You are on page 1of 20

Tekstong Naratibo o

Nagsasalaysay
Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo

• Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay


ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na
pangyayari.
• Maaaring ilahad sa ganitong uri ng teksto ang
mga pangyayari sa kapaligiran o mga personal
na karanasan ng manunulat o ng isang
natatanging tao.
• Ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo ay may pagkakasunud-sunod at
pinadadaloy ang pangyayari ayon sa
nais ng manunulat.
• Pagsasalaysay ang pangunahing
gumagawa, nabibigyan ng pagkakataon
ang mambabasa na makabuo ng imahe
sa kaniyang isip.
• Binibigyang-diin nito ang takbo ng
mga pangyayari lalo na ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
• Ang pagsasalaysay ay maaaring
magamit para sa iba-ibang paksa o
layunin ng teksto.
URI NG TEKSTONG NARATIBO

1.Salaysay na nagpapaliwanag
2.Salaysay ng mga pangyayari
3.Salaysay na pangkasaysayan
4.Likhang katha batay sa kasaysayan
URI NG TEKSTONG NARATIBO

4.Salaysay na pantalambuhay
5.Salaysay ng nakaraan
6.Salaysay ng
pakikipagsapalaran
Ilang Halimbawa:
1. Balita
2. Report tungkol sa nabasang
libro/nobela
3. Rebyu ng pelikula, aklat o palabas
4.Buod ng kuwento
Ilang Halimbawa:
5. Maikling Kwento, Nobela, Mito,
Kwentong –Bayan, Alamat at Parabula
6. Anekdota
7. Talambuhay
8. Paglalakbay
ELEMENTO NG ISANG TEKSTONG
NARATIBO
1. BANGHAY
a. binubuo ng mga kawil-kawil na
pangyayari
b. inaayos ang mga pangyayari
upang makabuo ng isang estruktura o
porma
ELEMENTO NG ISANG TEKSTONG
NARATIBO
c. tumutukoy ito sa pagkakaayos ng mga
pangyayari habang isinasalaysay; pinag-iisipan
kung paano ilalahad at pinipili kung alin ang mga
itatampok na pangyayari.
d. Tumutukoy ito sa paraan ng pagkakalahad ng
mga pangyayari.
2. TAGPUAN
a.Ito ang pinangyarihan ng kuwento at
panahon kung kailan ito naganap.
b. nakadaragdag ito sa organisasyon ng
naratibo
3. TAUHAN
a. Ang nagdadala at nagpapaikot ng mga
pangyayari sa isang salaysay.
b. Ang kumikilos sa mga pangyayari at
karaniwang nagpapausad nito.
c. Maaaring manggaling sa kanila ang dahilan
ng pagbabago-bago ng mga pangyayari.
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN

a. Ang pinakamadramang tagpo ng kwento


at inaasahang may maidudulot na
mahalagang pagbabago patungo sa
pagtatapos.
b. Nakasalalay rito ang pagbabago ng daloy
ng isang naratibo.
5. Diyalogo
a. Ginagamit ang diyalogo upang gawing
makatotohanan ang mga pangyayari sa
pamamagitan ng pag-uusap ng mga tauhan.
b. Naglalarawan din ng mga detalye sa
eksena upang mabigyan ito ng buhay sa
isip ng mga mambabasa.
5. Diyalogo
c. Dapat itong may punto at naghahayag
ng isang ideya o kaisipan na nais iparating
sa mga mambabasa
d. Dapat nararamdaman ng mambabasa
ang mga pangyayaring isinasalaysay nang
parang siya’y nakapaloob at kasangkot sa
mga pangyayari.
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG
NARATIBO


Layunin ng May-akda

Mga Ginamit na Elemento ng Naratibo
Paghahanda para sa pagsulat ng tekstong naratibo

1.Unang isipin ang paksa at layunin ng


pagsulat.
2.Piliin ang itatampok na pangyayari sa
pagsasalaysay.
3.Isa-isahin ang mga detalye na bubuo
rito kapag isinalaysay na.
4. Piliin kung alin sa mga pangyayari ang dapat
bigyang-pansin sa pamamagitan ng detalyadong
pagsasalaysay at paglalarawan o paglalahad bilang
isang tagpo, at kung alin ang maaaring iwan na lang
bilang buod.
5. Kung susulat ng kuwentong pampanitikan,
kailangang sundin ang mga kombensyon at elemento sa
pagsulat nito.
6. Maaaring gumamit ng iba’t ibang teknik sa
paglalahad ng mga pangyayari (flashback, in media res)
at maging organisado.
7. Gamitin ang pagsasalaysay bilang gabay na
rin sa mambabasa tungo sa layunin ng isusulat
na teksto.
8. Palaging isaisip ang mahusay na paggamit
ng wika. (angkop na mga salita, ugnayan ng
mga ideya,diin at kalinawan ng mga pahayag o
pangungusap.
MARAMING
SALAMAT !!!

You might also like