You are on page 1of 11

Tekstong Naratibo

Mahusay na Pagkukuwento

• Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o


mag kwento batay sa isang tiyak na pangyayari,
totoo man o hindi. Maaring ang salaysay ay
personal na naranasan ng nagkukuwento, batay
sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.
Maari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay
sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
Paksa

• Pumili ng paksang mahalaga at


makabuluhan. Kahit na nakabatay sa
personal na karanasan ang kuwentong nais
isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa
sa mambabasa ang panlipunang
implikasyon at mga kahalagahan nito
Estruktura

• Kailangang malinaw at lohikal ang


kabuuang estruktura ng kuwento.
Madalas na makikitang ginagamit ng
paraan ng narasyon ang iba’t ibang
estilo ng pagkasunod-sunod ng
pangyayari.
Oryentasyon

• Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga


tauhan, lunan o setting at oras o panahon
kung kalian nangyari ang kuwento.
Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito
sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga
batayang tanong na sino, saan, at kalian.
Pamaraan ng narasyon

• Diyalog – sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng


pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
• Foreshadowing – nagbibigay ng mga pahiwatig o hintshinggil
sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
• Plot Twist – tahasang pagbabago ng direksyon o inaasahang
kalalabasan ng isang kuwento.
• Elipsis – omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung
saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong
antala.
Pamaraan ng narasyon

• ComicBook Death – isang Teknik kung saan pinapatay ang


mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
mag bigay-linaw sa kuwento.
• Reverse Chronology – nagsisimula sa dulo ang salaysay patungo sa
simula
• In medias res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento.
• Deus ex machina – isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa
kanyang “Ars poetica” kung saan nabibigyang-resolusyon ang
tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyong ng
isang absolutong kamay
Komplikasyon o Tunggalian

• Karaniwang nakapaloob sa tunggalian


ang pangunahing tauhan. Ito ang
mahalagang bahagi ng kuwento na
nagiging batayan ng paggalaw o
pagbabago sa posisyon at disposisyon ng
mga tauhan.
Resolusyon

•Ito ang kahahantungan ng


komplikasyon o tunggalian. Maaring
ang resolusyon ay masaya o hindi
batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.
Pagsulat ng Creative Non-Fiction

• Kilala rin bilang literary non-fiction o


narrative non-fiction. Ito ay isang bagong
genre sa malikhaing pagsusulat sa
gumagamit ng istilo at Teknik na
pampanitikan upang makabuo ng
katotohanan at tumpak na salaysay o
narasyon.
Apat na katangian ng CNF

• Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng


manunulat.
• Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad
ng narasyon
• Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstualisyon ng
karanasan
• Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang
mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit
sa wika.

You might also like