You are on page 1of 8

JUSTICE CECELIA MUNOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL

Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SELF LEARNING MATERIAL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Petsa: Abril 12-16, 2021

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


 Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat. (F11EP – IIId – 36).
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig. (F11PB – IIId – 99)

Layunin
 Nakakaunawa ng mga batayang konsepto ng tekstong nanghihikayat.
 Nakagagamit sa pag-araw-araw na buhay ng mga kasanayan sa pagbabasa ng
tekstong nanghihikayat upang maging mapanuri.
 Nakasusulat ng mga maikling sanaysay na nanghihikayat upang mapabuti pa
ang kalagayan ng sarili at komunidad.
Subukin
Panuto: Punan ang pantulong na grapiko. Isulat sa kahon ng Hangarin ang
iyong posisyon sa isang paksa o isyu na nais mong makita rin o maunawaan ng
iba. Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit ganito ang iyong posisyon.
Pagkatapos, punan ang kahon ng Mga Halimbawa kung sa ano anong paraan
mo maaaring ipakita o ipaunawa sa iba ang iyog posisyon. Maglagay ng mga
suportang ideya na maaaring batay sa iyong opinion, nararamdaman, at mga
impormasyong batay sa katotohanan.
Mga halimbawa
Mga Dahilan

Hangarin
Paano mo pag-uugnay-ugnayin ang iyong mga halimbawa upang suportahan ang iyong
mga dahilan at mahikayat ang ibang tao na paniwalaan o maunawaan ang iyong
hangarin?

Alam mo ba?

Tekstong Nanghihikayat

 Naglalayong manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng


damdamin o simpatiya ng mambabasa.
 Nakabatay sa opinyon at ginagamit upang maimpluwensiyahan ang paniniwala,
pag-uugali, intensiyon, at paninindiganng ibang tao.

Halimbawa
 Talumpati
 Mga Patalastas

Elemento ng Tekstong Nanghihikayat

 Aristotle- isa sa mga Pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat.


- Naniniwala siya na ang wastong pagkakaroon ng tatlong elemento
ng panghihikayat ay mabisang paraan upang mahimok ang mga
mambabasa o tagapakinig na maunawaan at paniwalaan ang
palagay o panig ng mambabasa o tagapagsalita.
 Ayon sa kaniya, may tatlong elemento ng panghihikayat.na mabisang paraan
upang mahimok ang mga mambabasa o tagapakinig na maunawaan.

1. Ethos o karakter- ang karakter, imahe, o reputasyon ng


manunulat/tagapagsalita
 Ethos- salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na
itong angkop ngayon sa salitang “imahe.”
 Ginamit ito ni Aristotle upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng
nagsasalita batay sa paningin ng nakikinig.
 Ito ang nagpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng
tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.
2. Logos o lohika- ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng
Manunulat/Tagapagsalita.
 Logos- tumutukoy sa pangangatuwiran.
 Panghihikayat gamt ang lohikal na kaalaman.
 Pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi
upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
3. Pathos o Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig
 Pathos- tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o
tagapakinig.
 Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang tao.

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat

1. Kredibilidad ng may-akda
2. Nilalaman ng teksto
3. Pagtukoy sa elementong Pathos sa panghihikayat
4. Bisa ng panghihikayat ng teksto

Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat

1. Linawin kung ano ang layunin ng isinusulat na teksto.


2. Unawain ang uri ng mambabasa o tagapakinig na tatanggap ng isinusulat na
teksto.
3. Magsaliksik.

Halimbawa ng Tekstong Nanghihikayat

Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas


Ako si Mary Jane, isa akong biktima ng ipinagbabawal na gamot, dahil sa
kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa isang tao na
bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong, at dahil sa kabaitan niya
sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.
Nakuhanan ng drugs ang dala -dala kong bag na binili ng kaibigan kong nagsama sa akin
sa ibang bansa at hinuli ako ng puis at hinatulan ng kamatayan.
Sa limang taon ng pananatili ko sa loob ng kulingan marami akong nalaman, araw-araw
kong kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila
ay mga kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong
gumagawa ng ipinagbabawal na Gawain, marami anng nagiging biktima at nalilihis ng
landas. Karamihan sa kanila ay itinatakwil ng kanilang pamilya, napapariwara, at
nasisira ang pag-aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamot at
marami na rrin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs.

Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng
ipinagbabawal na gamot o magbebebnta, walang idudulot na Mabuti sa inyo at
masisira pa ang inyong buhay.
Kayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan at magiging bayani ng ating bansa.
Patnubayan nawa kayo ng Poog Maykapal at palaging mapasainyo ang pagpapala ng
Panginoong Diyos magpakailanman. Amen.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Bumuo ng sariling Pagsusuri tungkol sa
teksto at sagutin ang kasunod na tanong.

Mahalaga ang VAT sa Ekonomiya ng Bansa


Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon, dahilan kung
bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternatibong mapagkukunan ng salapi
para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan at mga proyektong pangkaunlaran.
Sinimulan ding palawakin nooong 1992 ang privatization na nagpasok ng malaking
salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine
Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel, at Petron. At ngayon, ang pagpapatupad ng isang
mas mahusay na Sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT o expanded
Value Tax.
Ang EVAt ay hindi laban sa nakararaming Pilipino> Samakatuwid, higit na magiging
maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino dahil dito. Ang tanging sakop nito ay luxury
services o tertiary commodities na karamihan ay pawing mga mayayaman lamang ang
mayroon nitotulad nhg lodge inn sa mga hotel restawran, taxicab, ren-a-
car,advertisement, real state at iba pa.
Hindi sakop ng EVAT ang primary goods na ginagastusan ng karaniwang mamamayan
tulad ng baboy, bigas, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at dyip. ANG EVAT aay
ipinatupad upang mapahuay ang taxation at masugpo ang tax evasion na naglalabas ng
P3B taon-taon sa kaban ng bayan.
Tunay na kailangan natin ng EVAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng
masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa
ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad ng tao.
Kung minsan, sa ating mga Pilipino, mas nauuuna ang reklamo kaysa sa pagdinig ng
problema . kung naois nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matthan
sana nating magsakripisyong pansarili para sap ag-unalda ng Pilipinas.
1. Suriin ang teksto gamit ang mga gabay na tanong sa pagbasa ng tekstong
Tangkilikin natin ang VAT.
nanghihikayat.
Halaw mula sa isang artikulo sa http://edtechbest.wordpress.com
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Nanininwala ka ba na mahalaga ang VAT sa ekonomiya ng bana batay sa


pahayag sa teksto? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________________

Paglalapat
Ano-anong usapin ang laganap sa kasalukuyan? Bumuo ng posisyon tungkol sa
isa sa mga usaping ito at gumawa ng balangkas ng talumpati upang makabuo ng
talumpating mnanghihikayat. Isipin kung anong uri ng target ang tagatanggap o
tagapakinig nito. Ano-ano ang kanilang katangian? Mula rito, gamitin ang tatlong
elemento sa panghihikayat upang mabuto ito. Punan ang tatlong talahanayan.
Isuat ang iyong talumpati batay sa mga iro.
Para sa Ethos, umisip ng imahe ng isang di-tunay na tao na magtataglay ng mga
katangian ng isang taong may krredibilidad na talakayin ang paksa ng iyong
napiling usapin. Isulat naman sa logos at Pathos ang balangkas ng nilalaman ng
talumpati.

Ethos Logos Pathos


(imahe ng (Posisyon sa usapin, layunin , (mga estratehiya kung paano
magbibigay ng at mga suportang detalye o mapupukaw ang damdamin ng
talumpati) impormasyon) tagapakinig upang mahikayat sa
iyong layunin)
Rubrik sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat
Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto
Malinaw ang layuninng teksto
Naisaad ng malinaw ang pangunahing ideya
May kabuluhan ang mga katwirang binanggit sa teksto
Nakabuo ng kapani-paniwalang imahe ng tagapagsalita
Naipamalas sa teksto ang karakter ng tagapagsalita at
nagamit ito bilang bahagi ng elementong ethos ng isinulat
sna teksto
Gumamit ng mga pahayag na nakapupukaw ng damdamin
Nakaugnay sa nais iparating ng teksto

Nakaramdam ng pagsang-ayon o pakikiisa sa layunin ng


teksto
Sumusunod sa wastong balarila at baybay, at mga
panuntunan sa pagsulat ng sanaysay
Kabuuan

Pagtataya

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung MALI ito, isulat
ang salitang nagpapamali sa pangungusap at isulat ang angkop na sagot.

1. Ang tekstong nanghihikayat ay may layuning makapaghimok gamit ang mga


argumentong batay sa wastong pangangatuwiran at mga impormasyong hango
sa katotohanan.
2. Nakabatay sa emosyon ang mga tekstong nanghihikayat.
3. Ayon kay Plato, mahalagang bigyang-diin nag panghihikayat kaysa sa
katotohanan.
4. Ang Pathos ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat.
5. Ang logos ay tumutukoy sa lohikal na kaalaman ng manunulat.
6. Ang Ethos, na pinaghanguan ng salitang eteika ay nabibigay-diin sa imahe ng
tagapagsalita o manunulat.
7. Pangunahing dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat ang
mga tagatanggap nito.
8. Nagsimula sa Italya ang konsepto ng panghihikayat.
9. Ang mga tekstong nanghihikayat ay nakabatay sa lohika.
10. Ang mga tekstong nanghihikayat ay gumagamit ng emosyon.

Sanggunian
Atanacio, H. C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang teksto Tungo sa Pananaliksik. South
Triangle , Quezon City: C E Publishing, Inc.

You might also like