You are on page 1of 17

PANGKAT 3

ANG DISKURSO
PANGKAT 3
John Abe Nasayao
Ivanjay Madrid
Ryan Conda
KAHULUGAN, KATANGIAN,
AT LAYUNIN NG DISKURSO
Tagapag-ulat:
John Abe Nasayao
ANO ANG DISKURSO?

• Ayon kay Michel Foucault, ito ay isang paraan ng pagbuo ng


kaalaman kasabay ng mga gawi at pagkilos sa isang lipunan, mga
anyo ng pagkiling at kapangyarihang kaugnay ng mga natamong
kaalaman.
• Ang diskurso ay higit pa sa paraan ng pag-iisip at paglikha ng mga
kahulugan. Ang mga ito ay bumubuo sa kalikasan ng katawan, ng
mga malay at di-malay na kaisipan, at ang buhay-damdamin ng
mga nais pamahalaan.
• Hindi lamang ito simpleng pasalita o pasulat na anyo ng pagpapahayag.
Hindi lamang ito tungkol sa indibidwal kundi kabilang din dito ang
lipunan at maging ang pinagmulang kultura na bumubuo sa paksa (tao)
na nais pamahalaan.
Ayon naman kay Noah Webster ang Diskurso ay:
• Tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe.
• Berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
• Pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa na ginagamit ang
anyo ng diskurso ang pasalita at pasulat.
• Kapareho ng Komunikasyon.
Halimbawa: Disertasyon tulad ng mga sanaysay, panayam, artikulo ,
pagtatalumpati, pasalaysay , at iba pa.
Mga Katangian ng Diskurso

• Ang diskurso ay isang mahalagang konsepto sa larangan ng wika,


komunikasyon, at mga pag-aaral sa lipunan. Ito ay tumutukoy sa
paraan ng pagpapahayag ng mga tao sa kanilang mga ideya,
opinyon, at karanasan sa pamamagitan ng pagsasalita o
pagsusulat. Narito ang ilang mga katangian ng diskurso:
1. Komunikatibo: Ang diskurso ay isang paraan ng komunikasyon. Ito
ay naglalayong magpadala ng mensahe mula sa isang tao o grupo ng
mga tao patungo sa iba. Ang layunin nito ay maiparating ang
kahulugan o mensahe sa mga tagapakinig o mambabasa.
2. Nakabatay sa Konteksto: Ang diskurso ay laging may kaugnayan sa
konteksto. Ibig sabihin, ito ay naaapektohan ng mga salik tulad ng
kultura, kasaysayan, lipunan, at sitwasyon. Ang mga tao ay gumagamit
ng iba't ibang uri ng diskurso depende sa kanilang sitwasyon o layunin.
3. Pangkasaysayan: Ang diskurso ay maaaring magbago sa paglipas ng
panahon. Ang mga pagbabago sa wika at kultura ay maaaring magdulot
ng pagbabago sa mga paraan ng pagsasalita o pagsusulat.
4. Nakapaghahatid ng Identidad: Ang mga tao ay gumagamit ng
diskurso upang ipakita ang kanilang pagkakakilanlan at pagsasama-
sama sa isang partikular na grupo o komunidad. Halimbawa nito ay ang
mga tuntunin ng pag-uusap ng isang propesyon o paggamit ng mga
espesyalisadong terminolohiya sa isang larangan.
5. Nagpapahayag ng Kapangyarihan: Ang diskurso ay maaaring gamitin
upang magpatibay o magpahina ng kapangyarihan. Ang mga taong may
malalakas na boses o may mataas na antas sa lipunan ay maaaring
gamitin ang kanilang diskurso upang kontrolin o impluwensiyahin ang iba.
6. Mababa, Gitna, at Mataas na Diskurso: Mayroong mga iba't ibang
antas ng diskurso. Ang mababang diskurso ay karaniwang pang-araw-araw
na komunikasyon, habang ang mataas na diskurso ay mas malalim at mas
teknikal. Ang gitna naman ay nasa kalagitnaan ng dalawang ito.
7. Nag-aambag sa Pagbuo ng Kaalaman: Ang diskurso ay may malaking
bahagi sa pagbuo at pagpapalaganap ng kaalaman sa lipunan. Ito ang
paraan kung paano iniuugma ng mga tao ang kanilang mga ideya at
kaalaman sa pamamagitan ng pagsusulat at pagsasalita.
Layunin ng Diskurso

• Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging


sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat
• Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao, bagay, pook,
damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan
• Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig
• Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang
isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o
tagapagkinig.
DALAWANG URI NG
DISKURSO
Tagapag-ulat:
Ivanjay Madrid
Pasalita
Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya't bukod sa
kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat
kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng
pagbigkas,tono.diin.kilos.kumpas ng kamay tinig, tindig at iba pang
salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago sa kahulugan
ng mensahe.
Pasulat
Higit na pag-ingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling
ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating
sa tatanggap at ito'y kanyan nabasa,hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang sinulat
MGA URI NG DISKURSO

• Deskriptib o Paglalarawan
Pagbibigay ng malinaw ng imahen ng isang
tao,bagay.pook,damdamin o teorya upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan.
• Ekspositori o Paglalahad
Ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng
mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman
na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang
magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao.
MGA URI NG DISKURSO

• Argumentatib o Pangangatwiran
Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at
matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat
o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.
• Naratib o Pagsasalaysay
Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang
partikular na pangyayari upang maibahagi sa iba ang mga bagay na
nagaganap sa atin o mga bagay na ating nasaksihan
KONTEKSTO NG DISKURSO
Tagapag-ulat:
Ryan Conda
KONTEKSTO NG DISKURSO
• tumutukoy sa oras, espasyo, at kung sino ang kasangkot sa diskurso

• Kontekstong ng Diskurso ay maaring:


*Interpersonal
*Panggrupo
*Pang-organisasyon
*Pangmasa
*Interkultural
*Pangkasarian
• Kontekstong Interpersonal
usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa't isa

• KontekstongPanggrupo
ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat
tulad ng isang klase

• Kontekstong Pang-organisasyon
ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan tulad ng
isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at ng mga empleyado
• Kontekstong Pangmasa
sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng pangangampanya

• Kontekstong Interkultural
ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat

• Kontekstong Pangkasarian
ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na kasarian tulod ng
usapang lalake
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like