You are on page 1of 21

TEKSTONG NARATIBO

TEKSTONG NARATIBO
Pagsasalaysay o pagkukwento ng mga
pangyayari sa isang lugar at panahon o sa
isang tagpuan nang may maayos na
pagkasunod – sunod mula simula hanggang
katapusan.
IBA’T IBANG URI NG NARATIBO
Maikling Kwento Epiko
Nobela Dula
Kwentong Bayan Anekdota
Mitolohiya Parabula
Alamat Science Fiction
IBA’T IBANG PANANAW O PUNTO DE VISTA
(POINT OF VIEW) SA TEKSTONG NARATIBO
1. UNANG PANAUHAN
Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ;
gumagamit ng panghalip na ako.
2. IKALAWANG PANAUHAN
Mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhan ; gumagamit ng mga panghalip na
ka at ikaw.
3. IKATLONG PANAUHAN
Isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa mga tauhan ; ang panghalip
na ginagamit sa pagsasalaysay ay siya.
MAY TATLONG URI NG IKATLONG PANAUHAN:
Maladiyos na panauhan – nababatid niya ang iniisip at galaw ng
lahat ng mga tauhan.

Limitadong panauhan – nabatbatid niya ang iniisip at ikinikilis ng


isa sa mga tauhan

Tagapagobserbang panauhan – hindi niya napapasok o nababatid


ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
4. KOMBINASYON NG PANANAW O PANINGIN
Hindi lang iisa ang tagapagsalaysay
kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin
ang nagagamit sa pagsasalaysay.
DALAWANG PARAAN KUNG PAANO INILALAHAD O
IPINAPAHAYAG NG MGA TAUHAN ANG KANILANG
DIYALOGO, SALOOBIN, AT DAMDAMIN:
1. DIREKTA O TUWING PAGPAPAHAYAG
Ang tauhan ay direkta o tuwirang
nagsasabi ng kanyang diyalogo,
saloobin, damdamin; ito ay ginagamitan
ng panipi.
2. DI DIREKTA O DI TUWIRANG PAGPAPAHAYAG
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa
sinasabi, iniisip o nararamdaman ng
tauhan.
ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO
1. TAUHAN
Ang tauhan ang siyang kumikilos sa kuwento.
Siya ang gumagawa ng mga desisyon na
nagpapatakbo sa salaysay.

May dalawang paraan sa pagpapakilala sa tauhan


: Expository at Dramatiko.
ANG MGA KARANIWANG TAUHAN SA MGA AKDANG
NARATIBO
Pangunahing Tauhan – bida ; sa kanya umiikot ang
kwento mula simula hanggang sa katapusan.
Katunggaling Tauhan – kontrabida ; siya ay ang
sumasalungat at kumakalaban sa bida.
Kasamang Tauhan – kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan.
Ang May – Akda – ang pangunahing tauhan at ang may
akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng akda.
DALAWANG URI NG TAUHAN AYON KAY E.M. FORSTER
Tauhang Bilog (Round Character) – isang tauhan na may
multidimensional o maraming saklaw ang personalidad ;
nagbabago ang ganitong tauhan hanag tumatakbo ang
kwento.

Tauhang Lapad (Flat Character) – tauhang nagtataglay ng


iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o
predictable. Karaniwang hindi nagbabago ang katangian
ng tauhang ito.
2. TAGPUAN AT PANAHON
Tinutukoynito ang tagpuan ng kwento at
panahon kung kalian ito naganap gayundin
ang damdaming umiiral sa kapaligiran nang
maganap ang pangyayari.
Ang3.tawag sa maayos na daloy o pagkasunod – sunod ng
BANGHAY
pangyayari:
Orientation or Introduction
Problem
Rising Action
Climax
Falling Action
Ending
Anachrony – pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkasunod – sunod. Mauuri ito sa tatlo:

Analepsis (Flashback) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring


naganap sa nakalipas.
Prolepsis (Flash – Forward) – ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap palang sa hinaharap.
Ellipsis – may mga puwang o patlang sa pagkakasunod – sunod ng
mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay
na tinanggal o hindi sinama.
4. PAKSA O TEMA
Ito ang sentral
na ideya kung saan
umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo.
Ipinasa Nila
April Pauleen Costales
Nhokia Diane Rabara
Carlo Raganit
Rosie Palce

You might also like