You are on page 1of 22

Magandang

Araw!
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa
Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang
Pilipino
Mga Diskurso sa Nasyonalismo

Marxismo at Kritikal na
Diskurso sa Globalisasyon

Teoryang Dependensiya

Pagbaklas/Pagbagtas
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o
Buhat sa LipunangPilipino

Pantayong Pananaw

Sikolohiyang Pilipino

Pantawang Pananaw

Bakod, Bukod, Buklod


Mga Diskurso sa Nasyonalismo
Mga Kahulugan
 Diskurso
 Dalawang anyo
 Uri ng Diskurso
 Nasyonalismo
Kahulugan ng Diskurso
• Ayon sa diksyunaryong Ingles-
Filipino (1984)-ang diskurso ay
nangangahulugang magsulat o
magsalita nang may katagalan o
kahabaan.
Kahulugan ng Diskurso
• Ayon naman sa Webster’s New
World Dictionary (1995), ang
diskursonay isangpormal na
pagtalakay sa isang paksa,
pasulat man o pasalita.
Kahulugan ng Diskurso
 Ay pakikipagtalastasan,
pakikipag-usap o anumang
paraan ng pagpapahayag ng
ideya tungkol sa isang paksa.
Dalawang Anyo ng Diskurso
1. Pasalita
2. Pasulat
Dalawang Anyo ng Diskurso
1. Pasalita
• Karaniwang magkaharap ang mga
partisipant.
• Binibigyang pansin ang iba’t
ibang sangkap ng komunikasyon
tulad ng sumusunod:
 Iba’t ibang sangkap ng
Komunikasyon
 Paraan ng pagbigkas
 Tono
 Diin
 Kilos
 Kumpas ng kamay
 Tinig
 Tindig at iba pa
Dalawang Anyo ng Diskurso
2. Pasulat
 Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng
isang manunulat. Sa sandaling ang
mensaheng nakapaloob sa isang
sinusulat na diskurso ay nakarating sa
tatanggap at ito’y kanyang nabasa,
hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang sinulat.
URI NG DISKURSO
1. Deskriptib/Paglalarawan
2. Naratib/Pagsasalaysay
3. Ekspositori/Paglalahad
4. Argumentatib/ Pangangatwiran
URI NG DISKURSO
1. Deskriptib/Paglalarawan
 Pagbibigay ng malinaw na imahen ng
isang tao, bagay, pook, damdamin o
teorya upang makalikha ng impresyon o
kakintalan.
URI NG DISKURSO

2. Naratib/Pagsasalaysay
 Dito, isinasambit natin ang mga
detalyeng kalakip ng isang
partikular na pangyayari upang
maibahagi sa iba ang mga bagay
na nagaganap sa atin o mga
bagay na ating nasaksihan.
URI NG DISKURSO
3. Ekspositori/Paglalahad
 Anyo ng diskurso kung saan
nagpapahayag ang isang tao ng mga
ideya, kaisipan at impormasyon na
sakop ng kanyang kaalaman na
inihanay sa isang maayos at malinaw
na pamamaraan upang magkaroon
ng bago at dagdag na kaalaman ang
ibang tao.
URI NG DISKURSO
4. Argumentatib/Pangangatwiran
 Nakatuon sa pagbibigay ng isang
sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o
panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa o
tagapakinig.
NASYONALIS
MO
Kahulugan ng NASYONALISMO
 Isang sistema ng paniniwala o
ideolohiyang polotikal ng pagiging
makabansa, ng katapatan sa interes
ng bansa, ng identipikasyon nang
may pagmamalaki sa kultura at
tradisyon ng bansa, at ng
paglunggating matamo ang
pambansang pagsulong.
Kahulugan ng NASYONALISMO
 Ito ang katangian ng
pagkakaroon ng maalab na
pagmamahal sa bansa.
Sinasabing isa rin itong
kamalayan sa lahi na nag-uugat
sa pagkakaroon ng isang
relihiyon, wika, kultura, at
kasaysayan.
Pagtataya:
 Sa isang buong papel. Gumawa ng
Posisyong Papel tungkol sa
pagpapatupad ng regulasyong
“Community Lockdown”sa buong
bahagi ng Luzon sa Pilipinas ng
kasalukuyang administrasyon
hinggil sa pagsugpo ng NCOV-19.
Maraming Salamat sa
pakikinig!

You might also like