You are on page 1of 4

MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

KABANATA 1
BATAYANG KAALAMAN SA DISKURSO

Layunin:

a.) Natutukoy ang katuturan ng diskurso


b.) Napapalawak ang kabatiran sa kahalagahan ng diskurso.
c.) Naiisa-isa ang layunin at elemento ng diskurso.

KATUTURAN NG DISKURSO

- Nagmula ito sa Middle English na “discours” na mula sa


Medival at Late Latin na “discursus” at “kumbersasyon.”

- Sa makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa


kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o
pagiging makatwiran ng isang tao.

- Ayon sa diksyonaryo ni Leo James English (2007) ang kahulugan ng diskurso ay


may kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati.

- Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa
kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng
kumbersasyon. Ito rin ay isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang
paksa, pasalita man o pasulat.

KAHALAGAHAN NG DISKURSO

 Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon


ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng manunulat at
mambabasa.

 Sa pamamagitan ng diskurso, nakapararating ng mensahe ng isang tao sa


kanyang kapwa upang siya ay lubusang maunawaan.

Pahina 3
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

LAYUNIN NG DISKURSO

 Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay


maranasan din ang nararanasan ng manunulat.

 Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin


o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.

 Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.

 Makapagbigay ng sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu


o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

ELEMENTO NG DISKURSO

1. Nilalaman
 May pagbatid sa mahalagang mensahe
 May mahalagang impormasyon
 May kaalamang mapapakinabangan
 Makalilibang

2. Pananalita
 Madaling maunawaan
 May mga bagay na makatutulong upang madaling maunawaan
ang isang pahayag
 Maraming gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan

PAGLINANG NG IDEYA

Paksa
o Dito nagsisimula ang pakikipagtalastasan ng bawat tao sa lipunan o grupo,
subalit sa pagpili ng isang paksa, dapat ito ay may saysay.

o Sa pagpili ng paksa, kinakailangan na may sapat na kaalaman upang


mabigyang husay ang pagbibigay ng datos sa bawat detalye ng diskurso.

Layunin
o Ito ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng pakikipagdiskurso. Nagiging
gabay ito sa pagtukoy sa dahilan ng pakikipagtalastasan ng isang tao sa
kanyang kapwa o sa lipunang nasasakupan niya.

Pahina 4
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Pagsasawika ng Ideya
o Ito ay tumutukoy sa proseso na ang ideya o kaisipan ng tao sa isang paksa
ay isinasatitik.

o Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang linggwistik kompetens dahil dito
sinusukat ang kakayahan ng isang tagapagpahayag sa kanyang wika.

Tagatanggap
o Malaki ang ginagampanan ng tagatanggap dahil dito lamang malalaman
kung epektibo ang paraan ng diskurso ng tagapaghatid.

Upang mas maunawaan ang diskurso, buksan ang mga link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=0Pxm1Rnr3qI
https://www.youtube.com/watch?v=0Dvg3ENXV1Y

http://irenepearltperalta.blogspot.com/
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html
https://prezi.com/0pygdgcofjjg/teksto-at-konteksto-ng-diskurso/
https://prezi.com/4ntzxammm_6x/mga-batayang-kaalaman-sa-diskurso-at-pagdidiskurso/
https://prezi.com/brmjfphqlsm2/21-mga-batayang-kaalaman-sa-diskurso-at-pagdidiskurso/
https://dokumen.tips/documents/batayang-kaalaman-sa-diskurso.html

Pahina 5
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

You might also like