You are on page 1of 60

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


(Q2)

Christine Joy Labeste Manuel


Talaan ng Nilalaman

Modyul 6: Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas:


Wikang Filipino at Mass Media
Panimula 50
Kalalabasang Pampagkatuto 50
Aralin 1. Mass Media 51
Aralin 2. Radyo – Ang Media ng Masa 52
Aralin 3. Panonood Bilang Pagbasa, Pagkatuto, at Pagkonsumo 53
Gawaing Pagtatasa 56
Buod 61
Sanggunian 61

Modyul 7: Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas:


Wikang Filipino, Internet, at Social Media
Panimula 62
Kalalabasang Pampagkatuto 62
Aralin 1. Ang Halina ng Internet 63
Aralin 2. Ang Facebook Bilang Social Media sa Pagkatuto 64
Aralin 3. Blog 65
Gawaing Pagtatasa 69
Buod 71
Sanggunian 71

Modyul 8: Wikang Filipino sa pag-aaral ng Kultura, sa Iba’t Ibang


Sitwasyon at Rehistro Nito
Panimula 72
Kalalabasang Pampagkatuto 72
Aralin 1. Ugnayan ng Wika at Kultura 73
Aralin 2. Uri ng Wika 76
Gawaing Pagtatasa 78
Buod 80
Sanggunian 80

Modyul 9: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino


Panimula 81
Kalalabasang Pampagkatuto 82
Aralin 1. Kakayahang Lingguwistiko 82
Aralin 2. Kakayahang Sosyolingguwistiko 87
Gawaing Pagtatasa 89
Buod 93
Sanggunian 93

Modyul 10: Introduksyon sa Pananaliksik


Panimula 94
Kalalabasang Pampagkatuto 94
Aralin 1. Kahulugan, Kahalagahan at Katangian ng Saliksik 95
Aralin 2. Oryentasyon ng Pilipino sa Pananaliksik 98
Aralin 3. Mga Uri ng Pananaliksik 99
Gawaing Pagtatasa 101
Buod 106
Sanggunian 107
MODYUL 6
WIKANG FILIPINO AT MASS MEDIA

Panimula

Binigyang-diin ni Nuncio (2016) na kinikilala ang media bilang Ikaapat na Estado


(Fourth Estate) kasunod ng tatlong sangay ng pamahalaan at umiral sa bansang demokratiko.
Una itong ginamit ni Thomas Carlyle noong 1841.

Samakatuwid, nakapaloob ang mass media sa siklo ng produksyon, distribusyon, at


pagkonsumo ng mensahe, produkto, at serbisyo sa lipunang ating ginagalawan. Nililikha tayo
ng mass media. Ang midyum o mass media na kinokonsumo natinang nagtatakda ng ating
pag-iral sa lipunan. Mahirap nang mahiwalay sa telebisyon, radyo, Internet, o cellphone lalo
kung nasa siyudad. Kung kaya’t tulad ng kaalaman, mensahe, o impormasyon, hinuhubog na
tayo mismo ng mass media. Kailangang-kailangan natin ng mass media sa ating buhay.
(Nuncio, 2016)

Kalalabasang Pampagkatuto

Sa katapusan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa
mga panayam at balita sa radyo at telebisyon; at
2. natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga
blog, social media posts, at iba pa.

50
Aralin 1. Mass Media

Pangmasang media,
pangmadlang media, o mass
media ang tawag sa
pinakamaimpluwensiyal at
masasabi ring
pinakamakapangyarihang
institusyon sa ating lipunan
(Nuncio, 2016).

Figyur 6.1. Mga Halimbawa ng Mass Media


Ayon kay Nuncio
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016) (2016), ang media ay isang
institusyong panlipunan tulad
ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay maging
tagabantay, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, at
tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan.

Ito ay isa ring malaking industriya. Ipinapakita ng talahanayan sa ibaba ang sarbey na
ginawa ng TNS Digital Life (2012), ipinapakita na marami pa ring Pilipino ang nanonood ng
telebisyon at nakikinig ng radyo. Ang Internet ang pumangalawa sa pinakagamiting media sa
Pilipinas.

Talahanayan 6.1 Sarbey nng TNS Digital Life noong 2012 hinggil sa paggamit ng
mga Pilipino ng iba’t ibang media
Media 2012 2011
Internet 45% 36%
Radyo 36% 40%
Pahayagan 12% 22%
Magasin 4% 4%
Telebisyon 89% 77%

Mula sa http://connectedlife.tnsglobal.com/TNS Digital Life (2012)

51
Aralin 2. Radyo – ang Media ng Masa

Ayon kay Nuncio (2016), ang mga programa sa radyo ang pinakamalawak at may
pinakamaraming naabot na mamamayan dahil sa higit 600 ang mga estasyob ng radyo (BBC
News, 2014) sa buong Pilipinas. Pinakamura kasi itong kasangkapan sa bahay kumpara sa
telebisyon o ibang media gadget. Maaari rin itong umandar gamit lamang ang baterya na
tipikal na paraan sa mga baryo o lugar na hindi pa naaabot ng elektrisidad.

Sa resulta ng sarbey ng TNS


Digital Life, umaabot sa 36% ng
populasyon natin ang gumagamit o
nakikinig ng radyo. Noong 1960,
namayagpag ang radyo bilang
numero unong mass media ng mga
Pilipino. Pinaka-abot kamay ang
programa sa radyo kahit saan mang
lugar o panig ng bansa. Ang mga Figyur 6.2. Iba't Ibang Istayon ng Radyo sa Pilipinas
drayber ng taxi ay madalas nakikinig
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
dito, pati ang mga nasa pribadong
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)
sasakyan, at ang ibang nasa
tahanan, restawran, at opisina upang making ng balita, musika, o programang panradyo sa
AM o FM. Samakatwid, pangmadla talaga ang radyo.

Ang radyo ang pinagmumulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo, at


serbisyong publiko ng mga tao. Mas mabilis din ang dating at pagbabalita kumpara sa
telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at makakonekta sa himpilan ng radyo
(Nuncio, 2016).

52
Aralin 3. Panonood Bilang Pagbasa, Pagkatuto, at
Pagkonsumo

Ayon kay Nuncio (2016), ang panonood ay


naidagdag bilang ikalimang kasanayang
pangwika. Ito ay proseso ng pagbasa, pagkuha, at
pagunawa ng mensahe mula sa palabas. Isang uri
ng pagbasa ang panonood dahil imbis na tekstong
nakalimbag, ang tekstong audio-visual ang
binibigyang-kahulugan at inuunawa ng manonood.

Figyur 6.1. Kinilala ang panonood bilang


ikalimang Makrong Kasanayan

Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.”

MGA URI NG PALABAS (NUNCIO, 2016) Nuncio, R. (2016)

A. Tanghalan/Teatro
Ang panonood ay maaring
panonood ng pagtatanghal
bilang palabas na umaarte ang
mga tauhan;
diyalogo/monologo; may
iskoring o musika; may
Figyur 6.2. Teatrong may pamagat na Anim na Tauhang tunggalian; at wakas.
Naghahanap ng May-akda; larawan ni Erickson Dela Cruz Samakatuwid, ang palabas ay
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika kuwentong napapanood sa
at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016) pagtatanghal sa teatro.

53
B. Pelikula
Ang sine ay tinatawag ding
motion picture o mga larawang
gumagalaw. Ayon sa mga
iskolar, magkarugtong ang
kasaysayan ng teatro at pelikula.
Napapanood ang pelikula sa
pinilakang-tabing sa loob ng mga
sinehan. Figyur 6.3. Iba't Ibang Halimbawa ng Pelikulang Pilipino na
tumatak sa masa
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)

C. Telebisyon
Ang telebisyon naman ang
midyum samantalang ang mga
programa sa telebisyon ang
palabas.

Figyur 4.6. Istasyon ng Telebisyon sa Pilipinas


Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Iba’t ibang uri ng palabas sa
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)
telebisyon:

1. Palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye, komediserye, telenovela, pelikula sa


telebisyon, at iba pa
2. Balita tungkol sa mga pangyayari sa paligid, sa pamahalaan, sa mga artista,
serbisyo-publiko at mga dokumentaryo
3. Variety show tuwing tanghali at kung Linggo
4. Reality TV show o reality TV gameshow

54
D. YouTube
Dahil sa makabagong
teknolohiya ng Internet, maaari
na ring manood ng mga palabas
sa YouTube. Ang mga personal
na video ng mga tao’y maaaring
i-upload sa Internet sa
pamamagitan ng Youtube o
maaari ding sa ibang video site.
Figyur 6.5. Ang makabagong midyum sa panonood ang
YouTube
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)

55
Gawaing Pagtatasa 6-1

Panuto: Suriin ang mga palabas sa telebisyon at isagawa ang sumusunod na mga
hakbang. Magbigay ng mga palabas mula sa dalawang pangunahing estasyon ng
telebisyon ayon sa uri ng palabas. Maaaring magsaliksik sa Internet ng iyong kasagutan.

MGA URI NG PALABAS ABS-CBN 2 GMA 7

Teleserye/Telenovela

Koreanovela

Sitcom

Pangunahing Balita

Dokumentaryo

Showbiz Talk Show

Game show

Reality TV

Palabas-pambata

56
Gawaing Pagtatasa 6-2
Panuto: Pumili ng isang balita mula sa tabloid at basahin. Suriin ang paraan ng paggamit ng
wika sa mga babasahing balita. Ilista ang mga salitang nabasa at ikategorya ang mga ito
(halimbawa: salitang kolokyal, Taglish, Filipino, salitang may konotasyong seksuwal o bulgar,
at iba pa). Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng gawain.

1. Sinansang-ayunan mo ba ang paraan ng pagpapahayag ng balita sa mga tabloid?


Pangatwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit kaya impormal ang paggamit ng wika sa mga tabloid?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano sa tingin mo ang epekto sa mga mambabasa ng wikang ginamit sa mga tabloid?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, napauunlad ba ng mga balita sa tabloid ang ating wikang


pambansa? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

57
Gawaing Pagtatasa 6-3
Panuto: Ipaliwanag ang pahayag na: “Hindi libangan ang sine, isa rin itong eskuwelahan.”
Mamili sa sumusunod na mga pelikula na nais panoorin at bigyan ng reaksyon at repleksyon.

Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po (2007) Seven Sundays (2017) sa Miss Granny: Pinoy Adaptation (2018)
sa Direksyon ni Joel Lamangan Direksyon ni Cathy Garcia-Molina sa Direksyon ni Joyce Bernal

Four Sisters and a Wedding Tanging Yaman (2000) sa


(2013) sa Direksyon ni Cathy Direksyon ni Laurice
Garcia-Molina Guillen

Punan ng kaukulang impormasyon ang talahanayan:


Pamagat ng Pelikula
Direktor
Mga Tauhan

58
Kompanyang Nagpalabas

Prodyuser

Taon ng Paglabas

Sagutin ang sumusunod kaugnay ng pinanood na pelikula.


1. Tungkol saan ang palabas? Naiiba ba ang istorya nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-anong kulturang Pilipino ang ipinakikita sa mga eksena ng pelikula?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ilarawan ang anyo at pamamaraan ng wikang ginamit sa pelikulang napanood.


Maaaring magbigay ng mga halimbawang linya na binanggit ng mga tauhan bilang
patunay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

59
4. Punan ang talahanayan kaugnay ng gamit ng wika sa pelikulang napanood.
Gamit ng Wika
Paano naging instrumento
ang pelikula sa ekpresyon
ng damdamin at sining?
Bilang Instrumento
Ano ang itinuturo ng
pelikula? Anong kaalaman
ang natutuhan?
Ano-ano ang dinidiktang
kalakaran o kaugalian,
moralidad, o kumbensyon
ng pelikula?
Regulatoryo
Sumasalungat ba sa
pananaw ng nakararami
ang mensahe ng pelikula?
Paano?
Paano ipinakikita ng
pelikula ang ugnayan ng
mga tauhan, bida, at
kontrabida?
Ano-anong eksena ang
Interaksyunal
nagpapakita ng masidhin
ugnayan o kawalan ng
ugnayan ng mga tauhan
na iba’t iba ang
kinahinatnan?
Tumagos ba sa iyong
damdamin ang mensahe
ng pelikula? Bakit?
Personal May mga katulad bang
karanasan sa iyong buhay
ang ilang eksena ng
pelikula? Ano-ano iyon?

60
Nakakaugnay ba sa iyo
ang mga tauhan, eksena,
at mensahe ng palabas?
Sa paanong paraan?

Buod

 Pangmasang media, pangmadlang media, o mass media ang tawag sa


pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang institusyon sa
ating lipunan.
 Ang radyo ang pinagmumulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo, at
serbisyong publiko ng mga tao. Mas mabilis din ang dating at pagbabalita kumpara sa
telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at makakonekta sa himpilan
ng radyo.
 Naidagdag ang panonood bilang ikalimang kasanayang pangwika.

Sanggunian

 Nuncio, R.V., atbp. (2016) “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino” C & E Publishing Inc. 839 EDSA, South Triangle, Quezon City

61
MODYUL 7
WIKANG FILIPINO, INTERNET, AT
SOCIAL MEDIA

Panimula

Ipinahayag ni Nuncio (2016) na isang global na pangyayari ang malawakang


paglaganap ng Internet. Bawat taon, marami na ang gumagamit nito dahil dumarami na rin
ang mga gadget na may kaugnayan dito tulad ng kompyuter, laptop, tablet, smartphone, at
game console.

Ang Internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang
makatatapat dito. Binabago ng Internet ang pamamaraan ng pagtuturo at kung saan ito
maaaring mangyari o magkaroon ng pagkatuto.

Kalalabasang Pampagkatuto

Sa katapusan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga


tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwsyon ng paggamit sa wika; at
2. natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang
napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon.

62
Aralin 1. Ang Halina ng Internet

Ang Internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita inter at networking na batay sa


pakahulugan ng TheFreeDictionary (2015) ay kilala rin bilang malawakang daluyan ng
impormasyon.
MGA TALA TUNGKOL SA INTERNET
Batay sa pananaliksik na ginawa ng Internet Society (2015) noong 2012 mula sa 10,000
kataong sumagot sa sarbey na galing sa 20 bansa sa buong mundo, masasabing:

 98% ang nagsasabing

napakahalaga ng Internet para


magkaroon sila ng daan sa kaalaman at
edukasyon
 96% ang nagsasabing

gumagamit sila ng Internet kahit isang


beses sa isang araw
Figyur 7.1. Isang global na stratehiya ng  90% ang gumagamit ng social
pakikisalamuha ang Internet at ang Social Media
media
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)

Kinahihiligan namang bisitahin ng mga netizen o gumagamit ng Internet ang sumusunod:


 Social network at blog – 22.5%

 Larong online – 9.8%

 E-mail – 7.6%
 Portal – 4.5%

 Video/movie – 4.4%
 Search – 4%
 Instant messaging – 3.3%

63
 Mga gumagawa ng software – 3.2%
 Classified/auction – 2.9%

 Mga kasalukuyang pangyayari at balitang pandaigdig – 2.6%


 Iba pa – 35.1%

Aralin 2. Ang Facebook bilang Social Media sa Pagkatuto

Ang Facebook ang pinakapopular


na social networking site sa Pilipinas. Hindi
nakapagtataka na nakahihikayat ito ng

napakaraming kabataan sapagkat talaga


namanuna itong dinisenyo para sa kanila.
(Nuncio, 2016).

Sa pag-aaral ni Selwyn (2009) Figyur 7.2. Nagagamit na rin ang Facebook bilang
napatunayan na malaki ang tungkuling Social Media ng pagkatuto

ginagampanan ng Facebook sa buhay ng Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio,
mga estudyante. Natutugunan nito ang
R. (2016)
iba’t ibang pangangailangan ng kanlang
pag-aaral kasama ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga guro.

Natuklasan naman sa pag-araal ni Kosik (2007) na ang Facebook ay kalimitang

ginagamit ng mga estudyante sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa kamag-aral


upang mas madali nilang mapag-usapan ang mga pangangailangan sa kanilang kurso.

KAHALAGAHAN NG SOCIAL NETWORK (FACEBOOK) SA EDUKASYON


 Mas mabilis na nakakakuha ng mga dokumento at babasahin patunkol sa paksang
pinag-aaralan.

64
 Pagkakaroon ng magandang ugnayan o palagayang loob sa pagitan ng mga guro at
mga mag-aaral.

 Nakikilala ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Facebook.


 Sa sikolohikal na aspeto, may pagkakataon na ang mga kaisipan at kasabihan na

ipinopost sa Facebook ay hinggil sa pag-asa upang malampasan o kayanin ang hirap


ng buhay.

Aralin 3. Blog

Sinasabing ang blog ay


galing sa dalawang salita, web at
log. Ito ay isang pangngalan na
tumutukoy sa isang website na
maituturing naman na isang blog

dahil sa tema at mga nilalaman

Figyur 7.3. Ang Halina ng Blog sa lalo't higit sa Kabataan nito – maaaring mga salita o

Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika teksto, lirato, video, link, o kung
at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016) ano man ang naisin ng blogger
(Nuncio 2016).

Blogger ang tawag sa tao o grupong nangangalaga, nagpapatakbo, at nagsimula ng


isang blog. Bilang isang pandiwa, ang blog o pagba-blog at tumutukoy sa aksiyon ng paggawa

o pagsusulat ng isang post na siyang ilalagay at magigig laman ng iyong blog (pangngalan).

65
MGA URI NG BLOG (NUNCIO, 2016)

 Fashion Blog – ito ang isa sa mga

pinakasikat na uri ng blog. Ang mga

blog na may ganitong tema ay


naglalaman ng mga damit o kung ano

man ang bago sa mundo ng fashion o

pananamit.
Figyur 7.4. Halimbawa ng Isang Fashion Blog
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.”
Nuncio, R. (2016)

 Personal Blog – marami sa mga blogger ang

gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay.


Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga

tao sa kanila o magbahagi lang ng mga bagay na


tumatakbo sa kanilang isipan. Walang tema ang

Figyur 7.5. Halimbawa ng Isang Personal Blog mga blog na ito – kahit ano pwede.

Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio,
R. (2016)

 News Blog – ang nais lamang ng mga


blog na may ganitong tema ay magbahagi

ng mga bagong balita sa mga


mambabasa. Figyur 7.6. GMA NEWS ONLINE -- Isang halimbawa
ng News Blog
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)

66
Humor Blog – naglalayon ang mga blog na
ito na makapagpatawa o makapagpaaliw

ng mga mambabasa. Maganda ang may


ganitong uri ng blog upang mas lumabas

ang galing ng blogger na makuha ang kiliti


at emosyon ng mga mambabasa.
Figyur 7.7 Isang halimbawa ng Humor Blog na nauuso sa
ibang bansa
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)

 Photo Blog – ang blog na ito ay


naglalaman ng mga litrato

hanggang sa mga
typographies. Naging malaking

parte na ng buhay ng kabataan


ang photo blog.

Figyur 7.6. Isang halimbawa ng Photography Blog


Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016

 Food Blog – ang pangunahin at maaaring


natatanging layunin ng blog na ito ay magbahagi ng
mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng

masasarap o kakaibang mga pagkain.

Figyur 7.7. Halimbawa ng isang Food Blog


Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.” Nuncio, R. (2016)

67
 Vlog – ito ay kilala din bilang
video blog sapagkat nagalalaman ito ng

mag video mula sa blogger. Ang mga


video ay maaaring kuha ng mga

paglalakbay, ekperimento, o kung


anumang personal na gawain.

Figyur 7.8. Ginagamit ang Youtube bilang plataporma sa


pagba-vlog
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016)

 Educational blog – nakatutulong ang mga

ganitong blog upang maliwanagan ang mga mag-


aaral sa mga aralin na hindi nila
Figyur 7.9. Halimbawa ng isang Educational Blog
maintindihan sa paaralan.
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.”
Nuncio, R. (2016)

68
Gawaing Pagtatasa 7-1

Panuto: Mamili ng isang uri ng blog na tinalakay. Maghanap sa Internet ng isang blog
ayon sa uring napili. Suriing mabuti ang mga nilalaman o entry mula rito.
Iminumungkahing pumili ng mga blog na gumagamit ng ating sariling wika. Punan ng
sagot ang talahanayan.

Uri ng Blog
Pangalan ng Blog
Pangalan ng May-akda/
May-ari ng Blog
Website/Link kung Saan
Makikita
Nilalaman
Tungkol saan ang blog?
Ano-ano ang paksa ng post
nito?
Lumabag ba sa etikal na
pamantayan ang mga blog
entry nito? Ipaliwanag ang
sagot.
Paggamit ng Wika
Ano ang wikang ginamit?
Madali bang maunawaan
ng mga netizen ang mga
salita o pahayag na
ginamit?
Ilarawan ang anyo at
paraan ng pagbuo ng
salita, ekspresyon, o

69
pangungusap sa mga blog
entry.
Sariling Opinyon
Nagustuhan mo ba ang
nilalaman ng blog?
Ipaliwanag ang sagot.
Makatutulong ba sa iyo ang
mga impormasyong naka-
post sa blog?

Gawaing Pagtatasa 7-2

Panuto: Pumili ng isang sa mga nakalistang sitwasyon. Pag-aralan kung paano ang iba’t ibang
paggamit ng wika sa napiling sitwasyon gamit ang Internet at social media. Pagkatapos, isulat
ang pagsusuri kaugnay ng isinagawang pag-aaral. Isulat din sa ibaba ng pagsusuri ang mga
sanggunian o website link na ginamit o sinuri.
Mga Sitwasyon
 Pag-uugnayan ng klase gamit ang Facebook
 Twitter post ng mga ahensya ng pamahalaan
 Mga nakakaaliw na post sa blog
 Personal na blog o pagpapahayag ng sariling opinyon
 Komento ng mga netizen sa mga paksang nagte-trend sa Twitter
 Pagsubaybay ng mga tagahanga sa Instagram account ng artistang kanilang
hinahangaan

70
Buod

 Ang Internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita inter at networking na batay sa


pakahulugan ng TheFreeDictionary (2015) ay kilala rin bilang malawakang daluyan ng
impormasyon.
 Nagiging midyum na rin ng pagtuturo at pagkatuto ang Facebook.
 Sinasabing ang blog ay galing sa dalawang salita, web at log.

Sanggunian
 Nuncio, R.V., atbp. (2016) “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino” C & E Publishing Inc. 839 EDSA, South Triangle, Quezon City.
 TheFreeDictionary. (2015). Retrieved from
https://www.thefreedictionary.com/Internet#:~:text=(%CB%88%C9%AAnt%C9%99%
CB%8Cn%C9%9Bt),other%20information%20to%20be%20exchanged.

71
MODYUL 8
WIKANG FILIPINO SA PAG-AARAL NG
KULTURA, SA IBA’T IBANG SITWASYON AT
REHISTRO NITO

Panimula

Ayon sa pahayag ni Valverde (2016), ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng


pamumuhay na nakagawian o nakasanayan na ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng
mga karunungan, panitikan, paniniwala, kaugalian, sining, batas, pagpapahalaga, at iba pa.
Dahil mahalagang instrumento ang wika upang makipag-ugnayan ang mga tao, ito ang
ginagamit upang maipahayag, malinang, mapalaganap pa ang kultura. Ito rin ang ginagamit
upang maisalin at maipaman ito sa susunod na henerasyon. Ang paraan ng paggamit ng wika
at pagbibigay-kahulugan ditto ay maaaring magkakaiba sa iba’t ibang lugar batay sa kulturang
taglay ng lugar na gumagamit nito.

Kalalabasang Pampagkatuto

Sa katapusan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan
ng pagsasalita; at
2. nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

72
Aralin 1. Ugnayan ng Wika at Kultura

Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian o nakasanayan


na ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng mga karunungan, panitikan, paniniwala,
kaugalian, sining, batas, pagpapahalaga, at iba pa (Nuncio, 2016).

Ang kaalamang bayan ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at


tradisyon ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangan na nagpasalin-salin sa iba’t
ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan (Nuncio,2016)

IBA’T IBANG URI NG KAALAMANG BAYAN (Nuncio, 2016)

A. Awiting-bayan – mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta


o inaawit pa rin.
Halimbawa: Leron Leron Sinta, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Paruparong
Bukid

Mga Uri ng Awiting-bayan


1. Kundiman – awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal.
2. Kumintang – dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pag-ibig.
3. Dalit o Imno – awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat.
Karaniwan itong inaawit bilang papuri sa Diyos sapagkat nagpapakita at
nagpaparating ito ng pasasalamat.
4. Oyayi o Hele – awitin para sa pagpapatulog ng bata at karaniwang naglalaman
ng mga bilin.
5. Talindaw – awit sa pamamangka.
6. Diona – tulad ng kundiman, ay awit ng pag-ibig ngunit madalas itong ginagamit
sa kasalan.
7. Dungaw o Dung-aw – makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano na inaawit
bilang panaghoy ng isang taong namatayan.

73
B. Alamat – pasalitang panitikan tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay. Ilan sa mga
ito ay tumutukoy sa pinanggalingan ng mga pangalan ng lugar, kalikasan, at kay
Bathala. Nagbibigay ito ng aral sa buhay at paghamon na maituwid ang masasamang
nakaraan.

C. Pabula – isang maikling kwentong kathang-isip na tumatalakay sa mga aral sa buhay


ng tao. Mga hayop ang mga tauhan dito.

D. Epiko – pangunahing pasalitang anyo ng panitikang hinubog ng iba’t ibang katutubong


Pilipino. Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng kapangyarihan na kadalasan ay galing sa diyos o diyosa.

E. Kuwentong katatakutan o urban legend – hindi mawawala sa umpukan sa kanto, sa


huntahan ng mga magbabarkada sa klase, o di kaya’y tuwing nagkikita-kita ang
magkukumare sa palengke. Madalas, ang ganitong uri ng kwento ay patungkol sa
misteryosong paglabas ng babaeng nakaputi, kapre o aswang sa siyudad. Tumatanim
ito sa isip ng mga nakaririnig at minsa’y napapaniwala ang iba kahit na walang matibay
na ebidensya kung totoo ito o hindi.

F. Pista – hindi ito mawawala sa isang bayan o pmayanan bilang alay sa patrong santo
sa simbahan ng mga Katoliko. Sa mga kapatid nating Muslim, ipinagdiriwang nila ang
Eid al-Fitr matapos ang isang buwan nap ag-aayuno.

Bahagi rin ng ating kultura ang magagarbong selebrasyon o pagtitipon tulad ng sa kasal,
binyag, at maski pagtatapos ng mga anak sa kolehiyo. Mahilig din ang mga Pilipino sa
paligsahan tulad ng pagkanta, pagsayaw, at pagpapakita ng iba’t ibang talento.

ARALING PILIPINO BILANG PAG-AARAL SA KULTURA AT LIPUNANG PILIPINO

Sa simula’t simula kung tutuusin, produkto ng akademya ang pagsilang o pag-usbong


ng Araling Pilipino sa kamalayan ng mga mag-aaral at guro, mga aral o iskolar sa mga

74
pamantasan sa loob at labas ng bansa. Masasabi nating pribilehadong kamalayan ito ng mga
akademikong may adhikaing maglunsad ng proyektong nakatuon sa pagtuklas ng ating
kaakuhan at pagkabansa. (Nuncio,2016)

Ayon Dr. Zeus Salazar, kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi,
kaalaman at karanasan na nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng isang kalipunan ng
tao, ang wika ay hindi lamang daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-
kuhanan ng alinman. Walang kulturang hindi dala ng isang wika, na bilang saligan at kaluluwa,
ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay-diwa sa kulturang ito.

Sa ganitong pagkakaugnay ng
wika at kultura, ang kulturang Pilipino,
bilang natatanging pagkabuo ng isip,
damdamin, ugali, kaalaman at
karanasan ng katauhan at bayang
Pilipino, ay dapat lamang taglayin ng
isang wikang nagpapaloob at
nagpapahayag dito. Lalong magiging
malinaw ang palagay na ito kung
susuriin muna ang wika bilang
pahayag-pahiwatig, impukan-kuhanan
Figyur 8.1. Ibinuod ni Salazar ang pagkakaugnay ng at daluyan ng kultura bago pag-aralan
wika at kultura ang kaugnayan ng ganitong pananaw
Mula sa “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa sa ating sariling kultura - kung sakali
Wika at Kulturang Pilipino.” Nuncio, R. (2016) mang may maaangking kultura ang
bayang Pilipino na bunga ng kanyang
pagkabuo sa agos ng kasaysayan
(Nuncio,2016).

75
Aralin 2. Uri ng Wika

Nabanggit sa unang modyul ang mga konseptong kaugnay sa mga uri ng wika tulad
ng sosyolek, idyolek, at dayalekto. Nagkakaroon ng uri ng wika batay sa mga sumusunod na
dahilan:

1. Heograpiya (Sayas, 1998) – saang lugar, pook, o bayan ginagamit ang wika

2. Gramatika at Ponolohiya (Constantino, 2002; Sayas, 1998) – tuntuning pangwika batay sa


gamit nito sa isang lugar, pook, at sitwasyon (talastasan, akademiko, propesyunal)

3. Sitwasyon (Hymes, 1972) – etnograpiya ng komunikasyon na tumutukoy kung pormal o


impormal ang estilo ng usapan batay sa mga kalahok sa komunikatibong sitwasyon at
paksa o isyung pinag-uusapan.

4. Rehistro o estilo ng wika (Mantano-Harmon, 1961) – espesipikong gamit ng mga termino


sa isang lingguwistikong komunidad batay sa konteksto at sitwasyon ng paggamit. Narito
ang limang rehistro batay sa iba’t ibang sitwasyon at komunidad ng mga kalahok:

a. Estatiko – hindi nagbabago o matagal ang pagbabago tulad ng nakasaad sa


Saligang Batas
b. Akademik/Pormal – estilo ng wikang ginagamit sa paaralan at pamantasan
c. Konsultatibo – estilo ng wikang ginagamit sa paaralan at pamantasan
d. Impormal – ginagamit sa berbal na talastasan sa bahay, lansangan, kuwentuhan,
huntahan, at iba pa
e. Panlambing – ginagamit na wika ng magkasintahan, mag-asawa, at sinumang may
malalim na ugnayan sa isa’t isa

76
Talahanayan 8.1. Gabay sa Rehistro ng Wika sa Iba’t Ibang Sitwasyon batay sa ISO
(International Organization for Standardization)
Uri ng Rehistro Paliwanag Halimbawa
Neutral Batid halos ng lahat at ginagamit sa Agham, nilalang, buhay,
maraming sitwasyon, lansangan, at isip, kompyuter, makina,
pagkakataon sistema, mapa
Technical Nakabatay ang kahulugan sa USB, dextrose, turbo
espesipkiong larangan at propesyon engine, power drill, artificial
intelligence
In-house Natatangi sa isang kompanya o lugar – Lapad – tawag sa perang
dito nagmula ang termono at dito lamang papel ng Japan ng mga
ginagamit Pilipinog naghahanap-
buhay roon
Bench-level Tawag ng mga gumagamit sa isang Sosi phone – tawag sa
terminong tumutukoy sa gadget o phone na mamahalin
application sa kompyuter at iba pa Bling-bling – tawag sa
aksesorya, alahas, o
pananamit na pamorma
Slang Impormal na termino na ginagamit sa Datung – pera
impormal na sitwasyon at balbal din ang Waklas – baduy o
tawag dito mumurahin
Vulgar Terminong hindi ginagamit sa publiko o Mga salitang ginagamit sa
sa pormal na usapan dahil sa pagmumura
implikasyon sa moralidad, kagandahang- Mga salitang tumutukoy sa
asal at kultura dahil maaaring maseselang bahagi ng
nakakasakit ng damdamin o mapanlait katawan
Mga salitang nanlalait sa
lahi, kulay, kasarian,
katayuan, at hitsura ng
isang tao

Ipinapakita ng Talahanayan 8.1 ang pinalawak ng ISO o International Organization for


Standardization ang iba’t ibang uri ng rehistro ng wika at tinawag itong ISO Standard 12620

77
(Language Registers, 2015). Gagamitin ang Ingles na termino nito para sa estandardisasyon
ng katawagan nito.

Gawaing Pagtatasa 8-1

Panuto: Gumawa ng listahan ng mga termino batay sa hinihinging rehistro.


Magbigay ng dalawang salita o termino kada rehistro. Ipaliwanag ang kahulugan
nito. Tukuyin din kung sa anong rehistro ito nakapaloob ayon sa sitwasyon.

Rehistro ayon sa sitwasyon


(estatiko, konsultatibo,
Uri ng Rehistro Paliwanag/Kahulugan
panlambing, akademik, o
impormal)
Neutral a) a)

b) b)

Technical a) a)

b) b)

In-house a) a)

b) b)

Bench-level a) a)

b) b)

Slang a) a)

78
b) b)

Vulgar a) a)

b) b)

Gawaing Pagtatasa 8-2

Panuto: Magsaliksik tungkol sa alamat at kasaysayan ng iyong bayan. Kapanayamin ang


matatanda sa lugar at sumangguni sa local na museo at lokal na pamahalaan. Alamin ang
sumusunod:

1. Ano ang kwento ng matatanda tungkol sa pagpapangalan sa bayan?


2. Paano nagpabago-bago sa takbo ng panahon ang pangalan ng bayan?
3. Ano-ano ang pangalan ng mga barangay sa bayang ito? Alamin ang kasaysayan at
kwento sa likod ng pagpapangalan ng mga ito?
4. Ano-anong pagbabago ang nangyayari sa bayan?
a. Dami ng tao o populasyon
b. Pagbabagong hatid ng industriyalisasyon at komersiyalisasyon
c. Pagbabago sa tradisyon (piyesta, paniniwala, ibang gawaing bayan) sa takbo
ng panahon
d. Paggamit ng wika ng inyong bayan at impluwensiya ng ibang wika
5. May mga salita o katawagan ba sa bayan na katutubo sa lugar at nakabatay sa kultura,
gawain, o paniniwala dito?

Pagkatapos ay sumulat ng isang sanaysay batay sa mga nakalap na impormasyon.

79
Buod

 Ang wika ay kaluluwa at saligan na bumubuo at humuhubog at nagbibigay-diwa sa


kultura. (Salazar, 1996)
 Rehistro ng wika ay kinikilala bilang listahan ng mga teknikal na termino na ginagamit
sa espisipikong larangan o propesyon. (Sayas, 1998)

Sanggunian

 Nuncio, R.V., atbp. (2016) “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino” C & E Publishing Inc. 839 EDSA, South Triangle, Quezon City
 Valverde, O.T., atbp, (2016) “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino para sa Baitang 11” MINDSHAPERS CO., INC. Rm. 108, Intramuros
Corporate Bldg. Recoletos St., Manila

80
MODYUL 9
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG
MGA PILIPINO

Panimula

“Ang aming wika ay katulad ng isang perlas sa loob ng isang kabibi. Ang balat o
talukap nito ay ang mga taong nagdadala o pumapasan. Kung ang wika naming ay tatanggalin
sa amin, mangangahulugan iyon ng paglaho ng perlas. At kung mawala ang aming wika, kami
ay maihahalintulad sa isang basyo ng talaba.” – Yuranny Dhur

Mula sa panayam ni Leonor T. Oralde-Quintayo –Tagapangulo, National Commission on


Indigenous People (NCIP)

Ipinaliwanag ni Nuncio (2016) na likas sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng


magandang pakikitungo sa kapwa maging sa kababayan man o sa mga dayuhan. Katunayan,
kilala ang mga Pilipino sa larangan ng pagkakaroon ng katangian na “hospitable” o magiliw
at maayos na pagtanggap sa mga bisita. Sa gayong pagkakataon, may kakayahan ang mga
Pilipino na makipag-usap at umunawa sa nais iparating ng kausap kaya madaling
makagaanan ng loob lalo’t higit ang mga dayuhan.

Sa larangan ng komunikasyon, pasalita man o pasulat ay mahusay at maaasahan ang


mga Pilipino. Iba-iba man ang paraan ng pakikipag-usap, nakatitiyak ang mga Pilipino na kahit
saan mang panig ng mundo makarating ay sadyang naiiba at kinagigiliwan ang lahing Pinoy
dhail sa bukod sa madaling makaunawa at palakaibigan at mahusay ito sa
pakikipagtalastasan.

81
Kalalabasang Pampagkatuto

Sa katapusan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan; at


2. napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.

Aralin 1. Kakayahang Lingguwistiko

Sa pag-aaral ng wika, may dalawang kakayahang dapat bigyan ng tuon, ang


komunikatibo at lingguwistiko.

Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa paglalapat ng mga kaalamang


lampas sa gramatika o balarila. Mahalaga rito ang mabisang paggamit ng wika para sa ganap
na pagkakaunawaan (Garcia, et. Al., 2008).

Sa kabilang banda, pinag-uukulan ng pansin ang wastong paglalapat ng mga tuntunin


ng wika sa kakayahang lingguwistiko. Lingguwistika ang tawag sa maagham na pag-aaral ng
wika. Pinag-aaralan at sinusuri ang estruktura, katangian, pag-unlad, at iba pang bagay na
may kaugnayan sa isang wika, at ang relasyon nito sa iba pang wika (Lachica, 2001:2).

MGA MADALAS NA PAGKAKAMALI SA GRAMATIKANG FILIPINO

Ang mga larawan ay hango sa isang page ng mga guro ng Grade 6 SPED na tinawag
nilang EDUBLOGGER: GRADE SIX SPED TEACHERS
(https://gradesixsped2015.wordpress.com/2015/08/16/hello-world/)

82
83
MABISANG PANGUNGUSAP

Narito ang ilang mga kailangang isaisip sa pagsusulat ng isang mabisang


pangungusap:

1. Kaisahan – may kaisahan ang pangungusap kung tumutulong ang bawat bahagi sa
paghahayag ng isang pangunahing diwa.

Halimbawa: Nagmamadaling bumangon si Nelia, naligo, nag-ayos ng katawan,


kumain ng almusal, at pumasok sa paaralan.

84
2. Paglalapit ng panuring sa salitang tinuturingan – hindi dapat paghiwalayin ang mga salitang
magkakaugnay.

Mali: Mamaya si Marina pupunta sa paaralan.

Wasto: Pupunta mamaya si Marina sa paaralan. / Mamaya pupunta si Marina sa


paaralan.

3. Paggamit ng wastong tinig ng pandiwa – kalimitang ginagamit ang pandiwang nasa tinig
balintiyak, sa halip na nasa tukuyan.

Mali: Ang mag-aaral ay binasa ang Noli Me Tangere.

Wasto: Binasa ng mag-aaral ang Noli Me Tangere.

4. Pagbibigay-diin – kinakailangan ang wastong pag-aayos ng mga salita sa pagbibigay-diin.

May kahinaan: Mag-aral ka raw na mabuti, ang sabi ng nanay mo.

Maayos: Ang sabi ng nanay mo ay mag-aral ka raw nang mabuti.

5. Palagitlingan

Ginagamit ang gitling kapag

 ang salita ay inuulit


Halimbawa: gabi-gabi dala-dalawa matamis-tamis malayong-malayo
 ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na nilalapian ay nagsisimula
sa patinig
Halimbawa: mag-alsa may-ari pang-aral
 may katawagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsasama
Halimbawa: bahay-kubo (bahay na kubo) bulaklak-parang (bulaklak sa parang)
 ang isang panlapi ang inilalapi sa unahan ng isang ngalang pantangi
Halimbawa: maka-Quezon pang-Mahal na Araw taga-Nueva Ecija
Hindi ginagamit ang gitling kapag ang mga halimbawang panlapi sa itaas ay inilalapi
sa mga pangngalang pambalana (Halimbawa: makabayan, panlungsod,
tagalalawigan).
 ang panlaping ika- ay ginagawang unlapi sa mga tambilang

85
Halimbawa: Ika-10 mag-iika-7
 binabaybay ang yunit ng praksiyon (fraction)
Halimbawa: isang-katlo tatlong-kapat
 nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal
Halimbawa: tawang-aso barong-Intsik dalagang-bukid
6. Gamit ng Kudlit
Ginagamit ang kudlit kung may nawawalang letra o mga letra sa dalawang salitang pinag-
uugnay
Halimbawa:
ako at ikaw – ako’t ikaw
mayaman at mahirap – mayama’t mahirap
bayan at lungsod – baya’t lungsod
iba at iba – iba’t iba
May mga salita na sa katagalan ng panahon ay maituturing nang patay sapagkat hindi na
ginagamit nang hindi kakabit ang dinaglat na at. Ang mga salitang ito ay hindi na dapat
kudlitan.
subalit – subali at
datapwat – datapwa at
ngunit – nguni at
sapagkat – sapagka at

86
Aralin 2. Kakayahang Sosyolingguwistiko

Bahagi ng pag-aaral ng lingguwistika ang tinatawag na sosyolingguwistika. Sinisipat


sa pag-aaral nito ang ugnayan ng wika at lipunan particular ang kaangkupan ng gamit ng
isang wika batay sa iba’t ibang konteksto (Nuncio,2016).

Binanggit ni Nuncio (2016), kapag ang isang tao ay may kakayahang manipulahin ang
kaniyang gamit ng wika upang ito ay umayon sa hinihinging sitwasyon ng
pakikipagtalastasan, masasabing siya nagtataglay ng tinatawag na kakayahang
sosyolingguwistiko (sociolinguistic competence). Bukod sa pagtataglay ng kakayahang
lingguwistiko, isinasaaalang-alang din ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong
pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Samakatuwid, itinuturing na
mahalaga rin ang pag-unawa sa kontekstong sosyal ng isang wika.

ANG ETNOGRAPIYA NG KOMUNIKASYON

Sa pag-unawa ng anumang sitwasyong komunikatibo, mahalagang isaalang-alang ng


tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng
kanilang pinag-uusapan. Kaugnay ng kakayahang sosyolingguwistiko, ang pag-unawa sa
ugnayang namamagitan ng wika at lipunan ay may malaking papel na ginagampanan tungo
sa isang mabisang pagpapahayag (Nuncio, 2016).

Isang paraan sa pag-unawa ng sitwasyong komunikatibo ay ang paggamit ng modelo


ni Dell Hymes gamit ang binuo niyang akronim SPEAKING.

S – ettings at scene (lugar at oras ng usapan; naglalarawan sa kalikasan ng sitwasyon ng

pag-uusap)

P – articipants (mga taong sangkot sa usapan; ang nagsasalita at ang kinakausap)

87
E – nds (layunin at mithiin ng usapan gayundin ang maaaring bunga ng pag-

uusap)

A – ct Sequence (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari habang nagaganap ang

pag-uusap)

K – eys (pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita: pormal o di-pormal

ang takbo ng usapan)

I – nstrumentalities (anyo at estilong ginagamit sa pag-uusap: pasalita, pasulat, harapan,

kasama rin ang uri ng wikang gamit)

N – orms (kaangkupan at kaakmaan ng usapan ng isang sitwasyon)

G – enre (uri ng pananalita na nakalahad mula sa isang sitwasyon:

nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nagmamatuwid)

88
Gawaing Pagtatasa 9-1

Panuto: Manood o making sa radio ng isang programang pambalita. Obserbahan ang


mga tagapagbalita sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang pasasalita gayundin ang
mga tekstong nakikita sa palabras. Gumawa ng isang transkripsyon. Suriin kung
angkop ang kanilang paggamit ng mga salita, at/o kung wasto at malinaw ang
estruktura ng pangungusap at pagpapahayag. Isulat sa talahanayan ang mga sagot.
Mga halimbawa ng
Paliwanag kung bakit
salita/pangungusap na Paraan ng pagwawasto
hindi malinaw o epektibo
hindi malinaw o epektibo nito
ang salita/pahayag
ang pahayag
1.

2.

3.

4.

5.

89
Gawaing Pagtatasa 9-2

Panuto: Basahin ang maikling kwento. Gamit ang mga salita ng komunikasyon na ibinahagi
ni Dell Hymes, punan ang kolum ng tamang impormasyon na isinaad sa mga pangyayari at
usapan sa teksto ayon sa hinihingi ng bawat hanay.

90
91
Saan nag-uusap?

Sino ang nag-uusap?


Ano ang layunin ng pag-uusap?

Paano ang takbo ng usapan?

Pormal ba o di-pormal?

Pasalita ba o pasulat?

Ano ang paksa ng usapan?

Nagsasalaysay ba o nakikipagtalo?

92
Buod

 Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa paglalapat ng mga kaalamang lampas


sa gramatika o balarila.
 Ang kakayahang lingguwistiko naman ay pinag-uukulan ng pansin ang wastong
paglalapat ng mga tuntunin ng wika.
 Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay kapag ang isang tao ay may kakayahang
gamitin ang wika upang ito ay umayon sa sitwasyon ng pakikipagtalastasan.

Sanggunian
 Garcia, L. (2008). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cabanatuan City:
Jimcy Publishing House.
 Lachica, V. S. (2001). Komunikasyon at Lingguwistika: Edisyon 2002. Manila: GMK
Publishing House.
 Nuncio, R.V., atbp. (2016) “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino” C & E Publishing Inc. 839 EDSA, South Triangle, Quezon City
 Valverde, O.T., atbp, (2016) “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino para sa Baitang 11” MINDSHAPERS CO., INC. Rm. 108, Intramuros
Corporate Bldg. Recoletos St., Manila

93
MODYUL 10
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

Panimula

Natatandaan mo pa ba noong elementary aka pa, mula sa mga takdang-aralin na


ibinibigay ng guro, makikita ang salitang “magsaliksik”. Maraming aklat ang binabasa,
gayundin ang pagtatanong (interview) sa mga nakatatanda na alam naman natin na
makakasagot sa ating katanungan. Hindi rin maiwasan ang paghingi ng tulong kay G. Google.
Sa araw-araw ay ginagawa natin ang pagsasaliksik, sa munting bagay na nais nating
malaman, masasabi nating tayo ay nagsasaliksik.

Ang pagbasa, pagsulat, paggamit ng teknolohiya, pagkuha ng sarbey at pakikipag-


ugnayan sa iba ay makakatulong upang maingat na makahanap at makalikom ng datos at
impormasyon tungkol sa isang bagay. Ilan lamang iyan sa ating ginagawa kung tayo ay
maghahanda sa isang saliksik.

Kalalabasang Pampagkatuto

Sa katapusan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino;


2. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik;
3. nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang
mga ideya sa isang sulatin; at
4. nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenanng kultural at
panlipunan sa bansa.
Aralin 1. Kahulugan, Kahalagahan at Katangian ng Saliksik

Ayon kay Nuncio (2016), isang uri ng


pagtuklas ang pananaliksik. Nagsisimula sa
mga tanong ang pagtatangkang tumuklas.
Napakalawak ng larang ng pagtuklas at
pagtatanong natin. Nagsasaliksik tayo upang
humanap ng kasagutan sa ating mga tanong.
Ang mga sagot na ito’y maaaaring tugon
Figyur 10.1. Pananaliksik
bilang solusyon sa isang suliranin. Ang
Hango sa presentasyon ni Diane Roallos (2013)
mga sagot ay maaaring tentatibo o
espekulatibo, panandalian, o isang hinuha.

Ayon kay Bernales (2006), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso


ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng
isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa
limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.

Ayon kay Acopra et.al (2015), ang pananaliksik ay napakahalagang disiplina tungo sa
pag-unlad ng isang bansa. Ito’y daan upang mabigyan ng solusyon o kasagutan ang anumang
partikular na mga suliranin.

MGA URI NG TANONG (NUNCIO, 2016)


1. Praktikal na Tanong
Halimbawa: Paano patitibayin ang bubong ng bahay? Paano magpalit ng gulong ng
sasakyan na umimpis o nabutas na?

96
2. Espekulatibo o pilosopikal na Tanong
Halimbawa: May ikalawang buhay ba matapos
mamatay ng tao? Nakararamdam ba ng awa
ang mga hayop? Paano maging malaya sa
lipunang punumpuno ng batas at regulasyon?
May nilalang bang nabubuhay sa ibang
planeta?
3. Panandalian o tentatibo o mga tanong na batay
sa prediksyon at probabilidad
Halimbawa: Uulan ba bukas? Ano ang halaga
Figyur 10.2. Ilustrasyon ni Apol Sta.
ng piso kontra dolyar sa sususnod na linggo?
Maria para sa CNN Life
Ano ang magiging reaksiyon ni Inay kapag
nalaman niyang bumili ng bagong kotse si Itay? Saan babagsak ang saranggola
kapag napigtas ang pisi nito?
4. Imbestigatibong Tanong
Halimbawa: Sino ang nagnakaw ng mga manok sa bakuran? Paano nalason ang
matandang lalaki? Ano ang motibo ng suspek para gawin ang krimen? Paano
naisasagawa ang bentahan ng laro sa basketbol?
5. Disiplinal na Tanong
Halimbawa:
Sikolohikal ng wika: Ano ang naibubulalas ng taong bugnutin?
Ekonomiks: Ano ang totoong halaga ng perang padala ng mga OFW sa ekonomiya
ng bansa?
Pamamahala: Paano mapatataas ang kita ng kompanya sa mga panahong may krisis
sa bansa?
Biology: Mabubuhay ba ang halaman sa planetang Mars? Bakit?

KAHALAGAHAN NG SALIKSIK (VALVERDE, 2016)


1. Nagpapayaman ng Kaisipan
2. Lumalawak ang Karanasan
3. Nalilinang ang Tiwala sa Sarili

97
4. Nadaragdagan ang Kaalaman
KATANGIAN NG PANANALIKSIK (VALVERDE, 2016)
1. Ang saliksik ay sistematiko.
2. Ang saliksik ay kontrolado.
3. Ang saliksik ay empirikal.
4. Ang saliksik ay mapanuri.
5. Ang pananaliksik ay obhektibo, lohikal, at walang pagkiling.
6. Ang saliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytib (quantitative) o estatistikal na metodo.
7. Ang saliksik ay isang orihinal na akda.
8. Ang saliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon.
9. Ang saliksik ay matiyaga at hindi minamadali.
10. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan.
11. Ang saliksik ay nangangailangan ng tapang.
12. Ang saliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat.

Aralin 2. Oryentasyon ng Pilipino sa Pananaliksik

Ano nga ba ng oryentasyon ng mga Pilipino sa pananaliksik? Masasabi nating ang


pananaliksik ay isang unibersal na gawain sapagkat hindi ito nasasagkaan ng wika at mga
heograpikal at pisikal na hangganan ng mga kultura at mga bansa gayunpaman, nabibigyan
ito ng kulay, kabuluhan, at buhay kung naiaangkop sa pekulyaridad at mga kultural, sosyal,
heograpikal, ekonomikal, ideolohikal at sikolohikal na katangian ng bansang kinabibilangan
ng mananaliksik. (Valverde, 2016)

Kung kaya ang oryentasyon ng mga Pilipino sa pananaliksik ay makikita batay sa mga
sumusunod:
1. Paksa – unang binibigyang-tuon ng mananaliksik ang paksa. Maraming paksa ang
maaari mapagkunan.

98
2. Pamamaraan – hindi lahat ng metodolohiya ay angkop sa bawat kultura. Madalas
ginagamit sa pananaliksik ay sarbey ngunit mas magiging matibay ito kung ito ay
sinasamahan ng panayam.
3. Interpretasyon – may mga angkop na teorya na maaaring gamitin. Ang batayan ng
pagsusuri ay krusyal kabuluhan ng pananaliksik.
4. Mananaliksik – dapat nating mabatid ang sarili nating kakayahan at hangganan
gayundin ang interes ng mananaliksik. Mas magiging madali ang pangangalap ng
datos kung ang paksa ay naaayon sa kawilihan niya.
5. Tagatanggap – marapat lamang na isaalang-alang sa pananaliksik kung sino ang
makikinabang ng iyong saliksik. Tandaan na ang layunin ng pananaliksik ay para
mapagaan ang pamumuhay ng tao.
6. Wika sa Pananaliksik – ang paggamit at pagpapayaman ng ating sariling wika ay
katotohanan na tayo ay hindi magiging turista sa ating bayan. Ang paglinang at
pagpapayaman natin sa sariling wika ay bahagi ng pagtuklas sa kakayahan ng wikang
ating ginagamit.
7. Etika sa Pananaliksik – kaialangan ng mananaliksik na ingatan at bigyang-
pagpapahalaga ang mga sangguniang pinagkunan. Dapat nating iwasan ang
pangongopya sa gawa ng iba. Ang pagiging matapat sa kanyang isinusulat at
mapanindigan ito sa lahat ng oras.

Aralin 3. Mga Uri ng Pananaliksik

PANGKALAHATANG URI NG PANANALIKSIK (VALVERDE, 2016)

1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research) – binubuo ng teorya o paliwanag tungkol


sa mga pangyayari. Mula sa pananaliksik na ito ay nadaragdagan ang dati nang
kaalamn ng bagong kaalaman.
2. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research) – may layuning mailahad ang balwasyon
mula sa ibinibigay na solusyon sa isang partikular na suliranin.

99
3. Aksyong Pananaliksik (Action Research) – pag-alam sa isang tiyak na suliranin upang
maibigay ang kalutasan o solusyon sa suliraning kinakaharap.

MGA PARAAN NG PANANALIKSIK (VALVERDE, 2016)

A. Palarawan (Descriptive Method) - pinag-aaralan ang karaniwang gawain at kalagayan.


Ito ay pagsisiyasat na naglalarawan at nagbibigay kahulugan tungkol sa isang paksa.
Uri ng Palarawang Paraan ng Pananaliksik
1. Pag-aaral sa isang kaso (Case Study) - pag-aaral hinggil sa isang suliranin o
komplikadong sitwasyon.
2. Sarbey – ginagamit ito upang malaman at sukatin ang mga pangyayari nang
hindi tinatanong o sinisiyasat kung ano ang dahilan kung bakit ganito o ganoon
ang isang bagay, paksa, o pangyayari.
Lawak ng Sarbey
a. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon
b. Sarbey – ang saklaw ay ilang bahagi lamang ng populasyon
3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – ang paraang ito ay kumukuha ng sapat
tiyak na impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang
panahon.
4. Mga Pagsusubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – ginagamit ito kung
ang isang payak na kondisyon ang nais na pasubaybayan. Ito ang pagtiyak ng
maaaring bunga ng isang pag-aaral.
5. Dokumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) – nangangailangan ng
pagkalap ng impormasyobn sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat
na record at mga dokumento upang mabigyan ng kalutasan ang mga suliranin.
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – ginagamit na datos sap ag-aaral na
ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan. Tinatawag ring feasibility
study.
7. Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) – ito ay ginagamit upang
alamin ang iba’t ibang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa
sa taget na populasyon.

100
B. Eksperimental na Paraan – isang proseso ng gawain na maaaring nakapili mula sa
pamamaraan ang nagiging epektibo para sa isang suliranin.
Paraan ng Pangongolekta ng Datos
1) Pamamaraang Obserbasyon – layunin nitong magmasid. Sakop nito ang
pagsisiyasat o obserbasyon ng mananaliksik sa isang paksang pinag-aralan.
2) Paraang Pagtatanong – maayos at masinop na nakatala ang mga tanong para
sa isang pinakamabisang paraan ng pagkuha ng datos.

Gawaing Pagtatasa 10-1

Panuto: Bilang panimula sa iyong sariling pagtatangka at pagtuklas, magbigay ng


tigdadalawang halimbawa ng bawat uri ng tanong. Tandaan na ang pormulasyon ng mga
tanong ang unang hakbang sa pananaliksik.

Mga Uri ng Tanong Ang Iyong mga Tanong


1.

Praktikal na tanong
2.

1.
Espekulatibo o pilosopikal na
tanong 2.

1.

Panandalian o tentatibong tanong


2.

1.

Imbestigatibong tanong
2.

Disiplinal na tanong 1.

101
2.

Gawaing Pagtatasa 10-2

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK (Pangwakas na Gawain)

1. Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi.


2. Pumili ng paksang napapanahon na may kinalaman sa kultura at lipunang Pilipino.
3. Isangguni sa guro ang mapagkakasunduang paksa ng pangkat.
4. Balikan ang mga aralin sa kakayahang komunikatibo na magagamit at angkop para
sa mabisang gamit ng wika sa gagawing pag-aaral.
5. Gamitin ang gabay sa pananaliksik na ibibigay ng guro.
6. Huwag kalimutang isulat ang pangalan ng gumawa ng pananaliksik. Tiyaking ang
bawat isa ay may naiambag sa pagtapos ng gawain.

GABAY SA PANANALIKSIK

A. Pagtukoy ng Paksa
Ano ang paksang nais pag-aralan?
Halimbawa:
Mga inaasahang oportunidad naming mag-aaral sa pagtatapos ng Senior High School
B. Panimulang Tanong at Layunin
1) Sa lawak ng inyong interes o sa dami ng natutuhang kaalaman at kasanayan
tungkol sa penomenang pangkultura, ilimita ang paksa sa paghahain ng isang
tiyak na tanong. Siguruhing tungkol sa kuktura at lipunang Pilipino ang inyong
paksa.
2) Buhat sa inyong natutuhan sa mga uri ng tanong, saan nakapalobb ang tiyak
na tanong na gusto ninyong sagutin sa pananaliksik? Tukuyin ito.
Mga Uri ng Tanong
Praktikal na tanong
Espekulatibo o pilosopikal na tanong
Panandalian, tentatibong tanong

102
Imbestigatibong tanong
Disiplinal na tanong

Halimbawa:
Tiyak na tanong: Ano ang mga oportunidad na naghihintay sa mga estudyante
sa pagtatapos nila ng Senior High School? (Tanong na tentatibo’t praktikal)
3) Ilahad ang layunin ng pag-aaral.

Halimbawa:

Layunin: Malaman, matimbang, at mapili ng mag-aaral ang mga oportunidad nan


naghihintay sa kanila matapos ang SHS

C. Tentatibong Bibliograpiya (dalawang araw na saliksik, ikalawa-ikatlong sesyon)


1. Magsaliksik sa silid-aklatan o Internet ng mga kaugnay na pag-aaral.
2. Ihanda at isulat ang tentaibong bibliograpiya.

Maaaring saliksikin:

a. Ang SHS curriculum at mga track na pagpipilian


b. Mga kasanayang pangwika at iba pang kakayahan na kakailanganin
c. Mga trabahong naghihintay sa mga nagtapos ng SHS
d. Mga suliranin, isyu, at hamon sa K-12 SHS
e. Mga pag-aaral sa ibang bansa tungkol sa mga oportunidad ng mga
nagtapos ng SHS
f. At iba pa
D. Paglalatag ng Iba pang Tanong at Pagbabalangkas ng Paksa
1. Mula sa tiyak na tanong, maglaan ng maliliit na tanong kaugnay nito.
2. Isulat ang balangkas sang-ayon sa mga tanong na inilatag sa panimulang
pananaliksik.

103
Halimbawa:

Tiyak na tanong: Ano-ano ang mga oportunidad ng mga estudyante sa pagtatapos nila ng
Senior High School?

Kaugnay na mga tanong:

a. Bakit kailangan ang SHS sa bagong programang K-12?


b. Ano ang iba’t ibang track at mga oprtunidad na naghihintay sa mga nagtapos ng
SHS?
c. Ano-ano ang kailangang kasanayan upang magtagumpay ang mga nagtapos ng
SHS?

Balangkas

Pamagat: Mga Oportunidad ng mga Nagtapos ng SHS

I. Ang SHS ng bagong K-12 kurikulum: mga isyu, suliranin, at tunguhin


II. Mga oportunidad alinsunod sa piniling track sa SHS
III. Mga kasanayang kailangang taglayin
E. Pangangalap ng Datos at Interpretasyon Nito
1. Tiyakin na angkop ang metodo sa pangangalap ng datos.
2. Masinop na tipunin at suriin ang datos na nakuha.
3. Talakayin ang mga konsepto o ideya na gagabay sa pag-unawa ng datos.

Halimbawa:

Mungkahing metodo:

1. Saliksik sa aklatan tungkol sa SHS, programang K-12, mga oportunidad sa trabaho,


pag-aaral sa kolehiyo, pangingibang-bayan, at iba pa.
2. Sarbey sa mga mag-aaral para malaman ang mga isyu at suliranin sa implementasyon
ng SHS at inaasahan nilang oportunidad.
3. Panayam ng piling mag-aaral sa track na kanilang pinili.

104
Mga konsepto

1. Pagtalakay sa motibasyon at goal-setting bilang tulay sap ag-uanwa sa mga


oportunidad na laan sa mga mag-aaral.
2. Pagsusuring SWOT (kalakasan, kahinaan, oportunidad, at banta) sa SHS-K-12.
F. Pinal na Balangkas
1. Matapos mangalap ng datosm ayusin ang balangkas ng iyong paksa batay sa
karagdagang impormasyon at detalyeng nakuha.
2. Magdagdag ng maliliit na paksa (sub-topics) kung kinakailangan.
3. Sikaping nakatuon sa orihinal na mga tanong at nakabatay pa rin sa paksa ang
pulidong pagsulat ng pinal na balangkas.

Halimbawa:

Balangkas:

Pamagat: Mga Oportunidad ng mga Nagtapos ng SHS

I. Ang SHS ng bagong programang K-12: mga isyu, suliranin, at tunguhin


A. Kasaysayan ng bagong K-12
1. Mga asignatura
2. Tunguhin at layunin
3. Mga isyu, hamon, at suliranin
II. Mga oportunidad alinsunod sa piniling track sa SHS
A. Ang apat na track ng SHS
B. Mga oportunidad sa pagtatapos sa bawat track
C. Resulta ng sarbey ng mag-aaral sa track na pipiliin
D. Panayam sa piling mag-aaral
III. Mga kasanayang kailangang taglayin
A. Kasanayang pangwika’t interpersonal na komunikasyon
B. Kritikal at analitikal na pag-iisip
C. Kasanayan sa paglutas ng suliranin
D. Kolaboratibong kasanayan
E. Kahandaan sa paggamit ng teknolohiya at ibang inobasyon

105
F. Resulta ng sarbey sa taglay na kasanayan ng mga mag-aaral
IV. Kongklusyon
A. Buod ng pananaliksik
B. Rekomendasyon
G. Pagsusulat ng Burador at Pinal na Papel
1. Matapos ang pagsulat ng pinal na balangkas, simulang sulatin ang unang burador.
2. Dahil malinaw na ang paksa, maaaring sulatin ang ibang bahagi ng balangkas na
may maayos at kompletong datos, impormasyon, at detalye.
3. Kompletuhin ang bibliyograpiya. Gamitin ang MLA bilang estilo sa pagsipi at ng
bibliograpiya. Sipiin nang maayos ang mga material (aklat, dyornal, website,
larawan, grap, at iba pa).
4. Ibuod ang pananaliksik:
a. Paksa at layunin
b. Tiyak na tanong at mga kaugnay na tanong
c. Sagot sa mga tanong na may paliwanag sa metodong ginamit
5. Magbigay ng rekomendasyon:
a. Banggitin ang nagging ambag ng iyong pananaliksik
b. Imungkahi ang kaugnay na pag-aaral na maaari pang gawin sa hinaharap
ng ibang mag-aaral o mananaliksik

Buod

 Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung
ano ang nalalaman o napag-alaman na.
 Ang oryentasyon ng mga Pilipino sa pananaliksik ay nakatuon sa at nabibigyan ito ng
kulay, kabuluhan, at buhay kung naiaangkop sa pekulyaridad at mga kultural, sosyal,

106
heograpikal, ekonomikal, ideolohikal at sikolohikal na katangian ng bansang
kinabibilangan ng mananaliksik.
 Ang pangkalahatang uri ng pananaliksik ay nahahati sa tatlo: Panimulang
Pananaliksik, Pagtugong Pananaliksik at Aksyong Pananaliksik.

Sanggunian

 Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.


2006. Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc.

 Nuncio, R.V., atbp. (2016) “SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino” C & E Publishing Inc. 839 EDSA, South Triangle, Quezon City
 Valverde, O.T., atbp, (2016) “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino para sa Baitang 11” MINDSHAPERS CO., INC. Rm. 108, Intramuros
Corporate Bldg. Recoletos St., Manila
 https://cnnphilippines.com/life/culture/2020/6/4/apol-sta-maria-webcomic.html
 https://prezi.com/wsl93vrhjxys/pananaliksik/

107

You might also like