You are on page 1of 1

KAHULUGAN NG DISKURSO

 Ito ay tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe


 Ito ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon
 Ito ay pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa pasalita o pasulat
 Ito ay kapareho ng komunikasyon
 Ito ay maaaring tumutukoy sa suliraning panlipunan
 Ito ay tulay sa pagitan ng teksto at lipunan
 Ito ay mapanuri at mapanaliksik
 Ito ay paraan ng panlipunang pagkilos

URI NG DISKURSO
Paglalahad/Ekspositori
 Ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop
ng kanyang kaalaman upang magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao.
 Layunin nito na makapgbigay ng impormasyon
 Ito ang pagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang mga pangyayari, opinyon, at mga kaisipan.
Halimbawa nito ay mga sanaysay, balita, ulat, panayam, at suring sining.

Naratib/Pagsasalaysay
 Ang layunin nito'y magkuwento ng isang pangyayari o kawil ng mga pangyayari. Ang mga pang-araw-araw na
karanasan ng tao, ang mga pagbabagong nagaganap sa kanyang buhay at sa kanyang kapaligiran, ang mga
binabalak niyang gawin, ang mga pangyayaring nagdulot sa kanya ng ligaya't tuwa ang lahat ng ito'y
ikinukuwento niya sa iba. Potensiyal na materyal sa isang pagsasalaysay ang bawat pagkilos at pagsasalita ng tao,
bawat pagbabago sa kanyang kalagayan, at bawat pangyayari sa kanyang kapaligiran.
 Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos at sistematikong
kaayusan.

Deskriptib/Paglalarawan
 Pagpapahayag na may layuning magpakita ng mga katangian ng isang bagay, lugar, pangyayari, tao, o maging ng
isang ideya
 Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipanng kanyang mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang
naranasan ng manunulat
Halimbawa: Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga turista

Argumentatib/Pangangatwiran
 May layuning mapaniwala ang kausap o mambabasa ang ganitong pagpapahayag. Inilalahad ang isang kaisipan,
paniniwala, o kuro-kuro.
Halimbawa nito ay talumpati at debate.
 Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o
panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

You might also like