You are on page 1of 3

1 PANGANGATWIRAN PANIMULA Walang taong nabubuhay sa kanyang sarili.

Kailangan natin ang ating kapwa; kung ganoon, masasabing ang buhay natin sa mundo ay pakikisalamuha sa ating kapwa. Ang buhay ng tao ay lagging kaugnay ng mga taong nasa kanyang paligid. Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, tayo ay nakikilahok, namumuno, nagiisip, nagpapasya. Lagi tayong gumagawa ng desisiyon. Ang mga desisyong ito ay humuhugis ng ating kapalaran. At sa lahat ng ito, masasabi ang pangangatwiran ay lubos na mahalaga. Kahulugan Ang pangangatwiran ay anyo ng diskors na ang layunin ay humikayat. Ang pangangatwiran ay pamamaraan ng komunikasyon na ginagamitan ng lohika. Ang pangangatwiran ay paraan ng paglalahad na ginagamitan ng patunay o katibayan. Kahalagahan 1. Lumilinang ng kakayahan sa kritikal na pag-iisip. 2. Nagpapatibay ng tiwala sa sarili. 3. Napaniniwala at napakikilos ang iba. Ang Debate/Pagtatalo Kahulugan Ang debate o pagtatalo ay pagpapalitan ng palagay o kuru-kuro tungkol sa isang paksa. Proposisyon Ito ay isang uri ng paninindigang nilalaman ng isang buong pangungusap na ang layunin ay patunayan sa pamamagitan ng argumento. Katangian ng Mahusay na Proposisyon 1. 2. 3. 4. 5. 6. Kawili-wili at pumupukaw ng interes. Napapanahon ang paksa Malinaw at tiyak ang paksa Mapapatunayan sa pamamagitan ng ebidensya Walang kinikilingan Malinaw ang pagkaugnay-ugnay ng mga ideya.

Ano/Sino ang maaaring mapagkunan ng ebidensya? 1. Mga saksi 2. Obserbasyon 3. Pangyayari 4. Mga dalubhasa 5. Ang mga opinion o kuru-kuro ng mga taong kilala at awtoridad sa paksa Mga uri ng debate/pagtatalo A. Oxford-Oregon 1. Ang koponan sa debate ay bubuuin ng tatlong miyembro at isang panghalili.

2 2. Ang bawat koponan ay kailangang magbigay ng bond sa pagtatala na kung minsan ay hindi na rin nangyayari. Kung hindi makasipot sa debate ang koponan ay hindi na nila mababawi ang bond. 3. Magpapalabunutan upang malaman kung sinong mga koponan ang maglalaban at kung anong panig ang ipagtatanggol ng bawat koponan. 4. Dalawang koponan na binubuo ng tatlong miyembro bawat isa ang makikibahagi sa bawat event. Ang unang koponan ay ang sumasang-ayon at ang ikalawang koponan ay di-sumasang-ayon. 5. Sa bawat event ay magkakaroon ng modereytor, lupon ng inampalan at tagapamahala ng oras. 6. Tungkulin ng modereytor na ilagay sa kaayusan ang debate at tukuyin kung sino ang magsasalita. 7. Sa bawat event, ang lupon ng inampalan ay bubuuin ng tatlong miyembro. Ang lupon ang pipili ng mananalo. 8. Ang panukatan sa paghuhusga ng debate ay pag-aanalisa at ebidensiya (40%), pangangatwiran at panunuligsa (30%), pagpapahayag (25%) at wit (5%). 9. Ang kalahok ay binibigyan ng 5 minuto para sa konstruktibong paglalahad ng panig at panunuligsa at 3 minuto para sa interpelasyon. B. Australasian C. British Parliament PAGLALARAWAN Kahulugan Ang paglalarawan ay nagpapatingkad at nagbibigay kulay, hugis, anyo, katangian sa mga tao, bagay, lugar o pangyayari. Binibigyang buhay nito ang mga kaisipan, damdamin, bagay upang makabuo ng mabisang kaisipan buhat sa inilalarawan. Naipapakita sa paglalarawan ang mga mensaheng inihahatid ng ating mga pandama. Sa pamamagitan din ng paglalarawan, napakikislot ang ating guniguni at imahinasyon. Katangian ng Paglalarawan A. Angkop na pananalita. B. Maayos na pagtatagni-tagni ng mga detalye. C. Pagpapasya ng batayang pananaw. D. Pagbuo ng pangunahing larawan Dalawang uri ng paglalarawan 1. Karaniwan /kongkretong paglalarawan Nagbibigay lamang ito ng mga tiyak na impormasyon batay sa pisikal o konkretong katangian. Madalas na ang ginagamit sa ganitong uri ng paglalarawan ay ang mga karaniwang salitang panlarawan. Dahil ditto, napakadaling mapag-iba-iba ang mga katangian ng mga bagay-bagay. 2. Masining /abstraktong paglalarawan Naghahatid ng buhay na buhay na paglalarawan batay sa pagmamasid, guniguni at damdamin ng paglalarawan. Nagbibigay ito ng mga kaisipan at damdaming hinango sa sariling pakahulugan at impresyon.

3 PAGSASALAYSAY Kahulugan Talatang nagpapahayag ng magkaugnay na pangyayari. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkukwento ng mga kawing-kawing na pangyayari. Ano ang maaaring isalaysay? 1. Sariling karanasan 2. Napakinggan at narinig 3. Nabasa 4. Likhang-isip Katangian ng isang epektibo at mahusay na pagsasalaysay 1. 2. 3. 4. 5. Maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahong pamagat. Mahalagang paksa o diwa Maayos at di-maligoy ang pagkasunud-sunod ng pangyayari Kaakit-akit na simula Kasiya-siyang wakas

Dapat Taglayin ng pagsasalaysay 1. Kaisahan ng Tauhan at tagpuan 2. Mahalagang pangyayari 3. Kasukdulan pinakamataas na pangyayari patungo sa kakalasan. Pinakarurok ng pangyayari o kapanabikan ng mambabasa o nanonood. 4. Tunggalian - ipinapakita dito ang dahilan ng paglalaban ng mga tauhan, pagkabigo ng pangunahing tauhan na kung saan magbubunga ito ng pangamba. 5. Kapanabikan - ang bahaging ito ay nagdudulot sa mambabasa ng napakatinding pananabik. 6. Kakalasan -tumutukoy ito sa unti-unting paglutas ng mga suliraning nailahad sa kwento. 7. Panauhan -tumutukoy sa naghahayag ng mga pangyayari sa salaysay. 8. Pangyayari o detalye ang siyang nagpapagalaw sa kwento o istorya. 9. Paningin- ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy ng isang mambabasa ang ibat ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin. Ang paningin ay maaaring; a. Paningin sa unang panauhan ang paglalahad sa kwento ay tungkol sa karanasan ng nagsasalaysay. b. Paningin sa pangatlong panauhan ang mga pangyayari ay dumaraan sa panauhan na maaaring sinuman sa mga tauhan. c. Paningin sa laguman - ang awtor na naglalahad ng mga pangyayari sa pamamagitan ng kanyang nakikita at nalalaman. d. Panlahat na paningin ang mga pangyayari ay maaaring magpalitlipat sa mga katauhan ng ibat ibang tauhan sa kwento. 10. Wakas o katapusan ang pagkalutas ng pananabik. Ito ay nagpapakita sa damdamin at kahatulang igagawad ng mambabasa

You might also like