You are on page 1of 31

PAGKILALA SA

IBA’T IBANG URI


NG TEKSTO
TEKSTONG IMPORMATIB
naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari,
paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay
sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw
upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
TEKSTONG DESKRIPTIB
Ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa
pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng
sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa
hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama:
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito
maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan
sa paglikha ng isang masining na paglalarawan.
URI NG TEKSTONG DESKRIPTIB
1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na
nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na
pakiramdam ng sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng
obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at
dayagram.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
1.Karaniwang Paglalarawan (Obhetibo)
– tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa
mga katangian nito gamit ng mga pang-uri - direktang pagpapakita
ng ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian
2. Masining na Paglalarawan (Subhetibo)
- malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong
imahe tungkol sa inilalarawan. - maaaring kapapalooban ng
matatalinhagang pahayag (mga idyoma at tayutay) at naglalaman ng
personal na persepsiyon kung ano ang nararamdaman ng manunulat
sa inilalarawan.
MGA TAYUTAY
1.Simili o Pagtutulad-paghahambing sa dalawang
magkaibang bagay, tao o pangyayari sa pamamagitan ng
mga salitang tulad ng, tila, kawangis, mala, parang,
kagaya, kasing, kapara at katulad. Hal:Kasingpula ng rosas
ang kanyang labi.
2. Metapora- tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t
hindi na kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng
pagkakatulad. Hal: Ang lungkot na iyong nadarama ay bato
sa aking dibdib.
MGA TAYUTAY
3. Personipikasyon o Pagsasatao- paglalapat ng mga
katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang
buhay. Hal: Ngumingiti ang araw nang ako’y naglalakad
mag-isa.
4. Hayperboli o Pagmamalabis- sobrang paglalarawan o
eksaherado kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
Hal: Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking
kinakaharap.
MGA TAYUTAY

5. Onomatopeya o Paghihimig- paggamit


ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng
bagay na inilalarawan nito. Hal:
Ngumingiyaw ang pusa sa loob ng banyo.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga
payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga
tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang
ang manunulat
o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig
na
maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang
paksa.
Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu,
paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala.
ITO AY NAHAHATI SA TATLONG ELEMENTO
AYON KAY ARISTOTLE:

1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa


salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o
personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga
mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o
karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa
pangangatwiran o lohika
na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
3. Pathos tumutukoy sa emosyon o
nararamdaman o saloobin ng
mambabasa o tagapakinig.
TEKSTONG NARATIB

Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita


ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa
sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong
pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang tekstong naratib
ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o
magsalaysay.
MGA BAHAGI NG TEKSTONG NARATIB

1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at


tagpuan.
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita
ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na
aksiyon,
rurok, at pababang aksiyon.
3. Resolusyon o denouement ay ang katapusan o huling
bahagi ng
kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin.
ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO
1. Banghay- tumutukoy sa paraan ng pagkakalahad at
pagkakaayos ng mga pangyayari. Karaniwang sinusunod na
banghay ang pagkakaayos ng mga pangyayari ayon sa Freytag’s
Pyramid na nagsisimula sa eksposisyon, patungong
komplikasyon, kasukdulan, pababa sa kakalasan at tungong
wakas.
2. Tagpuan- lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung
kailan naganap.
ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO
3. Tauhan- nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa
isang salaysay. -kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang
nagpapausad nito.
4. Suliranin/ Tunggalian- pinakadramang tagpo ng kwento
at inaasahang may maidudulot na mahalagang pagbabago
patungo sa pagtatapos. Mula rito ay maaaring makakuha ng
kaisipan o mensahe na magsisilbing layunin ng tekstong
naratibo.
PAMAMARAAN NG NARASYON
1.Diyalogo-sa halip na pagsasalaysay ay gumagamit
ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang
pangyayari. -ginagamit para pukawin ang
kabagutan ng mga mambabasa.
2. Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o
hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o
mangyayri sa kwento.
PAMAMARAAN NG NARASYON
3. Plot twist- tahasang pagbabago sa direksiyon
o inaasahang kalalabasan ng isang kwento.
4. Ellipsis- omisyon o pag-alis ng ilang yugto ng
kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa
na magpuno sa naratibong antala.
PAMAMARAAN NG NARASYON
5. Comic Book Death- isang teknik kung saan pinapatay
ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang
lilitaw upang mabigay linaw sa kwento.
6. Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay
patungong simula.
7. In medias res- nagsisimula ang narasyon sa
kalagitnaan ng kwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga
karakter, lunan at tensyon sa pamamagitan ng mga
flashback
TEKSTONG PROSIDYURAL
Nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang
isang bagay. Naglalahad ito ng wastong
pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o
paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng
malinaw na instruksiyon o direksiyon upang
maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang
isang makabuluhang gawain.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
uri ng teksto na nangangailang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa
gamit ang mga ebidensiya mula sa kaniyang
sariling karanasan, nabasa mula sa ibang teksto
o akda, mga halimbawa buhat sa kasaysayan at
pananaliksik na susuporta sa kaniyang mga
argumento.
ELEMENTO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
• 1. Proposisyon- pahayag na inilalahad upang
pagtalunan o pagusapan. Ito ay isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran
ng dalawang panig.
• 2. Argumento- paglalatag ng mga dahilan at
ebidensiya upang makatwiran ang isang panig.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY
1. Argumentum ad Hominem(argumento laban sa
karakter) – ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu
kundi ang kredibilidad/ imahe ng taong kausap.
Halimbawa: Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi
ng taong iyan dahil iba ang kaniyang relihiyon at
mukha siyang terorista.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY
2. Argumentum ad Baculum ( Paggamit ng
puwersa o pananakot) Halimbawa: Sumanib ka
sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka
maliligtas at masusunog sa dagat-dagatang
apoy.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY

3. Argumentum ad Misericordiam( Paghingi ng


awa o simpatya) – ang pangangatwiran ay hindi
nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa
awa at simpatya ng kausap.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY
Halimbawa:
Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang
akong anakmahirap.Inaalipusta at minamaliit ako ng
aking kalaban. Ang gusto ko lamang ay maglingkod.
Ako lamang ang nakauunawa sa kalagayan niniyo
ngunit patuloy ang paninira nila sa akin ng mga
bagay na walang katotohanan.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY
4. Argumentum ad Numeram (batay sa dami
ng naniniwala sa argumento)- ang paninindigan
sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa
dami ng naniniwala rito. Halimbawa: Marami
akong kakilalang malakas uminom ng Coke pero
wala silang diabetes kaya naman hindi ako
naniniwalang masama ito sa kalusugan.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY
5. Argumentum ad Ignorantiam (batay sa kawalan
ng sapat na ebidensiya)- ang pahayag ay
pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang
kamalian nito at walang sapat na patunay kung mali
o tama ang pahayag. Halimbawa: Kung wala nang
tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam na
alam na nila ang aralin at handa na sila sa mahabang
pagsusulit.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY

6. Cum Hoc Ergo Propter Hoc (batay sa


pagkakaugnay ng dalawang pangyayari)- may
ugnayang sanhi at bunga ang dalawang
pangyayari Halimbawa: Maswerte sa akin ang
kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging
mataas ang benta ko.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY
7. Post Hoc Ergo Propter Hoc(batay sa
pagkakasunod ng mga pangyayari) Halimbawa:
Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na. 8.
Non Sequitur (Walang kaugnayan)- ang
kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa
naunang pahayag. Halimbawa: Hindi nagagalingan si
Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy raw
manamit ang bokalista.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY

9. Paikot-ikot na pangangatwiran(circular
reasoning)- paulit-ulit ang pahayag at walang
malinaw na punto. Halimbawa: Ang Bibliya ay
mga salita ng Diyos dahil ang mga salita ng
Diyos ay nasa bibliya.
URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O FALLACY

10. Padalos-dalos na Paglalahat(hasty


generalization) –paggawa ng panlahatang
pahayag o konklusyon batay lamang sa iilang
patunay Halimbawa: Masarap magluto ang
kusinera naming Bisaya.Magagaling talagang
magluto ang mga Bisaya

You might also like