You are on page 1of 11

Filipino 12

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ang Akademikong Pagsulat

Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1
Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Ang Akademikong Pagsulat
1
Inaasahan
Kumusta ka na? Handa ka na ba sa mga gawaing kaugnay ng modyul na ito?
Ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa akademikong pagsulat? Sa araling ito,
bilang mag-aaral ay matututuhan mo ang kahulugan, at kahalagahan ng
akademikong pagsulat. At sa kursong iyong kinukuha, higit mong kakailanganin
ang kasanayan tungkol dito.

Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw mag-aaral ay inaasahang:


Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa kwderno


ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayang pangwika ang lumilinang


na maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng
tao?
A. pakikinig
B. pagbasa
C. pagsulat
D. pagsasalita

2. Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI tumutugon sa mga tinukoy na


dahilan kung bakit nagsusulat ang tao?
A. libangan
B. pagtugon sa trabaho
C. pagsasatitik ng nararamdaman
D. pagtalima sa kagustuhan ng magulang

3. Alin ang itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat


dahil lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t
ibang larangan?
A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel
4. Sa anong uri ng pagsulat mabibilang ang lahat ng pagsasanay na naranasan
ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa
graduate school?
A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. pamanahunang papel
D. akademikong pagsulat

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bahagi ng pagsasanay mo


sa akademikong pagsulat?
A. pananaliksik
B. pamanahung papel
C. paggawa ng sanaysay
D. pagsulat ng gabay sa pagtuturo

Balik-Tanaw

Panuto: Magtala ng iba’t ibang sulatin na iyong naisagawa noong ikaw ay nasa
Junior High School pa lamang. Maaaring mula sa asignaturang Filipino,
Ingles o kaya naman mula sa Agham o iba pang asignatura.

Filipino Ingles Agham/Iba Pa

Sagutin:

1. Alin ang pinakagusto mong isulat sa mga ito? Ipaliwanag.

2. Alin naman ang pinakaayaw mong isulat? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang layunin ng isang guro para sa isang mag-
aaral na katulad mo na pasulatin ng mga nabanggit na sulatin?
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayang dapat mahubog sa bawat mag- aaral. Sa pamamagitan ng
pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng
paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o
sulatin.

Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang kaugnay ng Akademikong


Pagsulat. Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang iyong kasanayan at kaalaman sa pagsulat gamit ang
akademikong Filipino kung saan bibigyang pansin ang kahalagahan ng mga batas sa paggamit ng wikang
Filipino. Higit mong kakailanganin ang mga kasanayang ito sa kursong iyong kinukuha.

Ang Akademikong Pagsulat


May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Maaaring ito ay nagsisilbing
libangan para sa iba, sa mag-aaral namang tulad mo, kalimitang ang dahilan ng
pagsusulat ay matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral sa pagsasatitik ng
inyong mga naiisip at nararamdaman. Para sa mga propesyonal naman tulad ng
awtor, peryodista, sekretarya, guro, at iba pa, nagsusulat sila bilang pagtugon sa
trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan.

Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula


sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school ay maituturing
na bahagi ng akademikong pagsulat. Kabilang dito ang paggawa ng sanaysay,
pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng
pamanahunang papel, tesis, at pananaliksik.

Ayon nga kay Mabilin (2012), ang akademikong pagsulat ay uri ng pagsulat na higit na mahalaga
kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na
pagsulat dahil lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.
Samakatuwid, nangangailangan nang higit na mataas na antas ng kasanayan at pag-iisip ang
ganitong uri ng pagsulat kaya lubos na malilinang ang iyong kakayahan sa kritikal na pag-iisip,
pangangalap ng impormasyon, pag-organisa ng mga ideya at kakayahang magsuri ng iba’t ibang
akademikong sulatin.
Gawain 1

Makipag-usap sa isa mong kamag-aral. Maaaring sa pamamagitan ng text o


chat kung hindi makapag-uusap nang personal. Magpalitan ng inyong pagkaunawa
hinggil sa akademikong pagsulat. Batay sa inyong napag-usapan, bumuo ng
sariling pagpapakahulugan sa akademikong pagsulat. Maaaring ito ay hugot-lines,
islogan o ano pa mang higit na lilinang sa inyong interes. Maaari kayong gumuhit
o magdikit sa inyong kwaderno ng larawan ng anumang bagay na paborito ninyo
upang pagsulatan para maging malikhain ang inyong gawain.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS

Kompleto ang diwa at pagpapakahulugan sa akademikong sulatin 10

Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at angkop ang 5


paggamit ng wika.

Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang sulatin. 5

KABUUAN 20

Gawain 2 (Mapanuring Pag-iisip,


Pakikipagtalastasan)

Panuto: Bilang mag-aaral ng Academic track sa Senior High School, tiyak na


nahasa ka na sa iba’t ibang uri ng sulatin. Basahin at unawain
ang pahayag sa ibaba, ipaliwanag ito.

“Ang akademikong pagsulat ang itinuturing na


pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.”
.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

20 15 10 5

Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang ilang Hindi nakasunod


makabuluhang impormasyon impormasyon sa sa hinihinging
impormasyon ang ang nabuong nabuong impormasyon
nabuong paliwanag. paliwanag. ang nabuong
paliwanag paliwanag.

Tandaan

Tuwina ay isaisip na ang taong nagsasagawa ng akademikong pagsulat ay


nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at kaalaman tungkol sa isang tiyak na
paksa sa pamamagitan ng kanyang isinusulat. Kaya naman mahalaga na
marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan sapagkat maituturing na
nakaaangat siya sa iba dala na rin ng kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng
edukasyon at pagtatrabaho.

Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag-


aaral na matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong
pagsulat upang maging handa at magaling sa iba’t ibang disiplina.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Ibahagi ang iyong natutuhan tungkol sa akademikong pagsulat. Gamit ang
kasanayan sa pagiging mapanuri, maglahad kung paano ito makatutulong
sa isang mag-aaral na katulad mo.
pagsulat
Ang akademikong
Naniniwala ito sa akin bilang mag-
ako na aaral sapagkat
makatutulong

.
.

Repleksiyon sa Aralin
Lorena S. Club (Guro, T.P. 2019-2020
October 30,2019

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga kalagayan. Pagka-


tapos, punuan ang mga patlang ng angkop na mga salita upang makum-
pleto ang diwa ng bawat sitwasyon. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik
ng tamang sagot.
1. Nais ni Kyle na malinang pa ang kanyang kasanayan sa pinakamataas na
antas ng pagsulat. Kaya naman kailangan ni Kyle na magsanay sa pagsulat
ng .
A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. pamanahunang papel
D. akademikong pagsulat

2. Taglay ni Vernice ang mapanuring pag-iisip, kakayahang mangalap ng


impormasyon, mag-organisa ng mga ideya at kakayahang magsuri ng iba’t
ibang akademikong sulatin. Patunay lamang ito na may kasanayan siya
sa_ .
A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

3. Higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ang ay


itinuturing din na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.
A. pananaliksik
B. akademikong pagsulat
C. teknikal na pagsulat
D. pamanahunang papel

4. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula


sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school ay
maituturing na bahagi ng _ _.
A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

5. Kumukuha ng Academic Track sa HUMSS strand si Ej. Sa simula pa lang ay


nagbigay na ang guro ng mga pangangailangan ng buong klase sa pagsulat
ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin. Kaugnay nito, ang pahayag na
ay HINDI tumutugon sa maaaring sabihin ng guro tungkol sa
akademikong pagsulat.
A. higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat
B. ordinaryong uri ito ng pagsulat, kaya’t maaaring sulatin ng lahat
C. ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat
D. pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Bakit mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral na katulad mo ang


kahulugan at kahalagahan ng akademikong pagsulat? Sa ano-anong pagkakataon
magiging makabuluhan ang iyong kasanayan sa pagsulat nito? Sagutin gamit ang
panimulang pahayag na, “Naniniwala ako...”

Naniniwala ako na mahalagang

.
Naniniwala akong magiging makabuluhan

.
Sanggunian

Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling


Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Mabilin, E. R. et.al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal


na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

AKADEMIK

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lorena S. Club, MT2
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD, MT2
Tagaguhit: Ej Shawn Ashley David
Tagalapat: Jamil Q. Carvajal
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang
(Akademik) Unang Markahan-
Unang Linggo Modyul 1

Unang Pagsubok Gawain 1 at 2: Pangwakas na


Maaaring magkaiba-iba Pagsusulit
1. C ng sagot. Sumangguni
2. D
sa Pamantayan sa 1. D
3. C 2. C
Pagmamarka
4. D 3. B
5. D 4. C
5. B

You might also like