You are on page 1of 20

Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-apat na Linggo / Unang Araw

Paksa: KAKAYAHANG PRAGMATIKO: BERBAL NA KOMUNIKASYON

A. LAYUNIN: Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng

paksang napakinggan sa mga akda, balita sa radyo at telebisyon

B. PANIMULA:
Basahin ang pangungusap na nasa loob ng kahon batay sa tonong magpapahayag ng
sumusunod na sitwasyon sa ibaba nito

Sa iyo ba ang bag na iyan?

iyan? na ito?
Papuri sa estilo ng bag
Pagkutya sa estilo ng bag
Pagtiyak kung sino ang may-ari
Pagkainis sa nakakalat na bag

Kung nabasa mo sa iba’t ibang tono ang pangungusap, binabati kita!

Nangangahulugang naiparating mo nang maayos ang ibig mong sabihin sa iyong kausap.

❖ Ang pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang

pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.

Kakayahang Pragmatik
Tumutukoy sa kakayahang iparating ang isang tukoy na mensahe, ang lantad at
di lantad nitong kahulugan sa anumang kontekstong hinggil sa kultura gayundin ang
pagbibigay-kahulugan dito ng tagatanggap ng mensahe sang-ayon na rin sa nais
iparating ng tagapaghatid nito.

❖ Kailangan matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan na maaaring dalhin

ng isang pahayag batay sa iba't ibang sitwasyon (Lightbown, Spada 2006)

❖ Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita

sa anyong pasalita at/o pasulat din. Ang paraang oral ay nagagawa sa
pamamagitan ng pakikipagusap sa kaanak, kaibigan, kakilala, pakikipagtalakayan
sa klase at paglahok sa mga usapan sa kumperensya at seminar.

❖ Tinatawag ni Austin (Clark 2007) ang berbal na komunikasyon bilang Speech Act
at tinutukoy niyang sa bawat speedh act, may tatlong magkakaibang aktona
nagaganap ng sabay-sabay

Page 1 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

❖ Speech Act.
Ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng
isang karanasan kundi "paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita" o speech
act. (J.L. Austin 1962 at Hoff 2001)
Halimbawa:
pakikiusap
pagtanggi
pagpapaumanhin
pangangako

❖ Sangkap ng Speech Act.

• Illocutionary Force - sadya o intensyonal. Hal. Pakusap, utos, pangako
“Pangako po Ina, magtatapos po ako ng pag-aaral at tutulungan ko kayong
gumaan ang ating buhay.”

• Locution - anyong lingguwistiko. Hal. Patanong, pasalaysay

“Ang pag-iingat ay higit na mainam kaysa sa sakunang hindi iniwasan kaya
kinailangang may gamutan.”

• Perlocution - epekto sa tagapakinig. Hal. pagtugon sa hiling, pagbibigay

atensiyon
“Nakabalot na lahat ng gamit mo.” ( Maaaring mangahulugang, agaran
kang pinaalis o sadyang inihanda lang ang gamit mo para huwag kang
mahirapan)

❖ Interlanguage Pragmatics
Ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na
wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng
kanilang intensyon sa pamamagitan ng iba't iban g speech act.

C. MGA GAWAIN
Gawain 1
Panuto: Makinig/manood ng isang programa sa radio o telibisyon na may pormal na
pagbabalita. Pagtatalakayan o dokumentaryo. Matapos ay gawin ang sumusunod:

Page 2 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

1. Magtala ng 5 terminong ginamit sa programang pinakinggan/pinanood at ibigay ang

kahulugan nito.
__________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
2. Suriin kung angkop ba ang mga ginamit na salita at pangungusap sa konteksto ng
paksang tinalakay sa napakinggan/napanood na balita
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
* Sa bawat bilang: 5- kumpletong sagot 4-3 kulang ang sagot 2-1 malayo ang sagot

Gawain 2
Panuto: Bigyan ng dayalogo ang pag-uusap ng magkaibigan tungkol sa kung paano
pagagaanin ang kalooban nito sa hindi nito pagkapasa sa Board Exam.

1.____________________________________
_____________________________________
__________________________________--

2.____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
__________

*Sa bawat bilang: 5- kumpletong sagot 4-3 kulang ang sagot 2-1 malayo ang sagot

Gawain 3

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso

ng CoViD-19, ano ang maari mong ipanawagan
upang ito ay mabawasan kung hindi man, huwag
madagdagan ang bilang?
Sa pamahalaan? Sa iyong mga kababayan?
Tandaan: Gumamit nang maayos at magalang
na pananalita.

Page 3 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAMAHALAAN KABABAYAN
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________
________________ ____________
▪ 10-8 kumpleto at maayos 7-5 may kulang sa sagot 4-1 malayo ang kasagutan

D. Paglalahat

Panuto: Ayusin ang mga salita upang makabuo ng pangungusap na magbibigay-kaisipan sa

Kakayahang Pragmatiko. Isulat ang sagot sa loob ng salamin.

KAKAYAHAN MENSAHE IPARATING LANTAD at DI LANTAD

TAGATANGGAP MAIBIGAY KAHULUGAN

Tandaan:
Ang Kakayahang Pragmatiko ay tumutukoy sa kakayahang iparating ang isang tukoy na
mensahe, ang lantad o di lantad nitong kahulugan sa anuman
kontekstong hinggil sa kultura gayundin ang pagbibigay-kahulugan dito ng tagatanggap ng
mensahe sang-ayon na rin sa nais iparating ng tagapaghatid nito.Mainam ding gumamit ng
maayos na pananalita, mahinahong tono at magalang na salita upang mas maunawaan ng
hinatiran ng mensahe ang iyong ibig-ipakahulujan.

Page 4 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

E. Pagtataya
Panuto: Basahin ang balita. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Apela ng mga health workers pakinggan - Lacson

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon
August 2, 2020 - 12:00am
MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na dapat pakinggan ng
gobyerno ang apela ng mga health care workers na ilagay muna sa enhanced community
quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa susunod na dalawang linggo.
Ayon kay Lacson, may batayan at dapat seryosohin ng Malacañang ang apela dahil dapat
mas bigyan ng konsiderasyon ang buhay.
“The request of health workers to place Mega Manila under ECQ for at least two weeks is a
valid request that Malacañang should seriously consider. Putting human lives above all consi-
derations is a no-brainer, given the choice,” ani Lacson.
Dagdag ni Lacson na dapat magkaroon din ng pagbabago sa pamamahagi ng tulong sa mga
pinaka-nangangailangan.
Ang mahalaga aniya ay mapigilan ang pattern ng patuloy na pagtaas ng mga nagkakaroon ng
impeksiyon araw-araw.
Sa mahigit na apat na buwan, dapat ay maayos na ang data management ng mga
kinauukulang ahensiya ng gobyerno, wika pa ng senador.

1. Batay kay Sen Lacson, ano ang dapat gawin ng gobyerno sa apila ng health workers?
A. Pakinggan B. Panoorin C. Sundin D. Tutulan
2. Bakit dapat seryosohin ng pamahalaan ang apila?
A. Baka dumami pa ang kaso ng Covid-19 B. May batayan ang mga health workers
C. Tama naman ang health workers D. Utos ng senador
3. Ilang lingo ang hinihinging apila?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
4. Sang-ayon kay Sen Lacson, ano ang dapat baguhin sa sistema?
A. Mga namamahala sa kalusugan B. Dagdag ayuda sa mahihirap
C. Pamamahagi ng tulong D. Mga health workers
5. Sino ang dapat sumeryoso sa mga pangyayari?
A. health workers B. mamamayan C. netizen D. pamahalaan
6. Alin ang mahalagang mapigilan sa pagtaas ng nagkakaroon ng impeksyon?
A. oras B. pagkakasakit C. pattern D. tao
7. Sa mahigit na apat na buwan, aling sangay ng pamahalaan ang tinutukoy na dapat ay
naisaayos ng data management?
A. DepEd B. DOH C. DILG D. IATF

8-10 Tukuyin. Isulat ang letra sa patlang.

A. Illocutionary Force B. Locution C. Perlocution
___8. “Pagbutihin na lang nila ang kanilang trabaho.”
___9. “Ayoko ng tumira sa Earth, sa Mars na lang.”
___10. “ Pakiusap, wag na muna kayong lumabas ng bahay kung hindi kailangan.”

Inihanda ni
Gng. Melanie R. Azor
Teacher III – PCSHS

Reference for Enhancement:

• Bernales, Rolando A. et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino 11. Valenzuela City. JO-ES Publishing House, Inc.
• Valenzuela, Rogelio et al. (2016). Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Quezon City. C&E Publishing Inc.
• http://euclidpragmatiks.blogspot.com/
• https://www.slideshare.net/MarjorieValdez3/kakayahang-pragmatiko-116482243

Page 5 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-apat na Linggo / Ikalawang Araw

Paksa: KAKAYAHANG PRAGMATIKO: DI - BERBAL NA KOMUNIKASYON

A. LAYUNIN: Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng

paksang napakinggan sa mga akda, balita sa radyo at telebisyon

B. PANIMULA:

Tingnan ang mga larawan. Ilan ang maaaring mabigyan mo ng kahulugan?

1 2 3

5 6

Kung ang lahat ng larawan ay nabigyan mo ng kahulugan, binabati kita! Hindi

mo na kailangang sabihan, nakakaunawa ka ng galaw pa lamang at nararamdaman
ng isang tao. May kakayahan kang makipagtalastasan ng di-berbal.

❖ Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi lang pasalita at pasulat. Madalas ay
gumagamit tayo ng mga berbal na anyo o di kaya’y kumbinasyon ng berbal at di
berbal na anyo ng komunikasyon.

❖ Di-berbal na Komunikasyon – Gumagamit ng kilos o galaw ng katawan. Ito

naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang
ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita o titik.

❖ Sang-ayon kay E. Sapir, Ang Di – Berbal na Komunikasyon ay isang detalyado

at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

Page 6 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Uri ng Di-berbal na Komunikasyon

❖ Kinesika (Kinesics) Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan

ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita,
ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang
mensaheng gusto nating iparating sa iba.
• Ekspresyon ng Mukha/Pictics ● Simbolo/Iconics
• Galaw ng Katawan ● Colorics
• Galaw ng Mata/Oculesics ● Paralanguage
• Kumpas o Galaw ng Kamay ● Pang-amoy/Olfactorics
• Tindig o Postura ● Pananamit
• Haplos/Haptics ● Tunog/Vocalics

❖ Proksemika (Proxemics) Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang

katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaaring ang mga
kalahok sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang
nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang
karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
• Intimate Distance - Pagitan ng magkarelasyon
• Personal Distance – Pagitan sa magkaibigan o magkakilala
• Social Distance – Pagitan ng di-magkakilala o sa posisyon/katayuan
• Public Distance – Pagitan sa hinihingi ng pagkakataon, pormal o di-pormal

❖ Kronemika (Chronemics) – Tumutukoy sa oras, mahalaga ang oras at ito ay

maaaring kabitan ng mensahe.
• Teknikal o siyentipikong oras - Eksakto.
• Pormal na Oras - Nagpapakita ng kahulugan ng kultura.
• Impormal na Oras - Maluwag sapagkat hindi ito eksakto.
• Sikolohikal na oras - Tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras.

❖ Kapaligiran - Nagsisilbing komunikasyong di-berbal sapagkat ito ay kailangan ng

tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay. Ang
pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at
iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran. Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi
kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o seminar.

✓ Karagdagang kaalaman sa di-berbal na komunikasyon. Ang Katahimikan/Hindi

Pag-imik. Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa
tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin.
Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe
na sasabihin pa ng tagapagsalita. May mga taong ginagamit ding sandata ang
katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba, Ginagamit din itong anyo ng
pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.

C. MGA GAWAIN
Gawain 1

Panuto: Gumuhit ng

sa loob ng kahon na maglalarawan sa mga sumusunod na sitwasyon o pangyayari:

1. Nakatanggap kayo ng ayuda mula sa sa lokal na pamahalaan.

Page 7 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

2. Nabalitaan mong “Person Under Investigation ang isa mong kaibigan.

3. Ligtas na sa CoViD-19 ang iyong kapatid.

4. May naimbento ng gamot ang Russia laban sa CoViD 19.

5. Ang naimbentong gamot ng Russia ay hindi pa mapatunayang mabisa.

6. Lumobo ang utang ng Pilipinas sa China.

7. Sinisimulan na ng senado ang pag-iimbistiga sa katiwalian sa PhilHealth

8. Pinadalhan ka ng iyong tita mo ng pera, dahil alam niyang nagsara ang inyong
kumpanya dahil sa pandemiya.

9. Nakita mo sa FB ang ang mga larawan ng kalagayan ng ilang mga OFW naapektuhan
ng CoViD-19.

10. Nabalitaan mong nananawagan ang mga medical frontliners na iwasang

lumabas ng bahay.upang maiwasan ding mahawa o makahawa.

Gawain 2
PANUTO: Ilahad ang iyong sasabihin sa taong nasa ganitong kalagayan batay sa ipinakikita
ng larawan.
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

_________________________________

Pagmamarka:
10-8 - kumpletong sagot 7-5 - kulang ang sagot 4-1 - malayo ang sagot

Gawain 3
PANUTO: Isulat ang kahulugan ng sumusunod na simbolo o kilos. (2 puntos bawat bilang.)

1. 2.

_______________________ ____________________________

Page 8 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

3. 4. 5.

______________________ _______________________ ______________________

D. Paglalahat
PANUTO: Isulat mo sa loob ng salamin ang mga naging pagkaunawa mo sa Kakayahang
Pragmatiko na naglalahad ng Di-berbal na komunikasyon.

TANDAAN:
Ang Kakayahang Pragmatiko na di-berbal na komunikasyon ay kakayahan ng
isang tao na maunawaan o maintindihan ang ikinikilos, ipinakikitang gawi,
simbolong naglalahad, napapakiramdaman sa paligid at kahulugan ng
kahalagahan ng oras na hindi kailangan ng mga salita o pagsulat.

Page 9 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

E. Pagtataya
PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot ng uri ng Di-berbal na Komunikasyon na
ipinahahayag sa bawat bilang. Nasa loob ng kahon ang pagpipilian

.
A. Kinesika C. Kronemika
B. Proksemika D. Kapaligiran.

___1. Hindi napapagod sa pagsesenyas ng paghinto ang mga Traffic Enforcer, masiguro
lang na may dalang Quarantine Pass at face shield ang mga nasa sasakyan.
___2. Ika-6:30 ang karaniwang oras ng balitaan sa telebisyon .
___3. May bilog na dapat tapakan ang tao upang layo-layo sa pila sa mga Mall.
___4. Nasa labas na ng opisina ng PLDT at Meralco ang mga tao sa haba ng pila ng mga
may ibig idulog sa nasabing kumpanya
___5. Nagkita rin ang mag-inang nagkalayo matapos ang ECQ.
___6. Tumindig ang pangulo sa harap ng kabinete niya bago magsimula ang pulong.
___7. Tahimik ang ilang Kongresista sa isyu ng PhilHealth.
___8. Sinilaban ng ilang nagpoprotesta sa India ang effigy ng ilan nilang tao ng pamahalaan.
___9. Laging maagang dumarating ang tulong sa Pasig.
___10. Nilapitan ng ilang driayber ng jeep ang DSWD para sa kanilang SAP.
___11. Nakabarong Tagalog ang mga Senador na humarap sa imbestigasyon sa PHilHealth.
___12. Nagsalubong ang kilay ng ilang netizen, nang sabihin ni Speaker Roque na masaya
siya dahil 45% lamang ang nawalan ng trabaho at hindi !00%. .
___13. Panay ang pag-iling ng pinuno ng PhilHealth sa aligasyon laban sa kaniya.
___14. Sa Davao ginanap ang Press Conference ng pangulo.
___15. Itinakda ng ika-10 ng gabi ang pagsasalita ng pangulo tungkol sa ECQ.

Inihanda ni
Gng. Melanie R. Azor
Teacher III – PCSHS

Reference for Enhancement:

• Bernales, Rolando A. et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino 11. Valenzuela City. JO-ES Publishing House, Inc.
• Valenzuela, Rogelio et al. (2016). Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Quezon City. C&E Publishing Inc.
• https://www.slideshare.net/MinnieRose/uri-ng-komunikasyon-verbal-at-diverbal
• https://prezi.com/edn4t6mj56p1/komunikasyon -di-berbal/

Page 10 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-apat na Linggo / Ikatlong Araw

Paksa: KAKAYAHANG PRAGMATIKO:

Mga Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

A. LAYUNIN: Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat

ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika

B. PANIMULA

Bigyang pansin ang mga memes, pamilyar ba sa iyo ito? Ito ba ay tuwirang pahayag
o di-tuwirang pahayag? Bigyan ito ng pagpapakahulugan

Mahusay! Binabati kita at madali mong nabigyang-linaw ang mga nasa larawan.
Matalas ang iyong pakiramdam at pang-unawa.

Nakapaloob sa Kakayahang Pragmatiko ang pagkilala sa kagawiang pangkomunikasyon

ng tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Sa pamamagitan nito, natatantiya ng isang
mag-aaral sa wika kung ang kaniyang sasabihin ay maaaring maging lubhang tuwiran o
napapalooban ng tamang pagkilala at paggalang sa kausap.

❖ Sa Pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002), kaniyang

binigyang – diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin,
mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa pamamagitan ng
pahiwatig. Mapapansin ito sa kung paano nating itinuturing ang katahimikan o
kawalang-kibo bilang malalim na pag-iisip at kung gayon ay lubusang
makahulugan.

❖ Dagdag pa niya, ang pahiwatig ay maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng

kulturang komunikasyon. Ito ay “isang katutubong pamamaraan at pagpapahayag

Page 11 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

na di-tuwirang ipinaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng

matalas na pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himaton; o ng mga
berbal na palaandaang kaakibat nito”. Maaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-
berbal o kombinasyon nito. Kadalasang ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa
damdamin at dangal ng isang tao.
• Ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod n g kulturang
pangkomunikasyon.

MGA SALITANG KAUGNAY NG PAHIWATIG (Maggay)

1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama/pagpupuntirya.
a. Pahaging – Mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa
paligid.
b. Padaplis – Mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang
kinauukulan nito.

2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga
taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
a. Parinig – Malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa
kaharap na kausap kung hindi kung sino man ang nakikinig.
b. Pasaring – Mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng mga puna, paratang at iba
pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.

3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:

a. Paramdam – Mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan
ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga
kasangkapan. Malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos at iba pa.
b. Papansin- Mensaheng may layunin na h umingi ng atensyon na kadalasang
naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at
pagkilos, sobra-sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.

4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakarinig ay napatatamaan

siya:
a. Sagasaan – Pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na
karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaring may masaktan.
“ Dahan-dahan at baka makasagasa ka”.
b. Paandaran - Mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa
isang paksa na hindi tuwirang naipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing
may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing” Huwag
mo akong paandaran”.

C. MGA GAWAIN
Gawain 1
PANUTO: Ilahad ang ibig ipakahulugan ng mga hugot lines.

1.________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Page 12 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

2.________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

*Sa bawat bilang: 5-kumpleto ang sagot 4-3-may kulang ang sagot 2-1-malayo ang sagot

Gawain 2
PANUTO: Maglahad ng di-tuwirang pahayag kung maabutan mo ang ganitong
eksena, pagkauwi mo mula sa paaralan.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
*10-8 Kumpleto ang sagot 7-5 May kulang sa sagot 4-1 Malayo ang sagot

Page 13 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Gawain 3
PANUTO: Sumulat ng komento mula nag-viral na FB post na ito.

… someone is writing a comment

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
*10-8 Kumpleto ang sagot 7-5 May kulang sa sagot 4-1 Malayo ang sagot

D. Paglalahat
PANUTO: Dugtungan ang parirala upang makumpleto ang diwa nito.

Nakapaloob sa Kakayahang Pragnatiko ang pagkilala sa kagawiang

pangkomunikasyon ng Pilipino at ang ilan ditto ay ang
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

TANDAAN: Bahagi na ng ating kultura ang pagiging matimpiin, sa kilos

man o pananalita. Ang pahiwatig ay maituturing na pinakalaganap at
pinakabuod ng kulturang komunikasyon. Ito ay isang katutubong
pamamaraan at pagpapahayag na di-tuwirang ipinaabot ngunit nababatid at
nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam at matunog na
pagbabasa ng mga himaton; o ng mga berbal na palaandaang kaakibat nito.
Maaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal o kombinasyon nito. Kadalasang
ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin at dangal ng isang tao.

Page 14 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

E. Pagtataya
PANUTO: (Para sa blg. 1-5) Piliinsa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot na
tumutukoy sa mga pangungusap

.
A. Pahaging C. Parinig
B. Padaplis D. Pasaring

___1. “Ay, kanino ba itong bag na nakakalat?”

___2. “Kasi namaaan, alam na ngang di kaputian, magsusuot pa nang matingkad na pula!”
___3. “Naku mare, alam mo ‘yung kapitbahay natin diyan, kunwari tahimik, nasa loob pala
ang kulo!”
___4. “Kaya naman pala siya hiniwalayan eh!”
___5. “Hay naku, naku, aalaga-alaga ng aso, di naman binabantayan! Kung saan -saan tuloy
nagkakalat!”.

A. Paramdam C. Paandaran
B. Papansin D. Sagasaan

___6. “Sorry, propesyunal ako, di ako bababa sa level mo. Alam mo yun? Propesyunal ako!”
___7. “Eh sa mas marami nga akong alam sa kaniya, ano magagawa ko, magkunyaring
mangmang?”
___8. Sige na, ibili mon a ko nung kwintas na nagustuhan ko, sige na… di ba sabi mo, love
mo ko, sige na, please…”
___9. “Talaga namang reklamador siya eh… bakit ba?”
___10. “Hoy, dahan-dahan, bakit mob a binabalibag ang pinto?”

Inihanda ni
Gng. Melanie R. Azor
Teacher III – PCSHS

Reference for Enhancement:

• Taylan, Dolores R. et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City. Rex Bookstore Inc.
• Valenzuela, Rogelio et al. (2016). Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Quezon City. C&E Publishing Inc.
• https://www.facebook.com/
• https://www.slideshare.net/RheaDelaCruz11/kakayahang-pragmatiko-114624301
• https://prezi.com/i2y9jcphwivt/kakayahang-pragmatiko/

Page 15 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-apat na Linggo / Ikaapat na Araw

Paksa: KAKAYAHANG PRAGMATIKO:

Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto Gamit ang Social Media sa Konteksto ng Paksang
Napakinggan sa mga Akda, Balita sa Radyo at Telebisyon

A. LAYUNIN: Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat

ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika

B. PANIMULA
Ilan ang kaya mong pangalanang simbolo?

Kung 10-12 ang kaya mong

pangalanan, laman ka ng Social
Media,
Paano mo ito ginagamit? Maliban sa
mga nakita mo ritong simbolo, may
maidaragdag ka pa ba? Pakibanggit
na rin.

❖ Ang Social Media ay isang sikat ng pamamaraan sa pakikipag-ugnayan sa

kasalukuyan. Malaking bahagdan ng populasyon ng Pilipinas mula sa iba't ibang
edad astado ng buhay ang gumagamit nito.
❖ Katunayan, ilang beses ng tinawag bilang "Social Media Capital" ang Pilipinas,

❖ Wika ng Media
Wikang Filipino ang ginagamit ng mga pangunahing uri ng media sa kasalukuyan
ngunit naiiba ang klase ng Filipino o Ingles sa midyum na ito.

❖ Wika ng Social Media

Ayon kina Andreas Kaplan at Michael Haenlein, ang social media ay isang
aplikasyong birtuwal, na siyang nagbibigay daan upang makagawa at
makapagpalitan ng mensahe o impormasyon ang mga indibidwal gamit ang Internet o
iba pang kaparehong paraan. Ang katangian ng ugnayan sa social media ang
magbibigay ng katangian sa wika nito
• Limitado ang espasyo.
1. Pagtanggal ng ilang patinig
Kamusta ka na? --- Kmusta k n?
2. Pagtanggal ng espasyo
Kamusta ka na? --- Kmusta k
3. Pagpapaikli ng salita
Kamusta ka na? --- musta kn?
• Kanluranin ang kultura
Nasaan ka na? - wer n u?

❖ Anupa’t sinasabing ang wika ng Social Media ay nakakaapekto kahit sa pagbabaybay

Page 16 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

lalo’t higit sa mga kabataang madalas gumamit nito. Madalas ay nagagamit din kahit
sa pormal na pasalita man o pasulat.

❖ Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan
sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa
mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng
blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-
blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero
sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip

❖ Mga Uri ng Blog:

• Fashion Blog – Ito ang pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may
ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa
mundo ng fashion o pananamit.
• Personal Blog – Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano puwede.
• News Blog – Nagbabahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Maari
na ring isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan,
isports, at teknolohiya.
• Humor Blog – Naglalayon ang blog na ito na makapagpatawa o
makapagpaaliw ng mga mambabasa. Pinakasikat na marahil si Professional
Heckler sa mga humor blogger dito sa Pilipinas.
• Photo Blog – Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies. Isa
sa mga halimbawa nito ay ang tumblr.
• Food Blog - Magbabahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng
masasarap o kakaibang mga pagkain.
• Educational Blog – Nakakatulong ang mga ganitong blog upang maliwanagan
ang mga mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan.
• Vlog – kilala sa video blog na ang tema ay katulad din sa blog

C. MGA GAWAIN
Gawain 1
PANUTO: Sumulat ng opinyon sa nagsusulputang larawan sa Social Media na katulad
ng sumusunod na larawan. Ipaliwanag ang dahilan ng paglaganap nito.

1. ____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
__

Page 17 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

2. _________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_____________________________
*Sa bawat bilang:
5-kumpleto ang sagot 4-3-may kulang ang sagot 2-1-malayo ang sagot

Gawain 2
PANUTO: Sumulat ng isang Travel Blog mula sa lugar na iyong napuntahan o nakita
mula sa isang Documentary Show na napanood.

_________________________

____________________________________________________________________

Pagmamarka: 10-8 Nailarawan nang mabuti ang lugar

7-5 Hindi gaanong nailarawan ang lugar
4-1 Hindi nakagamit ng mga naglalarawang salita

Page 18 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

D. Paglalahat
PANUTO: Ipagpatuloy ang pariralang sinimulan..

Mahalagang suriin ang nababasa natin sa Social Media, gayundin

ang mga napapanood, napakikinggan at nababasa sa iba pang anyo ng
media dahil__________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

TANDAAN:
Maging mapanuri tayo sa paggamit ng Socila Media, lalo at naglipana
ang Fake News, gayundin ang nakalilitong mga salitang nagagmit dito.
Hindi nararapat na magamit natin sa pormal na pananalita ng mga
salitang nakikita natin rito. Ang pagiging mapanuri at mapanaliksik ay
mainam upang Makita natin ang tunay sa mapanlinlang na mga post dito.

E. Pagtataya
PANUTO: Basahin ang talata. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

BLACK & WHITE PHOTO CHALLENGE

Bumaha rin ba sa News Feed ninyo ng mga larawan ng “Black & White
Challenge”? Isa ka ba sa sumagot ng Challenge Accepted, nakigaya o nambalewala?
Batid mo ba ang dahilan ng pag-viral nito?
Mahirap balewalain ang ganoong hamon na binuo ng artistang sina Kerry
Washington at Jennifer Garner, mga modelon g sina Ashley Smouter, Cindy Crawford,
at ni Khloe Kardashian na mga nauna ng mag-post nito bilang suporta sa Women
Empowerment. Sila ay tinag ni Vanessa Bryant, ang biyuda ng basketball star Kobe
Bryant. Sa local naman, sina Solenn Heussaff, Maine Mendoza, at Angel Locsin ay
nakilahok din sa challenge. Sa katunayan, 3.7 milyong larawan ang bumaha sa IG
gamit ang hashtag #ChallengeAccepted.
Maraming lumabas na haka-haka kung bakit ito nag-viral. Maaari raw dahil sa
usaping pulitika sa USA. Ngunit kung ite-trace ang tunay na pinanggalingan ng
challenge, ito ay para sa kamulatan sa Breast Cancer.
May nakapagsabing isang protesta rin ito ng mga Turkish dahil sa mga brutal na
pagtrato sa ilang kakababaihan, kabilang na ang pinaslang na si Pinar Gültekin, isang
mag-aaral. Anuman ang tunay na kadahilanan sa likod nito, kung wala namang
mawawala sa iyo, bakit naman tatanggi ka sa hamon? Ako si Melanie,
#ChalengeAccepted.

Page 19 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W4-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

1. Ano ang salitang ginamit sa talata?

A. Pormal B. Di-pormal C, Lalawiganin D. Taglish

2. Sino sa sumusunod ang artista sa Pilipinas?

A, Ashley B. Cindy C. Khloe D. Solenn

3. Sino ang biyudang nagpasimula raw nito?

A. Cindy B. Solenn C. Maine D. Vanessa

4. Ang mga celebrity sa America ay tuamanggap ng Challenge na ito, upang ipakita ang _______?
A. Breast Cancer Awareness B. Women Empowerment
C. Pagtutol sa Karahasan D. Tigilan ang Pagiging Racist

5. Saang bansa naman, ipinakitang nag -viral ang hamong ito dahil sa karahasan laban sa mga
kababaihan?
A. America B. France C. Pilipinas D. Turkey

6. Anong Social Media, nabibilang ang dami ng #hashtag?

A. FB B. Instagram C. Twitter D. YouTube

7. Ano ang ibig sabihin ng bumaha ng larawan?

A. Marami B. Sobrang dami C. Katamtaman
D. kakaunti

8. Ano ang angkop na salin sa Filipino ng “Challenge Accepted”.

A. Isang paghamon B. Tinatanggap ang hamon
C. Sisiw, ang dali lang niyan D. Hamonn na hindi aatrasan

9. Ano ang kahulugan ng viral sa teksto?

A. Dumami B. Nakikita C. Lumaganap D. Tumapon

10. Kapag sinabi nating nag-viral sa Social Media, ito ay nangangalugang _____________.
A. Habambuhay na matatandaan B. Nauso lang at mawawala rin
C. Madaling kalimutan D. Kahihiyan

Inihanda ni:
Gng. Melanie R. Azor
Teacher III – PCSHS

Reference for Enhancement:

• Taylan, Dolores R. et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City. Rex Bookstore Inc.
• Valenzuela, Rogelio et al. (2016). Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Quezon City. C&E Publishing Inc.
• https://www.facebook.com/
• https://prezi.com/6wwojjxakzq3/ang-social-media-sa-pagsusuri-at-pagsulat-ng-mga-
teksto/?frame=e1f9447da9779f3481445058ff220aee60fbee2

Page 20 of 20

You might also like