You are on page 1of 5

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa isang paksa.

Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-
aaral ukol dito.

Elemento ng Tekstong Impormatibo


o Layunin ng May-akda, magkakaiba-iba man ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng tekstong
impormatibo mapapansin pa rin na ito ay may kaugnayan sa pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
o Pangunahing Ideya, ito ay daglian na ibinibigay o inilalahad sa tekstong impormatibo.
o Pantulong na Kaisipan, mahalaga rin ang paglalagay ng patulong na kaisipan sa tekstong impormatibo
upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang ideya na nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
o Mga Estilo sa Pagsulat na magbibigay-diin
 Paggamit ng nakalarawang representasyon
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita
 Pagsulat ng talasanggunian

Uri ng Tekstong Impormatibo


1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan- sa uri ng tekstong ito inilalahad ang mga totoong
pangyayaring nagaganap sa isang panahon o pagkakataon.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon- sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid.
3. Pagpapaliwanag- nagbibagay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.

Inihanda ni:
JULIE P. TANGANIM, LPT
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo. Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung
ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay
nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan. Obhetibo naman ang
paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.

Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang
ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto

Paglalarawan sa Tauhan

Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi
kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.

Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang
panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y ang kanyang kanyang damdamin o emosyong
taglay.

 Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan  Paggamit ng tayutay o


ng tauhan matatalinghagang pananalita

 Paggamit ng diyalogo o iniisip

 Pagsasaad sa ginawa ng tauhan

Paglalarawan sa Tagpuan

Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kalian at saan
naganap amg akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa.

Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay

Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang
nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito.

Inihanda ni:
JULIE P. TANGANIM, LPT
Inihanda ni
JULIE P. TANGANIM, LPT
Ang Tekstong Naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula
simula hanggang katapusan.

Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista

1. Unang Panauhan, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay kaya gumagamit ng panghalip na ako.
2. Ikalawang Panauhan, dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa
kuwento kaya’t gumagamit siya ng panghalip na ka o ikaw.
3. Ikatlong Panauhan, ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan.

Elemento ng mga Tekstong Naratibo

1. Tauhan
a. Pangunahing Tauhan- sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang katapusan.
b. Katunggaling Tauhan- siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
c. Kasamang Tauhan- ang kasamang tauhan ay karaniwang kasangga ng pangunahing
tauhan.

Dalawang Uri ng Tauhan Ayon kay E.M Foster

a. Tauhang Bilog (Round Character), isang tauhang may multidimensiyonal o maraming


saklaw ang personalidad.
b. Tauhang Lapad (Flat Character), ito ang tauhang nagtataglay ng iisang katangiang
madaling matukoy.

2. Tagpuan at Panahon- tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa panahon.
3. Banghay- ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Anachrony ang tawag sa banghay na hindi sumusunod sa kumbensyonal na simula-katawan-
wakas. Mauuri ito sa tatlo:
a. Analepsis (Flashback), dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
b. Prolepsis (Flash-forward), dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa
lang sa hinaharap.
c. Ellipsis, may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi ng pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema- ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo.

Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga
hakbang sa pagbuo ng isang Gawain upang matamo ang inaasahan. Layunin nitong maipabatid ang mga
wastong hakbang na dapat isagawa. Inihanda ni
JULIE P. TANGANIM, LPT
Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang
tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng
manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama.

Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahyag ng manunulat ang
kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.

Tatlong Paraan ng Panghihikayat ni Aristotle

1. Ethos, ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.


2. Pathos, tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
3. Logos, ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.

Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at pesuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o


nanghihikayat. Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento,
katwiran, at ebidensyang nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto. Gayunpaman, may pagkakaiba rin
ang mga ito.

Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib

 Nangungumbinsi batay sa datos o  Nangungumbinsi batay sa opinyon


impormasyon  Nakahihikayat sa pamamagitan ng
 Nakahihikayat dahil sa merito ng pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at
ebidensya pagpokus sa kredibilidad ng may-akda.
 Obhetibo  Subhetibo
 Ad hominem fallacy

Inihanda ni
JULIE P. TANGANIM, LPT

You might also like