You are on page 1of 10

Tekstong Naratibo

Mahusay na Pagkukuwento
• Ang tekstong naratibo ay nag kukuwento ng mga serye ng pangyayari
na maaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksyon
(memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay).
▪ Gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nag papayahag ng
emosyon at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at
simbolo upang maging malikhain ang katha.

Ang tekstong naratibo ay ginagamit din sa mgaulat na naglalahad ng


mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon, testimonya ng
saksisa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon
ng isang doctor, puna omungkahi ng guro sa report card ng
estudyante, at iba pang katulad nito
Paksa

▪ Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa


personal na karanasan ang kwentong nais isalaysay, mahalaga pa
ring maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at
mga kahalagahan nito.
Estruktura

▪ Kilangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kwento .


Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t
ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsa
nagsasisimula sa dulo papuntang unahan ang kwento, kung minsan
naman ay mula sa gitna. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng
pagkakaayos , tiyakin lamang na sistematiko at lohikal ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari upang madaling maunawaan
ang narasyon. Maaaring gumamit ng flashback ng manunulat o
pagbalik sa nakaraan sa pamamagitan ng pag alaala ng tauhang
nasasalaysay rito.
Oryentasyon

▪ Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras


o panahon kung kalian nangyari ang kwento. Malinaw dapat na
nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga
batayon na tanong na sino, saan at kalian. Ang mahusay na
deskripsyon sa mga detalyeng ito nagtatakda kung gaano kahusay
nasapol ng manunulat ang realidad sa kanyang akda.
Pamamaraan ng Narasyon

▪ Kailangan ng detalying at mahusay na oryentasyon ng kabuoang


senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood.
Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay
upang hindi lumihis ang daloy
May iba’t ibang pamamaraan ng narasyon
ayon sa layunin estilo nito:
Diyalogo- Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-
uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.

Foreshadowing- Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung


ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kwento.

Plot Twist- Thasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabsan


ng kwento.

Ellipsis- Omisyon o pag aalis ng ilang yugto ng kwento kung saan


hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Ito ay
mula sa Iceberg theory o theory of Omission ni Ernest Hemingway.
▪ Comic Book Death- Isang teknik kung saan pinapatay ang mga
mahahalagan karacter ngunit kalaunan biglang lilitaw upang
magbigay-linaw sa kwento

Reverse Chronology- Nag sisimula sa dulo ang salaysay patungong


simula.

In medias res- Nagsisimula ang narasyon sa kalagit anan ng kwento.


Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan, at tension sa
pamamagitan ng mga flashback.

Deus ex machina( God from the machine)- Isang plot device na


ipinaliwanag ni Horace sa kanyang “ Ars Poetica” kung saan
nabibigyang-resulosyon ang tunggalian sa pamamagitan ng
awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay.
Komplikasyon o Tunggalian

▪ Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan . Ito


ang mahalangang bahagi ng kwento na nagiging batayan ang
paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan.
Puno ng aksyon ang binasang akda sapagkat tuloy-tuloy na
hinahabol ang tauhan habang mabilis niyang binabalikan ang iba’t
ibang imahen.
Resolusyon

▪ Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang


resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan. Sa kaso ng maikling kwentong binasa, hindi
tiyak ang ang kinahantungan ng pangunahing tauhan ngunit
maaaring ipaglagay na nag-iwan ng hindi lantad na mensahe at
simbololismo ang awtor.

You might also like