You are on page 1of 12

KOMUNIKASYON

SA AKADEMIKONG
FILIPINO
DISKURSO
Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya sa kahit sinumang
lahi ng tao sa mundo. Kung kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa buhay ng tao.
Nagmula ito sa Middle English
na ‘discours’ na mula sa Medieval at Latin na ‘discursus’ na nangangahulugan na
pagtutuloy-tuloy at ‘kumbersasyon’. Sa makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa
kakayahan ng pagsasaayon ng kaisipan, pamamaraan o pagiging makatwiran ng isang
tao.

 Ayon sa diksyunaryong Ingles-filipino (1984), ang diskurso ay


nangangahulugang magsulat magsalita nang may katagalan o kahabaan.
 Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang
pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.
 Ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa na may hangaring maunawaan
at unawain ang kausap.
 Ang diskurso ay kumbersasyonal na interaksyon.
 Ang diskurso ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng iba’t ibang
pangungusap – sa ibang salita ay salitaan (conversation), argumento o
pananalita (speeches).
 Ayon kay John Langshaw Austin at John Rogers Searle kayang mabago ng
salita ang realidad.

MGA LAYUNIN NG DISKURSO


1. Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay
maranasan din ang naranasan ng manunulat.
2. Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya
upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
3. Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
4. Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o
panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

DALAWANG ANYO NG DISKURSO


1. Pasalita
2. Pasulat
A. Pasalitang Diskurso.
Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng
mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng
komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas,tono,diin,kilos,kumpas ng
kamay,tinig,tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasalita


1.naririnig
2.binibigkas
3.di halos napaghahandaan ang mga ideya

B.Pasulat na Diskurso.
Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng
nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang
nabasa,hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasulat


1.nababasa
2.sinusulat
3. may mahabang panahon ng paggawa
Mga Katangian ng Diskursong Pasalita at Pasulat
1. gumagamit ng wika
2. may layunin/mensahe
3. may encoder at decoder

Ang mga panandang pandiskurso ay ginagamit upang maghudyat


ng:
1. sunod-sunod na pangyayari
2. pagtitiyak
3. paglalahat
4.paghahalimbawa
5.pagbibigay-pokus
6.pagbabagong lahat
7.naghuhudyat ng pamamaraan ng sumulat

Konteksto ng Diskurso
a.interpersonal
– usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa
b.panggrupo
– ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat tulad ng isang
klase.
c.pang-organisasyon
– ang mga kasapi ay bahagi ng organisasyon o samahan tulad ng isang kumpanya, sa
pagitan ng pamunuan at ng mga empleyado.
d.pangmasa
– sa harap ng makaking grupo ng tao tuad ng pangangampanya
e. interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat
f. pangkasarian
– ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na kasarian tulad ng usapang lalaki.
Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso:
1. paksa
– ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto dahil
may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambabae o
panlalake.
2. layunin
– bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot, dahil
dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskuro sa pamamaraang magiging daan sa
katuparan ng layunin, maaring mapabago ang pananaw ng isang tao,
makaimpluwensya, makabenta o iba pa.
3.pagsasawika ng ideya
– ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil na
rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay
maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa
pagtanngap ng kinakausap.
4. tagatanggap
- ang tagahatid ar tagatanggap ay dalawang magkaibang nilalang na may iba’t ibang
takbo ng pag-iisp; nangangahulugan na kahit sa pakiramdam ng tagahatid na
malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya
mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.
2.
Silohismo/Pangangatwirang Pasaklaw o deductive
reasoning
- Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng
katotohanan; panghahawakan muna ang isang
pangunahing Batayan, saka susundan ng pangalawang
batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon.
Halimbawa:
Ang patimpalak ay ginaganap tuwing Martes o kaya
naman sa Biyernes. Nalaman ko kanina na hindi ito
gagawin sa Martes, kaya ang patimpalak ay gagawin sa
Biyernes.
Kung ang A = B at ang B = C, samakatuwid ang A = C
Lahat ng tao ay mortal.
Ako ay tao
Kaya ako ay mortal.
MGA TEORYA NG DISKURSO
1.
Speech act theory
- isang teorya ng wika kung saan sangkot
ang kilos o galaw sa pag- unawa sa pagpapakahulugan ng
isang diskurso.
-
Ito ay tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating
sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos.
Aspeto ng Speech Act
a.
Aktong Locutionary
–pagsasabi ng mga tiyak na
kahulugan sa tradisyunal na paraan.
b.
Aktong Illocutionary
–may tiyak na pwersa sa salita.
c.
Aktong Prelocutionary
– tumutukoy sa magiging
reaksyon o pagkilos na gagawin ng tagapakinig o bumasa
mula sa illocutionary act.
2.
Ethnography of Communication
- Gumagamit ng mga
kasangkapan mula sa antropolohiya upang pag- aralan ang
berbal na interaksyon sa setting nito.
-
Ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
pattern, at tungkulin ng pagsasalita.
a.
participant Observation
– ang pinakasusi ng
teyoryang ethnography of communication.
3.
Pragmatic Theory
- pag- aaral sa mga paraan kung saan ang
konteksto ay nakakaapekto sa kahulugan.
4.
Interactional Linguistics
- Pinag- aaralan nito kung paanong
ang mga tao ay nakalilikha ng kahulugan sa isang berbal na
interaksyon, kung paano tayo nakalilikha ng kahulugan sa
pang berbal na iinteraksyon, kung paano tayo nakikibahagi sa
isang kaalamang kultural.
5.
Contextualization Cues
- Ang grammar at ang referensyal na
katangian ng grammar ang makapagbigay ng interpretasyon
sa bawat isa upang makabuo ng paghihinuha.
6.
Variationist Theory
– ito ay kinapapalooban ng pagkakaiba
sa tono, intonasyon, gamit ng salita, gayon din ang
istrukturang panggramatika ng isang tagapagsalita.
-
Ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang
tiyak na salita o mga salita ay tumutugon sa pokus ng
diskurso.
-
Taong 1971 ng pangunahan ni William Labov.
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
1.
Teoryang Klasismo/ Klasisismo
- Ang layunin ng
panitikan ay maglahad ng mga layuning payak ukol sa
pagkakaiba ng estado ng dalawang nag- iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling- pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
ng may kaayusan.
2.
Teoryang Humanismo
- ang layunin ng panitikan ay
ipakita na ang tao ang sentro ng mundo, ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at kabutihan ng tao gaya ng talino,
talento, atbp.
3.
Teoryang Imahismo
- ang layunin ng panitikan ay
gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
ibahagi ng may akda na higit na madaling maunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na
layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
4.
Teoryang Realismo
- ang layunin ng panitikan ay ipakita
ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang- alang ng may- akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
5.
Teoryang Feminismo
- ang layunin ng panitikan ay
magpakilala ng kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Madaling matukoy kung ang isang akda ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan
kung saan ipinapayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
6.
Teoryang Arkitaypal
- ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan
ng simbolo.
7.
Teoryang Formalismo
- ang layunin ng panitikan ay
iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan.
8.
Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal
- ang layunin ng
panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior ( pag- uugali,
paninniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa may-
akda. Ipinapakita sa akdang ito na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil sa may nag-
udyok sakanya na mabago o mabuo ito.
9.
Teoryang Eksistensyalismo
- ang layunin ng panitikan ay
iapakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
10.
Teoryang Romantisismo
- ang layunin ng teoryang ito ay
ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag- aalay ng pag- ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinapakita rin sa uri ng akdang ito na lahat
gagawin ng isang nilalang upang maipaalam lamang ang
kanyang pag- ibig sa bayan o sa kanyang napupusuan.
11.
Teoryang Markismo/ Markisismo
- ang layunin ng
teoryang ito ay ipakita na ang tao ay may sariling
kakayahan para umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panllipunan at
pampulitika.
12.
Teoryang Sosyolohikal
- ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may- akda.
13.
Teoryang Moralistiko
- ang layunin ng panitikan ay
ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao- ang pamantayan ng tama o mali.
14.
Teoryang Bayograpikal
- ang layunin ng panitikan ay
ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda.
15.
Teoryang Queer
- ang layunin ng panitikan ay iangat at
pagpantayin ang paningin ng lipunan sa mga homosexual.
16.
Teoryang Historikal
- ang layunin ng lipunan ay ipakita
ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin
sa kasaysayan ang bahagi ng kanyang pagkahubog.
17.
Teoryang Kultural
- ang layunin ng panitikan ay ipakilala
ang kulturang mayroon ang may- akda.
18.
Teoryang Feminismo
- Markismo- ang layunin ng
panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan
sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.
19.
Teoryang Dekonstroksyun
- ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo.
Mga Salik ng Diskurso
a.
porma
– ang gamit ng salita ay nababago sa porma nito.
b.
setting
– ito ay ang lugar at panahon na kinaganapan ng
diskurso.
c.
participants
– ito ay ang tao o mga taong kasangkot sa
diskurso.
d.
ends
– ito ay ang layunin ng diskurso.
e.
act sequence
– ito ay ang pagkakasunod-sunod ng pagbuo
ng diskurso.
f.
keys
– ito ay ang susi na makatutulong sa mabisang
diskurso, kasama ang tono, ekspresyon at pmamaraan sa
pagpapahayag
g.
instrumentalities
– ito ay kung ano ang gamit ng wika
pati na rin ang porma at antas nito sa paggamit sa
diskurso.
h.
norms
– ito ay ang kaugalian, tradisyon, at kulturang
kinasangkutan ng diskurso.
i.
genre
– ito ay anyo ng diskurso.

You might also like