You are on page 1of 3

TAKDANG ARALIN

SA FILIPINO 1

Ipapasa ni:

Ipapasa kay:
DISKURSO

Ano nga ba ang Diskurso?

Nangangahulugan magsulat o magsalita nang may kahabaan o


katagalan.Ito ay pakikipag talastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpahahayag ideya tungkol sa isang paksa.

Kahalagahan ng Diskurso.

Ang diskurso ay paksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay


nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, ng
manunulat at mambabasa. Sa pamamagitan nito nakakaparating ng mensaho sa
ibang tao sa kanyang kapwa upang siay ay lubusang maunawaan.

Katuturan ng Diskurso.

Katuturan ng DiskursoIto ay pag papabatud ng iniisip at nadarama sa


hangaring maunawaan at unawain ang kausap na maaaring maisagawa nang
pasalitao pasulat.Mula ito sa Latin na discursus na nangangahuluhan ng pag
tutuloy-tuloy.Ito ay kumbersesyunal na interaksyon sa pagitan ng tagapagsalita at
tagapakinig.Ito ay nangangahulugan din ng pakikipag talastasan.Interaktibong
gawain tungo sa mabisang pag lalahad ng mga impormasyon.Paraan ng pagbuo
ng kaalaman, kaisipan o pangangatwiran para sa masining na pahayag.

Iba’t ibang uri ng Diskurso

1. Paglalarawan

Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdamn ng isang tao at
hayop.Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibbigay-tulong sa tao
upang bumuo ng larawan sa kanyang isipan na magbibigay-daan upang
mapalawak nito ang kanyang pagiging malikhain.

2. Pagsasalaysay

Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan


maging sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari.Sa pagsasalaysay nabibigyan
ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang kaniyang mga karanasan mabuti
man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao.Sa pagsasalaysay,marapat
lamang na maisaalang–alang ang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan.Dahil
ang hindi pagsasaalang-alang sa pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay
magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o tagapakinig.
3. Paglalahad

Ito ay diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang isang tao ng


mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na
inihahayag sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa
pagkakaroon ng bago at dagdag na kaalaman ng ibang tao.Dahil sa diskursong
ito magagawa ng tao na makabuo ng kanyang sariling imbensyon kung ang
nakabasa ay isang imbentor,pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang
guro at marami pang iba.

Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad

 Pagbibigay ng kahulugan
 Pag-iisa-isa
 Pagsusunod-sunod
 Tatlong Uri ng Pagsusunod-sunod
 Sikwensyal na Pagkakasunod-sunod
 Kronolohikal
 Prosidyural

4. Pangangatwiran

Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa


o tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento.Kailangan
ang mapalawak na kaalaman sa pinagtatalunang isyu at may kakayahang
maiayos ang kaisipan upang magamit sa pangangatwiran at nang ganoon ay
mapanindigan ang kanyang argumento.

Halimbawa:

-Pagtatalo o debate

You might also like