You are on page 1of 13

Tekstong Naratibo:

Mahusay na
Pagkukuwento
Aralin 6
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Eldon Hernandez
Guro
Layunin ng Talakayan

• Maunawaan ang kahulugan at katangian ng tekstong naratibo


• Maisa-isa ang mga elemento ng tekstong naratibo
• Makilala ang creative non-fiction
Daloy ng Talakayan

• Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo


• Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
• Ang Creative Non-Fiction
Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo

• Layunin ng tekstong naratibo ang


magsalaysay o magkuwento batay
sa isang tiyak na pangyayari,
totoo man o hindi. Maaring ang
salaysay ay personal na naranasan
ng nagkukuwento, batay sa tunay
na pangyayari o kathang-isip
lamang. Maaari ding ang paksa ng
salaysay ay nakabatay sa tunay na
daigdig o pantasya lamang.
Kahulugan at Katangian ng Tekstong Naratibo
• Ang tekstong naratibo ay
nagkukuwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring piksiyon
(nobela, maikling kuwento, tula) o di-
piksiyon (memoir, biyograpiya, balita,
malikhaing sanaysay). Kapuwa
gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng
iba’t ibang imahen, metapora, at
simbolo upang maging malikhain ang
katha.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa • Pumili ng paksang
mahalaga at makabuluhan.
Estruktura Kahit na nakabatay sa
personal na karanasan ang
Oryentasyon kuwentong nais isalaysay,
mahalaga pa ring
Pamamaraan ng Narasyon maipaunawa sa mambabasa
ang panlipunang
Komplikasyon o Tunggalian implikasyon at mga
kahalagahan nito
Resolusyon
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa • Kailangang malinaw at lohikal ang
kabuuang estruktura ng kuwento.
Estruktura Madalas na makikitang ginagamit na
paraan ng narasyon ang iba’t ibang
estilo ng pagkakasunod-sunod ng
Oryentasyon pangyayari. Kung minsan ay
nagsisimula sa dulo papuntang unahan
ang kuwento, kung minsan naman ay
Pamamaraan ng Narasyon mula sa gitna. Maaaring gumamit ng
iba’t ibang paraan ng pagkakaayos,
Komplikasyon o Tunggalian tiyakin lamang na sistematiko at
lohikal ang pagkakasunodsunod ng
pangyayari upang madaling
Resolusyon maunawaan ang narasyon.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa • Nakapaloob dito ang kaligiran
ng mga tauhan, lunan o setting,
at oras o panahon kung kailan
Estruktura
nangyari ang kuwento. Malinaw
dapat na nailalatag ang mga ito
Oryentasyon sa pagsasalaysay at nasasagot
ang mga batayang tanong na
Pamamaraan ng Narasyon sino, saan, at kailan. Ang
mahusay na deskripsyon sa mga
Komplikasyon o Tunggalian detalyeng ito ang magtatakda
kung gaano kahusay na nasapul
Resolusyon ng manunulat ang realidad sa
kaniyang akda.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
• Kailangan ng detalye at
Paksa
mahusay na oryentasyon ng
kabuuang senaryo sa unang
Estruktura bahagi upang maipakita ang
setting at mood. Iwasang
Oryentasyon magbigay ng komento sa
kalagitnaan ng
Pamamaraan ng Narasyon pagsasalaysay upang hindi
lumihis ang daloy. May iba’t
ibang paraan ng narasyon na
Komplikasyon o Tunggalian maaaring gamitin ng
manunulat upang maging
Resolusyon kapana-panabik ang
pagsasalaysay.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa
• Karaniwang nakapaloob sa
Estruktura tunggalian ang
pangunahing tauhan. Ito
ang mahalagang bahagi ng
Oryentasyon
kuwento na nagiging
batayan ng paggalaw o
Pamamaraan ng Narasyon pagbabago sa posisyon at
disposisyon ng mga
Komplikasyon o Tunggalian tauhan. Nagtatakda rin ang
tunggalian ng magiging
Resolusyon resolusyon ng kuwento.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Paksa

Estruktura

Oryentasyon • Ito ang kahahantungan


ng komplikasyon o
tunggalian. Maaaring
Pamamaraan ng Narasyon
ang resolusyon ay
masaya o hindi batay sa
Komplikasyon o Tunggalian magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.
Resolusyon
Ang Creative Non-Fiction

• Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o narrative
nonfi ction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng
istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na
salaysay o narasyon. Iba ito sa peryodismo o teknikal na pagsulat dahil kahit
naghahayag ito ng katotohanan, mahalaga pa rin ang poetika at literariness ng akda.
Ang Creative Non-Fiction
• Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The Art of
Fact,” ang apat na katangian ng CNF ay:
• Maaaring maidokumento ang paksa at hindi
inimbento ng manunulat;
• Malalim ang pananaliksik sa paksa upang
mailatag ang kredibilidad ng narasyon;
• Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at
kontekstuwalisasyon ng karanasan; at
• Mahusay ang panulat o literary prose style, na
nangangahulugang mahalaga ang pagiging
malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa
wika.

You might also like