You are on page 1of 11

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
proyektong panturismo
Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa
akdang napakinggan F7PN-Ic-d-2
Paksa: Aralin 2: Natalo Rin Si Pilandok (Pabula)

Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas


na Paaralan
Mga Awtor: Arlene G. Baisa –Julian, Nestor S. Lontoc, CarmelaEsguerra- Jose, Alma M.
Dayag (Awtor – Koordineytor)

Panuto: Magbigay ng sariling ideya o pananaw tungkol


Simulan Natin sa panluluko o scam? Alamin kung paano nga ba ito
isinasagawa.

Dugo - dugo

Budol-budol

Tanong: Paano kaya makakaiwas sa mga taong mapanlinlang o manloloko?


Laglag barya

ALAM MO BA?
Ang pilandok o “Philippine mouse-dear” ay isang maliit na hayop. Halos
isang piye (1foot) lang ang taas nito kapag nakatayo. Bagama’t
tinatawag itong mouse-deer at medyo nahahawig sa usa ay hidi ito
kapamilya ng mga usa (cervidae family) dahil kabilang ito sa tinatawag
na chevrotain family. Bagama’t karaniwan itong matatagpuan sa mga bayan sa timog kanlurang
Palawan, higit na nakilala ang Pilandok mula sa mga pabulang Merano kung saan ito inilalarawan
bilang mapanlinlang, mapamaraan at tuso na lagging nanlilinlang sa mga makakasalumuha niya
tulad
1 ng buwaya, unggoy, baboy ramo, at maging ng sultan. Kung ang mga Tagalog ay may Juan
FE DEL
Tamad, ang mga MUNDO NATIONAL
Meranao namanHIGH SCHOOL
ay may Pilandok.
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO

Ikaw, tayo, Paano nga ba natin pinahahalagahan ang ating mga alagang hayop?

PAYABUNGIN NATIN Panuto: Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng


salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa
pangungusap.

1. Isang baboy-ramo ang nakatagpo sa malalabay na sanga kaya’t hindi ito nakita dahil sa
malaalgong dahong tumatakip dito.
2. “ Ang matikas na baboy- ramong tulad mo ay nababagay lamang kumainng isang matipunong
tao”, ang pambobola ni Pilandok sa baboy-ramo.
3. Sinagpang ng buwaya ang paa ni pilandok subalit hindi na ito napaghatang nasaktan kahit pa
sinunggaban siya nito.
4. Mabuti na lang at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang mabigat at
malaking buwaya.

2
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


5. Ipinagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayop laban kay Pilandok

BASAHIN NATIN:
Aralin 2: Natalo Rin Si Pilandok
(Pabula)

subalit lalo nilang ipinagdiwang ang narinig na pagbabago ni Pilandok.


Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na
panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi
siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang
panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa kanya.
Isa kaya itong malaki at makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya natalo ang
Pilandok? Halina’t iyong alamin. Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang
matalinong pilandok na magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig
at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng
malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang makita niya
ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at
humarang sa daraanan ng
pilandok. “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong
hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang aking magiging hapunan,”
ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at
pangil na baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na
magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata. “Kawawa ka
naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awing-awa nga sa
kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam mo, sa gutom mong
iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito.

“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng
baboy-ramo. “Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis
na nag-iisip. “Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap
ng isang taong tiyak na makabubusog sa iyo”. ang paniniyak nito. “Ano ba ang tao? Tiyak ka
bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo. “Ang tao ang pinakamalakas na hayop
sa buong mundo,” ang sagot naman ng  pilandok. “Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng
baboy-ramo habang hinihipan at pinalalaki ang kanyang dibdib. “Oo, malakas talaga ang tao
subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong tumakbo, tiyak na kayang-kaya
mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-ramo. Nahulog na
nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok.

3
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


Paniwalang-paniwala ito sa kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo
na ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng tao
ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok. “Oo, basta, ako ang
bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng pilandok sa baboy-ramo.
Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon. Nakarinig
sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang isang batang
lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban
at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo. “Kaibigan, hindi pa iyan ang tao.
Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan diyan,” ang sagot ng pilandok. “Kung
gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong ng
baboy-ramo. “Doon, sag awing hilaga,” ang sagot ng pilandok.

Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking
nagtatanim. Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston. “Iyan
na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi ako
matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo. “Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka
mabubusog diyan. Tira-tirahan na lang iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na baboy-
ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok. Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan
ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh.
Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok.“Huwag! Huwag, kaibigan.
Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang sabi ng pilandok sabay turo sa
isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat.

“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang
kumain ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising
sabi ng pilandok. “Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo
sabay sugod sa nabiglang mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay
mabilis pa rin itong nakabangon at napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-
ramo. Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding
uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-inom.
Tahimik na umiinom ang pilandok nang bigla niyang maramdamang may sumunggab sa
kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na niyang
nalinlang. Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi siyang
pinipigilang umiinom sa batis.

Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong


pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng
patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-uuyam na sabi ng pilandok. Subalit hindi siya
binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya ngayon ay natuto na siya.
Baka isa na namang patibong ito ng pilandok. Subalit hindi tumigil doon ang pilandok.

4
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


“Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat-kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na
sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang binitawan ng buwaya ang kagat-kagat nap aa ng
pilandok. Akmang susunggaban n asana nito ang isang paang itinaas ng pilandok nang mabilis
itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong
pilandok

Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit
ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya ang suso
sa isang karera at anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-
kaya niyang talunin ang pilandok. Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian
ng mga hayop ang kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang
araw na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga
kapatid. Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-
parehong itsura.

Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang
pilandok. Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay
anong laking gulat niya nang magsalita ang suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong
nito. Gulat na gulat sa kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na
tumakbo uli ang pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila
sa pagod. Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang mga hayop
bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang
mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin
niya ang isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang munting
suso. Kinamayan niya ang suso at buong pagpapakumbaba niyang sinabi,”Suso, kung sa
paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako.

Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang
ginagawa kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay
Pilandok.

SAGUTIN NATIN

5
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang pinakaangkop na paglalarawan para kay Pilandok, matalino nga ba mapanlinlang?
Patunayan sa pamamagitan ng mga ginawa niya sa binasang pabula.
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay, nararapat nga
kaya ang ginawa niyang panlilinlang sa baboy-ramo? Kung ikaw si Pilandok, ano ang
gagawin mo para makaligtas ka na maging hapunan ng baboy-ramo nang hindi mo ito
kailangang ipahamak?
3. Bakit kaya galit na galit ang buawaya kay Pilandok? At bakt naman galit din si Pilandok sa
buwaya? Sa paanong paraan muling naisahan ni Pilandok ang buwaya?
4. Sa paanong paraan napagtanto ni Pilandok ang kanyang pagkakamali? Sino ang nakatulong sa
kanya upang maimulat siya sa kanyang pagkakamali?
5. Kung ikaw ay tulad ni Pilandok na mahilig manlinlango manloko ng iyong kapwa, ano ang
kailanngang baguhin mo upang hindi dumating ang araw na pagsisihan mo ang mga
kasamang ginagawa mo/
6. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kay Pilandok kung magpapatuloy pa rin siya sa
pagiging mapanlinlang? Magbigay ng patunay batay sa mga nababasa o napapanood mong
nangyayari sa mga taong nanloloko o nanlilinlang sa kanilang kapwa?

KALIGIRANG
ALAMIN NATIN
PANGKASAYSAYAN NG
PABULA
Ang pabula ay nagmula sa salitang
Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth o “mito.”

Nagsimula ito sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t –ibang henerasyon hanggang sa


kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon
sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan. Ang ilan sa mga naunang kilalang koleksyon o
kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga bansa sa silangan. Ang iba pang koleksyon
ay nagmula naman sa mga Griyego at romano kung saan masasalamin sa mga paksa nit ang mga
elementong panrelihiyon.
Sa pagdaan ng panahon ay isinilang ang pabula ni Aesop na gumamit ng mga hayop na
nagsasalitang parang mga tao bilang pangunahing tauhan. Si Aesop na isang Griyego at pinaniniwalang
isinilang sa mga taong 620 BCE ay itinuturing na ama ng mga sianunang pabula( ancient fables). Si
Aesop na sinasabi ring isinilang na kuba ay lumaking isang alipin subalit pinagkalooban ng kalayaan

6
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


ng kanyang amo at hinayaang sa mga tao (Sa panahong iyon, ang mga alipin ay walang karapatang
lumalabas at makisalamuha sa iba maliban na lamang kung may pahintulot ang kanilang amo.) Dito
lumabas at nakilala ang kanyang taglay na talino at galing sa pagsulat at pagkukuwento. Tinatayang
siya ay naaksulat ng mahigit 200 pabulasa kanyang buong buhay.
Marami pang ibang manunulat ang sumunod na sumulat ng pabula at nakilala rin dahil sa
kanilang mga likha. Kabilang sa mga ito sina Babrius, isang manunulat ng koleksiyon ng mga pabulang
nasusulat sa wikang Griyego; Phaedrus na kinikilalang kauna-unahang nagsalin sa Latin ng mga
pabulang hango sa mga Aesop; gayudin sina Romulus, Socrates, Phalacrus, Planudes. Kabilang din sa
mga nagpalaganap ng pabula sa kani-kanilang kapanahunan sina Odon ng Cheriton noong 1200, Marie
De France noong 1300, Jean La Fontaine noong 1600, GE Lessing noong 1700, at Ambrose Bierce
noong 1800.
Ang mga pabula ay lumaganap na rin sa iba’t ibang bansa kabilang an gating bansa. Naging
laganap ito maging bago pa dumating ang mga mananakop. Nagamit din n gating mga ninuno ang mga
kuwento at aral na taglayng mga pabula sa pagtuturo ng kagandahang –asal at mabuting pamumuhay sa
mga tao lalong – lalo na sa kabataan.
Sa mga tauhang hayop ng pabula masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao tulad
npagiging malupit , makasarili, mayabang, tuso madaya at iba pa. Itinuturo din ng mga pabula ang
tama,at mabuti, makatarungan, makataong pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ang mga pabula ay
lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na “pambata lamang” sapagkat
ang mga ito’y nangangailanangan ng pag-unawa sa mga katangian ng mga tauhang hayop at pag-
uugnay ng mga ito sa kahawig na katangian ng mga tao upang maging epektibo ang paghahambing.
Mahalaga rin makilatis ang mga aral o mahahalagang kaisipang taglay ng mga ito.

GAWIN NATIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Bakit kaya patuloy na lumagaanap ang mga pabula kahit pa ang mga nauanng pabula sa paraang
pasalita lamang nagpasalin –salin sa bawat henerasyon?
2. Ano – ano ang katangian ng pabula noon at ngayon? Paano nagkaiba ang mga ito?
3. Ano ang pinatutunayan ng mahaba at makulay na kasaysayan ng pabula?
4. Kung makakausap mo si Aesop at ang iba pang manunulat na nagsisulat ng mga pabula, ano ang
sasabihin mo sa kanilang ginawang pagpapalaganap sa mga pabula?

7
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


5. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula? Paano makakatulong ang mga aral na taglay nito sa
pang-araw-araw na pakikisalimuha natin sa ating kapawa?

Unang Markhan sa Filipino 7

  Pangalan: Petsa:

Baitang at Pangkat : Iskor:

Kasanayan sa Pagkatuto: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang


napakinggan F7PN-Ic-d-2

Gawain A
Panuto: Maghinuha batay sa kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang
napakinggan at magbigay ng sariling paliwanag mula sa hinuha.

8
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


1. Kung magpapatuloy si Pilandok sa ginawang panlalamang o panloloko sa mga kapawa niya
hayop
A. iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya
B. mapipili siyang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop ang mga halimbawa niya
C. pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop
dahil

2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyari sa susunod na mag-
krus uli ang landas ng dalawa?
A. Hindi na pakawalan nang buhay ng buwaya si pilandok
B. Muli na naming maiisahan ni Pilandok ang buwaya
C. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya
dahil

3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano kayang
mensahe ang ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
A. Pumusta kami kay Suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap an
premyo
B. Tama lang na nangyari iyan sa’yo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa
mo kapag ikaw naman ang nanlilinlang sa kanila.
C. Ang galing mo talaga, Pilandok! Ikaw ang “idol” naming mga hayop dito
dahil

4. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong
katangian ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
A. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kalian siya
magpapakumbaba
B. Masipag din pala si Pilandok at gagawin niya ang makakaya para makatulong sa kapwa
hayop
C. Mahusay talagang makisama at maasahan ng maraming hayop ang mabait na si
Pilandok
dahil

5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa harap ng


kanyang kapwa hayop, ano kaya ang mangyayari.

9
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


A. Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya’y nagipit
B. Iiwas na si Pilandok na manlinlang o manloko ng ibang hayop
C. Hindi na ipapakita o ipaaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng kapwa niya.

Gawain B
Panuto: Ipaliwanag ang maaaring dahilan kung bakit binibigyang diin ng manunulat ang
mga kaisipan.
1. Si Pilandok ay isang nilalang na laging nag-iisip ng paraan kung paano makapanlilinlang o
makapanloloko ng kanyang kapwa.
Paliwanag:

2. Ang matamis na dila o ,maboladas na pananalita ay karaniwang nakaakit sa iba kaya sila
nagiging biktima ng mga manloloko.
Paliwanag:

3. ang masipag na nilalang ay nagagantimpalaan.


Paliwanag:

4. “Tuso man ang matsing , napapaglamangan din.” Napatunayan ito ni Pilandok nang siya
naman ang malinlang nang mas maliit na nilalang kaysa sa kanya.
Paliwanag:

5. Maging matalino at kilalanin munang mabuti ang isang tao bago maniwala upang di matulad
kina Baboy-ramo at Buwaya na naging biktima ng isang manloloko.
Paliwanag:

GAWAIN C
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat kahon
1. Isang hayop na maliit na halos isang piye (1 foot ) lang ang taas nito kapag nakatayo.

10
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7

MGA AKDANG PAMPANITIKAN : SALAMIN SA MINDANAO


2. Itinuturing na ama ng mga sianunang pabula (ancient fables)

3. Isang maliit na hayop na napakakupad kumilos pero siya ang nakatalo kay pilandok sa isang
paligsahan sa pagtakbo

4. Mabangis na baboy na may mga pangil

5. Katangiang taglay ni Pilandok sa pabula

11
FE DEL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
B.DEL MUNDO,MANSALAY ORIENTAL MINDORO

You might also like