong ba sila sa ating komunidad?
Sa paanong paraan?
After the Lesson I. Pagbubuod (2 minuto)
Magtatanong ang guro sa klase:
 Ano-ano ang mga pangkat ng mga tao
sa ating komunidad?
 Gaano kahalaga ang papel na
ginagampanan nila sa ating
komunidad?

II. Kasunduan
Mag-interview ng isang propesyonal sa
inyong pamayanan. Itanong kung ano ang
tungkulin na ginagampanan niya. Itanong din
kung paano niya ito ginagawa.

Prepared by: Jennifer G. Manrique


Course and Year Level: BEED-3
Instructor: Mr. Richard Abel
ACTIVITY 2 – LESSON 2

You might also like