You are on page 1of 5

ARALIN 5: ANG LIMANG KANON NG RETORIKA

1. Imbensiyon
Importanteng malaman kung ano ang pangunahing isyu na tinatalakay sa
isang pag-uusap. Dahil dito, nabuo ng mga sinaunang teorista ang ideya ng
istasis. Ang Istasis ay tumutukoy sa punto kung saan nagkakaroon ng di
pagkakasundo ang dalawang retor. Ito ang pag-usbong ng tinatawag na
argumento. Mainam itong gamitin sa mga legal na usapin, kung saan kadalasang
nagkakaroon ng komplikasyon ang diskusyon. Ito ay nahahati sa tatlong isyu:
una, ang bagay na pinagtatalunan (disputed). Sa isang kaso halimbawa,
inakusahan ng pagpatay ang isang tao, bagay na kanyang itinanggi. Nagkaroon
kaagad ng pagtatalo dahil sa magkaibang paniniwala ng dalawang panig.
Ikalawa, naman ay ang kalikasan (nature) ng pangyayari. Sa katulad na
halimbawa, maaaring hindi itinanggi ng suspek ang krimen ngunit patotohanan
niya sa hustisya ang pagkakasala, kung bakit niya ito nagawa. Ikatlo, ang
depinisyon. Upang malaman kung ang krimen ay totoo, ibibigay ang pakahulugan
sa salitang “pagpatay” at isasaad kung ano ang ginawa ng suspek upang ito
mailagay sa kategorya ng pagpatay. Dahil dito, magkakaroon ng batayan ang
hatol ng hukom base sa mga argumento ng nagsasadlak.
Ang husay sa pagpapahayag ay kakayahang makapanghikayat ng
tagapakinig. Ang paghihikayat ay kailangan ng patunay o proof, nang sa
ganonay maging kongkreto at kapani-paniwala ang sinasabi ng tagapagsalita.
Noong panahon ni Aristotle, hindi gumagamit ang mga guro ng pruweba upang
maipahatid ang kanilang punto at sa kanilang ilalagay sa isang particular na
sitwasyon ang isipan ng mga tao. Hinati ni Aristotle ang pagbibigay ng pruweba
sa dalawang kategorya: artistiko at di-artistiko. Ang artistikong pruweba ay
bagay na nalilikha ng tagapagsalita, siya mismo ang nagbibigay ng katotohanan
na maaari niyang manipulahin, sa paanong paraan niya ipapahayag at kung
hanggang saan ang kaniyang kaalaman. Ang di-artistikong pruweba, sa kabilang
banda, ay mga bagay na hindi nagmula sa nagsasalita. Ito ay mga katotohanang
hinihingi ng sitwasyon at di maaaring imbentuhin tulad ng salaysay ng isang
saksi, nilalaman ng isang kontrata at iba pa.
Ito rin ay hinati niya sa tatlong uri: ethos o etika, pathos o emosyon at
logos o lohika. Ang pag-aaral ng etika ay pag-aaral sa pagkatao at personalidad
ng nagsasalita. Bagama’t mahalaga ang pahayag ng tagapagsalita dapat di
bigyan ng atesyon ang kaniyang asal. Sa pagbuo ng personalidad ng nagsasalita
ay lumalakas ang kaniyang paghikayat sa mga nakikinig.
Ang pathos naman ay tumutukoy sa emosyon. Kadalasan ito ay patungkol sa
nararamdaman o saloobin ng nakikinig. Kailangang ilagay ng nagsasalita ang
kaniyang sarili sa estado ng pag-iisip ng mga nakikinig. Sa pamamagitan nito ay
malalaman niya kung ano ang nararapat bigkasin na makukuha ang tiwala at
apruba ng publiko. Sa pag-analisa ng emosyon ng iba, importanteng masagot ng
tagapagsalita ang tatlong katanungan: ano ang estado ng kanilang pag-iisip,
kanino patungkol ang emosyon nila at ano ang dahilan nila sa ganitong
emosyon?
Ang lohika ay tungkol sa mga pangangatwiran. May dalawang uri ng
pangangatwiran: deduksyon at induksyon. Ang induksyon ay pagbibigay ng
katwiranbatay sa mga halimbawa na magbibigay ng pangkalahatang
kongklusyon. Sa pagbibigay ng pare-parehong halimbawa, nakabubuo ng iisang
ideya. Ang deduksyon naman ay isang entihimo, kung saan ang pagbibigay ng
kongklusyon ay iniaasa sa isipan ng nakikinig. Sila ang bahalang magbigay ng
interpretasyon batay sa inilahad ng tagapagsalita.
Sa imbensiyon mahalaga rin ang salitang topoi o ang paksa ng argumento.
Ito ang lugar kung saan ang tagapagsalita ay maaaring ipagtanggol ang kaniyang
panig at magbigay ng mga pruweba.
2. Pagsasaayos
Ito ay sumasakop sa estruktura ng talumpati. Ang isang talumpati, upang
maging epektibo, ay nangangailangan ng organisadong balangkas upang
maiwasan ang pagkakagulo at hindi pagkakaunawaan matroon itong dalawang
bahagi: sabihin ang paksa at ipaliwanag ito.
3. Estilo
Ang estilo ng isang talumpati at mahalaga.
Antas ng Estilo (Ayon kay Cicero)
a. Maringal (grand) – ay gumagamit ng mga gayak o maadornong salita at
itinatampok nito ang maayos na pagkakalagay ng mga salita sa isang
pangungusap. Ito rin ay may kasamang mga anyo ng salita (figures of
speech) at anyo ng kaisipan (figures of thought).

b. Karaniwan (middle) – gumagamit ng mga salita na may karaniwang


kahulugan ngunit hindi madalas gamitin sa pang-araw-araw na
komunikasyon.

c. Payak (simple) – sinasabing ang pang-araw-araw na pananalita. Walang


gayak at pagkamakinis.
Ang Rhetorica ad Herennium ay may kinikilala na tatlong katangian ng
estilo:
a. panuri (taste) – kawastuhan at kalinawan ng paggamit ng mga salita.
b.artistikong komposisyon – ang pagkakaayos ng mga salita na
magkakatulad ng tapos sa bawat parte ng diskurso.
c. pagtatangi (distinction) – o ang epekto ng paggawa ng magagayak at
iba’t ibang klase ng talumpati.
Tipikal na Anyo ng Pananalita
1. Aliterasyon – pag-uulit ng parehas na letra o tunog sa loob ng
magkakalapit na salita; madalas lumalabas sa unang katinig.

Hal. Tatalon- talon, iindak-indak, masipag maglaba ang mga magulang


ko.

2. Pag-uulit – pag-uulit ng parehong salita o parirala sa umpisa ng


magkakasunod na sugnay, pangungusap o linya.
Hal. Minsan sa kanyang piling;
Minsan dinig ang aking hiling;
Minsang di na mauulit pa
Minsag ang mali, walang kasingsaya.
3. Tricolon – tatlong pangungusap o parirala na parehas ang haba at
nakalapat ng magkakasunod.
Hal. Makinig. Matuto. Magtagumpay!
4. Antitesis (Anti-thesis) – ang pagkakahanay ng magkakasalungat na salita
o ideya.
Hal. O ang babae, pagminamahal
May kursunada, aayaw-ayaw
Pag ‘yong dinalaw ay nayayamot
‘Wag mong dalawin, dadabog-dabog
5. Oksimoron (oxymoron) – paglalagay ng dalawang salita na
magkasalungat ang ideyang pinapahayag.
Hal. Nakabibinging katahimikan.
Malungkot na masaya ang makapiling ka.
4. Paghahatid
Ang salitang paghahatid ay tumutukoy sa pinagsanib na kahulugan ng
dalawang salitang Romano, ang acto o pag-arte; at pronuncio, o pagbigkas.
Sa wikang Griyego naman, ito ay tinutumbasan ng salitang hypokrisis na
nangangahulugan din na pag-arte sa uri ng retorika ng matandang panahon,
tumutukoy ang paghahatid sa kung paano ipinarating ang mensahe at hindi
sa kung ano ang nilalaman ng mensahe.
Napakahalaga ng pag-arte at ng mahusay na paggamit ng tinig sa
paghahatid ng mensahe lalo na noong unang panahon.Nakakaimpluwensya
ito sa awdyens na nabagabag ang damdamin dahil sa napanood at
napakinggan.

5.Memorya
Mabuti sa isang mananalumpati na saulado ang kanyang
piyesa.Nagbibigay ito ng tiwala sa sarili at dagdag na lakas ng loob. Hindi
makakamit ang pagiging manananggol kung walang husay sa pagsasaulo.
Ang pagsasaulo ay daan upang makamit ang pagiging peritus dicendi
(well-versed in speaking).
Ang Mga Gampanin ng Retorika
a. Demonstratibo – ginagamit upang purihin o sisihin ang isang tao o
minsan ay maaaring grupo.
b. Panghukuman – makikita sa husgado. Ito ay ginagamit upang
mapawalang-sala ang nasasakdal o maaaring maidiin pa ito sa kaso.
c. Deliberatibo – ginagamit sa senado at kongreso upang ipasa o huwag
ipasa ang isang batas na ipinanukala.

Ang Iba pang gampanin ng retorika ay ang mga sumusunod;


1. Pagbuo ng Paniniwala
Ang retorika ay ang masining na paraan ng panghihikayat gamit ang mga
salita, pasulat man o berbal. Isa sa mga layunin nito ay pagbubuo ng
paniniwala. Gamit ang retorika, mahihikayat natin ang mga tao na
paniwalaan ang isang bagay o ibahin ang matagal na niyang
pinaniniwalaan.

2. Pagpapaliwanag
Ang mga retor ay makakukuha ng sapat na atensyon sa mga mambabasa
at tagapakinig, magsisimulang lumikha ng mga virtual na karanasan
gamit ang pagsasalita at pagsulat upang makuha ang loob ng mga tao at
saka maghahain at magpapatunay ng mga paliwanag na sa tingin nila at
pinakaposible at angkop dito.

3. Pagpapabago ng Paniniwala
Sa pagkakaroon ng tinatawag na virtual na karanasan, may paunang
kaalaman at mababaw na interpretasyon ang isang tao tungkol sa
paksang bibigyang-tuon subalit sa pagkakataong nagkaroon na siya ng
iba pang kaalamang higit sa makapanghihimok at kapani-paniwala
maaaring mabago ang pananaw niya rito. Sa tulong ng retorika, higit na
madadala at mapag-iisip ang mambabasa sa kung ano ba talaga ang
tunay na kwento sa likod ng isang pangyayari.
4. Pagsisimula ng Aksyon
Ang isang kaisipan o paniniwala ay hindi agad nagreresulta ng aksyon o
ng kakayahang magsagawa ng aksyon. Kahit mayroong bagay na
pinaniniwalaan walang aksyong susunod hangga’t hindi napapatibay ang
mga paniniwalang ito. Dito pumapasok ang isa sa pinakalayunin ng isang
mananalumpati. Ito ay ang panghihikayat sa mga tao na isabuhay ang
kanilang mga paniniwala at umaksyon nang ayon dito.

5. Pagpapanatili ng Aksyon
Hindi dapat natatapos ang aksyon matapos pa lamang ito maisasagawa.
Dapat ipagpatuloy ito kahit sa paglipas ng panahon. Trabaho ng isang
retor na maipaalala sa mga tao kung bakit isinasagawa ang mga pagkilos
na ito.

6. Paglikha ng Virtual na Karanasan


Sa pamamagitan ng simbolo, ang isang tao ay makakukuha ng mga ideya,
larawan at karanasan mula sa kanilang nakaraang damdaminat karanasan
na magagamit sa paglikha ng isang ilusyon o imahe sa kanyang isipan na
maaaring kalapit o halos katulad san ais ipabatid ng may-akda.
Ang Retorika ay Pagkikritika
Ano ng aba ang puno’t dulo ng pagtalakay ng retorika? Siyempre pa,
ang maging kritiko at kritika. Nakikinig ang mga sinaunang Griyego at mga
Romano upang magkaroon ng ideya sa mga usapin at bago sila
makapagpasya kung alin ang tama at mali, bumabatay ang mga katwiran
sa kanilang pagkikritika.
Kung gayon, ang puno’t dulo ng retorika ay gawin tayong mapanuri at
gawin tayong mga kritiko at Kritika. Bigyang-hustisya natin ang pagiging
kritiko at Kritika. Making. Manood. Magbasa. Magsulat Bumigkas.

You might also like