You are on page 1of 7

JUSTICE CECELIA MUNOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL

Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SELF LEARNING MATERIAL
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Baitang 11
Petsa: Marso 22-26, 2021

Kasanayang Pampagkatuto

 Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-c101)

Layunin:
 Naipapaliwanag ang kahulugan, at kalikasan ng akademikong pagsulat.
 Nakabubuo ng sariling pagpapakahulugan ng akademikong pagsulat sa
pamamagitan ng hugot lines o islogan.
 Napapahalagahan ang pagsulat ng akademikong sulatin.

Subukin
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa kwderno
ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayang pangwika ang lumilinang na


maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao?
A. Pakikinig B. Pagbasa C. Pagsulat D. Pagsasalita
2. Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI tumutugon sa mga tinukoy na dahilan
kung bakit nagsusulat ang tao?
A. libangan
B. pagtugon sa trabaho
C. pagsasatitik ng nararamdaman
D. pagtalima sa kagustuhan ng magulang
3. Alin ang itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat dahil
lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang
larangan?
A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel
4. Sa anong uri ng pagsulat mabibilang ang lahat ng pagsasanay na naranasan ng
mga mag-aaral mula sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa
graduate school?
A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. pamanahunang papel
D. akademikong pagsulat
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bahagi ng pagsasanay mo sa
akademikong pagsulat?
A. pananaliksik
B. pamanahung papel
C. paggawa ng sanaysay
D. pagsulat ng gabay sa pagtuturo

Balikan
Panuto: Magtala ng iba’t ibang sulatin na iyong naisagawa noong ikaw ay nasa Junior
High School pa lamang. Maaaring mula sa asignaturang Filipino, Ingles o kaya
naman mula sa Agham o iba pang asignatura.

Filipino Ingles Agham/iba pa

Sagutin:

1. Ano ang pinakagusto mong isulat sa mga ito? Bakit?


2. Alin naman ang pinakaayaw mong isulat? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang layunin ng isang guro para sa isang mag-aaral na
katulad mo na pasulatin ng mga nabanggit na sulatin?
Alam mo ba?

PAGSULAT

Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin,


paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

 Akademikong Pagsulat- ayon kay Mabilin (2012), ito ay uri ng pagsulat na higit na
mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat.
- itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat dahil lubos na
pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.
- nangangailangan ito nang higit na mataas na antas ng kasanayan at pag-iisip
ang ganitong uri ng pagsulat kaya lubos na malilinang ang iyong kakayahan sa
kritikal na pag-iisip, pangangalap ng impormasyon, pag-organisa ng mga ideya
at kakayahang magsuri ng iba’t ibang akademikong sulatin

Pagyamanin

Makipag-usap sa isa mong kamag-aral. Maaaring sa pamamagitan ng text o


chat kung hindi makapag-uusap nang personal. Magpalitan ng inyong pagkaunawa
hinggil sa akademikong pagsulat. Batay sa inyong napag-usapan, bumuo ng sariling
pagpapakahulugan sa akademikong pagsulat. Maaaring ito ay hugot-lines, islogan o
ano pa mang higit na lilinang sa inyong interes.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos
Kompleto ang diwa at pagpapakahulugan sa akademikong sulatin 10

Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at angkop ang 5


paggamit ng wika.

Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang sulatin. 5

Kabuuan 20

Isagawa

Panuto: Bilang mag-aaral ng Academic Track sa Senior High School, tiyak na nahasa
ka na sa iba’t ibang uri ng sulatin. Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba,
ipaliwanag ito:

“Ang akademikong pagsulat ang itinuturing na pinakamataas na antas ng


intelektuwal na pagsulat.”

Pamantayan sa Pagmamarka

20 15 10 5
Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang ilang Hindi nakasunod
makabuluhang impormasyon ang impormasyon sa sa hinihinging
impormasyon ang nabuong nabuong impormasyon ang
nabuong paliwanag paliwanag. paliwanag. nabuong
paliwanag.
Isaisip
Bakit mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral na katulad mo ang kahulugan at
kahalagahan ng akademikong pagsulat? Sa ano-anong pagkakataon magiging
makabuluhan ang iyong kasanayan sa pagsulat nito? Sagutin gamit ang panimulang
pahayag na, “Naniniwala ako...”

Naniniwala ako na mahalagang_______________________________________________________


________________________________________________________________________________

Naniniwala akong magiging makabuluhan_______________________________________________


________________________________________________________________________________.

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga kalagayan. Pagkatapos,
punuan ang mga patlang ng angkop na mga salita upang makumpleto ang diwa ng
bawat sitwasyon.

1. Nais ni Kyle na malinang pa ang kanyang kasanayan sa pinakamataas na antas ng


pagsulat. Kaya naman kailangan ni Kyle na magsanay sa pagsulat
ng_______________.
A. pananaliksik C. pamanahunang papel
B. teknikal na pagsulat D. akademikong pagsulat

2. Taglay ni Vernice ang mapanuring pag-iisip, kakayahang mangalap ng


impormasyon,
mag-organisa ng mga ideya at kakayahang magsuri ng iba’t ibang akademikong
sulatin. Patunay lamang ito na may kasanayan siya sa_____________.
A. pananaliksik C. akademikong pagsulat
B. teknikal na pagsulat D. pamanahong papel
3. Higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ang __________ ay
itinuturing
din napinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.
A. pananaliksik C. akademikong pagsulat
B. teknikal na pagsulat D. pamanahong papel
4. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa
elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school ay maituturing na
bahagi ng __________________.
A. pananaliksik C. akademikong pagsulat
B. teknikal na pagsulat D. pamanahong papel

5. Kumukuha ng Academic Track sa HUMSS strand si Ej. Sa simula pa lang ay


nagbigay na ang guro ng mga pangangailangan ng buong klase sa pagsulat ng iba’t
ibang uri ng
akademikong sulatin. Kaugnay nito, ang pahayag na _________ ay HINDI tumutugon
sa maaaring sabihin ng guro tungkol sa akademikong pagsulat.
A. higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat
B. ordinaryong uri ito ng pagsulat, kaya’t maaaring sulatin ng lahat
C. ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.
D. pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Sanggunian
Corazon L. Santos, Gerard P. Concepcion, Ronel O, Laranjo. (2018). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Pasig City: Vicarish Publications and Trading, Inc.
FILIPINO 12_Q1_Mod1_Akademik.pdf

You might also like