You are on page 1of 13

Tekstong Naratibo:

Mahusay na Pagkukuwento
Aralin 6
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Maunawaan ang kahulugan at katangian ng tekstong naratibo


• Maisa-isa ang mga elemento ng tekstong naratibo
• Makilala ang creative non-fiction
Daloy ng Talakayan

• Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo


• Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
• Ang Creative Non-Fiction
Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo

• Layunin ng tekstong naratibo ang


magsalaysay o magkuwento batay
sa isang tiyak na pangyayari, totoo
man o hindi. Maaring ang salaysay
ay personal na naranasan ng
nagkukuwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang.
Maaari ding ang paksa ng salaysay
ay nakabatay sa tunay na daigdig o
pantasya lamang.
Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo
• Ang tekstong naratibo ay
nagkukuwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring piksiyon
(nobela, maikling kuwento, tula) o di-
piksiyon (memoir, biyograpiya, balita,
malikhaing sanaysay). Kapuwa
gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng
iba’t ibang imahen, metapora, at
simbolo upang maging malikhain ang
katha.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa
• Pumili ng paksang mahalaga
Estruktura at makabuluhan. Kahit na
nakabatay sa personal na
Oryentasyon karanasan ang kuwentong
nais isalaysay, mahalaga pa
ring maipaunawa sa
Pamamaraan ng Narasyon
mambabasa ang panlipunang
implikasyon at mga
Komplikasyon o Tunggalian kahalagahan nito

Resolusyon
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa • Kailangang malinaw at lohikal ang
kabuuang estruktura ng kuwento.
Estruktura Madalas na makikitang ginagamit na
paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo
ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Oryentasyon Kung minsan ay nagsisimula sa dulo
papuntang unahan ang kuwento, kung
minsan naman ay mula sa gitna.
Pamamaraan ng Narasyon Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan
ng pagkakaayos, tiyakin lamang na
Komplikasyon o Tunggalian sistematiko at lohikal ang
pagkakasunodsunod ng pangyayari
upang madaling maunawaan ang
Resolusyon narasyon.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa • Nakapaloob dito ang kaligiran ng
mga tauhan, lunan o setting, at
Estruktura oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento. Malinaw
Oryentasyon dapat na nailalatag ang mga ito sa
pagsasalaysay at nasasagot ang
Pamamaraan ng Narasyon mga batayang tanong na sino,
saan, at kailan. Ang mahusay na
deskripsyon sa mga detalyeng ito
Komplikasyon o Tunggalian
ang magtatakda kung gaano
kahusay na nasapul ng manunulat
Resolusyon ang realidad sa kaniyang akda.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa • Kailangan ng detalye at
mahusay na oryentasyon ng
Estruktura kabuuang senaryo sa unang
bahagi upang maipakita ang
setting at mood. Iwasang
Oryentasyon magbigay ng komento sa
kalagitnaan ng pagsasalaysay
Pamamaraan ng Narasyon upang hindi lumihis ang daloy.
May iba’t ibang paraan ng
Komplikasyon o Tunggalian narasyon na maaaring gamitin
ng manunulat upang maging
kapana-panabik ang
Resolusyon pagsasalaysay.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa
• Karaniwang nakapaloob sa
Estruktura tunggalian ang pangunahing
tauhan. Ito ang mahalagang
Oryentasyon bahagi ng kuwento na
nagiging batayan ng
Pamamaraan ng Narasyon paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng
Komplikasyon o Tunggalian mga tauhan. Nagtatakda rin
ang tunggalian ng magiging
resolusyon ng kuwento.
Resolusyon
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa

Estruktura

Oryentasyon • Ito ang kahahantungan


ng komplikasyon o
tunggalian. Maaaring ang
Pamamaraan ng Narasyon
resolusyon ay masaya o
hindi batay sa magiging
Komplikasyon o Tunggalian kapalaran ng
pangunahing tauhan.
Resolusyon
Ang Creative Non-Fiction

• Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o narrative
nonfi ction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng istilo
at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay
o narasyon. Iba ito sa peryodismo o teknikal na pagsulat dahil kahit naghahayag ito
ng katotohanan, mahalaga pa rin ang poetika at literariness ng akda.
Ang Creative Non-Fiction
• Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The Art
of Fact,” ang apat na katangian ng CNF ay:
• Maaaring maidokumento ang paksa at hindi
inimbento ng manunulat;
• Malalim ang pananaliksik sa paksa upang
mailatag ang kredibilidad ng narasyon;
• Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at
kontekstuwalisasyon ng karanasan; at
• Mahusay ang panulat o literary prose style, na
nangangahulugang mahalaga ang pagiging
malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa
wika.

You might also like