You are on page 1of 20

Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ikalimang Linggo / Unang Araw

I. LAYUNIN: Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit n g
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

II.
PANIMULA

KAKAYAHANG DISKORSAL TUNGO SA MAKABULUHANG PAHAYAG

Ano ang Kakayahang Diskorsal?


Sa pinakasimpleng pagpapakahulugan, ang kakayahang diskorsal ay tumutuon hindi sa
interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap kundi sa koneksyon ng magkakasunod na
mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan (Savignon, 2007). Pumapaloob sa
kakayahang ito ang abilidad na maunawaan at makalikha ng mga anyo ng wika na mas malawig
kaysa mga pangungusap. Kabilang dito ang mga kwento, pag-uusap, mga liham at iba pa na
may angkop na kohesyon, kohirens, at organisasyong retorikal. Kasama rin dito ang
kakayahang lohikal na maisaayos ang mga pahayag para makalikha ng isang malawig at
mahabang pahayag ngunit may kaisahan (Saez, Martin, 2010) o sa isang makabuluhang
kabuuan (Savignon, 2007). Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), qng diskurso ay
nangangahulugan ng pag-uusap at palitan ng kuro. Mula rito, mahihinuha na an g kakayah ang
diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.

Ang Gamit ng Kohisyon at Kohirens sa Diskorsal


Sa pagdidiskurso, kailangan pagtuunan ng pansin ang kohisyon at kohirens.
1. Kohisyon – ayon kina Halliday at Hassan (1976), tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa
loob ng teksto. Maituturing na may kohisyon ang mga pahayag kung ang interpretasyon ng
isang pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag. Makikita ito sa susunod na halimbawa.
Halimbawa:
Damang-dama ni Glo ang pagkawala ng kanyang ina. Labis ang kanyang pagdadalamhati.
Hindi niya maiwasan ang lumuha kapag nakikita ang mga larawan ng ina.
Nakatira siya sa mamahaling condominium.
Mayaman si Gng. Bareng.

Page 1 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Kahit walang leksikal na kohisyon tulad nang nabanggit sa una, may koneksyon pa rin ang
dalawang pahayag dahil sa relasyong semantiko ng mga ito. Ang pagiging mayaman ng may-ari
na nakatira sa mamahaling condominium ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang makatira sa
condominium na iyon. Tinatawag naman itong semantikong kohisyon.

2. Kohirens – tumutukoy naman ang kohirens sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang


sentral na ikdeya. Dapat malaman ng isang nagdidiskurso na may mga pahayag na may leksikal
at semantikong kohisyon ngunit walang kaisahan. Tunghayan ang isang halimbawa.
Halimbawa:
Ang kalungkutan ni Glo ay kitang-kita sa kanyang ikinikilos. Ganoon din ang kanyang
nadama nang mawalan ng ina. Lagi siyang wala sa sarili at lagging tulala. Si Glo ay isa nang
baliw.
Kung tutuusin, may kaugnayang leksikal ang huling pahayag sa lahat ng mga n a u n an g
pahayag dito. Kung gayon ay kohisib ito, subalit, wala itong kaisahan sa pinakatuon na
mensahe ng pahayag, ang pagbabago sa pakikitungo ni Glo. Makikita, kung gayon, ang kawlan
ng kohirens sa sitwasyong ito.
Ang kohirens ay hindi talaga nag-eeksist sa wika kundi sa mga taong gumagamit nito
(Yule 2003). Nakadepende ang pagkakaroon ng kaisahan sa mga pahayag sa persepsyon ng
nakikinig o bumabasa ng diskurso. Sa pagtinging ito, inaasahang ang nagdidiskurso ay magin g
maingat sa pagtatag ng malinaw na kaisahan ng kahulugan ng bawat niyang pahayag sa isan g
sentral na ideyang tinatalakay sa kanyang diskurso. Ito ay upang maging madali ang paggan ap
ng nakikinig o bumabasa sa kahulugan ng mga pahayag nito at hindi magkakaroon ng taliwas o
ibang persepsyon ukol sa pahayag.

III. Mga Gawain:


Gawain 1
PANUTO: Ang mga pahayag sa ibaba ay bahagi ng kuwentong Pagong at Matsing. Lagyan ng
bilang 1 (pinakauna) hanggang 15 (pinakahuli) ang patlang sa unahan ng bawat pahayag upang
mabuo ang kuwento.
_____ Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.
_____ Isang araw, namamasyal sa tabing-ilog si Pagong at si Matsing.
_____ Umiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero itinapon
pa rin siya ni Pagong.
_____ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.
_____ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya kay Matsing na
siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga.

Page 2 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

_____ Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan.
_____ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya ay gaganda ang kaniyang balat.
_____ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.
_____ Inubos ni Matsing ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.
_____ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa
naman niya dahil dadami siya at magkakaroon ng kasama.
_____ Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing ilog.
_____ Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong.
_____ Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na itapon na lan g
si Pagong sa ilog upang malunod.
_____ Nilagyan ni Pagong ng mga tinik ang bababaan ni Matsing kaya natinik ito at nasaktan.
_____ Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumangoy. Naisahan niya si Matsing.

Matapos mabuo ang kuwento, talakayin sa klase kung ano ang iyong naging batayan sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. May mga salita bang nagpahiwatig ng
sunuran? Ano-ano ito?

Gawain 2
PANUTO: Balikan ang ilan sa iba’t ibang component ng kakayahang pangkomunikatibong
tinalakay sa nakalipas na aralin. Isulat ang kahulugan nito ayon sa iyong pagkakaunawa,
Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Kakayahang lingguwistiko/ istruktural/ gramatikal

2. Kakayahang sosyolingguwistiko

Page 3 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

3. Kakayahang pragmatik

4. Kakayahang istratedyik

5. Kakayahang diskorsal

Sa iyong palagay, bakit sinasabing magkakaugnay ang bawat salik ng kakayahang


pangkomunikatibo at hindi masusukat kung hiwa-hiwalay?

Alin sa mga salik na ito ang sa tingin mo ay taglay mo? Magbigay ng mga patunay.

Alin sa mga salik na ito ang kailangan mo pang linangin upang mas maging epektibo kang
komyunikeytor? Paano mo ito gagawin?

Page 4 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

IV. Paglalahat:

TANDAAN

May dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal, ang
cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay Ugaliing gumamit ng mga
panandang kohesyong gramatikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan. Masasabi nating may kakayahang diskorsal ang isang taong
nagpapahayag nang may kaisahan at magkakaugnay.

V. Pagtataya:

1. Ano ano ang kayang gawin ng isang taong may kakayahang diskorsal?

2. Bakit kailangang linangin ang kakayahang diskorsal?

3. Ano ang dalawang bagay na dapat isaalang-alang upang mas malinang ang kakayahang
diskorsal?

Inihanda ni:

G. John Ross E. Ignacio


MASTER TEACHER II
PCEHS

Page 5 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikalawang Araw

I. LAYUNIN: Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit n g
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

II. PANIMULA

KAKAYAHANG DISKORSAL: KAUGNAYAN AT KAISAHAN BILANG


MAHAHALAGANG SANGKAP NG PAHAYAG (UNANG BAHAGI)

Kakayahang Diskorsal
Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay ang kakayahang tekstuwal at ang
kakayahang retorikal. Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng isang indibidwal
sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay
instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon. Sa kabilang banda, ang
kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na makibah agi sa
kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain an g iba’t ibang tagapagsalita at
makapagbigay ng mga pananaw o opinion.

Pagpapahaba sa Pangungusap
1. Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Kataga – napahahaba ang pangungusap sa
pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala. at iba pa.
Halimbawa:
May ulam.
May ulam ba?
May ulam pa.
May ulam pa ba?
May ulam pa nga pala.
May ulam naman pala.

2. Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Panuring – napahahaba ang pangungusap sa tulong ng


mga panuring na na at ng.

Page 6 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Halimbawa:
Siya ay anak.
Siya ay anak na babae.
Siya ay anak na bunsong babae.

3. Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Komplemento – napahahaba ang pangungusap sa


pamamagitan ng komplemento o ang bahagi ng panaguri na nagbibigay ng kahulugan sa
pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng komplemento ng pandiwa at tagaganap, tagatanggap, ganapan,
dahilan o sanhi, layon, at kagamitan.

a. Komplementong Tagaganap – isinasaad ang gumagawa ng kilos. Pangungunahan ng


panandang ng, ni,at panghalip.
Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang mga tiring pagkain.
Ibinalot niya ang mga tiring pagkain.
Ibinalot ng kanyang kaibigan ang mga tiring pagkain.

b. Komplementong Tagatanggap – isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos.


Pinangungunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.
Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene at Elyrah.

c. Komplementong Ganapan – isinasaad ang pinangyarihan ng kilos. Pinangungunahan ng


panandang sa at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Namalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito.
Namalagi sila roon.

d. Komplementong Sanhi – isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos. Pinangungunahan


ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan ni Michelle.

Page 7 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

e. Komplementong Layon – isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.


Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa:
Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.

f. Komplementong Kagamitan – isinasaad ang instrumentong ginamit upang maisakatuparan


ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng Internet, napabilis ang pagkuha ng impormasyon.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.

4. Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Pagtatambal – napagtatambal ang dalawang payak na


pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na, at, ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba
pa. Ang mabubuong pangungusap ay tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke ang kaniyang nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang matataas ang kaniyang marka sa mga
pagsusulit.

III. Mga Gawain:


Gawain 1
PANUTO: Ipaliwanag ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng sumusunod: 10 Puntos

Kakayahang
Tekstuwal

Kakayahang
Retorikal

Page 8 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Gawain 2
PANUTO: Bigyang buhay ang sumusunod na mga diyalogo sa pamamagitan ng pagbasa.

Marvin: Ano ba’ng nangyayari sa iyo?


Jolina: Wala kang pakialam!
Marvin: Hindi na kita maintindihan, e!
Jolina: Kailan mo ba ako inintindi!
Marvin: Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandiyan sa
utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung
nasasaktan kita, sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat
dahil kaibigan mo ko e…
Jolina: Yes, kaibigan mo ko… kaibigan mo lang ako… And that’s all I ever was to you,
Ned-your best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka… Tagasunod…
Tagabigay ng advice… Taga enroll, Tagagawa ng assignment… Tagapagpatawa
sa iyo kapag nalulungkot ka… Tagatanggap ng kahit na ano… And I’m so stupid
for making the biggest mistake of falling in love with my best friend… Dahil kahit
kailan hindi mo naman ako makikita, e… Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin
na higit pa sa isang kaibigan …
Marvin: Bujoy… Bujoy…
Jolina: Ngayong alam mo na, I think you can get out of my life!
Marvin: Bujoy, mahal kita! Mahal kita, Bujoy! Mahal na mahal kita kaya siguro duwag
ako… Kung magkarelasyon tayo, paano kung masaktan kita. Baka ‘yung Bujoy n a
kaibigan ko mawala pa… Bujoy hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko…

1. Ano ang kapansin-pansin sa ipinakitang usapan? 5 Puntos

2. Magbigay ng sariling palagay, komento o kuro-kuro. 10 Puntos

Page 9 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

IV. Paglalahat:

TANDAAN
Sa araling ito ng kakayahang pangkomunikatibo, ay nararapat lamang na linangin upang lubos
na maunawaan an gating mensahe’t mithiin. Ating hikayatin ang ating kapawa Pilipinong mag -
aaral na linangin ang kanilang kakayahang komunikatibo. Sapagkat, kailangang taglayin ng
isang taong nagnanais maging epektibong komyunikeytor ang bawat salik ng kakayahang
pangkomunikatibo.

V. Pagtataya:
Panuto: Pahabain ang mga sumusunod na pahayag gamit ang mga paraan sa pagpapahaba ng
pangungusap.

1. Maganda ang Pilipinas…


2. Ihanda mo ang iyong sarili…
3. Nakikita na ang kaunlaran sa Timog Silangang Asya…
4. Dumating ang Pangulo…
5. Mahuhusay ang mga Pilipini…
6. Suportahan ang usapang pangkapayapaan…
7. Paglingkuran ang sambayanan…
8. Bumili ang pamahalaan…
9. Mamumuhunan ang mga dayuhang negosyante…
10. Ipaglaban ang kalayaan…

Inihanda ni:

G. John Ross E. Ignacio


MASTER TEACHER II
PCEHS

Page 10 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikatlong Araw

I. LAYUNIN: Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit n g
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

II.
PANIMULA

KAKAYAHANG DISKORSAL: KAUGNAYAN AT KAISAHAN BILANG


MAHAHALAGANG SANGKAP NG PAHAYAG (IKALAWANG BAHAGI)

Kakayahang Diskorsal
Sa mga nakalipas na aralin, nabatid mo ang unang apat na kakayahang pangkomunakatibong
dapat taglayin ng isang mahusay na komyunikeytor. Sinasabing mas nalilinang at lumalago an g
kakayahang pangkomunikatibo kapag ito ay madalas na ginagamit at nararanasan sa iba’t ibang
konteksto. Bagama’t ang kahalagahan ng bawat salik ng kakayahang pangkomunikatibo ay
nakasalalay sa bawat isa, hindi matatawarang ang bawat salik ay mahalaga at nararapat
lamang pag-aralan. Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o
pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin ng wastong interpretasyon ng napakinggan o
nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.
Masasabi mo bang may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag ng sumusunod?

"Pumunta ako ng palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang hinahanap mo. Isasama kita.
Marami-rami rin ang kanyang kinain. Napaiyak ako sa palabas sa telebisyon."

Noong kapanahunan ni Aristotle, pinaniniwalaang nakatutok ang larangan ng komunikasyon sa


iisang antas lamang, ang pampublikong kominikasyon. Ito marahil ang dahilan kaya nabuo n iya
ang Retorika. Tungkol ito sa epektibong mapanghikayat na pagsasalita sa harap ng madla. Sa
kasalukuyang pag-aaral, binigyang-halaga ang malawak na gampanin ng isang tao sa
pakikipagtalastasan.

May tatlong antas ang kominikasyon, ito ay ang sumusunod:

Page 11 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

a. Komunikasyong Intrapersonal – kung saan nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng


isang tao.

b. Komunikasyong Interpersonal – tumutukoy ito sa pakikipagtalastasan sa ibang tao,


maaaring sa pagitan ng dalawang tao o sa maliit na grupo.
c. Komunikasyong Pampubliko – kung dati rati ay patungkol sa pagtatalumpati o pagsasalita
sa harap ng maraming tao, ngayon ay saklaw na rin ng antas na ito ang komunikasyong
pampolitika, panlipunang pamimili at pagtitinda, pagpapatatag ng samahan, at estratehiyang
pananaliksik.

Itinuturing ding antas ng komunikasyon ang sumusunod:


Media at mga bagong teknolohiyang pangkomunikasyon
Komunikatibong organisasyonal
Komunikasyong intercultural

III. Mga Gawain:


Gawain 1
PANUTO: Noong panahong wala pang makabagong teknolohiya, isang mabilisang paraan ng
pagpapahatid ng mensahe sa isang taong nasa malayong lugar ang paggamit ng telegram. May
kamahalan ang pagpapadala ng telegram, dahil nakadepende ang bayad nito sa dami ng titik na
isasama, kaya napipilitan ang mga nagpapadalang paikliin ang mensahe. Isang hamon n aman
sa tagatanggap ng mensahe ang pag-unawa sa mensaheng nakasaad dito.

Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng komunikasyon sa telegram. Pansinin na pilit itong
pinaigsi.

ME SKIT TAY MO UWI KA

UWI GALING SAUDI AIRPORT 6 14 FLT PR1611

May napansin ka bang pagkakahawig nito sa isang popular na paraan ng pakikipag-ugnayan


natin ngayon?

Page 12 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Kung Oo ang iyong sagot, tukuyin kung anong paraan ito ng pakikipag-ugnayan at ipaliwanag
ang pagkakatulad nila.

Ano sa palagay mo ang mga kabutihang naidulot ng telegrama noong unang panahon?

Ano naman ang mga hindi magandang naidulot nito?

Gawain 2
PANUTO: Ngayon ay subukin nating unawain ang ilan pang mensaheng pang telegram. Isu lat
ang iyong hinuha.

NA AKCDENTE ATE UWI KA

PDALA KA PERA BLI GMOT NAY

Page 13 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Kung minsan, hindi madaling unawain ang mga ganitong uri ng mensahe. Kaya hinihikayat
tayong buoin an gating mensahe sa maayos na paraan upang mas lalo tayong maunawaan n
gating kausap, ito man ay pasulat o pasalita. Nararapat din naman nating unawaing mabuti an g
mensahe n gating kausap upang magkaintindihan tayo.

Sa araling ito ay pag-aaralan natin ang isa pang kakayahang pangkomunikatibong tatalakay sa
pagtiyak sa kahulugan ng mensaheng tinatanggap natin. Gayundin, ang tungkulin nating
gumamit ng mga angkop na pananda upang mas maunawaan tayo n gating kausap.

IV. Paglalahat:

TANDAAN

Kailan ba sinasabing ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo? Paano ba natin
masusukat ang mga kakayahang ito? Ang totoo niyan, magkakaugnay ang mga salik ng
kakayahang pangkomunikatibo at hindi masusukat kung hiwa-hiwalay. Hindi maaaring sabihing
si Pedro ay may kakayahang pragmatic ngunit walang kakayahang sosyolingguwistiko, o kaya
naman, si Maria ay may kakayahang diskorsal pero walang kakayahang lingguwistiko. Ang
kakayahang pangkomunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa. Sinusukat ito sa
pamamagitan ng pagtukoy kung naisakatuparan ang layunin ng pakikipagtalastasan. Dapat
tandaang ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng
kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop
sa mga sitwasyong pangkomunikatibo.

IV. Pagtataya:
PANUTO: Batay sa mga komponent ng kakayahang pangkomunikatibong tinalakay, bubuo ka
ng isang modelong sumisimbolo sa isang mahusay na komyunikeytor. Isulat sa loob ng kahon

Page 14 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

ang mga kakayahang taglay ng isang tao kaya siya tinaguriang epektibong komyunikeytor. Sa
mga linya ay ipaliwanag ang modelong ginawa.

Inihanda ni:

G. John Ross E. Ignacio


MASTER TEACHER II
PCEHS

Page 15 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikaapat na Araw

I. LAYUNIN: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at


panlipunan sa bansa.

II. PANIMULA

PAGSULAT NG SANAYSAY O TALUMPATI BATAY SA PANAHON,


LUGAR, LAYUNIN AT GRUPONG KINABIBILANGAN

Ano ang Sanaysay?


Ito ay paglalahad o pagsasalaysay na iyong kasanayan o karanasan sa isang paksa o isyu.
Malayang pagbibigay ng iyong opinion, kuro-kuro, ideya at palagay sa isang isyu o paksa.

Mga Bahagi ng Sanaysay


1. Pamagat
2. Simula o Introduksiyon
3. Gitna o Katawan
4. Wakas / Kongklusyon

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay


1. Indention
2. Mga Bantas
3. Layunin mo sa pagsulat

Ano ang Talumpati?


Ito ay isang sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran o tumatalakay ng
isang paksa para sa mga tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at
dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang panin indigan.
Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Talumpati


1. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
2. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.

Page 16 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

3. Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag n g mga
ideya sa talumpati.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati


1. Paghahanda
a. Talumpating Maisusulat Pa – ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti sa
paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang interes ng
mga makikinig o manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas.

b. Talumpating Hindi Maisusulat – sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang


bigyan ng talumpati, linawin ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliliit na detalye
bagkus ay lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may kabagalan upang
maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot
nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang.

2. Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig


a. Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung
kaya’t mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito.

3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
a. Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding emosyon,
batay sa kanyang paksa, na siyang pinakamahalagang mensahe ng talumpati.

4. Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig


a. Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng
pagbubuod sa mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-iwan ng
mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.

Iba’t ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda


Impromptu – ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda. Karan iwang
makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng
question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala.

Extempore – sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga


angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas. Ang mga isyu, konsepto o
usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa kaalaman na ng mananalumpati kaya maaari pa
siyang maghanda ng kaunting marka o palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang kaniyang
pagbigkas.

Page 17 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Isinaulong Talumpati – ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna pagkatapos ay isinasaulo
ng mananalumpati. Masusukat dito ang husay ng pagbabalangkas ng manunul at, kaniyang
pagpapaliwanag at tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas.

Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya – higit na mas kaunti ang alalahanin ng manan alumpati
sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap
na naisulat nang mahusay ang mga argumento, at inaasahang naensayo na ang pagbigkas.

III. Mga Gawain:


Gawain 1
PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay laban sa malnutrisyon kung paano ito mabibigyan lu nas.
Tiyaking makapaglalabas ng isa o dalawang pahinang paninindigan para sa kalusugan kaugnay
ng iyong isinulat.

Rubrik sa pagtasa ng sanaysay


Mahusay na natatalakay ang opinyon at saloobin sa paksa - 5 puntos
Mabisang gamit ng wika sa sanaysay - 5 puntos
Tama ang baybay ng mga salita, mga bantas, at kapitalisasyon - 5 puntos
______________
Kabuuan - 15 puntos

Page 18 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Gawain 2
PANUTO: Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpati. Ipahayag ito ng may
angkop na tono at kumpas sa klase.

1. Paglalaan ng maraming oras ng mga estudyante sa online games

2. Pakikipagrelasyon ng kabataan

3. Nightlife o paglilibang sa gabi

Rubriks:
Bilang sariling pagtatasa, sagutin ang sumusunod na rubrik kaugnay ng ginawang talumpati.
Kahandaan - 5 puntos
Kaalaman sa paksa - 5 puntos
Kahusayan sa pagsasalita - 5 puntos
______________
Kabuuan – 15 puntos

IV. Paglalahat:

TANDAAN

Sinasabing ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon,


nakapagpapaunawa, nakapagtuturo at nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga
manonood at tagapakinig. Ang sanaysay naman ay itinuturing na isang lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro-kuro o palagay. Lagi din
natin tandaan na hindi ka nagsusulat para sa sarili mo kundi para sa ibang tao na babasa nito.
Kaya dapat maging maayos ang iyong isusulat at pagsulat.

Page 19 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W5-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

V. Pagtataya:

May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong paningin at kinakailangan mon g
ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay nagbabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa
ikalawang hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang
diksiyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay
ay gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang


Pangungusap

Inihanda ni:

G. John Ross E. Ignacio


MASTER TEACHER II
PCEHS

Page 20 of 20

You might also like