You are on page 1of 3

IBA'T IBANG URI NG TEKSTO: PAGBASA, PAGSUSURI AT PAGSULAT

1. Tekstong Persuweysib: Paano kita Mahihikayat

 Isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggil sa Isang isyu.
 Ang mga manunulat ay naglalahad ng iba't ibang impormasyon at katotohanan upang
suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.
 Hindi pwedeng magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat.

HALIMBAWA:

PATALASTAS: Araw-araw kabang tumutulong naligo sa uling? Nais mo bang pumuti ang iyong balat
ngunit hindi gumastos ng malaki? Narito na ang solusyon ng inyong problema- ang calasoap. Ang
calasoap ay sabon sa katawan na pinag-aralan at ginawa ng mga eksperto upang mapabuti ang
katawan.Ito ay pinaghalong ingredients ng papaya at calamansi na kilala sa pagpapaputi.

Ang tekstong Persuweysib ay naglalaman ng mga sumusunod:

1. Malalim na pananaliksik - kailangan alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung


tatalakayin sa pamamagitan ng masusing pananaliksik.Hindi dapat na sabihing tama ang isang
paninindigan kung walang tiyak na mga datos na suusporta rito. Madalas na nauuwi sa emosyonal
na panghihikayat ang tekstong persuweysib.
2. Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - kailangan mulat at maalam ang
manunulat Sa iba't ibang laganap na persepsyon at paniniwala tungkol sa isyu.
3. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig sa isyu - ito ay upang epektibong masagot ang laganap
na paniniwala ng mga mambabasa.

2. Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento

 Ito ay ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari totoo man o hindi.
 Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na
pangyayari, o kathang-isip lamang.
 Maaaring piksiyon o di-piksiyon

Piksiyon - mga kathabg-isip lamang. (Pabula, Maikling Kuwento)

Di-piksiyon - batay sa totoong pangyayari. (Biography, Journal)

Ayon kay Patricia Melendez-Cruz (1994) sa kanyang artikulong "Ideolohiya Bilang Perspektibo ng
Pampanitikan" kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan.
Siyentipiko sapagkat para sa kanya, ang mahusay na panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa mga
realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na Pagsusuri.

MAHAHALAGANG ELEMENTO SA PAGBUO NG NARASYON:


1. Paksa - Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
2. Estruktura - malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang
ginagamit na paraan ng narasyon ang iba't ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
3. Oryentasyon - Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, kunan o setting, at oras o panahon
kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at
nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan at kailan.
4. Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye ng oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang
bahagi ng kuwento upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa
kalagitnaan ng pagsasalaysay upang Hindi lumihis ang daloy.
 Diyalogo - Gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
 Foreshadowing - Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o
mangyayari sa kuwento.
 Plot Twist - Tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.
 Ellipsis - Imosyon o pag-alis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa
na magpuno sa naratibong antala.
 Comic Book Death - Teknik kung saan pinapatay ang mahalagang karakter ngunit kalaunan ay
biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento
 Reverse Chronology - nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
 In media res - nagsisimula ang Narasyon sa kalagitnaan ng kuwento.
 Deus ex machina (God from the machine) - isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa
kanyang "Ars Poetica" kung saan nabibigyang resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng
awtomatikong interbensiyon ng isang absolutong kamay.
5. Komplikasyon o Tunggalian - Mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw sa
posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatatakda rin ito ng magiging resolusyon ng Isang
kuwento.
6. Resolusyon - kahahantungan ng tunggalian.

CREATIVE NON-FICTION (CNF)

 Kilala bilang Literary Nonfiction o narrative nonfiction.


 Isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng estilo at teknik na pampanitikan
upang makabuo ng makatotohanan o tompak na salaysay o narasyon.
 Iba't ibang paraan ng CNF ay biography, food writing/blogging, literary journalism, memoir,
personal essay at travel writing.

Apat na katangian ng CNF (Ayon kay Barbara Lounsberry(1990) sa "The Art of Fact: Contemporary Artist
of Nonfiction)

1. Maaaring naidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat.


2. Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailagay ang kredibilidad ng Narasyon.
3. Mahalaga ang paglalarawan sa kunan at kontekstuwalisasyon ng karanasan, at
4. Mahusay ang panulat o literary prose style na nangangahulugang mahalaga ang pagiging malikhain
ng manunulat at husay ng gamit sa wika.
3. Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katwiran

 Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak
na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay ng mga
literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik.

ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN

 Proposisyon
 Argumento

Ayon kay Melania L. Abad (2004), ang proposisyon ay ang pahayag na inilahad upang pagtalunan o pag-
usapan.

Halimbawa ng proposisyon

1. Dapat ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan sa kababaihan.
2. Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang bansa.

Ang argumento naman ay ang paglalatag ng mga dahilan, ebidensiya upang maging makatwiran ang
isang panig.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

 Mahalaga at napapanahong paksa.


 Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa Tesis sa unang talata ng teksto.
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
 Maayos na pagkakasunud-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
 Matibay na ebidensiya para sa argumento.

You might also like