You are on page 1of 24

ARALIN 6

TEKSTONG NAGSASALAYSAY:
MGA SALAYSAY NG PAGKATUTO
Tekstong Nagsasalaysay: Mga Salaysay ng Pagkatuto

 Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng tekstong


nagsasalaysay
 Nasusuri ang paksang tinalakay sa tekstong nagsasalaysay
gamit ang “Hanap Buwan!”
 Nakasusulat ng pagsasalaysay sa journal ukol sa paksang
“Buhay Senior High”
Tekstong Nagsasalaysay (Narrative/Naratibo)

 Ang Tekstong Nagsasalaysay ay nagkukuwento ng mga serye ng


pangyayari na maaaring piksiyon (nobela,maikling kuwento,tula) o di-
piksiyon (memoir,biyograpiya,balita,maikling sanaysay).
 Pinakaraniwang ginagamit sa pagpapahayag ang tekstong
Nagsasalaysay (Narrative/Naratibo)
 Ito ay ang malayang pagkukuwento ng mga karanasan sa pang araw
araw na nangyayari sa kanyang kapaligiran,mga nakita,namasid,
napanood, o nasaksihan.
 Maaaring mahaluan ang pagsasalaysay ng paglalahad,
paglalarawan, at pangangatuwiran.
 Iniiwasan din dito ang mga maliligoy na salita upang maiangkop ang
pagpapahayag sa mga pangyayaring isinasalaysay.
 Ayon kay Patricia Melendez-Cruz (1994) sa kaniyang artikulong
''Ideolohiya Bilang Perspektibong Pampanitikan'' na nasa aklat na
''Filipinong pananaw sa Wika,Panitikan at Lipunan'',Kailangang suriin
ang malikhaing pangkatha bilang isang siyentipikong proseso ng
lipunan. Siyentipiko sapagkat para sa kaniya, ang mahusay na panitikan
ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at
nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.
Mga Elemento ng Naratibong Teksto
 Paksa. Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
 Estruktura. Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura
ng kuwento.
 Oryentasyon. Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga Tauhan, lunan o
setting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento.
 Pamamaraan ng Narasyon. Kailangan ng detalye at mahusay na
oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita
ang setting at mood.
•Diyalogo- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng
pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
•Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints
hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa
kuwento.
•Plot Twist- tahasang pagbabago sa direksiyon o
inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.
•Ellipsis- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento
kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa
naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of
Omission ni Ernest Hemingway.
•Comic Book Death-isang teknik kung saan pinapatay
ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw
upang magbigay-linaw sa kuwento.
•Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang
salaysay patungong simula.
•In medias res- nagsisimula ang narasyon sa
kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang
mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng mga
flashback.
•Deus ex machina (God from the machine)-
isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang ''Ars
Poetica'' kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa
pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang
absolutong kamay.
▪Komplikasyon o Tunggalian. Ito ang mahalagang bahagi ng
kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng mga tauhan.
▪Resolusyon. Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian.
Pagsulat ng Piksiyon (Fiction)

 Maaaring isulat o sinasalita o maaaring ipakita sa pelikula,


teatro, radyo o telebisyon. Bagaman hindi ito kinakailangang
masining, inuunawa ito ng karamihan bilang isang uri ng
sining o libangan. Tinuturing na pundamental na aspeto ng
kultura ng tao ang kakayahang lumikha ng piksyon at ibang
mga masining na gawa. Ito ang isa sa mga katangian ng
pagiging tao.
Pagsulat ng Creative Non-Fiction (CNF)

 Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o


narrative non-fiction.
 Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng
istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at
tumpak na salaysay o narasyon.
 Ang Iba't-ibang porma ng CNF ay biography,food writing/blogging at iba
pang uri ng blog,literary journalism(feature writing),memoir,personal
essay, at travel writing.
Apat na Katangian ng Creative Non-Fiction (CNF)

Ayon kay Barbara Lounsberry sa ''The Art of Fact'', ang apat na


katangian ng CNF ay:
▪Maaring Maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat;
▪Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng
narasyon;
▪Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstuwalisayon ng
karanasan; at
▪Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang
mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit ng
wika.
Kaibahan ng pagsasalaysay/salaysay sa Maikling Kuwento

 Mas simple ang pagsasalaysay pagdating sa pagpili ng mga detalye.


Naaayon ang mga detalye sa epektibong pagpapaintindi ng isang ideya
o isang pangyayari.
 Ginagamit din sa pagsasalaysay ang aspektong panretorika ng
pagsasalaysay, ngunit iba ang tunguhin ng pagsasalaysay o sa
paanong paraan ginagamit ang pagsasalaysay.
Kaibahan sa Paglalarawan:

 Mas pinagtutuunan nito kung paano nagkakadugtong-dugtong ang mga


pangyayari,at hindi ang mismong pangyayari lamang.
 Kinakailangan ang pagsubaybay ng mga mambabasa o mga
tagapakinig hanggang sa wakas para maunawaan ang ideya o
kaisipang nais nitong ipamagi.
HALIMBAWA:

 Matapos ag kainan, kuwentuhan, hagalpakan, at kamustahan, dahan-dahang inilabas


ni Marc ang kapiraso ng tisyu mula sa bulsa ng suot na pantalon.Tiniklop niya
iyon,ipinampunas sa labing nabahiran ng mantika ng kinaing pizza at fried chicken.
Tumayo siya at nagpaunlak magpakuha ng larawan.

Paliwanag:
Ang bawat aksiyon at pagsasalita ng tao,bawat pagbabago sa kniyang posisyon o kalagayan,
at bawat pangyayari sa kaniyang kapaligiran ay maaaring magamit para sa isang
pagsasalaysay.
Tekstong Nagsasalaysay (Narrative/Naratibo)

 URI
•Pormal-may seleksiyon at organisasyon
•Di-pormal- simpleng kuwentuhang pang araw-araw
 PORMA
•Pagsalaysay na nagpapabatid-kasaysayan,pakikipag-
sapalaran, anekdota, kathang salaysay
•Masining na pagsasalaysay-Alamat,parabula,maikling
kuwento,dula,nobela
 PANANAW
•Unang panauhan-personal ang tono
•Ikatlong Tauhan-may distansiya
Mga Katangian ng Mabisang Tekstong Nagsasalaysay

 Nakakapukaw-pansin na pamagat. Taglay nito ang pagiging


maikli, kawili-wili,kapana-panabik; may misteryo;orihinal;hindi katawa-
tawa.

 Ginagamitan ng Sanhi at Bunga. Angkop gamitin dito ang sanhi


at bunga dahil sa pamamagitan nito ay mapagdudugtong-dugtong ang
mga pangyayari.

 Tempo. Mainam rin na makita ang tempo (bagal o bilis) ng takbo ng


mga pangyayari. Kailangang habaan ang pagsasalaysay para
magbigay ng mas malinaw na paksa,kung hindi gaanong mahalaga,
hindi na dapat habaan pa.
 Punto ng Pagsasalaysay. Mainam ang pagbabalangkas sa
pinupunto ng isasalaysay.
 Ayos ng Pagsasalaysay. Hindi palaging kronolohiko o nakaayos
ng magkakasunod-sunod ang pagsasalaysay. Nagiging malikhain at
mapaglaro sa mga panahon ng paksang isinasalaysay sa pamamagitan
ng pagsisimula sa gitna o sa hulihan o anumang estratehiyang
makakatutulong para maunawaan ang pagsasalaysay.

 Kaisahan. Taglay rin ng pagsasalaysay ang kaisahan ng mga


katangian ng tauhan, pook, at pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
 Kakintalan. Nagtataglay ng kakintalan ng tauhan ang
pagsasalaysay. Mga kapanipaniwala silang tauhan na may
motibasyon at kasaysayan upang maging buhay sa isip ng
mga mambabasa at tagapakinig.
 Kasukdulan. Pinakamataas ang kaigtingan ng pagsasalaysay ang
kasukdulan, ibinibitin ang pananabik ng mga mambabasa at mga
tagapakinig bago tuluyang wakasan ang pagsasalaysay.
 Wakas. Marapat ding maihanda ang mga mambabasa o mga
tagapakinig sa magiginng wakas ng salaysay. Nakasalalay rito kung
magiging kapani-paniwala ba ang isinasalaysay.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong Nagsasalaysay

 Pumili ng isang paksang isasalaysay gamit ang maliwanag na pag-


aayos ng mga kaganapan at mga salitang magbibigay ng karagdagang
paliwanag o detalye.
 Piliin kung nasa una o ikatlong panauhan ang pananaw na gagamitin sa
pagsasalaysay.
 Pagpasiyahan ang iba pang layunin ng pagsasalaysay. Nais mo bang
magturo, manghikayat, o manlibang ng mga mambabasa?
 Sikaping ang paksang pangungusap ay nagpapahayag ng isang
pangkalahatang ideya o nagbibigay-tanda ng pagsisiwalat ng isang
salaysay.
 Isa-isahin ang mga pangyayari at palaging isaisip ang tono o
pananaw sa pagsasalaysay kung ito ba ay nasa una o
ikatlong panauhan.
 Bigyang-pansin din ang mga detalye at mga salitang
makabubuo ng mga makatotohanang pagsasalaysay.
 Isaayos ang mga pangyayari batay sa nais na maging daloy
ng pagsasalaysay. Maaring gawing kronolohikal o
magsisimula sa gitna pabalik sa simula hanggang wakas.
Maari din namang sa wakas magsisimula at bumalik sa gitna
hanggang sa mailatag ang mga detalye sa gitna ng
pagsasalaysay.
 Tiyaking konsistent sa ginamit na pananaw at nakaaantig sa damdamin
ng mga mambabasa ang mga salitang ginamit sa naratibo.
 Isulat ang pinal na pagsasalaysay.
Makakatulong din ang mga sumusunod na Cohesive Devices
sa pagsulat ng salaysay:

 Para sa Pagpapahayag ng Dahilan o Resulta ng isang


Pangyayari o Kaganapan
Mga Cohesive Devices: kaya/kaya naman;dahil/dahil sa/sa mga
/kay/kina; pagkat/sapagkat; dahil dito/bunga nito
 Pagpapahayag ng Kondisyon-Bunga/Kinalabasan
Mga Cohesive Devices: Sana; kung; kapag; sa sandaling; basta't
▪ Pagpapahayag ng Pagbabago ng Paksa o Tagpuan
Mga Cohesive Devices: Gayunman/Ganoon paman/Gayunpaman;
Sakabilang dako/banda/Sa isang banda; Samantala
 Pagpapahayag ng Sabay na kalagayan o Pangyayari
Mga Cohesive Devices: Kasabay nito/niyan; Kaalinsabay
nito/niyan
▪ Pagpapahayag ng Pagbibigay linaw, Pagbubuod at
Paglalahat
Mga Cohesive Devices: Sa Madaling salita/sabi; bilang paglilinaw;
bilang pagwawakas/Bilang Konklusyon; Kung gayon; Samakatuwid; kaya

You might also like